Uploaded by Jayvee Enriquez

DLL-ESP 8-Modyul 2 (1)

advertisement
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Una
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat kasanayan
1. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. EsP8PB-Ic-2.1
2. Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain na iniatas ng guro.
3. Nakapagbabahagi sa klase ng natapos na gawain.
II. Nilalaman
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa
Pagpapasya at Paghubog ng Pananampalataya
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 20-32
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Magaaral
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 29-52
41
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
Lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5533
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Mga Larawan mula sa internet
http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng-tagumpay/
https://ianordiales.blogspot.com/2016_07_01_archive.html
https://www.youtube.com/watch?v=AOPzpZWp8Js
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
A. Pangkatin ang mga mag-aaral sa pitong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng speech balloon
na may nakasulat na kahulugan ng pamilya ayon kay Pierangelo Alejo (2004). Ipaliwanag ang
kahulugan nito. Tumawag ng isang miyembro upang magbahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
Ang pamilya ang una at hindi
mapapalitang
paaralan
para
sa
panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life).
42
May panlipunan at pampolitikal na
gampanin ang pamilya.
Ang pamilya ang una at
pinakamahalagang yunit ng lipunan.
Ito ang pundasyon ng lipunan at
patuloy na sumusuporta rito dahil
sa gampanin nitong magbigay
buhay.
Ang pamilya ang orihinal
paaralan ng pagmamahal.
na
Ang pamilya ay pamayanan ng mga
tao (community of persons) na kung
saan ang maayos na paraan ng pagiral at pamumuhay ay nakabatay sa
ugnayan.
Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng
isang lalaki at babaeng nagpasyang
magpakasal
at
magsama
nang
habambuhay.
Mahalagang misyon ng pamilya ang
pagbibigay ng edukasyon, paggabay
sa mabuting pagpapasya at paghubog
ng pananampalataya.
43
B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong notbuk.
1. Ang karapatan para sa
ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. Kalusugan
b. Buhay
c. Edukasyon
d. Pagkain at tahanan
2. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal ang magkaroon ng mga
anak. Ito ay
.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
b. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. Susubok sa kanilang kakayahang ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataong ginagabayan ng prinsipyong moral
b. Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang
ang mga ito ay matagumpay na malampasan
c. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong
ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
d. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkuling kakambal ang pagtanggap sa anumang
kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
44
4. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang
mga anak?
a. Sina Leonardo at Rose na nagplaplano at nagpapasya para sa katiyakan ng magandang
buhay para sa kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang
matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. Sina Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga
ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang
ginagalawan lalo na sa hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyong magtrabaho sa ibang bansa upang
matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban
dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
5. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
6. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung
ano ang mayroon siya
7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na
45
pagpapahalaga maliban sa:
a. Pagtanggap
b. Katarungan
c. Pagmamahal
d. Pagtitimpi
8. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasya maliban
sa:
a. Pagtitiwala
b. Pagtataglay ng karunungan
c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
9. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga
gawaing ispiritwal maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya
10. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng
pamilya
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito
upang ito ay maisakatuparan
46
B. Paghahabi sa layunin
ng aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
2. Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain na iniatas ng guro at;
3. Nakapagbabahagi sa klase ng natapos na gawain.
B. Gumawa ng sampung metastrips at isulat ang sampung gampanin. Pagkatapos, pumili ng
tatlong pinakamahalaga at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili. Sagutin ang sumusunod na
tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. Bakit mahalaga ang mga gampaning ito para sa iyo?
2. Ano ang maaaring maidulot kung ang mga gampaning ito ay hindi matugunan ng pamilya?
3. Ano naman ang maidudulot kung ang mga gampaning ito ay matugunan ng pamilya?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Papanoorin ang mga mag-aaral ng video clip presentation tungkol sa mahahalagang misyon ng
pamilya na tatagal lang ng1 minute and 40 seconds
https://www.youtube.com/watch?v=OqK8mYmlhiM . Pasulatin ng isang reflection tungkol sa video
clip presentation na nagpapakita ng nararapat na gawin o tungkulin ng isang anak sa kanyang
magulang. Ibahagi ng ilang mag-aaral ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ano-ano ang mga salitang malimit na naririnig sa iyong magulang kung may nagagawa kang
kasalanan?
