Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10 Dibisyon ng Caloocan Pangalan:__________________________________________Pangkat:_______________ Iskor:________ I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na lunsaran. Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat lamang titik ng iyong sagot sa patlang. Para sa mga Bilang 1-11 Naglakbay si Psyche at pilit na kinukuha ang panig ng mga Diyos kayat siya’y palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga Diyos. _D___1. Anong kultura ng mga Filipino ang maaring maiugnay sa bahaging ito ng akda? A. Pagbibigay ng alay ng mga Filipino para sa mga kaluluwa at di nakikitang nilalang. B. Iniaalay ang kanilang sarili bilang kabayaran kapag nagkasala. C. Bukal sa kalooban ng isang Filipino na magpakasal sa isang immortal. D. Marami sa mga Filipino ang umaasang mapagbigyan ang anomang kahilingan. _D___2. Ano ang kahulugan ng pahayag na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig nang walang pagtitiwala”? A. Dapat mapagkakatiwalaan ang iibigin B. Kasabay ng pag-ibig ang pagtitiwala C. Kapag umiibig dapat nagtitiwala D. Nasisira ang pag-iibigan kapag nawalan ng pagtitiwala __D___3. Unang pagkakita pa lamang ni Cupid kay Psyche ay totoong nakadama na siya ng labis na pagIbig sa dalaga kaya naman ____________. Ano ang ginawa ni Cupid? A. Binabantayan niya ang lahat ng kilos ni Psyche. B. Tinutulungan niya ito sa mga pagsubok na ibinibigay ni Venus. C. Naging maramot siya sa kahilingan ng dalaga. D. Nagawa niyang maglihim sa kanyang inang si Venus. __B___4. Walang mapagsidlan ang nag-uumapaw na kaligayahan ni Psyche nang masilayan ang itsura ng kanyang asawa. Ipinakikita sa pangungusap na Psyche _________________. A. Labis na pagkagulat ang naramdaman. B. Sobrang kasiyahan at pananabik ang nadama. C. Labis na pagkamangha ang naramdaman. D. Nangingiti sa mga nangyari. __A___5. Nang malaman ni Venus ang tunay na pangyayari, nagpuyos sa galit ang kanyang kalooban kaya naman sinimulan niyang bigyan ng unang pagsubok si Psyche. Anong pagsubok ito? A. Bago dumilim, pagsama-samahin niya ang magkakauring mga bato. B. Pagkuha ng gintong balahibo ng uwak sa tabi ng ilog. C. Pagpapakuha ng itim na tubig mula sa talon. D. Pumunta kay Prosepine dala ang kahon na paglalagyan ng kaligayahan. __D___6. Ang bawat kahilingan ni Psyche ay palaging napagbibigyan ni Cupid gaya ng pakikipagkita ng asawa sa mga kapatid nito kahit pa ito ay makapagpapahamak sa kanya. Ipinakikita nito na si Cupid ay _______. A. maawain B. mapagmahal C. matiyaga D. mapang-unawa __D___7. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “Sapagkat s Psyche ay isa ng immortal, at hindi na ito maninirahan sa daigdig kaya’t wala ng suliranin si Venus”. A. Hindi na niya ito kailangang bantayan B. Wala ng kaagaw si Venus sa paghanga ng tao sa kanyang kagandahan C. Mababawasan na ang kagandahan ni Psyche D. Hindi nangingimbulo si Venus sapagkat hindi na ito mortal __B___8. Labis naninibugho si Venus kay Psyche. Ano ang gamit ng pandiwang nakasalungguhit? A. aksiyon B. karanasan C. pangyayari D. emosyon __D___9. Ang bansang France ay naimpluwensyahan ng Celtic at Gallo Roman Culture. _______ ay may mayamang kaugalian at tradisyon. A. Siya B. Ito C. Doon D. Sila __A___10. Si Madam Loisel ay nagtamo ng malaking tagumpay. _______ay tuwang-tuwa dahil sumapit na ang araw ng pagtitipon. A. Siya B. Ito C. Ako D. Kami __A___11. Ano ang tawag sa panghalip na ginamit sa aytem 10? A. Anapora B. Katapora C. Pang-ugnay D. Panag-uri Para sa mga Bilang 12-14 I Republika baga itong busabos ng dayuhan? Ang tingin sa tanikala’y busilak ng kalayaan? II Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi? Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari. III Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil. Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumarating! IV Kalayaan! Republika! Ang bayani’y dinudusta Kalayaan pala itong mamatay ng abang-aba! -Halaw sa Republikang Basahan ni: Teodoro Agoncillo _C___12. Ano ang damdaming nangibabaw sa binasang tula? A. Pagkatuwa B. Pag-aalala C. Pagkagalit D. Pagkalungkot _B___13. Ano ang sukat ng tula? A. Lalabindalawahin B. Lalabing animin C. Wawaluhin D. Pipituhin _D___14. Ano ang elemento ng tula ang ipihahayag sa bahaging may salungguhit sa tulang binasa? A. Larawang diwa B. Tugma C. Sukat D. Talinghaga Para sa mga Bilang 15-29 “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa Sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” -Mula sa “Ang Tusong Katiwala” __B___15. Ano ang damdaming nais ipahayag ng pangungusap? A. lungkot B. galit C. pag-aalinlangan D. galit __D___16. Ang akdang “Ang Tusong Katiwala” ay isang parabola. Alin sa mga sumusunod ang Naglalarawan sa isang parabola? A. Kuwentong nagpasalin-salin sa mga tao at pumapatungkol sa pinagmulan ng isang bagay B. Karaniwang kakikitaan ng suliranin ng tauhan at may iisang kakintalan C. May aral na hatid sa mga mambabasa at mga hayop ang siyang gumanap ditto D. Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay mula sa Banal na Kasulatan. __A___17. Alin sa mga sumusunod na pangyayari mula sa parabulang “Ang Tusong Katiwala” ang tunay na nagaganap sa kasalukuyan? A. Pinagkakatiwalaan ng panginoon ang kaniyang katiwala. B. Hindi nasisingil ng katiwala ang mga may utang sa kaniyang amo. C. Dinagdagan ng katiwala ang pagkakautang ng mga tao sa kaniyang panginoon. D. Ginagawa ng katiwala nang tapat ang kaniyang tungkulin. Ani ng katiwala, “Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.” __B___18. Anong katangian ang taglay ng katiwala sa pahayag na ito? A. matalino B. tuso C. mapagkumbaba D. magaling __A___19. Sino ang panginoon na tinutukoy sa parabola na pumuri sa ginawa ng katiwala sa mga may Utang sa kaniyang amo. A. Kanyang amo B. Ang Diyos C. Ang mga Pariseo D. Mga may utang __D___20. Anong kakanyahan o paraan ng pamamahayag na nangibabaw sa parabola ng Tusong Katiwala. A. Akdang nagbabalita B. Akdang nangungumbinsi C. Akdang naglalarawan D. Akdang nagsasalaysay __A___21. Anong pahayag ang nangangahulugang “hindi madaling makita ang katotohanan lalo na kung walang pagtanggap? A. “Ang katotohanan ay walang kahulugan kundi anino ng mga imahe.” B. “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.” C. “Ang ideya ng kabutihan ay nanatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi.” D. “Ang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin.” __B___22. Inilalarawan sa bahagi ng alegorya ng yungib na nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw ang persona. Anong larawang-diwa ang mabubuo batay sa pahayag? A. Maraming mga tao ang naliligaw ng landas. B. Walang direksyon ang buhay ng isang taong walang pananaw sa buhay. C. May pagkakataong nabibilanggo ang tao kung kaya hindi sila makakilos. D. Nakakulong ang tao dahil sa kasalanang kaniyang ginawa. __A____23. Paano binigyang-kahulugan ang pahayag sa aytem 22? A. nagtataglay ng talinghaga C. taglay ang literal na kahulugan B. maraming taglay na kahulugan D. lahat ng nabanggit __A___24. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na may pagpapahayag ng personal na damdamin o karanasan ng manunulat hinggil sa napapanahong paksa. A. Sanaysay B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Nobela __D___25. Ang nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay nakapokus sa buhay, dignidad, halaga at karanasan ng pangunahing tauhang si Quasimodo. Anong pananaw ang inilalarawan dito? A. Realismo B. Romantisismo C. Sosyalismo D. Humanismo __C___26. Anong kaisipan ang mabubuo sa pahayag na “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon?” A. Huwag hayaang kontrolin ng iba ang iyong buhay. B. Maging tapat sa lahat ng ikinikilos. C. Matutong magpakababa anomang posisyon ang mayron ka. D. Nasa huli ang pagsisi? __B___27. Anong pares ng salita ang magkasingkahulugan sa bilang 26? A. Mabuti-mahirap B. dukha-mahirap C. mabuti-dukha D. alipin-dukha __B____28. ______________ isinasaad ng Saligang Batas , maaring pagtibayin ang batas military kung kaliwa’t kanan na ang malawakang gulo na nagaganap sa isang lugar o bansa. Anong ekspresyon ang kukumpleto sa pangungusap? A. Ayon kay B. Alinsunod sa C. Tungkol sa D. Base sa __A___29. Ipinakikita sa tulang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng ng kultura ng mga taga- Egypt. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan dito? A. Pinakikita nito ang pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon. B. Pinakikita nito ang kaguluhan sa panahon ng mga pananakop ng mga dayuhan. C. Inilalarawan dito ang kagandahan at kagandahan ng buhay ng mga taga-Ehipto sa modernong panahon. D. Inilalarawan dito ang kasaganaan ng buhay ng mga taga-Ehipto sa kabila ng pagsakop ng mga dayuhan. II. Panuto: Basahin at unawain ang konteksto ng mga pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap. 30. Ginugol ni Psyche ang kanyang panahon sa pagsunod sa pagsubok ni Venus. Inubos naman niya ang kanyang lakas sa pagluha sa paniniwalang hindi niya ito kayang Kayang gawin. 31. Tunghayan mo ang isang akdang nagtataglay ng mabuting kaisipan. Basahin mo ito upang maunawaan at maisabuhay ang mensaheng taglay nito. 32. Tunay ngang nangimbulo si Venus sa atensyon ng mga tao kay Psyche. Maging ang panahon ng anak na ginugol sa dalaga at pinagseselosan. III. Panuto: Lagyan ng titik A-E upang maipakita ang pagkasunod-sunod ng pangyayari mula sa akdang “Ang Kuba ng Notre Dame” __C___ 33. Napaibig si La Esmeralda sa kapitan na si Phoebus. Habang masayang nag-uusap ang dalawa sinunggaban ng saksak si Phoebus at si Esmeralda ang pinaako sa kasalanang hindi ni ginawa. __A___34. Masayang nagdiriwang ng Kahangalan ang mga mamayan sa isang malawak na espaso ng katedral bilang pagkilala kay Quasimodo na “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na Kapangitan. __D__ _35. Bago ang pagbitay kay La Esmeralda, dumating si Quasimodo galling sa tuktok ng Notre Dame gamit ang tali hinila niya paitaas ang dalaga. __E___36. Nakita ni Quasimodo si La Esmeralda na wala ng buhay sa tindi ng lungkot inihulog niya si Frollo mula sa tore. __B___37. Dahil sa pagtanaw ng utang na loob ni Quasimodo kay Frollo siya’y nalitis at pinarusahan sa pamamagitan ng paglatigo sa kanyang katawan. Tanging si Esmeralda lamang ang tumugon sa pagmamakaawa niya na bigyan siya ng tubig. IV. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. a.)bukod sa b.) at c.) saka d) upang e.)kaya f.)samantalang Ikinatuwa ng grupo ng mga senior citizen ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang magtatag ng National Commission of Senior Citizens. Sa ilalim ng Republic Act No. 11350 o the National Commission of Senior Citizens Act,(38)_a___ iisang ahensiya na lang ang magpapatupad ng mga serbisyo(39) __b__ programa para sa mga senior (40)_f___ imbes na lokal na pamahalaan at Department of Social Welfare and Development,(41) ___e__ sa bagong batas, magiging P1,000 kada buwan ang pensiyon na ibibigay sa mga mahihirap na senior citizen mula P500 (42)__d____ sa ganun “Pag nagkaroon ng ospital para sa senior, hahaba ang buhay," ani Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol, (43)_c____ gagawin ding nationwide ang pagpapatupad ng mga benepisyo para sa mga senior citizen gaya ng libreng panonood ng sine mula Lunes hanggang Biyernes, at express lane sa mga pamilihan at pampublikong lugar.