Uploaded by Brielle Dana Moreno

ap9 q4 week4 sektorngindustriya v1.7-FOR-PRINTING

advertisement
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Sektor ng Industriya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Sektor ng Industriya
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Bonnie Jay A. Taguinod
Editor:
Lanilyn E. Gueta
Tagasuri:
Michael M. Mercado
Michael Ross A. Linatoc
Tagaguhit:
Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat:
Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS
Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan
Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)
Department of Education – Schools Division Office- Makati City
Office Address:
Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax:
(632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address:
makati.city@deped.gov.ph
ii
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo
ang paksang “Sektor ng Industriya.” Makikita sa ibaba ang iba’t ibang
larawan sa sektor ng industriya.
Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ito ay ang
sumusunod:
Aralin
Aralin
Aralin
Aralin
1
2
3
4
–
–
–
–
Konsepto ng Industriya
Mga Bumubuo sa Sektor ng Industriya
Dahilan at Epekto ng Suliranin ng Sektor ng Industriya
Mga Mahahalagang Gampanin ng Sektor ng Industriya
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay
na layunin:
1.
2.
3.
4.
Natatalakay ang konsepto ng sektor ng industriya;
Natutukoy ang mga bumubuo sa sektor ng industriya;
Natataya ang mga kahinaan ng sektor ng industriya; at
Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang pangekonomikong nakatutulong dito (MELC).
Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa sektor ng industriya?
A. paghahalaman
C. pagsasaka
B. paghahayupan
D. pagmimina
2. Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay
maging isang produkto?
A. paglilingkod
C. industriya
B. agrikultura
D. pangangalakal
3. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng sektor ng industriya sa isang bansa?
A. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay.
B. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng kitang panlabas.
C. Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit materyal sa industriya.
D. Ito ang lumilikha ng mga tapos na produkto na tumutugon sa pangangailangan ng mga
Pilipino.
4. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng industriya?
A. Kakulangan ng kakayahan ng mga Pilipino sa paggawa.
B. Kakulangan ng dolyar at pananalapi na panustos sa sangkap na inaangkat sa labas ng
bansa.
C. Maraming dayuhan ang namumuhunan ang nagiging kakompitensiya ng mga lokal na
namumuhunan.
D. Ang lahat ng tatlong nabanggit ay mga suliranin ng industriya na nagkakaroon ng
malaking epekto sa takbo ng ekonomiya.
5. Alin sa sumusunod ang maituturing na suliraning dulot ng industriyalisasyon?
A. Tumataas ang bilang ng mga manggagawa sa bansa.
B. Lalong lumalawak ang mga lupaing sakop ng mga panginoong maylupa.
C. Nababawasan ang mga produktong ating nailalabas bunga ng industriyalisasyon.
D. Lumalaki ang utang panlabas ng bansa bunga na rin ng paggasta na kailangan sa
programang industriyalisasyon.
Modyul
4
Sektor ng Industriya
Ang industriyalisasyon ay sinasabing senyales ng isang umuunlad na bansa. Ang pag-unlad at
pabago-bagong kapaligiran ng bawat industriya ay dulot ng iba’t ibang sitwasyon na maaaring epekto mula
sa ibang sektor ng ekonomiya.
1
Balikan
Pagmasdan ang larawan ng magsasaka sa ibaba. Magbigay ng mga kadalasang salita na pumapasok sa
isipan kapag pinag-uusapan ang magsasaka at bigyan ng paliwanag ang mga salitang naiugnay gamit ang
relationship chart. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na katanungan.
Mga Tanong:
1. Bakit kadalasan ay iniisip natin na ang mga magsasaka ay
mahirap, naghihikahos sa buhay at maraming problemang
kinakaharap?
2. Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng sektor na ito?
Tingnan at suriin ang mga
larawang nakikita mo sa ibaba.
Isulat mo sa iyong kuwaderno
kung ano-ano ang mga
produktong iyong nakikita at
pagkatapos ay sagutin mo ang
mga pamprosesong tanong.
Tuklasin
Mga Tanong:
1. Paano kaya nalilikha ang
mga produktong nasa
larawan?
2. Sino-sino kaya ang mga
lumilikha ng mga
produktong ito at ibang mga
ginagamit natin sa pangaraw-araw?