2. Ano ang aral na iyong nakuha sa mga pangaral na malimit mong naririnig sa iyong mga
magulang? (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa tatlo, sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat sa Manila paper ang
kasagutan. Ibahagi ng lider sa klase ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach)
47
1. Ano ang madalas na damdamin mo kapag paulit-ulit mong naririnig ang mga katagang ito mula
sa iyong mga kapamilya? Bakit?
2. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos mong magawa ang iniatas sa iyong gawain? May
nabago ba sa iyong damdamin at paniniwala?
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa notbuk. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili? Ipaliwanag.
2. Mula sa video clip presentation, ano naman ang tungkulin mo bilang isang anak sa iyong mga
magulang? Isa-isahin ang mga ito.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Itala ang mahalagang tungkulin ng magulang sa kanyang mga anak at tungkulin ng anak sa
magulang. Tatawag ang guro ng isa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Tungkulin ng Anak sa Magulang
H. Paglalahat sa aralin
Tungkulin ng Magulang sa Anak
Ang pamilya, dumaan man sa maraming pagbabago bunga ng modernisasyon, ay
mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi mabago kasabay ng panahon ang
pag-iral ng isang pamilya. Kung ito ay magpapaanod sa pagbabago, saan pa likas na dadaloy ang
pagmamahal at pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong magmahal at maglingkod? Saan pa
kukuha ng pag-asa ang lipunan na umunlad?
48
I. Pagtataya ng Aralin
Gumawa ng slogan tungkol sa “Kahalagahan ng Pamilya” na binubuo ng labinlimang salita. (Gawin
sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
1. Panoorin ang sumusunod na patalastas sa youtube.
a. Patalastas ng Hating Kapatid sa http://www.youtube.com/watch?v=ZLsyvzvxmZY
b. Patalastas ng Lucky Me sa http://www.youtube.com/watch?v=zAn4GDQg0eA
c. Patalastas ng NBA sa http://www.youtube.com/watch?v=uJjo8WwWO7k
2. Matapos manood ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa notbuk.
a. Ano ang mga mahahalagang mensahe na ipinararating ng bawat isang patalastas?
Ipaliwanag.
b. Paano mo maiuugnay ang mga sitwasyon sa patalastas sa sitwasyon g mayroon ang
pamilyang Pilipino sa kasalukuyan?
c. Bakit mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga kasapi ng pamilya?
d. Bakit mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa kanilang mga pagpapasiya?
e. Bakit mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata?
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
49
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
50
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
51
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Nasusuri ang mga maaaring hadlang na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya (media, peer
influence, etc.) EsP8PB-Ic-2.2
2. Napahahalagahan ang edukasyon, pananampalataya at paggabay sa bawat kasapi ng
pamilya
3. Nabibigyang kalutasanang maaaring maging hadlang sa pagtupadng pamilyang Pilipino ng
iba’t-ibang gampanin
II. Nilalaman
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay
sa Pagpapasya at Paghubog ng Pananampalataya
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 20-32
52
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 29-52
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
Lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5533
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Video Clip mula sa Internet
https://www.youtube.com/watch?v=pDex_Uy5q5M
http://www.youtube.com/watch?v=ZLsyvzvxmZY b
https://ianordiales.blogspot.com/2016_07_01_archive.html
https://www.youtube.com/watch?v=AOPzpZWp8Js
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Ipakita ng guro angConcept web, ipasulat sa mga mag-aaral sa mga arrow ang kahalagahan ng
pamilya. Tumawag ng isa o dalawa na magbabahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Kahalagahan ng Pamilya
53
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nasusuri ang mga maaaring hadlang na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa pagbibigay
ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya (media, peer
influence, etc.)
