Uploaded by Gwen Salabsab

ESP 8 WEEK 2 LP

advertisement
Banghay Aralin sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Duration: Week 2
I.
LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Kasanayan sa Pagkatuto
II.
NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Karagdagang kagamitan mula
sa portal ng Learning Process
B. Iba pang Kagamitang Panturo
III.
PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda sa Klase
2. Panalangin
3. Attendance
B. Pagganyak (Motibasyon)
Seksyon: Wisdom/Fortitude
Inclusive Date/s:September 25-29,2023
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng
lipunan.
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
1.3 Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa EsP8PBIb-1.3
Ang Pamilya Bilang Natural Na Institusyon Ng Lipunan
SLM 3-Episode 3, Unang Markahan
Handout, Mga Larawan at iba pa
Pisara at chalk
Ang Pakikipagkapwa
Mula sa Brainly.ph
Ang pagiging isang mabuting mamayan ay hindi nasusukat sa kayamanan
Pagkat ang pagtulong dapat pantay-pantay
Pakikipagkapwa tao ay isang puhunan na dapat taglayin ng kahit sino
Sapagkat iyan ang kailangan ng buong sambayanan
Ang turo ng mga magulang maging mabuting tao
Sa itoy magagamit mo kahit kanino
Igagalang ka nila at tutulungan
Sapagkat ikay naging mabuti sa mga taong nakasalamuha mo
Sa panahon ngayon iyan ang dapat mangibabaw
Ang mabuting pakikipagkapwa at mabuting mamamayan
Lalo ngayon may pandemya
Ng maibsan ang kahirapan pansamantala ng ating kapwa
C. Paglalahad
Pangunahing Konsepto
Ano nga ba ang pamilya? Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang
pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang
lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa
pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa rin sa
kaniya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng
pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o
pagsunod.
Ang pamilya ay parang isang paaralan kung saan nagsisimula ang mga pangunahing
pangaral para sa mga anak. Tungkulin ng mga magulang na ipakita at ipadama sa mga
anak ang kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan upang makatulong ito sa
paghubog ng mga anak sa kanilang pakikipagkapwa tao. Sa pamilya ipinararanas sa tao
kung paano mahalin upang ganap niyang matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang
kauna-unahang lugar kung saan natutuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao
– ang isang tao na binibagyang halaga para sa kaniyang sariling kapakanan at nakakamit
ang kaganapan sa pamamagitan lamang ng matapat na pagaalay para sa kapwa.
Narito ang ilan sa mga sitwasyon kung saan ang pamilya ay isang natural na
institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na makakatulong sa pagpapaunlad ng
pagkatao ng bata tungo sa kaniyang makabuluhang pakikipagkapwa.
1. Nararamdaman ng bata ang pag-aaruga ng kaniyang mga magulang sa kaniya.
2. Nakikita ng bata mula sa kaniyang mga magulang ang paggalang sa mga
nakatatanda.
3. Nararanasan ng bata ang paghati hati ng mga gawain sa bahay upang mapadali at
mapabilis ang mga ito.
4. Nasaksihan ng bata mula sa kaniyang mga magulang ang kanilang pagiging
matulungin sa ibang tao kahit hindi nila ito mga ka ano-ano.
5. Nakikita ng bata mula sa kaniyang mga nakatatandang kapatid na hindi sila
nagdadabog sa tuwing may ipapagawa sa kanila ang kanilang mga magulang.
D. Paglinang ng Aralin
1. Activity (Paggawa)
Gawain 1:
Panuto: Bigyang kahulugan ang kabuoang mensahe ng larawan sa ibaba tungkol sa
pamilya bilang natural na institusyon sa lipunan.
2.
Analysis (Pag-analisa)
(Sa puntong ito magkakaroon ng malayang talakayan sa loob ng klase.)
a. Ano nga ba mensaheng ipinahihiwatig sa larawan?
b. Paano nakatutulong ang pamilya sa lipunan?
3.
Application
(Paglalapat
Gawain 2:
Panuto: Patunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili sa makabuluhang
pakikipagkapwa base sa dalawang sitwasyon sa ibaba.
Sitwasyon 1
Kasama ni Jeremy sa bahay ang kaniyang Lolo at Lola at mahal na mahal niya ang mga ito.
Kapag umuuwi siya galing sa eskwelahan, nagmamano siya sa kaniyang Lolo at Lola. Kapag
bumababa ng hagdanan ang kaniyang Lola, laging nakaagapay si Jeremy. Kinakantahan din
niya ang kaniyang Lolo. Kaya isang araw, habang naglalakad pauwi galing sa eskwela si
Jeremy, nakakita siya ng matanda na nahihirapan sa kaniyang dalang mga prutas. Agad
umagapay si Jeremy sa matanda dahil nakikita niya ang kaniyang Lolo at Lola dito.
Pagpapatunay: __________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Sitwasyon 2
Palaging pinangangaralan si Cheska ng kaniyang mga magulang tungkol sa pagtulong sa
kapwa tao. Minsan nakita niya ang kaniyang Mama na nagbigay ng pagkain sa isang batang
nasa labas ng simabahan. Nakita rin niya ang kaniyang Papa na tinulungan ang isang lalaking
nasiraan ng bisikleta kahit hindi niya ito kakilala. Kaya noong nakakita si Cheska ng isang
batang umiiyak dahil nagugutom, hindi siya nagdalawang-isip na ibigay ang kaniyang
pagkain dahil naalala niya ang itinuro ng kaniyang mga magulang tungkol sa pagtulong sa
kapwa tao.
Pagpapatunay:
__________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4.
Abstraction (Paglalahat)


IV.
Ano-ano nga ang mga sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya sa
paghubog ng bata tungo sa kanyang makabuluhang pakikipagkapwa?
Saan nagsisimula ang pangunahing pangaral na natutuhan ng mga anak?
Pagtataya
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang mga pangungusap.
Ang pamilya ay parang isang _____________ kung saan nagsisimula ang mga
pangunahing pangaral para sa mga ____________. Tungkulin ng mga magulang na
ipakita at ipadama sa mga anak ang kahalagahan ng _______________ at
_______________ upang makatulong ito sa paghubog ng mga anak sa kanilang
pakikipagkapwa-tao. Sa pamilya ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap
niyang matutuhan kung paano ang ______________.
V.
Kasunduan
Inihanda ni:
GWEN A. SALABSAB
Teacher I
Panuto: Gumawa ng isang malayang tula na naglalarawan sa iyong pamilya.
Binigyang pansin ni:
LUCITA C. APALE
Master Teacher 1
Download