EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 1ST QUARTER REVIEWER ARALIN 1: Isip at Kilos-loob: Itaas ang Antas ng Paggamit ➢ Ang isip ay ang kakayahan ng tao para sa pag-unawa o kapangyarihang mag-isip. Ito ang kakayahang umalam, magsuri, tunuklas, at magbigay-kahulugan sa mga kaalaman, ➢ Ang kilos-loob ay ang kapangyarihang magpasiyang pumili batay sa mga nakalap na impormasyon ng isip. Ang kilosloob ay malaya ito ang naguudyok na piliin kung alin ang mabuti o masama ayon sa pagkakaunawa ng isip. ➢ Ang isip at kilos-loob ang kambal na kapangyarihang nagpapabukod- tangi sa tao sa lahat ng nilalang. ➢ Ang kilos loob ay ang likas na pagkagusto o pagkahilig sa mabuti. ➢ Ang isip ay may kakayahang magsuri, magtaya at maghusga tungkol sa mga bagay, pangyayari o sitwasyon na siyang inilalahad mabuti ng kilos-loob. ➢ Ang karunungan ang bunga ng nahubog na isip at kilos-loob batay sa katotohanan. Mataas na Antas ng Paggamit at Tunguhin ang Kilos-loob AngkaraniwanoNormalatangMataasna AntasngiIsipatKilos-loobngTao ➢ Halimbawa: ano ang pinagkaiba ng nagugutom na aso sa nagugutom na tao? ➢ Ang tao ay may kakayahan sa pagunawa, kakayahan sa wika, kamalayan at pag-alam sa sariling pag-iisip, imahinasyon at pag-iisip sa hinaharap. ➢ Ang kakayahang ito ay nagdudulot na malaim na pag-unawa o pagintindi, pagsasanib ng mga iba’tibang pangyayari at pag-uugnay ng mga sa sariling perspektiba at pagsuri sa sarili. ➢ Ang mataas na paggamit ng kilos- loob ay ang malayang pagpili na dulot ng mataas na kamalayan ng ating sariling pagiisip at pag-unawa ng kaalaman. ➢ Ang mataas na gamit ng ating isip ay kakayahang magbigaykahulugan, limiin ang posibleng kalabasan ng isang kilos o desisyon at impuwensiyahan ang pagbuo ng kapasiyahan. ➢ Ang higit na mahusay sa kakayahang mag-isip ay higit na mataas din ang antas ng paggamit ng kilos-loob. Mga Antas o Yugto sa Paggamit ng Kilos- loob ➢ Ang pagpili ng mabuti ay nababatay sa kakayahan ng isip na limiin kung ano ang mabuti. ➢ May antas ang paggamit ng isip at iba-iba ang antas ng pagunawa. ➢ Ibang antas ang kakayahan ng tao sa paggamit ng kanyang isip. ➢ Ang isip ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at ang kilos-loob ay sa paglilingkod at pagmamahal. ➢ Ayon sa pag-aaral ni Eleonore Stump, isang manunulat at guro sa Pilosopiya, ang isip at kilos-loob ay nagkakaroon ng pagbabago at kumplikadong interaksyon na maaaring dumaan sa limang yugto. ➢ Sa gitna ng mga yugto ay maimit o madalas mat mga nakaharang o nagpapabagal sa pagunlad at pagbabago gaya ng mga matinding emosyon. ➢ Paano maipapamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob tungo sa katotohanan, paglilingkod, at pagmamahal? • Mataas na antas ng paggamit ng isip at kilosloob Limang Yugto Ayon kay Eleonore Stump 1. Ang isip ang tumutukoy sa sitwasyon at ang layunin nito ay tama at mabuti. Ang kilos-loob naman ay sumasang-ayon sa isang simpleng kagustuhan ayon sa layunin. 