2. Napahahalagahan ang edukasyon, pananampalataya at paggabay sa bawat kasapi ng
pamilya.
3. Nabibigyang kalutasan ang maaaring maging hadlang sa pagtupad ng pamilyang Pilipino ng
iba’t ibang gampanin.
B. Panoorin ang patalastas ng Hating Kapatid sa
http://www.youtube.com/watch?v=ZLsyvzvxmZY . Matapos manood ay sagutin ang
sumusunod na tanong. Ibahagi sa klase ang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Ano ang mahalagang mensahe na ipinararating ngpatalastas? Ipaliwanag.
2. Paano mo maiuugnay ang mga sitwasyon sa patalastas sa sitwasyon na mayroon ang
pamilyang Pilipino sa kasalukuyan?
3. Bakit mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga kasapi ng pamilya?
4. Bakit mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa kanilang pagpapasya?
5. Bakit mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ilista sa Manila paper ang mga hadlang sa pamilyang Pilipino sa
pagtupad ng iba’t-ibang gampanin. Maghanda ang pangkat sa pagbabahagi ng natapos na
gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
Pangkat 1 - Hadlang sa Pagbibigay ng Edukasyon
Pangkat 2 - Hadlang sa Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya
Pangkat 3 - Hadlang sa Paghubog ng Pananampalataya
D. Pagtalakay ng bagong
Pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong gamit ang katulad na tsart sa ibaba. Ipasulat sa
54
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
notbuk ang kasagutan. Tumawag ang guro ng isa hanggang tatlong mag-aaral upang ibahagi
ang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Mga Banta sa
Pamilyang Pilipino
Paano Ito
Malalampasan
Ang Magiging Bunga
Nito sa Pamilyang
Pilipino
a. Pagbibigay ng Edukasyon
Hal. Dahil sa kahirapan
ay napipilitang
maghanapbuhay ang
ama at ina kaya
nababawasan ang
kanilang panahon sa
pagbabantay ng
kanilang mga anak at
sa pagtuturo sa kanila
ng mga mabuting asal.
Magtulong-tulong ang
lahat ng kasapi ng
pamilya upang
matulungan ang mga
magulang sa kanilang
mga gampanin sa
pagtuturo sa mga anak,
lalo na ang mga
nakatatandang
miyembro ng pamilya.
b. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasya
55
Magiging mulat ang
lahat ng kasapi na
mahalagang
gampanan nila ang
kanilang mga
tungkulin sa pamilya
upang mapunan ang
pagkukulang ng mga
magulang bunga ng
kanilang
pagsasakripisyo para
matugunan ang
pangunahing
pangangailangan ng
pamilya.
c. Paghubog ng Pananampalataya
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa tatlo at magsagawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa sumusunod na
katanungan. Ipakita sa klase ang nabuong gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative
Approach)
Unang Pangkat
- Mga Pagbabago sa Pamilyang Pilipino
Ikalawang Pangkat - Mga Banta sa Pamilyang Pilipino
Ikatlong Pangkat
- Bunga ng Paglampas sa mga Banta
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Tapusin ang pahayag na nasa ibaba. Piliin ang kasagutan sa loob ng kahon. (Gawin sa loob ng
5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Pamilyang Pilipino
Pagbibigay ng Edukasyon sa kanilang mga Anak
Paggabay sa mga ito sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
Paghubog ng kanilang Pananampalataya
Mahalagang mabigyang-diin ang panghihikayat sa maraming
na gawin
ang lahat ng kanilang magagawa upang maisakatuparan ang kanilang mahahalagang misyon
56
para sa
,
,
.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Pangkatin ang klase sa dalawa. Mula sa mga naibigay na impormasyon sa mga naunang
gawain, magkakaroon ng debate ang dalawang grupo. Ang isang panig ay nagpapatunay na ang
mga magulang/pamilya ang dapat na nilalapitan at sinasandalan sa oras ng problema at
pangangailangan, samantalang ang kabilang grupo naman ay dapat sa kaibigan at hindi sa
pamilya. (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)
H. Paglalahat sa aralin
Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang
pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng
kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito. Mahalagang may kakayahan silang
harapin ang anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral.
