Uploaded by Hiworld

AP10 Enhanced Q1 W7

advertisement
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Disaster Prevention and Mitigation
1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Prevention and Mitigation
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
MaryAnn B. Silay, Emy A. Tingson, Maria Czarina Mae Y. Cabajon
Lesie A. Terio
Gemma F. Depositario EdD
Mark Dave M. Vendiola
Aileen Rose N. Cruz
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V
Joelyza M. Arcilla EdD
Marcelo K. Palispis EdD
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD
Rosela R. Abiera
Maricel S. Rasid
Elmar L. Cabrera
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address:
Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #:
(035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address:
negros.oriental@deped.gov.ph
i
Alamin
Most Essential Learning Competency (MELC):
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan
(AP10MHP-Ii-16)
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng modyul, dapat mong:
K: Nalalaman ang nakapaloob sa unang yugto ng Disaster
Prevention and Mitigation
S: Nasusuri kung anu-ano ang mga hazard, mga risk at sino ang
maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad
A: Napapahalagahan ang mga impormasyon na nakukuha sa
pagbuo ng CBDRRM Plan ang isang pamayanan
Sa pagkakaroon ng masikip na lugar dagdagan pa ng madaming
basura ay maaaring pagkukunan ng iba’t ibang sakit, kaya mula sa mga
impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging
handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Dahil
dito, bubuo ng hakbang ang CBDRRM upang maging handa ang mga
mamamayan sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad.
1
Subukin
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang pag-aralan. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa mga aralin sa
modyul na ito.
PANUTO: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa kuwaderno (pretest)
1.
Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar
kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang particular na panahon
A. Hazard Assessment
C. Capability Assessment
B. Vulnerability Assessment
D. Risk Assessment
2.
Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito
sa isang komunidad.
A. Speed of Onset
B. Forewarning
C. Force
D. Lawak
3.
Anong Approach ang ginagamit sa pagsasagawa ng Hazard Assessment?
A. Top-down Approach
C. CBDRRM Approach
B. Bottom-up Approach
D. Statistical Approach
4.
Ano ang tawag sa dalas ng pagdanas ng hazard na nagaganap taon taon, o isang beses
sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang?
A. Frequency
B. Duration
C. Intensity
D. Manageability
5.
Dito tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o
bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
A. Vulnerability Assessment
C. Hazard Assessment
B. Risk Assessment
D. Capacity Assessment
6.
Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard maging pisikal o
materyal, panlipunan, at pag-uugali
A. Capacity Assessment
C. Vulnerability Assessment
B. Hazard Assessment
D. Risk Assessment
7.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng pagsasagawa ng risk
assessment?
A. Pagtatala ng mga hazard
B. Pagtukoy kung alin ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensiyon
C. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction management plan
D. Nangangalap ng iba’t ibang donasyon upang makabangon muli sa hinaharap na
suliranin
2
8.
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa
tao at kalikasan
A. Risk Assessment
C. Hazard Assessment
B. Vulnerability Assessment
D. Risk Assessment
9.
Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging
ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard
A. Structural Mitigation
C. Non-Structural Mitigation
B. Element at risk
D. People at Risk
10. Ito ay pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito
umuusbong sa isang lugar.
A. Katangian
C. Pagkakilanlan
B. Manageability
D. Saklaw
Balikan
Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating kaalaman at pag-unawa
tungkol sa mga dalawang approach sa pagbuo ng disaster risk reduction and
management plan.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat anjg iyong sagot sa kwaderno.
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng CBDRRM sa
ating pang araw- aaw na gawain.
2. Bakit kinakailangan ang partisipasyon ng lahat ng
mga sektor sa pagplano at implementasyon ng
mga gawain na may kaugnayan sa disaster
risk?
3
Tuklasin
I.
Disaster Prevention at Mitigation
A. Mahahalagang termino na dapat malaman.
1. Capacity assessment-sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin
ang anumang hazard.
2. Disaster Prevention and Mitigation-unang yugto ng Community Based
Disaster Risk Reduction Plan
3. Duration -ay pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard
4. Frequency -maaaring ang hazard ay nagaganap taon taon isang beses
sa loob ng lima o sampung taon kaya biglaan lamang.
5. Forewarning -tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng
hazard at oras ng pagtama
6. Hazard assessment -tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa
isang sakuna o kalamidad sa isang particular na panahon
7. Intensity -pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring dulot ng hazard
8. Risk assessment -tumutukoy sa mga hakbang na dapat bago ang
pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning aiwasan o
mapigilan ang malawakang pinsala ng tao at kalikasan
9. Structural Mitigation -tumutukoy sa paghahandang ginagawa sa pisikal
na kaayusan ng isang komunidad upang maging matatag sa panahon
ng pagtama ng hazard
10. Vulnerability assessment -tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot
ng hazard
B. HAZARD ASSESSMENT- tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at
pinsala namaaaring danasin ng isang lugar.
