BAITANG: 5 ASIGNATURA: FILIPINO PAGTATAYA BILANG: 1 Panuto: Basahin ang seleksyon at sagutan ang mga tanong na kasunod. Pista Sa Barangay “Heto na ang musiko. Bababa na ako”. Sigaw ni Bert sa mga kalaro “Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang mga bata. Nagkakagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang umikot-ikot ang mga majorette hawak ang kanilang baton habang tumutugtog ang banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, mayroong adobong manok, mitsadong karne ng baka, paksiw na pata at marami pang iba. May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon pa sila. Suot ng matatanda ang kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon. Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malata ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang handa ay magtitiis na lang sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang gabi. Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot na lang ng kanilang makakaya. Mga Katanungan 1. Ano ang sinabi ni Bert sa mga kalaro? 2. A. Heto na ang musiko. C. Heto na ang mga mananayaw. B. Heto na ang mga bisita. D. Heto na ang manganganta. Ano ang suot ng matatanda sa prusisyon? 3. A. Mga magagarang damit C. Suot ang kanilang mga saya B. Ang kanilang pambahay na damit D. Sumbrerong bago Ano-anong pagkain ang makikita sa mesa? A. manok, mitsadong karne ng baka, at paksiw na pata B. Menudo, asado at pritong manok C. Lechon, pritong isda at inihaw na karne D. Tinapay at mga masasarap na palaman. 4. Bakit kailangang ipagdiwang ang isang kapistahan? A. Upang magbigay papuri at pasasalamat sa Poong Maykapal B. Upang makakain ng masasarap na pagkain C. Para makakita ng karnibal at makapaglaro D. Para maging sikat sa paligid. 5. Ano ang aral na nakuha mo sa binasa? Sanggunian: Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 5