Mahalaga ring maisapuso nila ang pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang
konsensya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
Sa isang lipunang unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging makasarili ng iilan,
mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan. Ito ang magbubunsod
upang matutuhan nilang igalang ang dignidad ng kanilang kapwa at ang diwa ng pagmamahal na
hindi naghihintay ng kapalit at nagpapadaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga
nangangailangan.
I. Pagtataya ng Aralin
Gumawa ng slogan na may temang “Matatag at Nagkakaisang Pamilyang Pilipino: Instrumento
sa Pagbabago” na binubuo ng labinlimang salita. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist
Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
57
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Basahin at pag-aralan ang sumusunod.
a. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
b. Paghubog ng Pananampalataya
Batayan: EsP 8 LM p. 42-47
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
58
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
59
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Naipaliliwanag na: EsP8PB-Id-2.3
 Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na
edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa
pananampalataya.
 Sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga kakayahang
makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay.
 Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
2. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagtataguyod ng gampanin ng pamilya
3. Nakagagawa ng patalastas na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtataguyod ng gampanin ng
pamilya.
II. Nilalaman
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa
Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya
A. Sanggunian
60
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 20-32
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Magaaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 29-52
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
Lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5533
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Video Clip mula sa Internet
https://www.youtube.com/watch?v=pDex_Uy5q5M
https://ianordiales.blogspot.com/2016_07_01_archive.html
https://www.youtube.com/watch?v=AOPzpZWp8Js
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Sa pamamagitan ng larong Treasure Hunt, magtulong-tulong na hanapin sa loob ng silid-aralan
ang mga salita o pahayag na tumutukoy sapagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at
paghubog ng pananampalataya. Matapos hanapin ang mga salita, idikit sa black board at iugnay
ng guro sa tatalakaying aralin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
karapatan para sa edukasyon
laya na magpasya
B. Paghahabi sa layunin ng
makagawa ng mabuting pagpapasya
sumamba/sumimba
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
61
aralin at pagganyak
Naipaliliwanag na:
 Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na
edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa
pananampalataya.
 Sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga kakayahang
makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay.
 Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi
at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
1. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagtataguyod ng gampanin ng pamilya
2. Nakagagawa ng patalastas na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtataguyod ng gampanin ng
pamilya.
B. Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang mabigyan ka ng mabuting edukasyon ng iyong
pamilya?
2. Paano ka nila mabibigyan ng edukasyon?
3. May isa ka bang mungkahing paraan? Ano ito?
4. Ano kaya ang mga pangunahing dapat matutuhan ng isang anak na tulad mo sa kanyang
mga magulang?
5. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting pagpapasya?
Ipaliwanag.
62
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Pangkatin ang klase sa tatlo. Bigyan ng paksa ang bawat pangkat, magkaroon ng pangkatang
talakayan at pag-uulat tungkol sa paksang iniatas. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative
Approach)
Pangkat 1 -Pagbibigay ng Edukasyon
Dahil ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng buhay ang kanilang
mga anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng edukasyon ang huli. Ang
karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Hindi
magagampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak
kung hindi sila bibigyan ng karapatan para rito. Katuwang nila ang mga institusyon sa lipunan sa
pagkamit nito. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang
karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang
itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan. Sa kasalukuyang kalagayan ng
lipunan, mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na inihahain nito.
Magagawa lamang nila ang mga ito kung naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga
pagpapahalagang naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag. Ang pornograpiya,
droga, maruming pulitika, peer pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan.
Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng
kalayaan sa mga materyal na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang
simple. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung
ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya. Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang
turong ito ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng:
a. Pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya
susukatin batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay,
63
b. Pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa
kanyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at;
c. Katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.
Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging makasarili ng iilan,
mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan. Ito ang magbubunsod
upang matutuhan nilang igalang ang dignidad ng kanilang kapwa at ang diwa ng pagmamahal na
hindi naghihintay ng kapalit at nagpapadaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga
nangangailangan. Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa
pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa. Ang halimbawa ang pundasyon ng
impluwensya. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang,
ang mga salita na kanilang naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na
makaiimpluwensya sa kanilang mga iisipin, sasabihin, at isasagawa. Ang mga magulang ang
kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Hindi ito maiiwasan dahil lahat ng kanilang
sinasabi at ginagawa ay nakaiimpluwensiya sa kanilang mga anak, positibo man ito o negatibo.
Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila.
Pangkat 2 - Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya, at
magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na
makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa
kanyang sarili. Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda
ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas
ang kanilang pipiliing tahakin. Mahalaga sa murang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang
bata na magpasiya para sa kanyang sarili, mga simpleng pagpapasiya tulad ng damit na isusuot,
ano ang kanyang gustong kainin at inumin, ang musikang kanyang pakikinggan, at iba pa. Ang
mga pagpapasiyang ito ay makatutulong upang mataya ang kanyang kakayahan sa pagpapasiya
upang maibahagi sa kanya ang tulong o paggabay na kanyang kailangan.
64
Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang kabataan sa mas mabibigat na suliranin. May
mga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at makasariling pagpapasiya - hindi
isinasaalang-alang ang mas malawak na pagtingin sa magiging epekto nito. Ito ay dahil hindi pa
sapat ang kanyang mga karanasan at kakayahang bumuo ng sariling pananaw. May mga
kabataang nagiging kasapi ng gang, may mga dalagang maagang nagbubuntis, may mga lalaking
nalululong sa droga, may mga kabataang nakagagawa na ng krimen, ang lahat ng ito ay bunga ng
kawalang kakayahan ng ilang mga kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasiya. Kaya
mahalagang ang isang kabataan ay magabayan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi
siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito. Hindi rin tama na lagi
na lamang nariyan ang magulang upang tulungan siyang maisaayos ang kanyang mga
pagkakamali. Hindi siya matututo sa paraang ito.
Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting
pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa
kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay
sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.
Pangkat 3 -Paghubog ng Pananampalataya
Kailan ka huling nagsimba o sumamba kasama ang iyong pamilya? Kailan ang huling
pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng pasasalamat dahil sa mga biyayang
inyong tinanggap bilang pamilya? Siguro, madalas walang pagkakataon, busy lahat. Maging ikaw
busy rin. Pero napansin mo ba na kapag hindi sama-sama, parang may kulang?
Sabi ni Stephen Covey sa kanyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pagaaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay
mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na
kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso. Ito rin ay nakapagpapatibay ng
pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa
tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos (tulad ng
65
Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga Muslim), makatitiyak na ang mga
pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging
mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw,
magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa
isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga
sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya.
Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating pamilya sa pagsasagawa ng
mga ganitong gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo at sa
iyong pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya. Sa paglipas ng
panahon, ang mga kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay labis ang pagiging abala
sa pagtatrabaho para sa pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya. Ang hirap ng buhay
ang nagdidikta sa mga magulang na magsikap para gawing sapat ang kinikita para sa
pangangailangan ng pamilya. Ngunit may mga pagkakataon na wari ay ito na ang nailalagay sa
gitna ng buhay-pampamilya, ang pangangailangang kumita ng pera para sa katiwasayan ng
pamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang
tunay na pananampalataya sa Kanya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa
ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang
anumang pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito.
