Ang aking ginuhit ay naglalarawan na ang tahak sa landas ng pagtatagumpay sa edukasyon ng isang kabataan ay ginagabayan ng mga guro o mga tao sa larangan ng pagtuturo. Mapapansin rin ang paggamit ng makabagong metodolohiya o kasaanayan sa pagbabahagi ng kaalaman sa larangan ng pagtuturo kaakibat ng modernasiyon at mga pangyayari tulad ng kasagsagan ng pandemya na siyang naging tulay sa paggamit ng teknolohiya tulad ng virtual learning o online class sa pagtuturo. Gayunpaman, nahihikayat ang mga estudyante na pagbutihin pa ang pagaaral sa pamamagitan ng mga kompetisyon at paggawad ng karangalan sa mga estudyanteng may matataas na marka. Masasabi kong ito ay epektibo, subalit ito rin ay nakakaapekto ng negatibo sa mga estudyanteng hindi sapat ang kayayahan sa akademya na hindi magkaroon ng kasiyahan sa pagaaral. Sa huli naman, kaalaman at kasanayan ang siyang ating magiging lakas sa pagharap sa industriya at sa hamon ng buhay tungo sa pagtatagumpay. Kaya naman ay mas mabuti nang ibigay natin ang ating makakaya sa pagaaral kaysa makaramdam tayo ng pagsisisi sa huli.