Uploaded by Hunny Rosales

MODYUL-4-Kasaysayan-ng-Wikang-Filipino

advertisement
Republlic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
DR. V. ORESTES ROMUALDEZ EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Tacloban, City
MODYUL SA
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG
FILIPINO.
Unang Kabanata
IKAPITONG PAKSA:
ANG WIKA:
KALIGIRANG
KASAYSAYAN NG
WIKANG FILIPINO
I. Pangkalahatang Ideya:

Sa araling ito ay malalaman ang kaligirang pangkasaysayan ng wikang Filipino.
II. Mga Layunin ng Pagkatuto:



Nailalahad ang kaligirang pangkasaysayan ng wika sa Pilipinas sa mga nagdaang panahon.
Naipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari na nagtulay para sa pagkakaroon ng pambansang wika.
Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pagtataguyod ng pambansang
pagkakaisa.
III. Balangkas ng Nilalaman:

Basahin at unawaing mabuti ang lahat ng mga impormasyon sa araling ito.
PAGTUKLAS:

Ang sinaunang Pilipinas ay mayroon ng mga umiiral na mga wika
na ginagmit n gating mga ninuno sa kanilang mga gawain na may
malaking gampanin upang mabuhay.
Hindi sa atin kaila na ng ating bansa ay mayroong makulay na
kasaysayan ganoon din sa usaping pangwika. Mayroon din itong
makulay na kwento sa bawat pag-agos ng panahon. Nagkaroon
ng malaking implikasyon at epekto ang mga ito sa aspeto ng
paglago ng wika n gating bansa.
PALAWAKIN ANG KAALAMAN:

Ang sinaunang Pilipinas ay tumutukoy sa panahon ng kung saan
ang bansa ay wala pang konsepto ng pagkanasyon at pagkabansa.
Ito rin ang panahon na kanya-kanya ang pamumuhay ng mga tao
batay sa kanilang kinabibilangang pangkat. Sa pagkakahiwa-hiwalay
nito, iba-iba ang mga umiiral na kultura, sistema ng pamumuhay at
paniniwala at higit lalo sa wika.
Ang umiiral na dibersidad ng wika sa kapuluan ng bansa noon ay
nabigyang buhay sa mga epiko at sinaunang uri ng literature na
naunang nasa pasalitang anyo at nagkaroon ng sistema ng pagsulat.

PANAHON NG KATUTUBO:
Sa panahong ito ay may sarili ng sining at panitikan ang mga
Pilipino bago dumating ang mga kastila. May sariling pamahalaan
at barangay, batas at sining, panitikan at mga wika ang mga ktutubo.
Ang sinaunang sistema ng pagsulat na tinatawag na baybayin. Ito
ay sinasabing halaw sa paraang bramic ng India na nakarating sa
bansa ng ika-16 siglo.
Ginamit n gating mga ninuno ang mga dahon, kahoy, bato
at mga dingding ng kweba at ilang metal upang ukitin upang
maitatak ang kanilang kwento na nakatulong sa atin na
maunawaan ang ating pinagmulan.
Subalit ang mga ito ay sinunog ng mga mananakop sa
kadahilanang ito raw ay gawa ng diyablo. Hindi nakapagiwan ang ating mga ninuno na magpapakilala sa atin sa
BAYBAYIN na ang ibig sabihin sa ingles ay to spell.

PANAHON NG KASTILA
Pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika
Romano ang naging pinakalayunin nila.
Sa kanilang pagnanais na mapasakamay na ganap ang Pilipinas
ay ipinadala ang iba’t ibang orden upang pag-aralan ang wika
ng Pilipinas at ito ay ang mga Rekoleto, Agustino, Heswita,
Pransiskano, Dominiko.
Dahilan upang magkaroon tayo ng suliranin sa pagkilala ng
ating tunay na pagkakilanlan bilang isang lahi.
Illustrado – ito ang tawag sa mga taong nakapag-aral ng
wikang kastila. Ngunit hindi masyadong itinuon ang pagtuturo
ng wikang kastila upang manatiling mangmang ang mga
katutubo.
Indio – naman ang tawag sa mga hindi nakapag-aral ng wikang
kastila.
Sa paglipas ng panahon, nagkawatak-watak ang mga katutubo at
maghimagsik laban sa mga kastila sa tulong ng mga ilang namuno.

