Outline of the research proposal In the second column, write your answer corresponding to what is required in the first column. For items with asterisks, please answer with one or more sentences. For the rest without asterisks, you may give short answers in phrases. Requirement Answer Reference 1 (APA style and link if any) Santiago, A., & Tiangco, N. (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Rex Bookstore, Inc. Quezon City. Reference 2 (APA style and link if any) Gonzales L. (1992). Makabagong Gramar ng Filipino. Rex Bookstore, Inc. Quezon City. Topic/problem Pagsusuri sa Aklat na Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino Utility value* Mahalaga ang pagsusuri na ito sapagkat mapapadali nating matukoy ang mga pagbabagong magaganap sa usaping pangwika o pambalarila. Mapapalawak ang pag-unawa at pagkatuto sa wika higit sa pabubuo at paggamit ng mga ito sa epektibong komunikasyon. Research design Gagamitin ng mananalisik ang kwalatibong pag-aaral na naglalayong magkaroon ng kumparatibong pagsususri sa nilalaman ng akllat at pagtalakay sa makabangong pananaw ukol sa mga sangay ng paksa. Ang disenyong gagamitin ay deskriptibong pag-aaral o palarawang pagsusuri. Ayon kay Sevilla (2000), ang palarawang pagsusuri ay isang paraan ng pananaliksik na ginagamit upang makakuha ng datos o impormasyon na maglalarawan sa isang sitwasyon o kaganapan. Participants with inclusion and exclusion criteria* Saklaw ng pag—aral na ito ang hambingang pagsusuri sa aklat na Sangguniang Gramatika ng Wikang Fillipino nina: Fe Laura R. Quetua, Vilma M. Resuma et. al pinamatnugutan nina: Mario I. Miclat at Romulo P. Baquiran Jr. Kaugnay nito, lilimitahan ng manunuri ang gagawing pagsusuri sa Ponolohiya, Morpolohiya at Sintaksis. At ikukumpara ang mga pagtalakay na ito sa makabagong kalakaran ng pagtalakay sa mga paksang nabanggit at iba pang aklat na pangwika. Sampling technique (if applicable) Instruments/ tools with descriptions* Gagawa ang manunuri ng talahanayan na gagamitin sa kumparatibong pagsusuri ng Sangguniang aklat sa Pangwika at Balarila upang malaman ang pagkakatuklad at pagkakapareho ng mga nilalaman sa pagtalakay sa mga aklat na susuriin. Makikita sa ibaba ang ihahanda na talahanayan ng manunuri tungkol sa pagsusuri sa nilalaman ng aklat. AKLAT AT MAY-AKDA PAKSA / SANGAY PANLINGG WISTIKA Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino nina Fe Laura R. Quetua, Vilma M. Resuma et. al Makabagong Balarilang Filipino nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco NILALAMAN SA PAGTALAKAY SA AKLAT PAGSUSURI AT EBALWASYON PAGKA KAIBA PAGKAKATU LAD . Ethical considerations * (at least confidentiality, beneficence and veracity-risks, expenses, compensation, duration of participation) Ang manunuri ay walang naging personal na interes sa magiging kalalabasan ng pag-aaral. Gagamitin lamang ang pagsusuri na ito upang makatulong sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng pagbabagong nagaganap sa usaping pangwika o pambala. Magbubukas din ito ng kaisipan upang magsagawa ng hambingang pasgususuri na may kinalaman sa wika upang mas lalo mapalawak ang kaalaman sa wika. Data analysis* Batay sa pagsasagawa ng pagsusuri ng datos narito ang mga sumusunod na hakbang; a.) babasahin at pag-aralang mabuti ang mahahalagang nilalaman ng aklat na susuriin na nakabatay sa tatlong sangay na paksa: Ponolohiya, Morpolohoya at Sintaksis; b.) iuugnay ng manunuri ang mga impormasyon makakalap sa pagtalakay ni Alfonso Santiago at Norma Tiangco sa kanyang aklat na Makabagong Balarilang Filipino 2003 sapagkat sa sunod sunod na pagababago at modernsasyon ng wikang Filipino ay maraming aklat na ang nailimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa matandang bararila pinanatili parin nila ang nailatag noon sa bararila at ginawang magaan ang mga tuntunin; c.) gagawa ang manunuri ng talahanayan ukol sa nilalaman ng pagsusuri na nakahati sa apat na bahagi. Measures to ensure validity Gagamitin ang pagtalakay sa balarila/ gramatika ang aklat nina Alfonso Santiago at Norma Tiangco na Mabakabagong Balarilang Filipino 2003, bilang sandigan ng manunuri sa pagsususri sa nilalaman ng Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino nina Fe Laura R. Quetua, Vilma M. Resuma et. al pinamatnugutan nina: Mario I. Miclat at Romulo P. Baquiran Jr. Ang aklat nina Santiago at Tiangco bumalik sila sa Bararila ni Lope K. Santos at isinapanahon ang mga paliwanag at tuntunin nito ang resulta ay ang kanilang Makabagong Balarilang Filipino. Pininanatili nito ang mga nailatag noon ng bararila, may mga ilang desbisasypn o paglayo sa mga tuntunin nito at ipinaliwanag sa higit na magaang paraan sa tulong na rin ng pagbabagong talakay sa pagdulog sa gramatika sa paglipas ng panahon. Sasangguni din ang manunuri sa mga sa tatlong dalubguro sa Filipino upang maipakita at ipabasa ang ginawang pagsusuri ng manunuri bilang karagdagang komento. Measures to ensure reliability Sa pamamagitan ng talahanayan, maingat na i-presente ng manunuri ang datos tungkol sa pagkakaiba, pagkakatulad at ebalwasyon sa nilalaman o pagtalakay ng mga aklat sa Sangguniang sa Gramatikang Wikang Filipino.