Batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o mula sa lipunang Pilipino • • • • • • • • • TEORYA Hipotesis Ideya Postulado Nosyon Ang teorya ay isang katawan ng mga prinsipyo o mga teorem na kabilang sa isang paksa. Maaari ring isang pagkabatid o pananaw sa isang bagay na gagawin, o kaya ng metodo ng paggawa nito. Ang teorya ay maaari pa ring isang sistema ng mga panuntunan o mga prinsipyo. Ayon naman kay Abend (2013, sa San Juan et al, 2019)), ang mga teorya ay binuo upang magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa o makatulong sa pag-unawa sa penomemon, at sa maraming sitwasyon, ay naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman. 4. Ano ang batayang teoretikal? Ito ay set ng magkakaugnay na konsepto, teorya at kahulugan na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng isang penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa isang paksang pinag-aaralan. Ang batayang teoretikal ang estrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng pananaliksik Ipinapakilala at inilalarawan nito ang teorya ng pananaliksik at pinapaliwanag kung bakit umiiral ang suliranin ng pananaliksik. Ayon sa University of Southern California (2018), ang batayang teoretikal ay binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa pananliksik na pawangkaraniwang nabubuo sa pamamagitan ng mga teorya at konsepto mula sa mga umiiral na pananaliksik na naging bahagi ng kaugnay na literatura at kaugnay na pananaliksik. • • Mga Diskurso sa Nasyonalismo • • • • • • • • • • • Ano ang mga konsiderasyon sa pagpili ng teorya? ang pagiging akma sa pananaliksik linaw/dali ng aplikasyon sa pananaliksik bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik Tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik (Torraco, 1997) 1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang binabasa; 2. iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga sagot sa mga tanong ng pananaliksik; 3. tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa simpleng paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang kaugnay na penomenon, sitwasyon, at iba pa, nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. • • • • Ano nga ba ang nasyonalismo? Ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong. (Philippine Cultural Education) Tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan. Tinatawag din itong makabayang pilosopiya. (Philippine Ejournals) Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sarili kakayahan (Lichauco, 1968). Malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967, De La Costa, 1965, Osorio, 1963, Tañada, 1955). Ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. (Rizal) Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Nationalism (2009) Anthony Smith Nasyonalismo = Pagkakaroon ng Nasyon Objective Factors - wika, relihiyon, asal, teritoryo, at institusyon – pagsasama sama ng Pilipino – pinapakita natin Subjective Factors - saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan - kagustuhan umunlad – nagsisimula sa isip at puso – nagsisimula sa loob Miseducation of the Filipino/Lisyang Education ng mga Pilipino (Renato Constantino) Isang artikulo kung saan sinuri ang kasaysayan ng edukasyon sa bansa, partikular ang sitwasyon nito kung saan direktang kolonya pa ang Pilipinas. Nilinaw niya na ang nasyonalismo ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin. Ayon kay Constantino, kinakailangan itransporma ang sistema ng edukasyon ng bansa upang matiyak na makaaambag ito sa pag-unlad ng bansa. Ang edukasyong Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat ito ay ibatay sa adhikain ng bansa. Ang layuning ng edukasyon ay hindi lamang makalikha ng mga babae at lalakeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan • • at nauunawaan ang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kani-kanilang sarili. Oo nga’t itinuturo sa mga mag-aaral ang buhay nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi inaaaakma ang kanilang aral sa kasalukuyang suliranin ng ating bayan at itinuturo ang kanilang buhay bilang mga malikhaing kwento tungkol sa mga nakalipas na pangyayari tungkol sa mga nakalipas na pangyayari na nakasisiyang pakinggan ng mga bata. . Ang tungkulin ngayon ng edukasyon ay iwasto ang mga maling pananaw na ito. Dapat na nating isipin ngayon ang ating sarili, ang ating kaligtasan at ang ating kinabukasan. At hanggang hindi na natin inihahanda ang kaisipan ng mga kabataan sa pagpupunyaging ito, mananatili tayong mamamayang walang pakialam sa ating bayan na walang pakialam sa ating bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi tiyak ang kasasapitan ng bawat bukas. pananalita: walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito’y sumunod sa“pamantayang global.” o Binigyang-diin ni Constantino na hangga’t kontroladong mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat, ang ekonomiya, politika at kultura (kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap at walang pagunlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino. Pambansang Salbida at Kadena ng Dependensya: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy ng Pilipinas (DM. SAN JUAN) • “Higit na malaki ang pakinabang ng mga bansang mauunlad at mayayaman sa capital sa ganitong sistema ng nangingibabaw sa mga bansa sapagkat 1. • • • • • • TEORYANG DEPENDENSYA Ang teoryang dependensya ay ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa. Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap sa "pamamalakad ng mundo.