Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Schools Division Office – Marikina City SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL Pangalan ng Guro Asignatura at Nibel Markahan Petsa Pangkat na Tinuturuan JOHN DAVID S. SISON FILIPINO 11 IKATLONG MARKAHAN Abril 11, 2023 Justice, Tenacity, Humanity, Peace I. ALAMIN A. Pamantayan Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnay nito sa sarili. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenong kultural at panlipunan sa bansa. Pagkuha ng Angkop na Datos Nakakukuha ng mga angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) Ang mga mag-aaral ay inaasahang : a. naiisa-isa ang mga paraan sa pagpili ng mga angkop na datos; b. napagsusunod-sunod ang mga hakbang sa pangangalap ng datos; c. nailalapat sa sariling karanasan ang pagpapahalaga sa pagkuha ng angkop na datos. C. Nilalaman/Paksang Aralin D. Kasanayang Pampagkatuto Mga Tiyak na Layunin II. MGA KAGAMITANG PANTURO 1. Markahan 3, Modyul 6 A. Sanggunian 2. DepEd Marikina eLibro TV, Internet, Cellphone, Manila Paper at Marker B. Iba pang Kagamitang Panturo Learning Activity Sheet III. PAMAMARAAN (Guided Concept Exploration/Direct or Indirect Instruction using the SLMs and etc.) ANOTASYON: A. BALIKAN: Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin > Panalangin, Pagtatala ng Liban, at Pagsasaayos ng silid BAGO ANG LAHAT… Panuto: Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay sasagot ng mga katanungan na may kinalaman sa tinalakay noong nakaraang linggo. Ano ang datos? Bakit mahalaga ang datos? Paano mangalap ng mga angkop na datos? Pagbibigay ng mga tanong na nasa mataas na anyo ng kaisipan o Higher Order Thinking Skills (Indicator # 3) B. TUKLASIN: Paghahabi sa layunin ng aralin BUO NA ANG LAHAT… Panuto: Hulaan ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang batay sa ibinigay na mga larawan. 1. 2. 3. 4. 5. Pagpapakita ng mga larawang makapaghihikayat upang maging malikhain at kritikal ang mga mag-aaral (Indicator # 3) Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Schools Division Office – Marikina City SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL D. SURIIN: Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan MALAYANG TALAKAYAN Panuto: Talakayin ang mga sumusunod na konsepto hinggil sa mga pamamaraan at hakbangin sa pagkuha ng mga angkop na datos. Ang Pangangalap ng Datos sa Pananaliksik ay maituturing na pinakamahalaga sa anomang uri ng pananaliksik. Ito ay dahil sa kung walang mga datos, wala ring proyektong maisasakatuparan. Kaya’t nararapat ang sistematikong pamamaraan sa pangangalap ng datos ayon sa isasagawang pananaliksik. Katumbas ng pagpili ng metodolohiya sa pagsisiyasat ang pangangalap ng datos. Ang metodolohiya sa pangangalap ng datos ay maaaring sa paraan ng panayam, obserbasyon ng kalahok, survey, pagsasaliksik sa mga kaugnay na literatura, pagsasaliksik sa paraang artsibo, magasin,aklat, journal, tesis. disertasyon, video, internet, pahayagan, at marami pang iba. (Experiential and Interactive Engagement) 1. Sarbey- paraan ng pagkuha ng datos sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na talatanungan upang makalap ang mga kailangang impormasyon sa pananaliksik 2. Panayam- paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakuha ng direktang impormasyon mula sa informant hinggil sa kakailanganing datos sa pag-aaral 3. Artsibo- paraan ng pagkuha ng datos sa pamamagitan ng pagbasa at pagsusuri ng mga aklat, journal, tesis, pahayagan, magasin at iba pang sanggunian. E. SURIIN (Karugtong) Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan HAGDAN HANGGANG MAKA-HAKBANG Gabay na Panuto: Isaayos ang mga salita sa pangungusap at saka pagsunud-sunurin ang mga hakbangin sa pangangapalap ng datos. Hakbang sa Pangangalap ng Datos 1. Maghanda sa pangongolekta ng datos 2. Tiyakin ang hangganan ng kinakailangang datos na angkop sa disenyo ng pananaliksik. 