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat
tungkol sa pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi
sapat kahit pa ang pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa
anak ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman nito para sa
kanyang buhay at kung paano ito mailalapat sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Marahil
kaya walang interes ang mas maraming kabataan sa pagbabasa ng mga ganitong aklat ay
dahil hindi nila lubos na nauunawaan kung saan nila ito magagamit. Ito ang madalas na
maririnig sa mga mag-aaral kung bakit ayaw nila ng Mathematics, dahil sa abot ng kanilang
66
pag-unawa ay hindi naman nila alam kung paano ito magagamit sa buhay, tulad ng mag-aaral
na gustong kumuha ng kursong Mass Communications o Social Work sa kolehiyo. Marahil tulad
ng pagkukulang ng isang mahusay na guro sa Mathematics, ay gayon din ang pagkukulang ng
ilang magulang na hindi nabibigyang-tuon ang pagpapaunawa ng praktikal na paglalapat ng
pagbabasa ng nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa kanilang pang-arawaraw na buhay.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga
karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang
mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-arawaraw na buhay. Halimbawa, kung ang nais ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa
pasasalamat na turo ng Diyos, mahalagang isama ang buong pamilya sa pagbibigay na hindi
naghihintay ng anumang kapalit tulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan. Maaari din
namang ituro sa mga kasapi ng pamilya ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay sa
bawat isa na magsulat ng mensahe ng kabutihan sa bawat araw at ilagay ito sa lugar na
madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya (hal. refrigerator, sa hapag kainan, o sa facebook
page).
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto.
Ang paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit. Kapag ginawa ito, lalong
lalayo ang loob ng kasapi ng pamilya. Mahalagang laging gamitin ang mga pagkakataon na
dumarating upang mailapat ang mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa pananampalataya.
Halimbawa, sa isang maliit na bata ay maituturo ang pagdarasal at presensya ng Diyos sa
panahon na sila ay natatakot (hal. kapag kumukulog o kumikidlat). Ang pagtuturo ng
pasasalamat ay maituturo sa pagkakataon na nakatanggap ng biyayang hindi inaasahan lalo na
sa panahon ng kagipitan.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya. Mabilis makalimot ang tao. Kaya sa pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral
tungkol sa pananampalataya, mahalagang maisagawa ito nang paulit-ulit upang ito ay tumanim
67
nang malalim sa kanilang puso at isipan. Ayon sa isang artikulo sa internet, kung ang
impormasyon ay ibibigay sa isang tao ng isang beses lamang, mababa sa 10% bahagdan
lamang nito ang matatandaan paglipas ng 30 araw. Ngunit kung maibibigay ang impormasyon
sa 6 na pagkakataon, 90% ng impormasyon ay mananatili sa isipan sa loob ng 30 araw. Kung
ang nais ay maipaunawa ang Diyos at ang pananampalataya sa mga kasapi ng pamilya, ulitin
nang mas madalas ang mabuting mensahe ng Diyos sa kanila. Halimbawa, ang pagtuturo ng
pag-asa ay maaaring gawin sa panahon ng pagbisita sa isang kakilalang maysakit ngunit
patuloy na lumalaban o sa isang lugar na sinalanta ng bagyo ngunit patuloy na bumabangon
ang mga tao. Hindi rin matatawaran ang aral tungkol sa pag-asa sa tuwing makakakita ng isang
taong may kapansanan ngunit patuloy na namumuhay nang normal.
6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol.”“Sige, kapag sumama ka sa akin magsimba kakain tayo sa
labas.” Pamilyar ba sa iyo ang motibasyon na ito? Ito rin ba ang mekanismo na nagpapatakbo
sa iyo para sa pagsama sa pamilya sa pagsimba? Hindi naman siguro ito masama ngunit
mahalagang maiwasan na hindi dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng pagsasagawa ng
mga gawain para sa pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na matulungan ang mga kasapi
ng pamilya na gawin ito nang kusang-loob at buong-puso. Sa ganitong pagkakataon lamang ito
magkakaroon ng lalim para sa kanila.