“ May mahirap at mayaman TEORYANG MODERNISASYON Ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong, kung kaya ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa mundong pangkalakalan. TEORYANG DEPENDENSYA Pagtutol na ang mahihirap na bansa ay hindi lamang naunang bersiyon ng maunlad na mga bansa , subalit may sarili at kakaibang katangian at istruktura; at higit sa lahat ay nabibilang sa dehadong kasapi sa ekonomiya ng mundong pamilihan. Sa pananaw ng mga naniniwala rito,pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya, bagay na may epekto sa sistemang political at kultural ng bansa. RAUL PREBISCH at THEOTONIO DOS SANTOS Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng programang K to 12 sa Pilipinas (Renato Constantino) • “Walang saysay ang anumang programang pangedukasyon kung hindi nito isinasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa. Sa mas tahas na 2. 3. 4. 5. • • • Ang puhunan nila sa Third World (mahihirap na bansa) ay tumututubo ng Malaki Kontrolado ang maraming pinansyal na institusyon g gaya ng IMF, World Bank at maging ang mga malalaking pribadong bangko na nagpapautang sa bansang Third World Hindi nila gaanong tinutulungan ang bansang Third World sa teknolohiya at pagmamanupaktura ng makinarya upang mapanatili ang kanilamg lucrative na monopolyo rito. Mababa ang halaga, sa pangkalahatan ng mga hilaw na materyales at semi-manupaktura ng Third World na ineeksport sa mga bansang mauunlad at mayaman sa capital, kumpara sa halaga ng makinarya at teknolohiya at iba pang produktong iniimport ng una sa huli Ang migrasyon ng mga manggagawa/ propesyunal mula sa Third World patungong mga bansang mauunlad at mayayaman sa capital ay nakakabawas sa pangkalahatang yamang tao (human resources) na kinakailangan ng una upang maiahon sa kahirapan at dependensya ang kaniyang sarili. MARXISMO Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya. FRIEDRICH ENGELS at KARL MARX Umiikot ang teoryang MARXISMO bilang teoryang pangekonomiya, sosyolohikal, metodong pilosopikal at panghimagsikang pananaw sa pagbabago ng lipunan. Ang Marxismo sa Pilipinas (San Juan, et al, 20199) ay karaniwang ginagamit sa panunuring pampanitikan kung saan sinasagot nag mga sumusunod na katanungan. 1. Ano-anong uring panlipunan (social class) ang nasa teksto pelikula at iba pa? 2. Paano nagtutunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula at iba pa? 3. Sino ang naaapi at sino ang nang-aapi, nagsamantala o pinasamantalahan sa teksto, pelikula at iba pa? 4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang api o inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan? 5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyonng mapagsamantala ang karakter? 6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter? 7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli? “Kontra-Gahum: Pagsipat sa Tema,Pilosopiya at Ideolohiya ng Piling Kontemporaryong Tulang Radikal Tungo sa Kontekstwalisasyon ng Kritisismong Marxista” ni San Juan (2010) • inilahad ang tatlong karagdagang tanong ng mga Marxistang mananaliksik kagaya ng pag-alam sa paraan kung paano nagsisilbing propaganda ng status quo ang katha; o kung ito ba’y nagtatangkang sumalansang sa status quo; ang sinasabi ng katha ukol sa pagsasamantala; o kung isinasantabi nito ang mga tunggalian sa lipunan o dili kaya’y isinisisi sa ibang bagay; at kung may solusyon inihahayag ang katha sa mga suliraning inilahad nito. Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang ang isinasaad: • Pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal at panlipunan na susing kawing ang panitikan • Pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang formalistiko at makasentrong-sining na panunuring pampanitikan; • Pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri. • • • Pag-aklas ay paghahanap ng mga kontraryong bagay at karanasan na nagpapaliyab sa mga mambabasamammayan na lumaban sa abang political na designasyon at kinalalagyan, na mayroon siyang ahensya at maaaring makapagbuo ng kolektibo ng kahalintulad na lagay na makakatapat sa elaborasyon at rebersal ng hegemoniya ng Sistema. Pagbaklas ang pagkilos tungo sa pagbuyangyang sa panitikan, at maging sa kasaysayan sa lipunan, bilang panlipunang konstruksyon at sa paghimay ng mga bahaging bumubuo ng estruktura ng kapangyarihan ay nagpapakitang hubad ang marahas na kapangyarihan, nakakapagmapa ng paraan ng pagbalikwas sa kapangyarihan para ibunyag na hindi ito metatag o monolitikong estruktura. Pagbagtas ay paghahanap ng alternatibo at kakaibang daang maaaring tahakin tungo sa pagbuo ng rebolusyonaryong pananaw, pananaw na makakapaginterrogate at sa proseso ay makakapagbalikwas sa namayaning kaayusan. Ito ay transpomasyon ng namamayani tungo sa demokratiko, makatarungan at mapagpalayang hinaharap. • • • • • • • • • • Feminismo Ito ay ang kilusan na ang layunin ay ipatupad ang mga karapatan ng kababaihan sa pulitika, ekonomiya at lipunan. Ano ang mga tinatalakay sa teoryang feminismo? o Ang pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok, pantahanan, masama, emosyonal at tanga ang mga babae. o Pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo: o babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinapakita ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan na ito. PANANAW FEMINISMO Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae. Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan. Sa estilo, malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita. Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na. Mga akdang Feminista Ang Marxistang Lapit sa Isyu ng Kababaihan (Judy Taguiwalo) o Bagamat may pagpulà sa Marxismo bilang bulag sa isyu ng opresyon ng kababaihan, naniniwala akong may malinaw na tindig sa teorya at praktika ang Marxismo sa usapin ng kababaihan at hindi komprehensibong Marxismo ang nagsasabing Marxismo ito nang hindi sinasaalang-alang ang aping kalagayan ng kababaihan at ang pangangailangan sa kanilang paglaya. Para sa akin, patuloy na may katuturan ang Marxismo sa orihinal na pagsusuri at tindig nito para maintindihan ang aping kalagayan ng kababaihan sa isang lipunang makauri at para mabago ang kalagayang ito bilang bahagi ng kabuuang agenda ng panlipunang pagbabago. “Mga Tinig mula sa Ibaba” (Teresita Gimenez Maceda) o Ang kasaysayan ng kilusang panlipunan sa Pilipinas sa pamamagitan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuri at kontekstwalisasyon ng mga awitin na mga nabanggit na organisasyon ng mga manggagawa, magsasaka at iba pa.. Ang mga tunggalian ng mga uring panlipunan ay malinaw na maririnig sa mga awitin, mababasa sa mga pahayag ng mga ordinaryong mamamayan-ng mga tinig mula sa ibaba. Kabanata 1 Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasanayan • • • Introduksyon Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. “Ano ba ang tungkol sa iyong pinagaaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pagaralan.” Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay sapat na. Nakatala dito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa. Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang ideya. Krusyal ang papel ng pinakaunang pangungusap na bibitawan sa bahaging ito. Siguruhing mababanggit ng mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa. Isang paraan ito upang patunayan na feasible ang proyekto. Layunin ng Pag-aaral Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong. Sa bahaging ito nilalahad at inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus. Inilalahad ditto ang mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad ay nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito. aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin. Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral. Kabanata 2 I. Kaugnay na Literatura II. Kaugnay na Pag-aaral III. Sintesis ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura IV. Depinisyon ng mga Terminolohiya Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa PananaliksikPanlipunan Metodo sa panananaliksik (Walliman, 2011) • Tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga konklusyong mapaninindigan (reliable) • Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na kailangang itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa. • Kailangang laging direkta, tiyak, at ginagamitan ng pandiwa na nasa pangnagdaang kapanahunan ang pagsulat ng metodo. • Ang metodo ang batayang simulain at tuntunin ng pagbubuo sa isang sistemang pilosopiko o proseso ng pagsisiyasat; ang pag-aaral ng mga simulaing naging batayan sa pagkabuo ng iba’t-ibang agham at paggamit ng pagsisiyasat na siyentipiko. Disenyo ng Pananaliksik 1. 2. • • Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin: ANYONG PATANONG (Question Form) - Ginagamitan ng tanong na "Ano" o "Paano". ANYONG PAPAKSA (Topical Form) - Ang anyong ito ay mas ginagamit sa mga pangkalakalang pananaliksik na sa halip na tawaging "paglalahad ng suliranin" pinapalitan ito ng katagang "mga layunin ng pag-aaral". Kahalagahan ng Pag-aaral Nilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya. SAKLAW AT LIMITASYON Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pagaaral. Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag aaral, habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limutasyon ng pananaliksik. Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin sa pag aaral. Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pagaaral. Ipinapaalam din dito ang mismong paksa ng pag- • • • • • • • • • • Historikal Deskriptibo Korelasyon Komparatibo Eksperimental Simulasyon Ebalwasyon Aksyon Etnolohikal Kultural May walong proseso na maaaring isagawa sa pananaliksik (na maaaring pagsama-samahin sa alinmang pananaliksik batay sa suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik): 1. Pagkakategorya o Kategorisasyon. Tumutukoy ito sa pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari, konsepto, at iba pa. Kapaki-pakinabang ito sa pagpapaliwanag kung ano-ano o sino-sino ang magkakasama sa isang kategorya, at bakit o paano sila naging magkakasama sa isang kategoryang iyon. 2. Paglalarawan o Deskripsyon. Tumutukoy ito sa pagtitipon ng mga datos na nakabatay sa mga obserbasyon. 3. Pagpapaliwanag. Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto 4. 5. 6. 7. 8. ng iba’t ibang aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa. Pagtataya o Ebalwasyon. Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari, at iba pa. Paghahambing o Pagkukumpara. Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na pagunawa sa isang penomenon. Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon. Tumutukoy sa pag-iimbestiga para makita kung nakaiimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa pa, at kung nakaiimpluwensya nga ay sa anong paraan o paano? Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon. Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang bagay, penomenonn at iba pa batay sa matibay na korelasyon ng mga penomenong sinuri/pinaghambing. Pagtatakda ng kontrol. Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ag isa o higit pang bagay (gaya ng teknolohiya) ay maisailalim sa kontrol ng mga tao/mananaliksik tungo sa mas epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito. Ang ilan pang karagdagang paliwanag tungkol sa mga bahagi ng metodo ay ang mga sumusunod: 1. mga salik sa pagkuha ng mga datos na sinuri para sa kwantitatibo at mga paksa at lokasyon ng paksa, kung kwalitatibo; 2. mga kagamitan at metodo na ginamit sa pagtukoy at pangungulekta ng impormasyon, at mga pamamaraan kung paano tinukoy ang mahahalagang baryabol; 3. mga pamamaraan kung paano ginamit ang datos at paano ito inanalisa; at 4. tiyak na kasangkapan o estratehiya ng pananaliksik na iyong ginamit sa pagsagot sa mga hinuha o palagay at mga inilahad na katanungan kaugnay ng mga suliranin ng pagaaral. 