2. Ang isip ang tumutukoy na ang layunin ay matatamo at nasa kapangyarihan ng tao. Samantala, ang kilosloob naman ay magkaroon ng intensyong kamtin ang layunin sa pamamagitan ng mga paraan. 3. Ang isip ay gagabay at ihahayag ang iba’t ibang paraan para sa pagkamit ng layunin. Samantala, ang kilos- loob ay tatanggapin ang mga paraang ito o maaaring humingi pa ng ibang paraan. 4. Ang isip ay tutukuyin ang pinakamabuting paraan para sa sitwasyon. Ang kilos-loob ay pipiliing ang paraang pinakamabuti na tinukoy ng isip. 5. Ang isip ay iuutos na gawin ang pinakamabuti. Ang kilos- loob ay gagamtin ang katawan o pag-iisip na kinakailangan. Paglalagom ng mga Natutuhan ➢ Ang mga tao ay may kakayahan sa pag-unawa, kakayahan sa wika, kamalayan at pag alam sa sariling pag-iisip, imahinasyon at pag iisip sa hinaharap. ➢ Ang kalayaan sa pagpili ay nasa higit na mataas na uri at antas na wala sa mga hayop. Ito ang dahilan kung bakit ang tawag natin sa kapangyarihang ito ay kilosloob o free will. ➢ Ang bawat isa at kailangnag patuloy ang paglinang ng sariling kakayahang mag-isip upang maayos o masusing masaliksik, masuri at mataya kung ano ang totoo at makapamuhay sa katotohananM ➢ Ang tao rin ang gumagawa ng mga paraan upang mapataas niya ang antas ng kaniyang kakayahang mag-isip at kakayahang gumamit ng kanyang kilos-loob. ARALIN 2: Batas Moral: Gawin ang Mabuti, Iwasan ang Masama Ano ang batas moral? ➢ Ang Batas Moral ang batayan ng pagkilos ng tao upang ito ay maging tama at mabuti. ➢ Ito ang nagpapakita ng direksyon ng pantaong kilos para makarating sa tamang patutunguhan. ➢ Tinatawag ding Likas na Batas Moral (Natural Moral Law) at ito ay naihahayag sa atin sa pamamagitan ng ating isip. ➢ Ang Likas na Batas Moral ang gumagabay sa tao kung paano siya makipag ugnayan sa Diyos at sa kaniyang kapwa. Isinasaad nito ang mga pamantayan ng mga gawang dapat at hindi dapat. ➢ Dapat o hindi dapat? Batas Moral: Batayan ng Tama at Mabuti Saan nakaugat ang batas moral? ➢ Ang batas na Walang Hanggan (Eternal Law) o Batas ng Diyos (Divine Law) ang iisa lamang na ugat ng mga batas. Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay sakop ng Batas ng Diyos. ➢ Ang Batas na Walang Hanggan ang batayan ng Batas Moral ito ay unibersal. Ibig sabihin ay totoo ang batas na ito sa lahat ng tao kahit ano pa ang kanilang pananampalataya o relihiyon. Tatlong Uri Ng Batas Na Pamantayan At Kilos-Tao (Human Act) (human act) 1. Ang Batas Eternal • ito ay ang mismong karunungan ng Diyos o isip ng Diyos na namamahala sa lahat ng kilos at galaw ng lahat ng umiiral sa sansinukuban. 2. Ang Lex Naturalis • ay nagpapahayag ng mataas na karangalan ng tao sa kaniyang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa Diyos. 