ANG AMA (MAIKLING KUWENTO NG SINGAPORE) Mayroong isang ama na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang pamilya. May anim itong anak na lahat ay takot sa kaniya dahil laging mainit ang ulo nito at lagi silang sinasaktan kabilang ang kanilang ina. Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama. Mainit ang ulo nito pagdating sa kanilang bahay. Tiyempo naman na malakas ang iyak ng anak niyang si Mui Mui. Dahil sa pagkainis nito sa mga nangyayari, nabalingan niya ng galit ang anak. Sinapak niya ito at tumilapon malapit sa silid. Nawalan ito ng malay ngunit nakabangon naman matapos ang ilang sandali. Gayunman, dalawang araw matapos ang pananakit sa bata ay yumao ito.Noong panahong iyon, ay nabuhay ang konsensya ng ama dahil sa nagawa sa anak. Sa kaniyang pagmumuni-muni, naisipan niyang mula noon ay magiging mabuti na siyang ama. Ang perang ibinigay ng amo niya bilang abuloy ay ibinili niya ng mga pagkain.Ngunit ang mga iyon ay dinala niya sa puntod ng namayapang si Mui Mui. Hindi niya batid na sinundan siya ng iba pa niyang mga anak Inialay niya ang ipinamili sa anak na si Mui Mui kasama ang pagsusumamo na patawarin siya nito. Nang umulan, sumugod ang magkakapatid sa puntod at pinagsaluhan ang alay na pagkain ng ama.