5. magpaliwanag sa pangkalahatang metodo sa pagsukat sa mga suliranin ng pananaliksik.; 6. magpaliwanag kung paano ang dulog ay umangkop sa pangkalahatang disenyo ng pag-aaral.; 7. magpaliwanag sa tiyak na metodo sa pangangalap ng datos. Mahalaga rin na ipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng datos upang bigyan ng solusyon ang kasalukuyang suliranin; 8. magpaliwanag sa paraang nais gamitin upang suriin ang kalalabasan ng pag-aaral. 9. magpaliwanag sa sanligan ng metodo na hindi maliwanag sa mga magbabasa; 10. isaalang-alang ang proseso sa pagpili ng sampol; 11. matapat na mailahad ang potensyal na limitasyon ng pagaaral na maaaring makaapekto sa mga datos na makakalap; 12. kailangang magsagawa ng serye ng rebisyon upang umangkop ang papel sa aktwal na ginamit na metodo sa pag-aaral; 13. detalyadong mailahad ang deskripsyon ng metodo kung kwalitatibo ang pag-aaral sapagkat ang mananaliksik ang 14. 15. 16. 17. pangunahing pinagkukunan ng datos. Ang proseso ng pangangalap ng datos ay may malaking epekto sa maaaring kalabasan ng pag-aaral; magbigay ng kumpletong detalye subalit may pagsasaalang-alang sa pagiging direkta nito. ipagpalagay na ang magbabasa ng pananaliksik ay may kaalaman sa pangunahing metodo ng pag-aaral kung kaya hindi naman kailangan na isulat ang buong detalye ng espisipikong metodo ng pag-aaral; maging tapat sa paglalahad ng mga usaping kinaharap sa pangangalap ng datos upang maipakita sa mga magbabasa ang katatagan ng metodo na pinili sa pag-aaral; at maipakita sa bahaging ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na sumusuporta sa metodong ginamit. Tiyak na Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik sa Filipino sa Iba’t ibang Larangan • • • 1. 2. 3. 4. 5. 6. 1. Etnograpiya Ang etnograpiya ay tinukoy bilang isang maliwanag na account ng buhay panlipunan at kultura sa isang partikular na sistemang panlipunan batay sa maraming detalyadong obserbasyon ng kung ano ang tunay na ginagawa ng mga tao sa setting ng lipunan. Ang etnograpiya ay maaaring inilarawan bilang pareho, mga pamamaraan ng pananaliksik sa husay at dami na ginagamit ng mga sosyolohista kapag nag-aaral ng mga tiyak na grupo, komunidad o institusyon na natagpuan na isang bahagi ng isang mas malaking kumplikadong lipunan. Ang etnograpiya ay pinakakaraniwang ginagamit ng mga sosyolohista na tumutukoy salipunan pati na rin ang iminungkahing pananaliksik para sa mga pag-aaral na kinasasangkutan ng paglahok ng kalahok. Sa loob ng lipunan maaari itong magamit para sa mga samahan, pamayanan, kulto, atbp. Pamamaraan sa Pagsasagawa ng Etnograpiyang Pag-aaral (Maranan, 2008) Pagsama-samahin ang simbolikong kahulugan na nakalap buhat sa pakikipag-ugnayan sa tao sa lipunan; Magsagawa ng pagsusuri sa mga datos na may iisang pananaw at pagsumikapan ding mapanatili ang pagkakaiba ng katotohanan o realidad sa siyentipikong pananaw; Hanapin ang ugnayan ng simbolo at kanilang kahulugan sa isinagawang pakikisalamuha sa mga tao sa lipunan o komunidad; Magsagawa ng pagtatala sa lahat ng obserbasyon partikular sa pag-uugali ng mga tao; Pagtuunan ng pansin ang prosesong ginamit sa pangangalap ng datos, mga kalakasan at kahinaan; Ang bawat gawain ay nararapat na maging uri ng simbolikong pakikisalamuha. Kabutihan ng Etnograpiyang Pag-aaral (Maranan, 2008) Makatotohanang datos na sapat sa pag-aaral 2. 3. 4. 5. Mapapalawak ang kaalaman ng tao hinggil sa kultura at iba pang mahahalagang aspeto ng tao sa lipunan Malawak ang mapagkunan ng impormasyon Sa pamamagitan ng interaksyon o pakikisalamuha sa mga tao sa komunidad ay makapangangalapng impormasyon ang mananaliksik na nararapat upang maimulat ang bawat isa sa katotohanan o realidad ng buhay kapana-panabik ang pamamaraang ito ng pagtuklas ng mga impormasyon. 2. Di-Kabutihan ng Etnograpiyang Pag-aaral (Maranan, 2008) 1. paglalaan ng mahabang panahon o oras 2. ang pakikipanayam ng mananaliksik sa mga respondente ng pag-aral ay maisasagawa sa pamamagitan ng impormal na pamamaraan 3. ang kaligtasan ng mananaliksik ay salik din sa ganitong pamamaraan 3. Pag-oobserba, Pakikipamuhay, Participant Observation o Nakikiugaling Pagmamasid 4. Pagmamasid • Ang pagmamasid ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng kaniyang buhay at/o trabaho. Isinasagawa ng isa o ilang araw. Halimbawa • Maaari itong gamitin upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng kultura at pamumuhay ng mga lumad, o kaya’y ang kalagayan ng mga working student na binubuno ang pag-aaral habang nagtatrabaho. Maaari ding gamitin ang pamamaraang ito sa pananaliksik hinggil sa pagsasagawa ng mga konsert na pangkabataan kumpara sa mga tradisyonal na konsiyerto sa teatro na pinupuntahan ng mga nakatatanda. Pakikipamuhay Ang mananaliksik ay aktwal na “nakikiranas” sa pangaraw-araw na buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa. Ito ay karaniwang isinasagawa ng mas matagal. Halimbawa, • ng mga pananaliksik hinggil sa sitwasyon ng mga lumad sa iba’t ibang komunidad, o kaya’y pang-araw-araw na buhay ng mga manggagawang kontraktwal ay epektibong naisasagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay. Sa pamamagitan nito ay higit na makikita at mararamdaman ng mananaliksik ang sitwasyon ng kaniyang paksa. • • • • • • • Klasipikasyon ng Pag-oobserba, Pakikipamuhay, Participant Observation o Nakikiugaling Pagmamasid 1. Naturalistikong obserbasyon o Magandang gamitin ang ganitong uri ng obserbasyon sapagkat hinahayaan nitong makita ng mananaliksik ang natural na kilos ng paksa (subject) na hindi naaapektuhan ng kanyang presensya. • Obserbasyon na may interbensyon o Ang karamihan sa mga pananaliksik sa sikolohiya ay kinasasangkutan