3. Tiyaking nasa tamang timing o tiyempo ang pangangalap ng datos 4. Magtakda sa sarili at sa pinagkukunan ng datos kung ano lamang ang makatutulong o kailangan sa pananaliksik 5. Maging maayos sa pakikipag-ugnayan sa mga taong pagkukunan ng datos. Pagbibigaykahulugan sa mga malalalim na salita o malalawak ang konspeto upang maging komprehensibo ang pagtalakay (Indicator # 2) Pagsasaayos sa estruktura ng klase upang higit na makapagparticipate ang mga mag-aaral sa pagnkatang gawain (Indicator # 4) F. PAGYAMANIN: Paglinang ng Kabihasaan (Tungo sa Pormatibong Pagtatasa) Pangkatang Gawain Panuto: Maghanda ng presentasyon hinggil sa iba’t ibang uri ng pamamaraan sa pangangalap ng datos. Iangkop ito ayon sa naiatas na tema sa bawat pangkat. Paglalapat at pagtuhog ng aralin sa iba pang aralin sa Filipino Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Schools Division Office – Marikina City SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL Tala: Ang pagpapangkat ay sang-ayon sa isinagawang paunang pagsusulit. Targeted Instruction Pangkat 1- Pagkuha ng angkop na datos sa pamamagitan ng Sarbey gamit ang Matematika Pangkat 2- Pagkuha ng angkop na datos sa pamamagitan ng Panayam gamit ang Agham Pangkat 3- Pagkuha ng angkop na datos sa pamamagitan ng Artsibo gamit ang Kasaysayan (Experiential and Interactive Engagement) maging sa iba pang asignatura gaya ng Matematika, Agham, at Kasaysayan (Indicator # 1) G. ISAGAWA: Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay Kampanya laban sa Misimpormasyon! (Integrasyon ng Media Information Literacy) Think-Pair-Share: Pagnilayan ang tanong hinggil sa tinalakay na paksa, at magtulungan sa pagsagot kasama ang inyong kamag-aral, pagkatapos at ibahagi ito sa klase. Maaaring ipakita ito batay sa inyong hilig gaya ng pagguhit, paggawa ng islogan, at iba pa. Tanong: Sa panahon ngayon na laganap ang misimpormasyon o fakenews sa social media, paano ninyo magagamit ang inyong natutuhan sa aralin (Pagkuha ng Angkop na Datos) upang hindi mabiktima ang ibang tao ng misimpormasyon o fake news? Pagsasaalangalang sa interes at karanasan ng mag-aaral upang maging makabuluhan ang pagkatuto sa personal nilang karanasan (Indicator # 6) H. PAGLALAHAT ESTRATEHIYANG 3-2-1 Mula sa tinalakay na paksa, magbigay ng: (Learner-generated Output/Summative Test via Quizalize and other Performance-based Tasks) 3- Paraan ng pagkuha ng Angkop na datos 2- Hakbang sa Pangangalap ng datos 1- Payo sa mga gumagamit ng social media sa Pagkuha ng Angkop na datos I. PAGTATAYA: Pagtataya sa Natutuhan A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. _______ 1. Paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakuha ng direktang impormasyon mula sa informant hinggil sa kakailanganing datos sa pag-aaral _______ 2. Paraan ng pagkuha ng datos sa pamamagitan ng pagbasa at pagsusuri ng mga aklat, journal, tesis, pahayagan, magasin at iba pang sanggunian. _______ 3. Paraan ng pagkuha ng datos sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na talatanungan upang makalap ang mga kailangang impormasyon sa pananaliksik B. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pangangalap ng angkop na datos, sa pamamagitan ng paglalagay ng tambilang sa nakalaang patlang. Pagpapanatili ng maayos na pangangasiwa ng pagsusulit kung saan walang nagkokopyahan at natutugunan ang mga katanungan ng mga mag-aaral (Indicator # 5) Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Schools Division Office – Marikina City SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL _____ 4. Maghanda sa pangongolekta ng datos _____ 5. Magtakda sa sarili at sa pinagkukunan ng datos kung ano lamang ang makatutulong o kailangan sa pananaliksik _____ 6. Tiyaking nasa tamang timing o tiyempo ang pangangalap ng datos _____ 7. Tiyakin ang hangganan ng kinakailangang datos na angkop sa disenyo ng pananaliksik. _____ 8. Maging maayos sa pakikipag-ugnayan sa mga taong pagkukunan ng datos. C. Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan mula sa tinalakay na paksa. 9-10. Magbigay ng dalawang sangguniang maaaring gamitin sa pagkuha ng angkop ng datos sa paraang artsibo. J. KARAGDAGANG GAWAIN: Mga Karagdagang Gawain Panuto: Ipaskil sa anomang social media account (facebook, twittter, ig, tiktok) ang inyong Kampanya laban sa Misimpormasyon na isinagawa sa Think-Pair-Share. Gamitan ito ng hashtag na #KontraMisimpormasyon. IV. Mga Tala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin. D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G.Anong kagamitang panturo ang aking ginamit/nadiskubre na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Pinagtibay ni: JOHN DAVID S. SISON Guro, Filipino, SHS TORIBIO SARANDI Tagapag-ugnay, SHS MERIAN A. DIZON OIC-Principal