3. Saang sektor kaya
nabibilang ang mga ito?
Suriin
Sektor ng Industriya
Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB) ay may malusog na sektor
ng paglilingkod ng sandigan ng ating ekonomiya. Subalit kailangan ng bansa na magkaroon ng ganoon
ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng mas maraming pagkakataon na makahanap
ng trabaho ang mga mamamayan. Ito ay isang pagpapatunay na ang sektor ng industriya ay isang
mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw
na materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao. Karaniwang
nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na materyal upang mabuo ang mga produktong maaaring
ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto tulad ng tornilyo sa kotse. Bunga nito,
nakapagbibigay ang sektor na ito ng trabaho sa maraming Pilipino na ipinakikita sa Talahanayan 1.
2
Talahanayan 1 Kabuuang Empleyo Ayon sa Industriya at Kabuuang Lakas Paggawa (libo) 2000-2010
2002
Kabuuang
Lakas
Paggawa
Kabuuang
lakaspaggawa
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
2003
2004
2005
2006
2007
2008
2009
2010
33,674 35,120 35,629
35,494 35,806 35,919 37,058 38,196 39,289
30,251 31,553 31,741
32,875 33,185 33,671 34,533 35,478 36,489
11,311 11,741 11,785
4,669 4,948
4,880
14,271 14,865 15,076
12,171 12,164 16,364 12,328 12,062 12,260
4,883
4,895 4,849 5,076 5,144 5,364
15,820 16,126 12,458 17,128 18,271 18,865
Pinagkunan: Labour Force Survey, National Statistics Office.(n.d.).www.census.gov.ph retrieved on August 16, 2014
Batay sa talahanayan, ikatlo ang industriya sa nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
Higit itong mababa kumpara sa agrikultura at paglilingkod. Ang karagdagang dami rin na napapabilang
dito ay mas maliit kaysa sa potensiyal na kaya nitong tanggapin. Sa kabila nito, kinakailangan pa ang
ibayong pagtutok upang maging maayos at malusog ang sektor ng industriya. Kung magiging malakas ang
sektor, higit na maraming tao ang magkakaroon ng hanapbuhay. Ang mataas n akita ng ekonomiya ay
higit na mararamdaman kung ang halos lahat ng mamamayan ay mayroong pinagkakakitaan. Ang bansa
na may mataas na pag-unlad sa kanilang kabuuang kita ay inaasahan na makapaghahatid nang mas
maayos na buhay para sa mamamayan.
Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor:
• Pagmimina. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang
mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto (halimbawa ay
hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa
kotse). Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa bansa.
• Pagmamanupaktura. Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang pagmamanupaktura ay
tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina.
Dagdag dito, inilarawan din ng Australian and New Zealand Standard Industrial Classification
(ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal o bahagi
nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
• Konstruksiyon. Kabilang dito ang mga gawain tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura
at iba pang land improvements. Halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo
publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito ang
probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at
pagmimintina kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan.
• Utilities. Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente at gas. Sa sekondaryang sektor na
ito, Malaki ang papel ng pamahalaan upang masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa
mga tungkuling ito ang paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na teknolohiya upang
maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang paninigurong ang bawat
mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo.
Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi
ng ekonomiya ng
bansa. Ang bansa, ayon sa artikulo mula sa Economy Watch, ay ikatatlumpu’t dalawang (32) bansa na
may pinakamalaking ekonomiya sa mundo at may GDP na US$188.719B noong 2010. Dahil dito, ang
Pilipinas ay may napakalaking potensiyal upang maging ganap na industriyalisado. Dagdag ni Ginoong
Usui ng ADB, ‘ang Pilipinas ay maaaring maging pangunahing lokasyon ng produksiyon sa Asya. Sa
panahon na naghihigpit ang pamilihan ng manggagawa sa ibang mundo, at habang patuloy na
bumabangon pa lamang mula sa mga kalamidad ang ibang bansa at sa gitna ng patuloy na pagtaas ng
presyo ng Yen, ang Pilipinas ay may isang napakalaking pagkakataon upang makaakit ng mga dayuhang
mamumuhunan. Inaasahang ang tagumpay ay hindi malayo para sa mga Pilipino.