PANAHON NG REBOLUSYON
 Sa panahon ng rebolusyon, mahalaga ang naging
gampanin ng wika. Gumamit ng mga lihim na paraan ng
komunikasyon ang mga katutubo.
 Koda – ang naging paraan ng kanilang
pakikipagkomunikasyon. Ito ang ginamit ng mga kasapi ng
kilusang ito upang isulong ang kanilang layunin at interes.
 Naitatag ang KKK kung saan ang mga artikulo ay
ginamitan ng kapangyarihang lokal na wika – ang tagalog.
 Sa panahong ito ay lumutang ang kaisipang “Isang
bansa, Isang diwa” na may layuning ipaglaban ang wikang
katutubo.

Naitatag sa panahong ito ang Konstitusyon ng Biak na Bato noong Nobyermbre, 1897 – kung
saan ay ginawang opisyal na wika ang tagalong ngunit hindi wikang pambansa.

PANAHON NG AMERIKANO:
Sa panahong ito ay hindi pa rin ganap na malaya ang mga Pilipino
sa pagsulat ng kanilang mga naisin. Bagama’t nakalaya tayo sa mga
kastila ang wikang tagalog sa panahong ito ay nalagay pa rin sa
alanganin.
Batas Sedisyon – ang nag-uutos sa mga Pilipino na hindi
paggamit ng wikang tagalog sa anomang uri ng pagsulat sapagkat
nangangahulugang ito ng pagpapaalab ng damdaming makabayan
laban sa mga Amerikano.
Sa pamumuno ng mga sundalong amerikano sa pangunguna ni Almirante
Dewey- ipinag-utos ang paggamit ng wikang ingles bilang wikang panturo at
pantalastasan. Nabago ang sistema ng edukasyon sa panahong ito.
Ipinatupad ni George Butt - Kalihim ng Edukasyon, ang paggamit ng
wikang bernakular sa unang apat na taon. Sa dahilang, marami sa mga
Pilipino ang nahihirapan gumamit ng wikang ingles bilang wikang
pantalastasan sa loob ng tahanan.
Di naglaom, sa parehong panahon at sa ilalim ng Batas Komonwelt bilang
184 ay opisyal na nalikha ang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA –
layunin nito ang magsasaliksik ng mga wika ng bansa.
At sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 134 – Napili ang
wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa sa pangunguna ni
Pangulong Manuel L. Quezon.

PANAHON NG HAPONES
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at panitikan ay
tinaguriang “Gintong Panahon o Ginintuang Panahon” ang
panahon ng hapones sapagkat higit na mas malaya ang mga
Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian at paniniwalang pilipino.
Ginawang opisyal na wika ang tagalog at nihonggo sa ilalim ng
Ordinansa Militar Bilang 13.
Naitatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas) ay isang partidong pampolitika na nagsilbi at nag-iisang
umiiral na partido sa Pilipinas. Ito ay nilayong maging bersiyong
Pilipino ng partidong Taisei Yokusankai ng pamahalaan ng
Hapon. Ito ay binuo ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas sa ilalim ni Jorge Vargas. Ito ay nilikha
alinsunod sa Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas noong 8 Disyembre
1942.
Ang KALIBAPI 1942 (Kapisanan sa Panglilingkod sa Bagong Pilipinas) ay naging makinarya sa
propaganda ng mga Hapones upang makuha ang simpatya at pakikiisa ng mga Pilipino. Nang lumaon ito
ay itinatag na isang partido pampolitika. Binuwag ang lahat ng mga lapiang pampolitika at tanging
KALIBAPI lamang ang partidong pampolitika na pinahihintulutang umiral ng mga Hapones.
Sa usaping pangwika sa panahong ito ay namayapag ang mga Pilipino linggwista at manunula tulad nina;
Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Jose N. Sevilla, Guillermo Estrella Tolentino at Jose Villa
Panganiban – ang pangkat nila ang nagturo ng mga wikain ng Pilipinas sa mga hapones. Samantala, itinuro
ni J.V Panganiban ang mga wikang di-tagalog gamit ang kaniyang aklat na “A Shorcut to a National Language”.