3. Ang Batas ng Tao • • ito ay tumutukoy sa mga partikular na prinsipyo na ibinatay ng isip sa mga pangunahing prinsipyo ng lex naturalis. Kailangan ng tao, lalo na ng kabataan ang batas ng tao upang sila ay masanay sa paggawa ng mabuti kahit na ang karaniwang dahilan ng pag iwas sa paggawa ng masama ay ang pagkatakot sa parusa sa batas. Ang Pangunahing Prinsipyo ng Batas Moral ➢ Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang tao ay likas na may kakayahang umunawa sa mga pangunahing prinsipyo ng ng batas kalikasan at batas moral na tinutukoy ring “mga batas na nakaukit sa ating puso”, sapagkat ang prinsipyong ito ay nananahan sa lahat ng tao, hindi nagbabago at kailanman ay hindi maaalis sa puso ng tao anuman ang kaniyang relihiyon o kahit hindi siya naniniwala sa Diyos. ➢ “Ang mabuti ay dapat gawain at kamtin; ang masama ay dapat iwasan.” ➢ Mabubuting Likas na Kahilingan (ayon kay Douglas McManaman, isang dalubguro sa Pilosopiya sa Canada) • Buhay • Katotohanan • Kagandahan • Kasanayan • Pakikipagkapwa • Relihiyon • Katapatan ➢ Pangalawang Prinsipyo ng Batas Moral 1. Hindi dapat sinisira ang isang mabuti upang gumawa ng mabuti. 2. Hindi dapat tratuhin ang tao bilang paraan para sa layunin. 3. Hindi dapat kinikilingan ang ilan, maliban kung ito ay kinakailangan para sa kabutihan ng lahat. 4. Hindi dapat nagsasarili na kumilos para sa kabutihan ng tao. 5. Hindi dapat kumilos nang nababatay lamang sa bugso ng damdamin, takot, galit o pagnanasa. Paglalagom ng Natutuhan ➢ May tatlong uri ng batas na nagsisilbing pamantayan at gabay para sa kilos ng tao: batas eternal, ang lex naturalis, at ang batas ng tao. ➢ Ang pangunahing prinsipyo ay "Ang mabuti ay dapat gawin at kamtin; ang masama ay dapat iwasan." ➢ Kabilang sa mabubuting likas na kahilingan ay: buhay, katotohanan, kagandahana, kasanayan, pakikipagkapwa, relihiyon, at katapatan. ➢ Ang mga pangalawang prinsipyo ay nakasalalay sa mga pangyayari at anf mga ito ay maaring magbago. Hindi ito tiyak at kadalasan ay hindi alam ng lahat. ARALIN 3: Konsensiya: Dikta ng Tamang Pasiya at Kilos Mga Pangunahing Konsepto ng Konsensiya ➢ Ang konsensiya ay bahagi ng ating espiritwal na kalikasan. Ito ang kakayahan ng isip sa paglapat ng kaalaman sa pag husga ng tama at mali. ➢ Ang konsensiya ay nagpapatunay kung mayroon kang ginawa o hindi ginawa. Ang konsensiya ay nag huhusga kung mayroon kang dapat o hindi dapat ginawa. ➢ Dalawa ang uri ng konsensiya: Tama at Mali Mga Prinsipyong Gumagabay sa Paghubog ng Konsensiya 1. Lahat ng tao ay may pananagutang hubugin ang kaniyang konsensiya. 2. Bawat tao ay may pananagutang sumunod nang tapat sa husga ng kaniyang konsensiya 3. Hindi mismo ang konsensiya ang tumutukoy ng tama o masama kundi ang Diyos. 4. Ang mabuting layunin ay hindi kailanman maituturing na mabuti kung ginawa gamit ang masamang paraan. Paglalagom ng mga Natutuhan ➢ Ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. ➢ Mahalaga na napagnilayan ang mga maling pasiyang ginawa at nakagagawa ng mga hakbang upang itama ang mga ito. ➢ Lahat ng tao ay may pananagutang hubugin ang kaniyang konsensiya. Bawat tao ay may pananagutang sumunod nang tapat sa husga ng kanyang konsensiya. ➢ Hindi mismo ang konsensiya ang tumutukoy ng tama o masama kundi ang Diyos. Ang mabuting layunin ay hindi kailanman maituturing na mabuti kung ginawa gamit