ng obserbsyon na may kasamang interbensyon . (a) upang pukawin na kumilos ang paksa (subject) ng pagaaral na bihira lamang ang mga aktibidad; (b) sistematikong makita ang pagkakaiba ng kalidad ng stimulus at ang epekto nito sa kilos ng paksa (subject); (c) upang maging bahagi ng sitwasyon o pangyayari na karaniwan ay hindi bukas sa siyentipikong obserbasyon; (d) ayusin ang kondisyon ng mga mahahalagang pangyayari na pumipigil sa kilos o gawi na handang maobserbahan; (e) makabuo ng paghahambing sa pamamagitan ng manipulasyon ng mga baryabol na makapag-iisa upang malaman ang epekto nito sa gawi o kilos. Obserbasyon na pagkukunwari. Sa ganitong uri ng obserbasyon, ang indibidwal na paksa ng pag-aaral ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng pag-aaral. Obserbasyon na may halong pagkukunwari. Sa ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang paksa ( subject ) ng pagaaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral. Participant observation Isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad. Ayon naman sa modyul ng University of California, Davis (c. 2003), ang participant observation ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng tagamasid o observer, kundi isang aktibong kalahok o participant. “Nakikiugaling pagmamasid: Pananaliksik sa kulturang Agta” Bennagen (1985) “Ang Dami-dami Kong Pera, Atbp: Mga Metapora ng mga Migranteng Pilipinang Ina sa Australia” Pia Anna PerfectoRamos (2009) “Eksposyur: Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay” Marlon Lester Gueta (2013) “Ang Pang-araw-araw na Buhay ng mga Maglalako/Tindero at Tindera sa Metro Manila: Isang Pananaliksik sa Pamamagitan ng Nakikiugaling Pagmamasid” Kwentong Buhay Ang kuwentong buhay (life story) ay maikling pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang binibigyang-diin dito ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pangaraw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik. ang madalas na pinapaksa ng kuwentongbuhay ay mga tinig ng mga nasa laylayan ng lipunan o mga pangkat na marginalized. Nakatutulong ito upang marinig ng madla ang kanilang tinig. Mga Paksa ng Kwentong Buhay 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. Lumad manggagawang kontraktwal mga babaeng mangagawa, mga kasambahay buhay ng mga anak ng mga OFW buhay ng mga bahagi ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, at Transexuals) sa bansa Mga Pananaliksik Gamit ang Kwentong Buhay “Mga Naratibo ng Inseguridad: Panimulang Pagsusri sa Sistema ng ENDO sa Pilipinas” ni John Kelvin Briones (2015) “(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipino Seaman” ni Joan Manzano. “Mga Kuwento sa Gilid-gilid: Buhay ng mga Maralitang Tagalungsod sa Piling ‘Gillages’ (Gilid ng mga Eksklusibong Subdibisyon o Village) sa Metro Manila” Pag-interbyu, Focus Group Discussion, at Pagtatanongtanong • • • • • Interbyu isang pormal na pagpupulong kung saan ang isa o higit pang mga tao ay nagtanong, kumonsulta, o suriin ang ibang tao isang pagpupulong o pag-uusap kung saan nagtatanong ang isang manunulat o reporter ng mga katanungan ng isa o higit pang mga tao kung kanino hahanapin ang materyal para sa isang kwentong pahayagan, broadcast sa telebisyon tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito Structured- ibinibigay ang tanong bago pa man ang interbyu Non-structured- impormal ang interbyu at karaniwang maraming follow-up questions 1. Hubog ng pagtatanong (Inquiry Form) Ang form na ito ay tumutukoy sa planado at nakasulat na katanungan para sa isang tiyak na paksa, na may espasyong nakalaan para sa tugon ng taong nais kapanayamin. Maaari itong ipadala sa e-mail at maaari din manang ipamahagi nang personal sa paksa (subject) ng pag-aaral. Kailangan ng maayos na konstruksyon ng katanungan upang makuha ang inaasahang tugon sa mga kakapanayamin (Maranan, 2018). • • • Focus Group Discussion isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-aaralan sa market research at political analysis sa pamamagitan ng ginabayan at bukas na talakayan. 60-90 minuto 2-8 katao (kasarian, edad, at katayuang panlipunan) (1) Kinasasangkutan ito ng organisadong talakayan sa piling pangkat ng mga indibidwal upang makakuha ng sapat na impormasyon hinggil sa kanilang pananaw at mga karanasan hinggil sa paksa; (2) angkop itong gamitin sa iba’t ibang perspektoba hinggil sa parehong paksa; (3) nakatutulong upang mamakuha ng pananaw ng tao sa pagbabahagi ng pag-unawa sa pang-araw-araw na pamumuhay at mga pamamaraan kung saan ang isang indibidwal ay naiimpluwensyahan ng iba sa sitwasyong sila ay nasa pangkat; at (4) ang papel na ginagampanan ng tagapamagitan o moderator ay napakahalaga sapagkat ang mataas na antas na kahusayan ng pinuno at kakayahang interpersonal ay kailangan upang maayos na mabigyan ng direksyon ang pangkat. Anyo ng Focus Group Discussion (1) two-way focus group. Nahahati sa dalawa o higit pang pangkat ang ganitong pamamaraan ng focus group kung saan ang isang pangkat ay kailangang magsagawa ng obserbasyon o pagmamasid sa talakayan at kongklusyon ng ibang pangkat at vice versa; (2) dual moderator focus goup. Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tagapamagitan o moderator na kung saan ang tungkulin ng isa ay siguraduhin na ang lahat ng paksa ay makakasama sa pagtalakay; (3) dueling moderator focus group (fencing-modertor). Sa ganitong uri ng pagtalakay, dalawang tagapamagitan ang maingat na mangunguna sa pagtalakay sa dalawang panig sa usapin ng pagtalakay; (4) respondent moderator focus group. Sa ganitong uri ng pagtalakay, ang isa sa mga respondente ng pag-aaral ang siyang itatalaga upang mangasiwa sa daloy ng talakayan; (5) mini focus groups. Ang pangkat o grupo sa ganitong uri ng pagtalakay ay binubuo ng anim hanggang limang kasapi sa halip na anim hanggang labindalawang kasapi. KABUTIHAN ng Focus Group Discussion (1) ang malaya at bukas na talakayan sa pagitan ng mga respondente ng pag-aaral ay maaaring magbunga ng mga bagong ideya na malaki ang maitutulong sa pagbuo ng isang desisyon; (2) Ang focus group discussion ay isang metodo ng pangangalap ng impormasyon na kung saan ang tagapamagitan ay malayang nakapagbibigay ng desisyon na palitan ang proseso ng pagtalakay upang higit na mapaganda ang daloy ng pagtalakay sa focus group; (3) mga ekspresyon ng mukha ng mga kasali sa pagtalakay liban sa berbal na anyo ng komunikasyon sa buong proseso ng pagtalakay ay makatutulong din nang malaki sa mananaliksik para sa pagbuo ng isang makabuluhang pagtingin sa pag-aaral. 1. 2. 3. 4. 5. • • • • • • • • • • • DI-KABUTIHAN ng Focus Group Discussion bagama’t ang tagapamagitan sa focus group ay binibigyan ng karapatan na kotrolin ang daloy ng pagtalakay, ang hangganan ng pagkontrol ay nakasalalay sa kaniyang kakayahan na ibinigay ng karanasan upang ito ay maisakatuparan; may mga respondente ng pag-aaral na hindi palagay na ibahagi ang kanilang pananaw sa loob habang ito ay pinakikinggan ng iba; maaaring hindi sapat ang bilang ng respondente upang katawanin ang pananaw ng higit na nakararami kung titingnan ang pag-aaral sa sakop ng pag-aaral; at ang sagot ng isa ay maaaring makaimpluwensiya sa ibang kasali sa talakayan. PAGTATANONG-TANONG Isang pamamaraan ng katutubong pananaliksik sa agham panlipunan ng Pilipinas. Ang pagtatanong-tanong ay may apat na pangunahing katangian: (a) ito ay nakikilahok sa kalikasan; ang impormante ay may isang input sa istraktura ng pakikipag-ugnay sa mga tuntunin ng pagtukoy ng direksyon nito at sa pamamahala ng oras, (b) ang mananaliksik at tagapagtuturo ay pantay sa katayuan; ang parehong mga partido ay maaaring magtanong sa bawat isa sa mga katanungan para sa tungkol sa parehong haba ng oras. (c) ito ay naaangkop at umaangkop sa mga kondisyon ng pangkat ng mga impormante na naaayon ito sa umiiral na mga pamantayan ng pangkat, (d) ito ay isinama sa iba pang mga pamamaraan ng katutubong pananaliksik. ASPETO NG PAGTATANONG-TANONG Paghahanda Pamamaraan Antas ng pakikipag-ugnay Wika Isyu sa tagaloob sa tagalabas Pagiging sensitibo sa kultura Pagiging maaasahan/bisa Mga etikal na isyu Video Documentation Ang bidyo ay isang mahalagang kagamitan para sa malikhaing dokumentasyon at maaari itong magamit upang mapadali ang pangangalap ng impormasyon, paguulat, pagpapakalat at networking. • • • • • • • • Karaniwang ginagamit ito sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Maaari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration at ng musika. Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu. Deskriptibong Pananaliksik Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-aaralan (San Juan, et al., 2019). Komparatibong Pananaliksik Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa, ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Case Study o Pag-aaral ng Kaso Ang isang mananaliksik ay nagkakaroon ng higit na malalim na pag-aaral sa isang penomena na sakop ng kaniyang imbestigasyon (Maranan, 2018). Kwalitatibo ang kalikasan ng pag-aaral na ito na karaniwang nakatuon sa tiyak o partikular na tao o mga penomena, bagama’t may mga aklat na nagsasabi na ito ay kwalitatibo at kwantitatibo. Nangangailangan ito ng malalim na pagtingin at pokus sa paksa ng pag-aaral. Pagsusuring Tematiko at Pagsusuri ng Nilalaman Ang pagsusuring tematiko (San Juan, et al., 2019) ay pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto. Malapit sa paraang ito ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis na tumutukoy naman sa paglalarawan at/o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto at maaaring gamitin sa pag-alam ng dalas ng paggamit (frequency) ng isang partikular na salita, parirala, konsepto, o ideya sa isang teksto na paksa ng pag-aaral gayudin sa pag-alam ng pagpupuwesto ng elemento ng komunikasyon sa isang partikular na teksto. Pagbuo ng Glosaryo o Pananaliksik na Leksikograpiya Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na larangan Pagbuo at Balidasyon ng Materyales na Panturo Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pang materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya’y nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo (San Juan, et al., 2019) • • • • Pagsusuri sa Diskurso Ang pagsusuri ng diskurso ay isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at sa mundo. Tumutukoy ito sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula, at iba pang materyales (San Juan, et al., 2019) SWOT Analysis Tumutukoy ito sa pagsusuri ng kalakasan (strengths) at kahinaan (weakness) ng isang programa/plano, at mga oportunidad (opportunities) o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta (threat) o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa/plano (San Juan, et al., 2019). Kritikal na Pagsusuring Pangkurikulum/Pamprograma Tumutukoy sa pagsusuri sa mga negationg aspekto ng isang kurilulum/programa tungo sa layuning baguhin/linangin pa ito (San Juan, et al., 2019). Pagsusuring Etimolohikal Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.Para sa mga wika na may napakahabang nakasulat na kasaysayan, ang mga etimologo ay gumagamit ng teksto ng mga wikang ito, at mga teksto tungkol sa wikang ito, para makakuha ng kaalaman kung paano nagagamit ang mga salita noong sinauna, at kung kailan ang mga salita ay naging bahagi ng isang wika. patunayan ang antas ng kasiyahan ng tao sa serbisyong ibinigay ng isang establisimyento, at marami pang iba. Uri ng Sarbey 1. 2. • • • 1. 2. 3. 4. 