Epekto ng Industriyalisasyon
Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonomistang Adam Smith
(1776), Marx, Engels, (1848 at John Williamson (1990), ang patuloy na motibasyon ng maraming bansa na
mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Ngunit ayon din sa kanila, sa kabila ng mga benepisyo
na dala ng mga industriyalisasyon sa mga mamamayan, marapat na makita rin ang epekto nito.
Mangangailangan ng kritikal na pang0unawa at pagninilay upang mapagtimbang ang kahalagahan at
epekto ng industriyalisasyon at ang pangmatagalang implikasyon nito sa lipunan at sa bansa. Ayon sa
mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng
polusyon, hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko, at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga
3
miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon. Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat
nina Balitao et al. (20212) na ang polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng
industriyalisasyon. Samantala, batay naman kay Williamson (1999), ay maaari ding maging dahilan upang
bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na tapusin
ang kanilang pag-aaral. Dahil dito, inaasahang maging mapanuri at matalino ang pamahalaan. Totoong
maraming benepisyo kapag nakamit ng bansa ang kalagayang industriyal na karaniwang nakaugnay sa
kaunlaran. Subalit, nangangailangan ding maunawaan at makilala ang mga negatibong epekto nito, higit
kung ang isang bansa ay may kahinaan sa regulasyon na ipinatutupad. Tandaang ang pamahalaan ay may
responsibilidad pangalagaan ang limitadong likas na yaman ng bansa upang masiguro na maiingatan ang
mga ito. Gayundin naman,
dapat maikintal sa mga mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng
pamahalaan sa pagtataguyod at pag-iingat ng ating yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring wala
ng magamit pa ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.
File
Federman, M. and Levine,- D. (2005). The effects of industrialization on education and youth labor in Indonesia.
:AdamSmithD8.jpg
Retrieved from
Wikimedia
http://faculty.haas.berkeley.edu/levine/papers/The%20Effects%20of%20Industrialization%20on%20School%20E
Commons
nrollment%20and%20Youth%20Employment%20in%20Indonesia.pdf on November 7, 2014
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang
iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa modernization
theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasandra na nagsaad na ang kaunlaran ay
matatamo kung susundan ang mga dinaraanan na proseso ng mga mauunland na bansa, ayon
naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw
sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng
transpormasyon ang isang lipunan mula sa pagiging ‘rural, agricultural, atrasado, at mapamahiin
patungong urban, industriyal progresibo, at modern’. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit
na paksa sa maraming panig ng mundo dahil sa magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang
debate tungkol sa teorya ay batay sa hindi magkakaparehong katangian ng mga bansang
papaunlad. Ngunit sa anumang kaparaanan, malinaw ang mensahe na ninanais ng bawat bansa,
ito ang makamit ang kaunlaran na mayroon ang mayayamang bansa tulad ng Japan, Singapore,
Switzerland, at iba pa. Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng
industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya at pagunlad ng mga industriya. Higit sa lahat. Tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal sa
sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito ng
pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang
tradisyunal. Pinakatiyak na katibayanng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriya na
pagawaan. Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lunos na napakilos ang lahat ng mga
pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”
Pinagkunan: Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. & Lim, A. (2000). Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon Quezin City: SD Publication.,
http://www.academia.edu/3596310/Rostows_theory_of_modernization_development Retrieved on November 7, 2014
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng
Industriya at Pangangalakal
Mula sa mga talahanayan tungkol sa investment, makabubuo tayo ng kongklusyon na ang
Pilipinas ay nakapagtala ng mas mababa sa maaaring asahan dito. Sa pagdaan ng mga panahon,
matitiyak ang unti-unting pagbaba sa kontribusyon ng sekondaryang sektor ng pagmamanupaktura sa
ekonomiya, gayundin ang pagbaba sa pangkalahatang pamumuhunan.
Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from
http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014
Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay hindi maikakailang
hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod:
4
“In 2009, the Philippines ranked 43rd out of 57 countries and last among five ASEAN
members; next to last in infrastructure; and 51st in economic performance in the IMD Global
Competitiveness Report; and placed 139th out of 180 countries (6th among the ASEAN-6) in
the Transparency International’s Corruption Perception Index. In 2010, the country ranked
144th among 183 countries and also last among the ASEAN-6 in the International Finance
Corporation/ World Bank’s (IFC/WB)”.
Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from
http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014
Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan
2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa nasabing plano, ang sumusunod na aspekto
ay tututukan: (a) mas maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at
maayos na paggawa; at (c) mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili. Ang nasabing plano ng
pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad ang sektor ng industriya. Malinaw ang layuning
nakasaad sa nasabing plano. Subalit tulad sa mga nakaraang panahon, ang katatagang maipatupad
ang mga plano ang pinakamalaki pa ring balakid upang masiguro ang pangmatagalang benepisyo mula
rito. Ilan sa direksiyon ng pamahalaan ay pagsasaayos ng ilang mga polisiya upang masigurong ang mga
ito ay magpapatatag at kaaya-ayang kondisyon sa pagnenegosyo para sa local at dayuhang
mamumuhunan. Ilan sa mga inaasahang may pagbabago sa mga patakaran ang sumusunod:
Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code
of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong
industriya ng Board of Investment (BOI)
Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing hindi patas
pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga
opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.
Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta
sa patas na
pakikipagkalakan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa.
Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay makasusunod sa pandaigdigang pamantayan
pagdating sa panuntunan ng custom batay sa naging komitment ng bansa sa Kyoto
Convention.
Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay
magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.
Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga R and D
na isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor
na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang
pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat
Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang
produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay.
Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta sa
pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa
pagbibigay ng trabaho
Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang pagtataguyod sa
industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang pangangailangan sa pagkakaroon ng kalidad sa
lakas paggawa na naaayon sa demand ng pamilihan. Kinakailangan din na malinang ang imprastruktura
at ang mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti ang sosyo-ekonomikong kapaligiran.
Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang matamo ang nasabing adhikain:
Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya sa
pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang
magamit nang husto ang mga likas na yaman.
Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya.
Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa pamamagitan ng
training at opportunity building.
Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal) at manguna sa
paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal sa ibang bansa.
Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng katanggap-tanggap na
kapaligiran sa pagnenegosyo.
Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang
5
mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa.
Makikita rin ang layunin ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa mga
sekondaryang sektor ng industriya:
Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing
tagapagpakilos ng ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga produktong ito na mula
sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng brand. Dapat ding makaakit ng mga negosyanteng maaaring
ang pokus ay iba pang larawan na malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na
patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa buong mundo.
Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam (9) na milyong
ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil sa malaking potensiyal nito, ang
pamahalaan ay naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais
na mapalakas ang kakayahan nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw
na sangkap at maipagbili sa dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang pamahalaan na
mapabuti ang kontribusyon ng pagmimina, hinahangad ding mapasunod ang lahat sa polisiya
tungkol sa matalinong paggamit ng ating likas na yaman. Ito ay pagsisiguro na magiging
responsable ang bawat isa sa paggamit ng mga yamang mayroon ang bansa habang
nagkakamit ng kaunlaran.
Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestruktura ng bansa ay inaasahang magiging isa sa
mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga
bagong paliparan at daungan, at iba pa ay isang patunay kung gaano kaseryoso ang
pamahalaan sa pagpapatatag ng ekonomiya.
Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro upang ang iba pang
mga nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya tulad ng homestyle products; pag-aalahas;
motor vehicle parts and components; tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay
magiging matibay na sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng pangalan
at kalidad sa mga produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang masiguro ang
kakayahan ng industriyang makipagkompetensiya sa mga bansang nangunguna sa kalakalang
panlabas.
Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices.
Retrieved from http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014
Halaw ang mga teksto sa Suriin mula sa Ekonomiks Araling Panlipunan Learner’s
Module Yunit IV pahina 388-403
Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol
sa “Sektor ng Industriya”, simulan mong sagutan ang
sumusunod na gawain. Galingan mo!
Gawain 4.1
Balita-Suri.
Basahin at
unawaing mabuti ang balita.
Sagutin ang mga tanong.
Gawin ito sa hiwalay na
papel.
Mga Tanong:
1.
2.
3.
4.
Tungkol saan ang balita?
Paano nakaapekto ang pandemya na
dulot ng COVID-19 sa ilang mga
negosyo at industriya sa Pilipinas? sa
mga manggagawa?