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito
ang mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng
mga pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto. Halimbawa, ang
pagsasagawa ng egg hunt (may nilalaman na mensahe ng Diyos) kahit sa isang
pangkaraniwang araw na kumpleto ang pamilya. Maaari din namang magkuwento ng mga
nakatutuwang anekdota at ito ay iugnay sa turo ng Diyos.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Magkaroon ng talakayan tungkol sa iniulat ng bawat pangkat. Tumawag ng ilang mag-aaral
upang pasagutan ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
68
1. Sa paanong paraan matuturuan ng pamilya ang mga anak sa paggawa ng mabuting
pagpapasya?
2. Bakit mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito?
3. Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito?
4. Paano matitiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya sa kanilang
mga anak?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa tatlo, gumawa ng sariling infomercial na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagtataguyod ng gampanin ng pamilya. Ang patalastas ay kailangang magtagal ng 1 hanggang 2
minuto lamang. Ipakita ang nabuong gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative/Constructivist Approach).
Pangkat 1 - Pagbibigay ng Edukasyon,
Pangkat 2 - Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya
Pangkat 3 - Paghubog ng Pananampalataya.
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Gamit ang larawan, buuin ang mahalagang konsepto. Lagyan ng sagot ang bawat patlang. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach).
69
Maayos na Edukasyon
Kasanayan
Pagpapahalaga
Talento
Hindi lamang paglalang ang pananagutan ng mga magulang, tungkulin nila na mabigyan ng
ang kanilang mga anak, gabayan sa
at
hubugin sa
. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng
edukasyon ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. Sa pag-aaral
nalilinang ang mga
,
,
at mga kakayahang makatutulong
sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Itala at ipaliwanag ang mahahalagang gampanin ng pamilya. Tumawag ng ilang mag-aaral na
magbabahagi sa klase ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach).
1.
2.
3.
H. Paglalahat sa aralin
Katulad ng misyon ng bida sa pelikula, maaaring isipin na imposibleng maisagawa ang lahat
ng ito nang buong husay. Ang gampanin ng pamilya ay maaaring maging Mission: Possible kung
ang lahat ay isasagawa nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya. Huwag nating
hayaang masira ang pamilyang binuo ng pagmamahal. Kailangang kumilos ang lahat para ito ay
ingatan at ipaglaban.
I. Pagtataya ng Aralin
Sumulat ng talatang binubuo ng lima hanggang sampung pangungusap tungkol sa kahalagahan
ngpagtupad sa gampanin ng pamilya. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
70
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
Gumawa ng isang caricature na nagpapakita ng isang masaya, disiplinado, may pananampalataya
at nagkakaisang pamilya. Ipaliliwanag ng mag-aaral sa klase ang kanilang ginawa.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
71
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
72
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
kakayahan sa pagpapasya, at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya. EsP8PB-Id-2.4
2. Naiisa-isa ang mga plano para sa pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya.
3. Natutukoy ang angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pag-aaral para sa sarili at sa pamilya.
4. Naibabahagi ang sariling plano sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa
pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
II. Nilalaman
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa
Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 20-32
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 29-52
73
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
Lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5533
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Video Clip mula sa Internet
https://www.youtube.com/watch?v=pDex_Uy5q5M
https://ianordiales.blogspot.com/2016_07_01_archive.html
https://www.youtube.com/watch?v=AOPzpZWp8Js
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Pangkatin ang klase sa tatlo. Gamit ang puzzle na ibibigay ng guro sa bawat grupo, buuin ang
mga ito upang makita ang lalabas na larawan. Ipaliwanag ang nabuong larawan. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
74
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
kakayahan sa pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
2. Naiisa-isa ang mga plano para sa pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya.
3. Natutukoy ang angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pag-aaral para sa sarili at sa
pamilya.
4. Naibabahagi ang sariling plano sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa
pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
B. Basahin ang sumusunod na kasabihan. Tumawag ng mag-aaral upang ipaliwanag ito. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
75
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Pangkatin ang klase sa tatlo. Itala sa Manila paper ang mga sariling paraang ginagawa upang
mapabuti at mapaunlad ang pag-aaral para sa sarili at sa pamilya. Pumili ng miyembrong
magpapaliwanag sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(CollaborativeApproach)
1.
