Uploaded by Gwen Salabsab

ESP 8 WEEK 1 LP

advertisement
Banghay Aralin sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Seksyon: Wisdom/Fortitude
Duration: Week 1
I.
LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Kasanayan sa Pagkatuto
II.
NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Karagdagang kagamitan mula
sa portal ng Learning Process
B. Iba pang Kagamitang Panturo
III.
PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda sa Klase
2. Panalangin
3. Attendance
B. Pagganyak (Motibasyon)
Inclusive Date/s: September 18-22,2023
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng
lipunan.
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
1.1 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
may positibong impluwensya sa sarili EsP8PBIa-1.1
1.2 Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood EsP8PBIa-1.2
Ang Pamilya Bilang Natural Na Institusyon Ng Lipunan
SLM 1, Unang Markahan
Handout, Mga Larawan at iba pa
Pisara at chalk, powerpoint
Pagbasa ng Tula
Panuto: Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.
Ang Pamilya
Tula ni Julyhet Roque
Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.
Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.
Edukasyon ng anak ay itinaguyod
Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.
Di nag aaway sa harap ng supling,
Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang isinasaad sa tula?
2. Ano ba ang sinasabi ng tula tungkol sa pamilya?
3. Bakit mahalaga ang pamilya ayon sa tula na binasa?
C. Paglalahad
Pangunahing Konsepto
Ayon kay Pierangelo Alejo, ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na
nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang
pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa
wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng
kanilang mga magiging anak.
Nakalulugod pag-usapan ang masasayang alaala sa pagkakataon na nagsasamasama ang pamilya, halimbawa sa pamamasyal sa ibang lugar o ang simpleng masayang
usapan at biruan sa hapag-kainan habang kumakain ng hapunan.
Ang mga magagandang karanasan ng isang bata sa kanyang pamilya ay hindi
lamang niya nakakalimutan kundi nakapupulatan din niya ito ng aral na magiging batayan
niya sa kanyang paglaki at maaaring maibahagi niya ang mga ito sa iba.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Ilan sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral ay:
Pagbati ng mga kapamilya sa kanilang mga kaarawan
Pagkain nang sabay-sabay sa hapag-kainan
Pagsimba tuwing Linggo bilang isang pamilya
Pagdadasal bilang isang pamilya
Pamamasyal sa ibang lugar
Pagmamano sa nakatatanda
Pagkukuwentuhan sa sala
Pag-gagarden na kasama ang mga magulang at kapatid
Mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa loob ng pamilya:
1. Pagtutulungan sa mga gawaing bahay.
2. Pag-respeto sa isa’t isa.
3. Pagtugon sa mga pangangailangan ng pamilya
Mga paraan ng pagpapakita ng pagtutulungan sa loob ng pamilya:
1. Paghahati ng mga kapatid sa mga gawaing bahay.
2. Tutulungan ang mga nakababatang kapatid sa kanilang mga takdang-aralin.
3. Tutulong sa pagbabantay sa bunsong kapatid kung wala si Mama at Papa.
Mga paraan ng pag-iral ng pananampalataya ng isang pamilya:
1. Pagbabasa ng banal na kasulatan tulad ng Bibliya para sa mga Kristiyano o
Qu’ran para sa mga Muslim.
2. Sama-samang pagsisimba.
3. Pagdadasal bago kumain.
D. Paglinang ng Aralin
1. Activity (Paggawa)
Gawain 1:
Panuto: Gamit ang graphic organizer, tukuyin ang dalawang magandang karanasan sa
inyong sariling pamilya na nakapulutan ninyo ng aral o may positibong impluwensiya sa
inyong sarili.
Magandang Karanasan
sa Pamilya
2.
Analysis (Pag-analisa)
Mga napulot na aral
(Sa puntong ito magkakaroon ng malayang talakayan sa loob ng klase.)
a. Paano nakapagbibigay ng aral ang mga magagandang karanasan mo sa iyong
pamilya?
b. Bakit dapat positibo ang impluwensiyang dulot ng aral na iyong matutunan?
3.
Application
(Paglalapat
Gawain 2:
Panuto: Suriin ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa
pamilya sa sitwasyon na nasa ibaba.
(Pagmamahalan ng pamilya)
Alam ni Emma na masama ang pakiramdam ng Nanay niya. Makikitang pagod ang
Nanay at madalas siyang maupo upang magpahinga. Tinulungan niya ang kaniyang Nanay
upang gumanda ang pakiramdam nito. Naglinis siya ng kanilang bahay at bakuran. Nag-igib
din siya ng tubig. Nagluto din siya ng hapunan at naghugas ng mga pinggan. Tinulungan din
niya ang kaniyang mga bunsong kapatid sa kanilang mga takdang aralin.
Pagsuri:
a. ________________________________________________________________
4.
IV.
Abstraction (Paglalahat)
Pagtataya



Ano-ano nga ang mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa loob ng pamilya?
Ano-ano ang mga paraan ng pagpapakita ng pagtutulungan sa loob ng pamilya?
Ano-ano ang mga paraan ng pag-iral ng pananampalataya ng isang pamilya?
Panuto: Suriin ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa
pamilya sa sitwasyon na nasa ibaba.
(Pagtutulungan ng pamilya)
Nagmamadaling lumabas ng bahay si Gino dahil may usapan sila ng kaniyang
kaibigan na mag-jogging. Sa kaniyang pagbaba sa kanilang hagdanan, nakita niya ang
kaniyang ama na nakayuko at pinagpapawisan habang nagsisibak ng kahoy para gagamitin
sa kusina. Naawa siya sa kaniyang ama. Kaya, imbis na umalis at mag-jogging, tinulungan
niya ang kaniyang ama sa pagsibak ng kahoy. Labis na nagpasalamat ang kaniyang ama
dahil sa ginawa ni Gino
Pagsuri:
a. ________________________________________________________________
(Pananampalataya ng pamilya)
Tuwing araw ng Linggo, maagang gumigising ang pamilya Ledesma para maghanda sa
pagsisimba. Maagang naligo ang mga anak pati na rin ang mag-asawang Ledesma upang
hindi sila ma-late sa pagsimba na magsisimula ng alas otso ng umaga. Pagkatapos nilang
mag-agahan at magligpit ng mga pinggan, sumakay na sila sa kanilang tricycle para pumunta
na sa simbahan. Pagdating nila sa simbahan,
Pagsuri:
a. ________________________________________________________________
V.
Kasunduan
Inihanda ni:
GWEN A. SALABSAB
Teacher I
Panuto: Sa isang ½ pirasong papel, magtanong sa magulang kung ano ang itinuturing
niyang pinakamagandang karanasan sa kaniyang pamilya at ibigay mo ang posibleng aral na
mapupulot mula rito.
Binigyang pansin ni:
LUCITA C. APALE
Master Teacher 1
Download