1. Pisikal na katangian ng hazard
1.1 . pagkakakilanlan- pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
ibat- ibang uri ng hazard at kung paano ito umusbong sa
isang lugar.
1.2 .Katangian- pag alam sa uri ng harzard
1.3 .Intensity- lawak ng pinsala na maaaring dulot g hazard.
1.4 .Lawak- pag aaral tungkol sa sakop at tagal ng pekto ng
hazard
1.5 .Saklaw- kung sino ang maaaring tamaan ng hazard.
1.6 . predictability- panahon kug kalian maaaring maranasan
ang hazard.
1.7 . manageability- pagtaya sa kakayahan ng kumunidad na
harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang
pinsala.
4
2. Temporal na katangian ng hazard
1.1 . frequency- kung ang hazard ay nagaganap taon
taon,isang beses sa oob ngng lima o sampung taon o kaya
ay biglaan lamang.
1.2 Forewarning- panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng
hazard at oras ng pagtama nito.
1.3 . speed of onset- bilis ng pagtama ng isang hazard.
1.4 .Force- maaaring natural tulad ng hazard na dalang hangin,
tubig tulad ng malakas na buhos ng ulan o gawa ng tao tulad
ng digmaang sibil,rebelyon, nakalalasaong kemikal at iba
pa.
C. VULNERABILITY ASSESSMENT-tinataya ang kahinaan g isang tahanan
o kumunidad na harapin at bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
1) Element at risk- tao hayop at mga pananim at bahay
2) People at risk- mga grupo ng tao na maaaring higit na
maapejktuhan ng kaamidad.
3) Location at risk- lokasyon o tirahan ng mga taon natukkoy
na vulnerable.
D. CAPACITY ASSESSMENT- sinisuri ditto an kapasidad ng kumunidad na
harapin ang anumang hazard.
1) Pisikal o materyal- tumutukoy sa suweldo mula sa trabaho at mga
likas a yaman. Ang kawalan ng sapat na suweldo at likas na yaman
ay nangangahulugang ang isang kumundad ay vulnerable
maaaring mapinsala ng hazard.
2) Panlipunang katangian- tumutkoy sa mga grupo ng tao sa tao sa
lipunan na vulnerable tulad nga mga matatanda, kabataan, may
kapansanan , may sakit at iba pa.
3) Pag-uugali tngkol sa hazard- tumutukoy sa paniniwala at gawi ng
mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang
kumunidad.
E. RISK ASSESSMENT- ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin
bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazardna may layuning
maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala ng tao at kalikasan (Ondiz
at Redito,
1) Disaster Mitigation
1.1 . Structural Mitigation- ito ay tumutukoy sa mga
paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayusan ng isang
komunidad upang maging matatag sa panahon ng pagtama
ng hazardhalimbawa ang pagpapagawa ng dike upang
mapigilan ang baha samantala. Pangalawa ang
1.2 Non- Structural Mitigation- tumutukoy sa mga ginagawang
plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas
ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard.
5
F. Ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Risk
Assessment.
1. nagiging sistematiko ang pangangalap ng datos
2. nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na
mayroon sa kanilang kumunidad na noon ay hindi nila alam.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng DRRMP
4. Nagbibigay ng datos na magagamit sa pagbuo ng plano.
Suriin
ANG PAGIGING HANDA ANG SUSI PARA MAIWASAN ANG MALUBHANG EPEKTO NG SAKUN
https://i.pinimg.com/originals/27/ab/07/27ab07ce6524b500b4e767c7780347a9.jpg
6
https://s3-us-west-2.amazonaws.com/courses-images/wpcontent/uploads/sites/3814/2018/12/18200223/image9.jpg
7
Pagyamanin
https://tinyurl.com/yxg4u7ym
Activity I: Basahin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang sagot na makikita sa
puzzle sa ibaba. Isulat ag iyong sagot sa kwaderno.
1. Ano ang unang yugto ng CBDRRM Plan? ___________________
2.
Ano ano ang dalawang uri ng Hazard Assessment?
____________________ 3. __________________
4. Ito ay grupo ng tao sa isang lipunan na naging vulnerable sa pagharap ng ibat
ibang kalamidad _________________
5. Dito itinatala ang mga kagamitan, imprastaktura at mga tauhan na kailanganin sa
panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad__________
6. Isang paraan sa pagsasagawa ng Hazard Assessment ___________
7. Sino sino ang nagsabi na mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment
__________________ 8 ____________________
9. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring dulot ng hazard _____________
10. Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard _______________
P
R
E
V
E
N
T
I
O
N
M
I
T
I
G
A
T
I
O
N
H
I
S
T
O
R
I
C
A
L
X
E
F
I
C
W
T
R
Z
S
A
A
G
D
K
O
N
D
I
Z
T
S
T
O
R
A
D
I
T
O
S
P
R
O
F
I
L
E
T
V
C
A
P
A
C
I
T
Y
A
S
P
A
N
L
I
P
U
N
A
N
T
E
M
P
O
R
A
L
W
Y
A
S
S
E
S
S
M
E
N
T
I
N
T
E
N
S
I
T
Y
O
D
U
R
A
T
I
O
N
D
H
8
ACTIVITY 2: Gumawa ng Hazard Mapping sa inyong bahay, halimbawa sirang kisame.