ang masamang paraan. ARALIN 4: Kalayaan: Gamitin sa Pagmamahal at Paglilingkod Kalayaan ➢ Ang kalayaan ay likas sa pagiging tao. Ang isang tao ay maaring maging malaya mula sa mga pagbabawal o pamimilit ng iba. Ang tao ay maaring kumilos ayon sa kaniyang pagpapasiya at sariling plano. Siya ay hindi kumikilos batay sa kagustuhan ng iba. ➢ Ang tao ay maaring malaya sa paggawa ng mga bagay-bagay. Malaya siya sa pagpili ng trabaho, malaya sa pagbili ng bahay o ari- arian, o maging sa kahit ano pa man. Kalayaan: Gamitin Upang Magmahal at Maglingkod ➢ ➢ ➢ ➢ Ang Likas na Kalayaan ng Tao Ang Mapanagutang Kalayaan Kalayaang Panloob at Panlabas Mga Katangian ng Kabataang may Pananagutang Kalayaan • Malayang kumikilos nang higit sa pansariling interes • Malayang kumikilos at pinananagutan ang anumang kahihinatnan ng kilos • Malayang nakapagpapasiya ngunit ginagawa ito nang matalino • Malayang bumubuo ng pagkakakilanlan at marunong pumuna sa sariling kaisipan, damdamin, at kilos. ➢ Habang Lumalawak ang Kalayaan, Lumalawak Din ang Pananagutan • Habang tumataas at lumalawak ang pamilya, at bayang pananagutan at mamahalin. Ang paglilingkod nang may buong pagmamahal ay may dalawang uri: ➢ Una, ang paglilingkod nang may pagmamahal ay kabaligtaran ng masamang ugali ng pagkamakasarili. • Ang masamng ugaling ito ay dahilan ng ating pagkaalipin sa makasariling pag-asam, ngunit ang tunay na pagmamahal ay naipapakita sa paglilingkod sa pangangailangan ng kapwa. ➢ Pangalawa, ang utos na maglingkod nang may pagmamahal ay kakayahan, lumalaki rin ang pananagutan. Habang mas marunong ka, mas malaya ka sa pagpasiya nang matalino at mas malaki rin ang pananagutan mo sa kabutihang panlahat. Ang Layunin ng Kalayaan ay para sa Pagmamahal at Paglilingkod ➢ Ang taong hindi malaya mula sa kaniyang makasariling loob ay hindi malayang magmahal sa kapwa. At kapag hindi siya nagmahal, hindi siya magiging tunay na malaya. ➢ Ang pagmamahal ay pananagutan sa kapwa. ➢ Ang kalayaan ay talagang naglalayon para sa pagmamahal, at ang kalayaan na walang pagmamahal ay walang halaga. ➢ Walang saysay ang ang kahulugan ng buhay kapag walang kaibigan, kabaligtaran ng pagpapaalipin sa batas. • Hindi dapat isinasabatas ang maglingkod at magmahal. Hindi dapat magpaalipin sa mismong batas kundi magpaalipin sa paglilingkod dahil sa pagmamahal sa kapwa. Kalayaan: Pagpili at Paggawa ng para sa Kapwa ➢ Ang kalayaan ay gamitin para sa kabutihan ng kapwa. Ito ay naiuugnay sa utos ng Diyos: "Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." ➢ Malaya kang gumawa at gawin ang mabuti, maglingkod sa kapwa, iwasan ang masama, magbasa ng salita ng Diyos, magturo sa iba ng moral na mga prinsipyo, mahalin ang pamilya, at mahalin ang kapwa hindi dahil gusto mong maligtas ayon sa batas, ngunit ito ay dahil sa pagmamahal mo sa kapwa kagaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili. ARALIN 5: Dignidad ng Tao: Pagkiling sa Mahihirap at Katutubo Mga Pangunahing Konsepto Ng Dignidad ➢ Kahulugan ng Dignidad • Ang