5. • Proseso sa Pagbuo ng Aksyon na Pananaliksik (Action Research) Pagtukoy sa mga suliranin Pagbuo ng plano Pangangalap ng datos Pagsusuri ng datos Pagbuo ng plano upang maging batayan ng aksyon o pagkilos sa hinaharap. Pagsasagawa ng Sarbey Ang pagsasarbey ang pinakakaraniwang pamamaraan ng pangangalap ng datos. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan o questionnaire o sa pamamagitan ng panayam sa mga taong makapagbibigay ng saloobin, opinyon o impormasyon, hinggil sa paksa ng pananaliksik, pagkatapos ay isasagawa ng mananaliksik ang paglalarawan sa mga naging tugon ng respondente. Karaniwan na ginagamit ang metodong ito upang sukatin ang isang konsepto, magnilay sa pag-uugali ng mga tao, Pantayong Pananaw Pan + tayo o PANTAYO (“mula sa amin- para sa amin”) Pang + kami o PANGKAMI (para sa nagsasalita at hindi kasama ang nakikinig) • Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa anumang kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng linggwistikkultural na istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili. Halimbawa: • Ang pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa banta ng pagsira sa wikang Filipino • Ang mga pangkat etniko at mga kalipunang sosyal, kasama ang mga kababaihan at LGBT na naghahanap ng pantay na pagtingin • • Action Research Pananaliksik ito na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya’y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon (San Juan, et al., 2019). Istandardisado Sariling-Likha Ang pantayong pananaw ay isang konsepto at hinuha ng historyador na si Dr. Zeus A. Salazar na nag-aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa kasaysayan at agham panlipunan. Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. “PANTAYONG PANANAW: Isang Paliwanag” – Dr. Zeus Salazar • Sa lahat ng mga wikang Pilipino, may mga konseptong katumbas ng “tayo,” “kami,” “sila,” at “kayo” na tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng kanyang kausap, kasama kahit na iyong wala. Halimbawa, “tayong mga Pilipino,” kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino,” ay nangangahulugang ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino mismo at implisitong hindi kasali ang mga banyaga. Sa sitwasyong ito, ang bagay, konsepto, kaisipan at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay madaling maintindihan, dahil sa napapaloob sa ating sariling lipunan at kultura. Mapag-uugnay natin sila sa isa’t isa na hindi kailangan magkaroon pa ng pantukoy sa iba pang mga konsepto, tao, ugali at kaisipan na kaugnay nila. Katunayan nga, maraming bagay ang implisito nating nauunawaan. • Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t-isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagka’t nagkakaintindihan ang lahat. Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code” -- ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika. 1. 2. 3. 4. 1. 2. 3. Mga babasahing kaugnay ng Pantayong Pananaw Ang Isa at ang Marami (U. Eliserio, 2009) Saysay ng Sariling Kasaysayan: Ang Ambag ni Zeus Salazar sa Bayan (Chua, 2013) Pantayong Pananaw o Pantasyang Pananaw? Kamalayan sa mga Konsepto/ Dalumat ng Bayan, Mga Tinig mula sa Ibaba (Chua, 2014) Pook at Paninindigan: A Critical Appraisal of Pantayong Pananaw (Guillermo, 2009) • Pantawang Pananaw World Happiness Report 2020 – 52 2019 – 69 2018 – 71 2017 – 72 2016 – 82 • Sangkap ng Pantayong Pananaw Dulog etic at emic Pag-unawa at pagpapaliwanag Suliranin ng ideolohiya. Dulog etic at emic Emic 1. tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social group) mula sa perspektiba ng paksa o subject 2. pamamaraan kung paano nag isip ang tao o lipunan. 3. paglalarawan ng pag-uugali at paniniwala sa punto na mahalaga sa tao o actor – nanggaling sa tao sa loob ng kultura Etic 1. tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid 2. higit na siyentipiko sapagkat ang tuon o pokus mula sa lokal na obserbasyon, mga kategorya, paliwanag at interpretasyon ay buhat sa mga antropolohiya 3. deskripsyon ng pag-uugali at paniniwala ng mga nag-aaral sa lipunan o siyentipikong tagamasid sa mga punto na maaaring iugnay sa iba’t ibang kultura. • ang huli sa prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino. Pag-unawa at Pagpapaliwanag Ang pinakamahinang posisyon ay ikinukonsidera ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang paggamit ng emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit na nakararaming teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng berbal na komunikasyon ay ginamitan ng Filipino. Ang ganitong dulog o anyo ng panulat ay nakatanggap na ng maraming kritisismo dahil sa ang pagsulat ay ginagamitan ng Filipino samantalang ang paraan ng pag-iisip ay nasa kategoryang banyaga. Suliranin ng ideolohiya Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng konsepto, habang inilalayo • • • • Kaugnay ng kaligayahan ay ang konteksto ng pantawangpananaw subalit upang magkaroon ng higit na kabuluhan ang pagtalakay, higit na makabubuti kung bibigyan ng paghimay ang dalawang salitang bumubuo sa kontekstong ito, ang “pagtawa” at “pananaw.” • Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahanng isang tao. • Ang pagtawa ay mahalagang kakampi ng tao upang pagaanin at pasayahin anuman ang kaniyang kalagayan o antas sa buhay. • Ang pagtawa ay may objek na pinanggagalingan katulad ng mga kaganapang biglaan katulad ng pagkatanggal ng kasuotan, pagkadapa, ekspresyon ng mukha at marami pang iba. • Ang paggamit ng imahinasyon ng tao ay masasabi ring objek ng pagtawa lalo na sa paggamit ng mga sinasabing green jokes o toilet humor. • Kung bubusisiin ang pagtawa ng bawat Pilipino at ang paghagalpak sa mga kakaibang bagay na nakikita sa kapaligiran, masasabi na ang gawaing ito ay nakadugtong hindi lamang sa damdamin o emosyon kundi maging sa kamalayang Pilipino. “Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon” Mariing pinahahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, ika nga, may redempsyon mula sa problemang kinahaharap ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik o halakhak naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan ng saloobin o damdamin. - RHODERICK NUNCIO Elemento ng Pantawang Pananaw Teorya ng Banga Ang teorya ng Banga sy buod ng ideya ni Prospero Covar (1993), siya ang itinuturing na isa sa mga nangungunang tagapagtaguyod ng Filipinolohiya, hinggil sa “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.” Tambalang lapit ang pagdalumat ng pagkataong Pilipino; Kung may labas, may loob, kung may kaluluwa, may budhi Itinakda ng teoryang ito ang katawan ng tao bilang isang bangabanga: may labas, loob, at lalim; at pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa.” • • • METAPORA NG KATAWAN AT BANGA Sa makatotohanang pangungusap, sa putik nagbuhat ang banga, sa matalinhagang pangungusap naman, ang tao ay sa putik rin naman nagmula. Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas loob at lalim gayundin naman ang kaluluwa ng tao ay sisidlan ng banga. Ang laman nito at kaluluwa. Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa kaniig ang budhi. Sikolohiyang Pilipino Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-aaral ng isip, diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos. “Ang sikolohiya ay tungkol sa damdami’t kamalayang nararanasan; sa ulirat na tumutukoy sa pakiramdam sa paligid; sa isip na tumutukoy sa ugali, kilos oasal; sa kalooban na tumutukoy sa damdamin; at sa kaluluwa na siyang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa budhi ng tao.” (1974) • • Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang alternatibong paraan upang maipaliwanag nang mabuti ang diwa, gawi, at damdaming nanalaytay sa ugat ng bawat Pilipino na taliwas o di-tugma sa iba pang sikolohiya sa Pilipinas. Ayon sa paliwanag ni Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000), ang Sikolohiyang Pilipino ay paraan ng pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino at pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdaming Pilipino, na sinasabing maaaring may kaiba han sa pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdamin ng iba pang mga mamamayan. Nakabatay ito sa pag-aaral sa kasaysayan at sosyo-kultural na mga katotohanan, pagunawa sa lokal na wika, pagkawala ng katangiang natatangi sa mga Pilipino, at pagpapaliwanag sa mga ito sa pamamagitan ng mga mata ng mga katutubong Pilipino. Ito ay bunga ng kaalamang kinabibilangan ng katutubong konsepto at metodo na sa madaling salita ay nararapat at mahalaga para sa mga Pilipino. Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino (Dr. Virgilio Enriquez) • Sikolohiya ng Pilipinas • Sikolohiya ng Pilipino • Sikolohiyang Pilipino Sikolohiya ng Pilipinas “bisita sa bahay” • Lahat ng mga pag-aaral, libro at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o maka-Pilipino. Sikolohiya ng Pilipino “tao sa bahay” • Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Sikolohiyang Pilipino “maybahay” • Bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas. Mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito. Maraming paham sa akademya sa larangan ng Sikolohiya ang naniniwala na ang maraming konsepto sa Sikolohiya ay nararapat na isalin sa wikang Filipino upang maging madali ang pagtalakay dito. Narito ang ilan sa mga konsepto ng sikolohiya na may kaugnayan sa pagsasalin at sa wika: 1. Katutubong konsepto • Tinutukoy ng katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ang mga salitang taal o likas na ginagamit sa Pilipinas. Hinalaw ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa kultura at kinaugalian ng mga Pilipino. • Hal: Pamatid-uhaw, Pamutat, Sumpong 2. Pagtatakda ng kahulugan • ang salita na may kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino ay maiuugnay sa taal na wikang Filipino bagama’t ang kahulugan nito ay tinutumbasan lamang ng banyagang kahulugan. • Hal: Refreshment, appetizer, tantrum mania 3. Pag-aandukha • Pagkuha ng dayuhang salita at pagbabago ng anyo nito hanggang sa ito ay magkaroon ng katuturan sa Filipino. • Halimbawa: Talented- Talentado 4. Pagkukuro • Pagbabagong anyo ng wika • Halimbawa: Gay Language ◦ Wala- Waley ◦ Kamusta- Kamustasa 5. Pagbibinyag • Paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang sariling pagpapakahulugan sa salitang ginagamit ng mga Pilipino. • Kilig, pasalubong, salvage, carnapper, estafa 6. Paimbabaw na Asimilasyon • Ang asimilasyon ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng mga katabing tunog nito. • Halimbawa: sin/sing, Pan/pam 7. Ligaw/ Banyaga • Ito ay mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas sapagkat walang katumbas na maibibigay sapagkat hindi naging bahagi ng kultura. • Halimbawa: Toothpaste, Brief Ilan sa mga artikulong nagsusuri o gumagamit ng Sikolohiyang Pilipino 1. “Sikolohiyang Pilipino: Papaloob o Papalabas?” ni Javier (1996) sa Layag 2. “Tungo sa IsangMas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino” ni Yacat (2013) sa Daluyan • Bakod/Bukod/Buklod Ang bakod ay isang patayong istruktura na nakapaligid sa isang sukat ng lupa na maaaring gawa sa bato, kahoy, tabla, kawayan, halaman, o punong-kahoy. Ang ibig sabihin naman ng salitang bukod ay tangi, tangi sa rito, nakahiwalay, at hiwalay. Ang bukod ay maaari ding • mangahulugan ng layo o nakalayo, nag-iisa, hindi kasama o tiwalag. Ang buklod naman ay bangkat, balangkat, kalupkop, bigkis, tali, tangkas, at bitling. Bilang patalinghaga, ang ibigsabihin ng buklod ay alyansa o pagkakaisa. Sa Ingles, ang salin ng pagkakabuklod-buklod ay unification bond. Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan hanggang SM North EDSA