Magtala kung ano anong parte ng inyong kabahayan ang mapanganib at nangangailangan
ng atensiyon. Isulat ang iyong sagot sa kwderno.
1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________
4. ____________________
5. ____________________
https://tinyurl.com/y5f8t
6. ____________________
fau
7. ____________________
8. ____________________
9. ____________________
10. ___________________
Rubric para sa Hazard Mapping
Pamantayan
Nilalaman
Kaangkupan
Pagkamalikhain
Deskripsyon
Wasto
at
makabuluhan
ang
mga
impormasyon na nagpapakita ng mga
hazards at ligtas na bahagi sa lugar
Malinis at mailnaw ang pagkagawa at
madaling maunawaan ang mga ginamit na
salita o simbolo
Nakapukaw ng interes at naghikayat na
bigyan ng pansin ang mga hazards makikita
sa paligid
Kabuuan
9
Puntos
8
6
6
20
Nakuhang
Puntos
ACTIVTY 3. Punan ang patlang ng tamang mga salita. Anong Assessment
o pagtataya ang tumutukoy ng patlang (2 puntos bawat bilang). Isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.
Ang _________ (1) ay natutukoy kung ano ang mga hazard na gawa
ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa
pagsasagawa ng _______________(2) tinataya ang kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard, dahil dito sa
_________________(3) kinakailangan maging mulat ang mga mamamayan
sa mga hazard sa kanilang lugar, kung saan dito sa
____________________(4) sinusuri ang kapasidad ng komunidad na
harapin ang anomang hazard kaya kung ang disaster prevention ay
tumutukoy sa pag-iwas sa mga kalamidad itong ___________(5) ay
tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
hazard at kalamidad.
ACTIVITY 4: Lagyan ng plus (+) kung ang pangungusap ay naaayon
sa CBDRRM Plan, Ilagay ang (-) minus sign kung hindi naaayon sa
CBDRRM Plan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Pagpaplano sa pagharap sa kalamidad. _______
2. Tungkulin ng lahat ang paglutas sa suliraning pankapaligiran.
_______
3. Hinihingi ang tulong sa lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo
ng Disaster Management Plan. ______
4. Pagharap sa kalamidad tuwing mararanasan ito. _______
5. Dapat na kasama ang NGO sa pagbuo ng Disaster
Management Plan. ______
10
Isaisip
https://tinyurl.com/y5wx27
nb
Matapos maunawaan ang unang yugto, Disaster Prevention and Mitigation, maaari
mong isagawa ang mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment, Hazard
Mapping at Historical Profiling /Timeline of Events. Dito sa Hazard Mapping isinasagawa ito
sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard tulad
ng mga gusali, taniman at mga kabahayan. Sa Historical Profiling / timeline of Eventsito ang
gumagawa kung ano ano ang mga hazardna naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas
at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
Sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa bagay na ito, makakatulong ka ng marami sa
iyong kumunidad sa tuwing my sakuna.
Isagawa
https://tinyurl.com/y5wtt
wtk
Panuto: Gamit ang Hazard Map ng inyong bahay ay sagutan ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa inyong kuwaderno.
1.
Anu-ano ang mga hazard na kinahaharap ng inyong bahay kung
sakaling may darating na bagyo, baha, landslide, lindol, sunog at
iba pang kalamidad?
2.
Sino-sino at ano-ano ang mga posibleng matamaan ng kalamidad?
3.
Gaano kahanda ang iyong sarili at mga miyembro ng inyong
pamilya sa pagharap at pagbangon muli mula sa posibleng
pinsalang dulot ng hazard?
https://tinyurl.com/yyzn4u4w
11
Tayahin
POST TEST
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno
Ito ay pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito
umusbong sa isang lugar.
A. Katangian B. Manageability
C. Pagkakilanlan
D. Saklaw
2. Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtamo ng hazard
A. Structural mitigation
C. Non-structural mitigation
B. Element at risk
D. People at risk
3. Tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at
hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at
kalikasan
A. Hazard assessment
C. Vulnerability assessment
B. Risk assessment
D. Capacity assessment
4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagsasagawa ng risk assessment?