PANAHON NG PAGSASARILI
Sa panahong ito, bagama’t lumaya tayo, ang ating
wika ay nabalot pa rin ng politika sa kung alin sa
atin mga wika ang gagawing wikang pambansa.
Taong 1959 - Kautusang Pangkagawaran blg. 7;
Ang
wikang pambasang TAGALOG ay naging
PILIPINO. Sa pangunguna ni “JOSE B. ROMERO Kalihim ng Edukasyon.
Taong 1963 - Lahat ng SERTIPIKO at DIPLOMA sa
pagtatapos ayon kay ALEJANDRO ROCES ay
ipinalimbag sa wikang PILIPINO at ipinag-utos na
awitin ang PAMBANSANG AWIT sa titik nitong
PILIPINO s autos ng Pang. Diosdado Macapagal
Taong 1967 -Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 ;
Lahat ng GUSALI, EDIPISYO at TANGGAPAN ay
nakapangalan sa PILIPINO.
Taong 1968 - Memorandum Sirkular Blg. 172; Naguutos na ang mga ULONG –LIHAM ng mga
Tanggapan ng Pamahalaan ay PILIPINO.
Taong 1969 -Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 at Pang.
Ferdinand Marcos. Ipinag-utos na lahat ng KAWANIHAN,
KAGAWARAN, TANGGAPAN at ibang sangay ay gagamit ng
PILIPINO bilang KOMUNIKASYON at TRANSAKSIYON.
Taong 1974 - Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Taong 1987 - Artikulo XIV Seksiyon 6- 9 - Nakasaad na ang
Wikang PILIPINO ay magiging Wikang FILIPINO bilang
wikang Pambansa ng Pilipinas.
Taong 2003 - Executive Order No. 210 , sa utos ng Pang. Gloria
Macapagal Arroyo - Nag-aatas na pagbabalik sa
MONOLINGGUWAL na wikang panturo- ang INGLES sa
halip na FILIPINO.
Taong 2013 – ay patuloy ang pagpapalaganap ng wikang pambansa at
pagpapayaman sa ating mga wika kaagapay ng SWP.
IBAHAGI ANG NATUTUNAN
Panuto: Bigyan ng paliwanag ang mga katanungan sa ibaba.
1. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa pagsulong ng wikang Filipino?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging Lider ng ating
bansang Pilipinas, anong mga proyekto o batas ang iyong paiiralin
upang maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino?
PAGYAMANIN ANG KAALAMAN:
*Bilang ebalwasyon sa nasabing paksa ay magkakaroon ng pagtataya upang
matasa ang natutunan. Mangyaring sumangguni sa mga susunod na anunsiyo.
* Paunawa: Ang mga impormasyon sa modyul na ito ay pawang hiram at dumaan sa
isang pananaliksik at batay na rin sa impormasyong nalalaman ng lumimbag. Sa
tulong ng mga sanggunian, walang anomang intensyon na lumabag sa karapatang-ari
ng mga pinaghanguan ng mga inilahad na impormasyon. Gayundin sa mga larawang
ginamit.
Inihanda ni:
Jamed N. Lorica, LPT
Guro sa Asignatura
Reperensya:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Andrew John C. Baronda
JFS Publishing, Services
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-katutubo.html
Download