ARELLANO UNIVERSITY ANDRES BONIFACIO HIGH SCHOOL Pag-asa St., Brgy. Caniogan, Pasig City SY: 2023- 2024 UNANG MARKAHAN ESP 10 Petsa: Agosto 14-16, 2023 DLP NO. 1 Paksa: Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob Layunin: A. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos loob. B. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakakagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. Uri ng Gawain: Banghay ng mga Konsepto at Pagpapaliwanag Sanggunian: DepEd TV - Official. (2020c, October 27). Grade 10 ESP Q1 Ep1: Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=aalFsX-snpo MGA KONSEPTO: Kalikasan ng Tao 1. Materyal na Kalikasan a. Panloob na Pandama = paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa at pandamdam; tumutulong sa pagkakaroon ng ugnayan sa reyalidad. b. Panlabas na Pandama = paggamit ng tao ng kanyang kamalayan (consciousness), memorya, imahinasyon, at instinct - Kamalayan = nakakaunawa at nakapagbubuod - Memorya = nakakakilala at nakakaalala ng mga nakalipas na pangyayari o karanasan - Imahinasyon = nakagagawa ng larawan sa isip at napapalawak ito - Instinct = kakayahang makaramdam at tumugon na hindi dumadaan sa katwiran 2. Ispiritwal na Kalikasan a. Isip (Intellect) = humanap ng impormasyon, umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng impormasyon, alamin ang Mabuti at masama, tama at mali at ang katotohanan b. Kilos loob (Will) = pumili ng gusto nating gawin, umasam, maghanap at mawili sa anumang naiisip, maging mapanagutan sa pagpili ng aksyong makakabuti sa lahat Tandaan: Lagi mong gamitin ang iyong isip at kilos loob sa paggawa ng mabuti sa iyong sarili, pamilya at kapwa. Pagsasanay Bilang 1: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa tauhan sa sitwasyon at sagutin ang katanungang: Ano ang gagawin mo sa pangyayari? 1. Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang aralin sa Math. Nais niyang kopyahin ang iyong gawain at inalok ka niya na ililibre ka niya ng pagkain kapag pinakopya mo siya. 2. Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa kaarawan ng kaniyang pinsan. Sumama ka at nakipagkwentuhan sa iba pang bisita. Sa kalagitnaan ng kwentuhan naglabas sila ng alak at pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman ito. Pagsasanay Bilang 2: Magsulat ng tatlo mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito, magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasiya. ANG AKING KAHINAAN a. b. c. MGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI ANG AKING PAGPAPASYA a. b. c.