dignidad ay ang dangal ng pagkatao. Ito ang pagkabanal at pagkabukod-tangi ng tao na nag-uugat mula sa kaniyang materyal at espiritwal na kalikasan. ➢ Dignidad at Karapatang Pantao. • Bawat tao ay may dangal na pinagmumulan ng kaniyang karapatan. Ang mga ito ay nasasaklaw ng mga karapatang pantao na karapat dapat igalang sapagkat ang tao sa kanyang kalikasan ay may karangalan o dignidad. ➢ Paggalang sa Karapatan ng Kapwa: Paggalang sa Dangal Pantao. • Kung ano ang likas sa iyo, likas din sa iyong kapwa. Kung mayroon kang karapatang iapaglaban ang iyong dangal, mayroon ding karapatan ang iyong kapwa. Kaya mahalaga ang pagsususportahan ng kapwa tao sa pagpapatibay ng dangal pantao. Dignidad: Likas Na PagkabukodTangi Ng Tao 1. Paggalang sa Sarili: Simula ng Paggalang sa Pantaong Dignidad 2. Ano ang Nakaaapekto sa Dangal Pantao? Tatlong Antas ng Aksiyon sa Pagpapatibay ng Dangal Pantay Pansarili, Pakikipagkapwa, Panlipunan 4. Apat Na Pinakamahalagang Aksiyon Sa Pagsanggalang Ng Dangal Pantao: (Ayon kay Pope John Paul II) • Pagtatanggol sa kabanalan ng buhay at ang pinagmulan nito • Pagtatanggol sa dignidad ng paggawa • Pagtatamo ng buong edukasyon at kalinangan • Pagpapaunlad ng kabutihang panlahat at katarungang panlipunan 5. Pagtatanggol sa kabanalan at dignidad ng buhay. • Ang buhay ay banal at ang dignidad ng tao ang batayan ng moral na pamumuhay ng isang lipunan. • Sa kasalukuyang panahon, maraming hamon ang hinaharap sa pagtatanggol ng dignidad ng buhay. • Ang kabanalan ng buhay ay hinahamon ng abortion, euthanasia, cloning, embryonic stem cell at ang paggamit nh parusang kamatayan. • Ang dignidad ng tao ay hindi nanggagaling sa uri ng kaniyang hanapbuhay kundi mula sa kaniyang pagkatao. Prinsipyo Ng Dignidad Pantao 1. Ang tao ayibinilang na banal mula sa kaniyang pagkalalng hanggang sa kaniyang kamatayan 2. Bawat tao ay dapat kinikilalang mahalagang kasapi ng pamayanan na may materyal at espiritwal na kalikasan. 3. Ang dignidad ng tao ay ipinagtatanngol sa pamamaggitan ng paggalang, pagmamahal at pag aaruga ng buhay. Pagkiling Sa Mahihirap: PagAangat Sa Dignidad Ng Buhay ➢ Ang pag suporta sa mga maralita at mahihina ay pananagutan ng bawat isa. ➢ Paano kaya nakatutulog ang mga mayayamanng ang mga kapitbahay ay nagdarahop at hindi nakakakain nang sapat? ➢ Paano kaya nagkakaroon ng kapayapaan ng loob ang mga maykaya sa buhay na ang kamag- anak, mga kaibigan, at kakilala ay halos mamatay na sa kawalan ng ikabubuhay? Pagtatanggol Sa Mga Karapatan Ng Katutubo: PagAangat Sa Kanlang Pantaong Dignidad ➢ Sila ay kapwa natin mga Piipino na dapat kilalanin at igalang sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang katutubong kultura, espiritwa na tradisyon, kasaysayan at pilosopiya. ➢ Ang mg akatutubo ay kapantay ng dignidad at karapatan ng lahat ng tao. ➢ “Ang Deklarasyon ng UN sa mga Karapatan ng mga Katutubo” noong 2007 na gumagabay sa mga programa at gawain kaugnay sa pagtatanggol ng dignidad pantao ng mga katutubo sa iba’t ibang mga bansa.