Uploaded by ghuilyano29

SEREMONYA NG PAGTATALAGA NG SCOUT

advertisement
PROGRAMA PARA SA INVESTITURE 2019
7:00 pm October 10, 2019
I.
PAMBUNGAD NA SEREMONYA
 Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Crew Leader, Assistant Crew
Leader
 Panalangin
 Pagpasok ng Kulay
 Pambansang Awit
 Panunumpa sa Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
II.
PAMBUNGAD NA PANANALITA - Marichu C. Guzman Prinicpal II
III.
INVESTITURE PROPER
 Pagbigkas ng Pangako ng Scout
 Paglalagay ng Neckerchief
IV.
HAMON SA MGA SCOUTS
V.
AWIT NG SCOUT
VI.
PANGWAKAS NA SEREMONYA
 Scout benediction – Sctr. ARNEL M. CALIXTO
 Paglabas ng mga Kulay
 Paglabas ng mga Scouts
MGA GAWAIN PARA SA INVESTITURE
Sctr. Paul Abraham Viray: Magandang gabi po sa inyong lahat. Maari po lamang na tumayo
ang lahat para sa Pambungad na seremonya. Sisimulan ntin ito sa pagpasok ng mga Scouts na
pinagungunahan ng mga Crew Leader at Assistant Crew Leader.
(Pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng Crew Leader, Assistant Crew Leader.)
Sctr. Paul Abraham Viray: Para sa ating panalangin, tinatawag ko si Sctr. Daquila Monterola
(Panalangin. . . . . . . . .)
Sctr. Marycor Navalta: Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at
Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at kukumpasan ni Sctr. Alma Mendigorin
(Pagpasok ng Kulay at Pambansang Awit)
Sctr. Paul Abraham Viray: Para sa Panunumpa ng Katapatan ng Watawat ng Pilipinas narito
si Sctr. Rey Ecaldre (Panunumpa)
Sctr. Marycor Navalta: Maari na po kayong magsiupo.
Sctr. Mary Cor Navalta: Isang Mapagpalang gabi sa inyong lahat. Sa gabing ito ay ating
masasaksihan ang pagtatalaga ng ating scouts. Upang pasimulan ang programang ito ay
tinatawagan ang ating punungguro si Madam Marichu C. Guzman, Ed. ED.
Madam Guzman: Magandang gabi sa inyong lahat. Sa mga guro, kaibigan at sa mga
itatalagang iskawts sa taong ito.
Ngayong gabi ay panibagong hamon muli sa inyo mga iskawt ang pakikiisa sa mga adhikain,
paniniwala at layunin ng samahan ng mga Senior Scout maging ng mga Senior Girl Scout at hindi
madali. Ito ay sa dahilang may kaakibat na tuntunin ang bawat gawin at galaw na dapa ay naayon
sa mabuting kabuuan ng pagkatao at ayon sa inaasahan sa isang iskawt ng lahat. Mapalad ang
mga kasapi nito dahil marami ang mga natutunan hindi lamang bilang iskawt kundi bilang isang
mabuting mag-aaral, kaibigan, anak at mamamayn. Lahat ng kaalamang nakukuha rito ay dapat
maisabuhay. Kaya naman ngayon pa lamang ay binabati ko ang lahat ng mga kasapi na samahan
at lalung-lalo na ang mga itatalaga ngayong gabi.
Kaya’t humanda na ang lahat ng mga iskawt para sa inyong pagtatalaga at nawa’y tumatak sa
inyong damdamin ang lahat ng ipinapangako ninyo ngayong gabi. Palawigin at pagtibayin ang
kabuuan ng pagiging iskawt.
Maraming Salamat sa inyong lahat.
Sctr. Paul Abraham Viray: Maraming Salamat po Madam Guzman
Sctr. Paul Abraham Viray: Ngayon ay sisimulan na natin ang pagtatalaga sa mga Senior Boy
Scout at Senior Girl Scout na pangungunahan ni Outfit Adviser na si Sctr. Arnel Calixto
Sctr. Arnel Calixto: Mga itatalagang scouts kayo ay nandirito sa aming harapan at nagnanais
na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?
Scouts: Yes Maam/Sir
Sctr. Arnel Calixto: Sa seremonyang ito ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa STA.
CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL at sa kapatiran ng scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo
ay ang isang nasindihang kandila. Ito ang sumasagisag sa Diwa ng Scout.
Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at Batas ng Scout ay nagbibigay
gabay para sa ating maayos at marangal na pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng
pag-uugali na dat sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.
Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayo ng mraming bagay patungkol sa diwa
ng scouting. Ang panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan ni Sctr. Norman Olesco:
Sctr. Norman Olesco: Ang Panunumpa ng Scout: Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko
ang buong makakaya; upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang
Republika ng Pilipinas (sisindihan ang gitnang kandila)
Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinakamahalaga at sagradong pag-aari sa
iyong buhay. Kalakip nito ay ang iyong pangalan, integridad at magandang reputasyon. Sa tuwing
kayo’y manunumpa bilang scout, kayo’y nangangako na mamumuhay na ayon ditto upang
mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong buhay.
Gagawin ko ang buong makakaya - sa lath ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan na
gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay dapat
gawin at tapusin, kung tatapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakakaya ay isang
personal na pagsubok. Laging magsusumikap na gawin sa pinakamahusay na antas ng iyong
ginagawa.
Sa Diyos at sa Aking Bayan – Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay nananaligsa Diyos. Di
man tayo magkakapareho sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon tayo’y isa sa
pagtitiwala at paniniwala sa Poong Maykapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang
tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin siya at sumunod sa kanyang kautusan na naayon
sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo’y
taus pusong tutupdin ang tungkulin para sa ating Diyos.