A. Pagtatala ng mga hazard
B. Pagtukoy kung alin ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensiyon
C. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction management plan
D. Nangangalap ng iba’t ibang donasyon upang makabangong muli sa hinaharap
na
suliranin
5. Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard maging pisikal o
material, panlipunan at pag-uugali
A. Capacity assessment
C. Risk assessment
B. Vulnerability assessment
D. Hazard assessment
6. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar
kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang particular na panahon
A. Hazard assessment
C. Vulnerability assessment
B. Capacity assessment
D. Risk assessment
7. Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito
sa isang kalamidad
A. Speed of onset
B. Forewarning
C. Force
D. lawak
8. Anong Approach ang ginagamit sa pagsasagawa ng hazard assessment ?
A. Top-down Approach
C. CBDDRM Approach
B. Bottom-up Approach
D. Statistical Aproach
9. Ito ay maaaring ang hazard ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o
sampung taon o kaya ay biglaan lamang
A. Frequency
B. Duration
C. Manageability
D. Intensity
10. Dito tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o
bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
A. Vulnerability Assessment
C. Hazard assessment
B. Risk assessment
D. Capacity assessment
1.
12
Karagdagang Gawain
Sanaysay (5 Puntos)
Panuto: Sumaulat ng sanaysay tungkol sa paksa sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
Ipaliwanag ang kasabihan, “Ligtas ang may
alam.”
https://tinyurl.com/yygu4vge
13
Talasalitaan
Capacity assessment - sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang
hazard
Disaster Prevention and Mitigation - unang yugto ng Community Based Disaster Risk
Reduction Plan
Duration - ay pag-alam sa tagal kung kalian nararanasan ang hazard
Frequency - maaaring ang hazard ay nagaganap taon taon isang beses sa loob ng lima o
sampung taon kaya biglaan lamang
Forewarning - tumutukoy sapanahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng
pagtama
Hazard assessment - tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring
danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang
particular na panahon
Intensity - pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring dulot ng hazard
Risk assessment - tumutukoy sa mga hakbang na dapat bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layung maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsalal ng
tao at kalikasan
Structural Mitigation -tumutukoy sa paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayusan ng isang
komunidad upang maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard
Vulnerability assessment - tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard
14
Pre-test
1. a
2. b
3. b
4. a
5. a
6. a
7. d
8. a
9. a
10. c
Post test
1. c
2. a
3. b
4. d
5. a
6. a
7. b
8. b
9. a
10. a
15
Activity 1 Loop a word
1. Prevention and Mitigation
2. Pisikal
3. Temporal
4. Panlipunan
5. Capacity assessment
6. Historical Profile
7/8. Ondiz, Radito
9. Intensity
10. Duration
Activity 2: Hazard Mapping ( base sa kaniyang nakikita sa kanilang paligid at kabahayan)
1-10
Activity 3: Punan ng tamang salita ang mga patlang (2 pts. bawat bilang)
1.
2.
3.
4.
5.
Hazard assessment
Capacity assessment
Vulnerability assessment
Capacity assessment
Risk assessment
Activity 4: Plus sign (+) Negative sign(-)
1. +
2. +
3. +
4. –
5. +
ISAGAWA:
Mahalaga ang disiplina at kooperasyon sa pagharap sa mga panganib dulot ng
kalamidad dahil kapag may disiplina at kooperasyon ang mga mamamayan maaaring
maiwasan ang pagkawala ng buhay ng tao at ang pagkasira ng mga ari-arian.
TAYAHIN
1. C
2. C
3. A
4. A
5. B
6. A
7. A
8. D
9. A
10. C
KARAGDAGANG GAWAIN
(Nakadepende ang sagot ng mag-aaral sa disiplina at kooperasyon na ginawa ng kanilang
pamayanan o kumunidad)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
MELC Curriculum Guide
Curriculum guide
Araling panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan ( Gabay ng Guro)
Araing Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan (Modyul para sa Mag-aaral)
http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/41/NDRRM_Plan_2011-2028.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/aquino-administration/disaster-preparedness/
https://pia.gov.ph/news/articles/1011213
http://dumaguetemetropost.com/flooded-river-scares-residents-p2145-428.htm
http://unsadgtebulletin.blogspot.com/2014/07/
https://phys.org/news/2009-12-major-volcanic-eruption-philippines.html
https://www.aljazeera.com/news/2018/09/philippines-29-dead-cebu-landslide180921111233106.html
https://phys.org/news/2009-12-major-volcanic-eruption-philippines.html
https://www.ifrc.org/en/what-we-do/idrl/about-disaster-law/legislation-for-disaster-riskreduction/
https://cnnphilippines.com/news/2019/12/19/manila-fire.html?fbclid=IwAR3r-6qpbF4sU7IY_abtD5mFb_17zimGhJK8Uc1RNjdzuZN0L1MJRASyGE
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net
Download