2.
3.
4.
5.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Gumawa ng magandang plano para sa pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya.
Ibahagi ng isa hanggang tatlong mag-aaral ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Constructivist Approach)
Ang Aking Mga Plano
Mga Hakbang
76
Mabuting Maidudulot
Pagpapasiya
Pagsasabuhay ng
pananampalataya
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Itala sa notbuk ang mga hakbang na isinagawa ng iyong pamilya tungo sa pagpapaunlad ng iyong
mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya.
Isagawa ang Think-Pair-Share upang ibahagi ang natapos na gawain. Magkaroon ng talakayan
ukol sa tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach )
1. Ano-ano ang mga hakbang na isinagawa ng iyong pamilya tungo sa pagpapaunlad ng iyong
mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa pagpapasya at pagsasabuhay ng pananampalataya?
2. Nakatulong ba ang mga hakbang na ito? Ipaliwanag.
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Sumulat ng tiyak na hakbang kung paano mo mapauunlad ang pansariling gawi sa pag-aaral,
mabuting pagpapasya at mahuhubog ang pananampalataya. Isulat sa organizer na nasa ibaba.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Mga Hakbang
Makagagawa ng mga
Mabuting Pagpapasiya
Pansariling-Gawi sa PagAaral
77
Mapauunlad ang
Pananampalataya.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Panoorin ang video clip: “Ang Sulat ni Inay at Itay”
https://www.youtube.com/watch?v=bkdTfZ4HUx0. Sagutan ang tanong sa ibaba. (Gawin sa loob
ng 15 minuto)(Reflective Approach)
Bilang isang anak, ano ang napulot mong mabuting aral sa video? Paano mo ito isasabuhay?
Ipaliwanag.
H. Paglalahat sa aralin
Ang pamilya ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi sa lipunan. Ito ang
pinanggagalingan ng emosyonal, pisikal, espiritwal at pinansyal na suporta ng lipunan. Ito rin ang
pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay
nakabatay sa ugnayan. Ang ating bansa ay may mayamang kultura bilang isang bansang katoliko.
Ito ay nakatutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at pananampalataya bilang
sambayanan ng Diyos.
I. Pagtataya ng Aralin
Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng lima hanggang sampung pangungusap kung paano
mo mapauunlad ang pansariling gawi sa pag-aaral, matitiyak na makagagawa ng mga mabuting
pagpapasya, mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya. Isang puntos kada isang
pangungusap. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(Constructivist Approach)
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo mapauunlad ang pansariling gawi sa pag-aaral,
matitiyak na makagagawa ng mga mabuting pagpapasya at mahuhubog o mapauunlad ang
pananampalataya. Ilagay ito sa isang tsart upang mabantayan ang pagsasakatuparan ng mga
hakbang na ito. Bantayan ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang sa loob ng dalawang linggo.
May inihandang halimbawa para sa iyo. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
78
Hakbang
Unang Linggo
Lun
es
Ma Mi
rtes yer
kul
es
Ikalawang Linggo
Ma Mi Hu Biy Sab Lin
Hu Biy Sab Lin
we ern ad ggo Lun rte yer we ern ad ggo
kul bes es o
bes es o
es s
es
Pagbibigay ng Edukasyon
1. Nakagawa ng gawaing iniatas
ng guro sa klase
2. Nakagawa ng takdang aralin
sa takdang panahon
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
√
3.
4.
5.
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
1. Isinangguni ang isang suliranin
sa magulang o sa taong may
kaalaman sa moral na
pamumuhay
79
√
√
√
2.
3.
4.
5.
Paghubog ng Pananampalataya
1. Nagdasal kasama ang pamilya
√
bago kumain
2.
3.
4.
5.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
80
√
√
√
√
√
√
√
√
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliraninang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking punongguro at superbisor?
81
Download