10 ARALING PANLIPUNAN QUARTER 1 – MODULE 1 KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANGKAPALIGIRAN ALAMIN Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Sa araling ito, mauunawaan mo ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging bahagi sa paglutas at pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan. MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto) ● Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu. (AP10IPE-la2) Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod; a. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu; b. nauunawaan ang mga elemento at istruktura ng lipunan; c. nasusuri ang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa at ang implikasyon nito sa kasalukuyan. SUBUKIN Panuto:Piliin ang wastong sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel. 1. Ang isyu ay tumutukoy sa __________. A. Pagbabago B. Pagkabahala C. Pangyayari D. Problema 2. Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa paglalahad ng katotohanan. A. Bias B. Hinuha C. Opinyon D. Paglalahat 3. Nasusuri ang impormasyon na may kaugnayan sa agham panlipunan na kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. A. Bias B. Katotohanan C. Konklusyon D. Opinyon 4. Isyu na nararanasan ng isang bansa kung may mga pundong nawawala. A. Child Labor B. Diskriminasyon C. Korapsyon D. Opinyon 5. Naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pamahalaan. A. Bansa B. Lipunan C. Pamayanan D. Pook TUKLASIN AT SURIIN KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com + tempus/tempor na nangangahulugang current o napapanahon. Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang-pantao, ekonomiya, relihiyon, kapaligiran, politika edukasyon, o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan. Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu ito ay: mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan; may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan; nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon; at mga temang napaguusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan. (Danluyan, 2020) Kontemporaryong Isyu Ang Kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating lipunan at daigdig at sa kasalukuyan. Ito rin ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nag papabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Charles Wright Mills (1959) isang sosyolohista at professor ng sosyolohiya at ang buhay ng isang indibidwal ay lubos na nakatali sa kanyang lipunang ginagalawan, sa kasaysayan nito at sa mga institusyon nakapaloob dito. Ang salitang “kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Halimbawa ay ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Ang pangyayaring ito ay sinasabing naalala pa ng mga tao sa ngayon. Isa pang halimbawa ay ang paggamit ng kontemporaryong kasaysayan na tumutukoy naman sa panahon mula sa pagitan ng ika20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na mga dekada na nakaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng kontemporaryong panahon gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang maituturing na kontemporaryo. Ang Isyu ay nangangahulugang mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan. Napag-uusapan at nagiging batayan ng debate sa lipunan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging suliranin; may ilang isyu na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng tao sa lipunan. Ang paggamit ng salitang “Kontemporaryo” sa iba’t ibang konteksto; ● Kontemporaryong Daigdig - naglalarawan sa panahon mula ika 20 dantaon hangang sa kasalukuyan. ● Kotemporaryo kasaysayan- panahon mula sa pagitan ng ika 20 dantanon hanggang sa kasalukuyan. Pitong saklaw ng kontemporaryong isyu; ● Pangkapaligiran ● Pang-kabuhayan at pang Ekonomiko ● ● ● ● ● Karapatang Pantao Politikal at Kapayapaan Pang-kalusugan Pang- edukasyon May kinalaman sa kasarian at sekswalidad BATAYANG PRIMARYA AT SEKUNDARYA NG KONTEMPORARYONG ISYU Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu kailangan ang kasanayan sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian. Ano nga ba ang Primarya Sanggunian at Sekundaryang Sanggunian at ano nga ba ang pagkakaiba nito sa isa’t isa? Maraming mga pangyayari o suliranin at mga isyu na ating kinakaharap ng ating bansa ngayon. At malalaman natin ito sa iba’t ibang paraan: makakukuha tayo ng mga kaalaman sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, video sa youtube, social media at mga text advisory. Mga kuwento ng mga tao hinggil sa isang isyu at mga kumentaryo. Mahalaga ang sanggunian ng mga impormasyon sapagkat ito ay nakatutulong para maunawaan natin ang mga pangyayari at isyu sa ating bansa. (Danluyan, 2020) Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian: ● ● Primaryang Sanggunian - pinagkukunan ng impormasyon ng mga orihinal na talata ng mga pangyayari na isinulat ng mga taong nakaranas. Halimbawa ay ang mga journal, legal na dokumento, guhit at larawan. Sekundaryang Sanggunian - impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang sanggunian o ibang sekundaryang sanggunian na inilahad ng isang taong walang kinalaman sa mga pangyayaring naitala. Ilan sa mga sekundaryang sanggunian ay ang mga tula, teksto, guhit at mga nabuong sulat sa primaryang sanggunian tungkol sa mga pangyayari sa pagsusuri ng datos. Makikita sa ibaba ang pagkakaiba ng dalawang sanggunian. Primaryang Pinagkukunan Halimbawa: Dokumento Ulat ng saksi Talambuhay Talumpati Larawan Sulat Guhit. Sekundaryang Pinagkukunan Halimbawa: Articles Biography Aklat Komentaryo Political Cartoons Encyclopedias Mga kuwentong hindi na saksihan ang mga pangyayari Paano malalaman kung ang isang isyu ay katotohanan o opinyon, pagkikiling o bias, hinuha, paglalahat at konklusyon. 