May epekto kaya ang pagsasara ng
maraming industriya at negosyo sa
ekonomiya ng ating bansa? Patunayan
ang iyong sagot.
Sa iyong sariling pananaw, anong mga
hakbang o paraan ang dapat gawin ng
pamahalaan para manumbalik ang sigla
ng industriya sa ating bansa sa kabila
ng hamon na kinakaharap ng mundo
dahil sa pandemya?
6
Isaisip
Gawain 4.2
1. Ano ang sektor industriya? Anoanong gawaing pang-ekonomiko
ang sinasaklaw nito?
2. Bakit patuloy na binibigyangdiin ang pagpapaunlad ng
industriya? Ano ang papel nito
sa ating ekonomiya? Ipaliwanag.
3. Ano ang kabuluhan ng
industriyang sambahayan sa
mga Pilipino?
4. Ano ang papel ng teknolohiya sa industriyalisasyon
ng isang papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
5. Ano-anong mga dahilan ang maaaring makaapekto
sa pagpili ng teknolohiyang gagamitin?
=
Isagawa
Gawain 4.3
Iguhit Mo. Nabatid mong mahalaga ang ginagampanan ng mga manggagawa, investor,
at pamahalaan sa pag-unlad ng industriya. Ipakita ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng paggawa ng poster kung paano ka makatutulong sa pagbangon ng
mga industriyang naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19. Gamitin ang
rubriks sa ibaba sa pagmamarka.
7
Rubric sa Paggawa ng Poster
Pamantayan
Kaangkupan ng Konsepto
Pagkamalikhain
Kabuuang Presentasyon
Indikador
Maliwanag at angkop ang mensahe
sa paglalarawan ng konsepto.
Orihinal ang ideya sa paggawa ng
poster.
Malinis at maayos ang kabuuang
presentasyon.
Kabuuan
Puntos
10
10
10
30
Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng industriya?
A. konstruksiyon ng tulay
C. paggawa ng damit
B. pagbuo ng makinarya
D. pagbabangko
2. Bakit mahalaga ang magkaroon ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan?
A. Unti-unti nitong inaalis ang manual labor sa mga pagawaan.
B. Mabawasan ang bilang ng mga manggagawa sa isang pagawaan.
C. Maaantala ang pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
D. Mapapataas nito ang produksyon ng mga manggagawa sa mga pagawaan.
3. Anong sangay ng pamahalaan ang tuwirang tumitingin at nangangalaga sa larangan ng industriya at
pangangalakal?
A. Department of Trade and Industry
B. Department of Labor and Employment
C. Department of Agriculture
D. Department of Finance
4. Alin sa sumusunod ang maaari mong gawin bilang konsyumer upang matulungan ang mga lokal na industriya
sa ating bansa?
A. Pagbili sa mga tindahang dayuhan
B. Pagbili sa black market upang makamura
C. Pagbili ng mga produktong mula sa cottage industry
D. Pagbili ng mga nakaw na kalakal
5.
Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw
na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural
patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ang limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na
pahayag ang hindi nagpapatotoo rito?
A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at
serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaapekto sa availabililty
ng hanapbuhay para sa mga manggagawa.
C. Unti-unting nasisisra ang ating kapaligiran fulot ng polusyon at masyadong mabilis na
industriyalisasyon.
D. Ang bansang may mabilis na industriyalisasyon ay nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas
ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita.
Karagdagang Gawain
Gawain 4.4
Your Opinion Matters! Maraming nagsarang mga negosyo at industriya sa ating bansa na dulot ng COVID-19. Bunga
nito, humina at bumagal ang dating masiglang ekonomiya ng bansa. Gamit ang internet o mga pahayagan, magsaliksik
ng mga industriyang naapektuhan ng pandemya at magbigay ng isang suliranin na kinakaharap ng bawat isa at ang
katuwang na ahensiya ng pamahalaan na maaaring mamahala upang matugunan ang bawat suliranin. Ibigay din ang
iyong mga mungkahing solusyon sa mga suliraning io.
Pangalan ng Industriya
Suliranin ng Industriya
Ahensiya ng Pamahalaan
1.
2.
3.
4.
5.
8
Mungkahing Solusyon ng
Mag-aaral
Download