Sctr. Alma Mendigorin: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na
sumunod sa Batas ng Scout: Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon:
(sisindihan ang kaliwang kandila)
Sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating sinumpaann pangako sa scouting –
kailangan natin ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang labingdalawng puntos ng
scout ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout.
Kaya iminumungkahi na kayo’y magpasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon - ang isang dahilan kung bakit ang
scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang nakatanggap ito ng suporta sa
mamamayan. Ang scouting ay pianhahalagahan ang suportang ito ay dahil sa nag mga scout aya
nagpakita ng pagiging mahalagang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng
tunay na scout.
Sctr. Rey Ecaldre: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing
malakas ang aking katawan, gisng ang isipan at marangal ang asal.
Pamalagiing malakas ang aking katawan - sa ngayon, alam na natin ang pagiging malinis
at malusog. Kung ito ay masusunod matutulungan tayong maging malusog at maligaya sa buhay.
Kung ninanais ninyong magkaroon ng isang alertong isipan at kahandaang tumulong sa iba,
kailngan ninyong panatilihing malusog at malakas ang inyong pangangatawan.
Gising ang isipan – Ang pagkakaroon ng gising na isipan ay magpapakita ng alerto at
matalinong isipan. Hindi sapat na puro pisikal na lakas lamang, kailangan niyang magkaroon ng
gising din an isipan. Ang kanyang pagkilos ay dapat ding maliksi, kalkulado at handing tumugon
sa anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.
Marangal ang asal – Kailangan ng scout na maging huwaran ng magandang asal. Ang kanyang
asal ay nasa pinakamataas na antas. Ang kanyang isip at gawa ay laging nagpapakita ng wastong
asal.
(Susunod ang pagsasalita ng 12 piling scout)
Sctr. Paul Abraham Viray: Dumako naman po tayo sa Batas ng Scout.
Sctr.1 Vivian Mon: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng
katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng
kanyang pag-uugali. Siya ay maaasahan ng ibang tao.
Sctr.2 Analea Esteves: Ang Scout ay MATAPAT. Ang scout ay matapat sa kanyang pamilya,
mga kaibigan, mga pinuno sa scouting, sa paaralan at sa bayan.
Sctr.3 Rubelyn Morcillo: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang
tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
Sctr.4 Hazel Maya: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang scout ay kaibigan ng lahat.
Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout. Siniskap niyang umunawa sa iba.
Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.
Sctr.5 Carla Malong: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa
man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang
pagkakasunduan ng mga tao.
Sctr.6 Cyrelle Shane Mendigorin: Ang Scout ay MABAIT. Ang scout ay nakauunawa na may
angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng
iba sa kanya. Hindi siya nananakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang
kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
Sctr.7 Dierick Mon: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang scout ay sumusunod sa mga alituntunin
ng kanyang pamilya, paaralan at barkada. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan
at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinussnod niya ito at hindi
sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.
Sctr.8 Kenneth Motos: Ang Scout ay MASAYA. Ang scout ay nagsisikap tumingin sa
maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mag naiatang sa kanyang
mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.
Sctr.9 Jan Anthony Fortes: Ang Scout ay MATIPID. Ang scout ay gumagawa upang
matustusan ang kanyang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap.
Painapangalagaan niya at ginagamit nang wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa
paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.
Sctr.10 Richard Menia: Ang Scout ay MATAPANG. Ang scout ay may lakas ng loob na
humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala
niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.
Sctr.11 Anthony Merto: Ang Scout ay MALINIS. Ang scout ay pinapanatiling malinis amg
kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan.
Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.
Sctr.12 Jonrie Delos Santos: Ang Scout ay MAKADIYOS. Ang scout ay mapitagan sa Diyos.
Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang
paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.
Sctr. Marycor Nalvalta: narinig ninyo ng Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng
Scout. Bilang isang scout, tintanggap nyo ba ang tatlong tungkulin at labingdalawang puntos ng
batas na ito
Participants: Sir Yes Sir
Sctr. Paul Abraham Viray: Nawa ay isabuhay ninyo ang mga aral na ito.
Sctr. Marycor Navalta: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, inaanyayahan po naming
ang kagalang-galang na si G. Donald L. Salazar Head Teacher I na italaga na ang mga bagong
Iskawt.
(Isahang pupunta sa harap ang mga bata para ikabit ang neckerchief)
Sir Donald: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipainagkaloob sakin ng Boyscout of the
Philippines bilang punong instiyusyunal ng STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL, itinatalaga ko
kayo bilang opisyal na miyembro ng Boyscout of the Philippines.
Sctr. Paul Abrhama Viray: Maraming salamat sir Donald. Palakpakan natin.
Sctr. ______________: Ngayon naman ay tinatawagan ko si Sctr. Rey Ecaldre upang
magbigay ng hamon at isnpirasyon sa inyong mga bagong itinalaga.
(Hamon at inspirasyon na ihahatid ni Rey M. Ecaldre)
Sctr. Rey Ecaldre: Hamon at Inspirayon ng Scouts
Sctr. Marycor Navalta: Intermission Sultan Kudarat
Sctr. Paul Abraham Viray: Para sa Scout Benediction tinatawagn si Sctr. Arnel Calixto:
Sctr. Arnel Calixto:"May the Great Scoutmaster of all true Scouts be with you till we
meet again."
Sctr. Paul Abrham Viray: Magsitayo para sa paglabas ng kulay kasunod ang mga scouts at
pinuno ng paaralan.
Sctr. Marycor Navalta: Isang taos pusong pasasalamat mula sa STA. CRUZ NATIONAL
HIGH SCHOOL sa inyong walang sawang pagsuporta sa adhiakaing ito. Muli magandang gabi
sa inyong lahat.
Download