1. Katotohanan – totoong kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos. 2. Opinyon (kuro-kuro) -impormasyon na nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa isang isyu o inilahad na katotohanan. 3. Pagkiling (bias) – nasusuri ang mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. 4. Hinuha – educated guess ay isang pinag-isipang hula. 5. Paglalahat - generalisasyon sa isang pangyayari o hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng hindi magkaugnay na impormasyon. 6. Konklusyon – desisyong kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral ng pagkakaugnay ng mga mahalagang ebedensiya. KONTEMPORARYONG ISYU SA LIPUNAN AT DAIGDIG Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan sa ating bansa. Sa katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral, higit na mataas ang marka ng Pilipinas kung ihahambing sa mga karatig bansa sa Asya tulad ng Vietnam, Indonesia, Bangladesh at ng North Korea na kasama sa Five Most Corrupt Countries sa daigdig. Subalit hindi ito dahilan upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon. Ang Lipunan Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. (Danluyan, 2020) Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga sosyologo tungkol sa lipunan. Ilan sa kanila ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley. https://www.bing.com/images/lipunan Emile Durkheim “ Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” (Mooney, 2011) Emile Durkheim https://www.bing.com/images/emile-durkhein Karl Marx “ Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan.Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan.Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” (Panopio, 2007) https://www.bing.com/images/karl-marx Karl Marx Charles Cooley “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.” (Mooney, 2011) g Charles Cooley https://www.bing.com/images/charles-cooley Magkakaiba man ang pakahulugan sa lipunan, makikita ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo kung ano ano ang bumubuo sa lipunan. Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan 1. Institusyon a. Lipunan – binubuo ng mga institusyon na may organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011) b. Pamilya – institusyong panlipunan na unang nahuhubog ang pagkatao ng isang tao. c. Ekonomiya – mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. 2. Social Groups – institusyong panlipunan na binubuo naman ng mga social group na tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. Dalawang uri ng social group: a. Primary Group –impormal at malapit na ugnayan ng mga indibiduwal na may maliit na bilang. Halimbawa ay pamilya at kaibigan. b. Secondary Group – binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Halimbawa ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa. (Eckstein, et.al 2015) 3. Status – binubuo ng mga social groups. Ang social groups ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. Dalawang uri ng status: a. Ascribed status - isang indibidwal sa kaniyang achieved status. Halimbawa: pinanganak na mahirap - Ang pagiging mahirap ay maituturing na Ascribed Status. b. Achieved Status - nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng kaniyang pagsusumikap. Maaaring mabago ng isang indibidwal ang kaniyang achieved status. Halimbawa: naging isang guro ang isang indibidwal dahil nag- aral siyang mabuti. 4. Gampanin (Role) - may posisyon ang bawat indibidwal sa loob ng isang social group. Ang posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang gampanin sa mga karapatan, obligasyon, at gampanin na nagiging batayan ng kilos ng tao sa lipunang kanyang ginagampanan. Halimbawa: ginagampanan ng mag aaral na mag-aral ng Mabuti at gagampanan ng guro ang mahusay na pagtuturo. (Danluyan, 2020) Katuturan ng Kultura Sa pag-aaral ng Lipunan. Mahalagang pagtuunan din ng pansin ang kultura. Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. (Andersen at Taylor 2007) Dalawang Uri ng Kultura 1. Materyal - binubuo ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahawakan na gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) 2. Hindi Materyal - kabilang ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao na bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011) Mga Elemento ng Kultura Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istrukturang bumubuo sa isang lipunan, ang mga kultura naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo. 1. Paniniwala (Beliefs) – kahulugan at paliwanag tungkol sa paniniwala at tinatanggap na totoo. 2. Pagpapahalaga (Values) - batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at hindi. 3. Norms - mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. May dalawang uri ng norms: a. Folkways – pangkalahatang batayan ng kilos ng tao sa isang lipunan sa kabuuan. b. Mores – mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mores ay magdudulot ng legal na parusa. (Mooney,2010) 4. Simbolo – paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng taong gumagamit. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi magiging posible ang interaksiyon ng tao sa lipunan. Halimbawa; wika, mga pagkumpas (guestures), at iba pang bagay na nauunawaan ng mga miyembro ng isang lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda. (White, 1949) Isyung Personal at Isyung Panlipunan Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Ito ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan. Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema sa pagtatapon ng basura. (Danluyan, 2020)