SCHOOL DAILY LESSON PLAN I. Layunin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga kasanayan sa Pagkatuto II. Paksang Aralin A. Sanggunian B. Iba pang kagamitang panturo C. Integration: D. Pagpapahalaga III. Pamamaraan TEACHER SUBJECT SALNGAN-ALIMONO ELEMENTARY SCHOOL JAZIEL D. SILLONAR EPP ( INDUSTRIAL ARTS) Grade Level Quarter DATE FIVE IKATATLO 04/24/2023 Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa. Naisasagawa ng may kawilihan ang pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa. Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy,kawayan,metal at iba pa. EPP5IA-ob Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa Gabay ng Guro, Aralin 2 pp. 86-89, Manwal ng Guro Aralin 19 pahina 4350, Gawaing Pantahanan Makabuluhang at Pangkabuhayan 5 pp.167-169 Power Point Presentation, Realia o kagamitan sa paggawa, Laptop, Tarpapel, Task cards ESP: Pag-iingat ng Sarili Filipino: Pagsunod sa Panuto AP: Pangagalaga ng mga bagay sa ating kapaligiran Mapeh: Pag awit, Pagkulay, Pagguhit,Pagsagawa ng kilos Pagiging maingat at masunurin (Pag- awit ng isang rap) A. Panimulang Gawain Yo, yes, yes yo! Tingin dito,tingin doon Sa paligid nating bigay ng Poon Maraming bagay na mayroon Sa proyektong naisip Kahoy, kawayan at metal Kapaki-pakinabang silang tunay Mga kagamitan at kasangkapan Kilalanin upang malaman Ang gamit nito, upang maiwasan Sakuna ay di makamtan Yo, yes, yes yo! Gamitin ang mga gamit ng wasto 1. Tungkol saan ang inawit nating rap? 2. Ilan ang materyales na matagpuan sa ating pamayanan ang nabanggit sa rap? Anu-ano ang mga ito? 3. Bakit mahalaga ang pangangalaga sa mga bagay na nasa ating kapaligiran? 4. Ayon sa rap, bakit kailangang pamilyar tayo o kilala natin ang mga kagamitan o kasangkapan sa paggawa? B. Balik aral Pagpapakita ng ibat ibang larawan ng mga kagamitan.Tukuyin ng mga bata kung ito ay gawa sa kahoy, kawayan, o metal 1. 2. 3. 4. 5. 6. Paano ninyo natukoy ang mga gamit na ito, ano ang inyong pinagbabatayan sa pagtukoy? C. Pagganyak Pagbasa ng tula. Huwarang Paggawa Kung susuriin mo ang mga hakbang na isinasagawa Ng mga manggagawa sa kanilang pagtatalaga Maingat na sinusunod ang mga hakbang sa pagsasagawa Gamit ang mga kagamitan na tunay na mahalaga Mga panukat ay ginamit ng karpintero at iba pang kasanayang pang-elektroniko Tulad ng zigzag rule, ruler,eskwala, at iba pa Atin namang tukuyin kahalagahan ng mga pamukpok Tulad ng martilyo, maso at malyete na tunay nang subok. Mga pambutas ay kailangan natin upang matugunan Maliit na detalye upang ang iba pang gawin ay matupdan Pagsuot ng iba pang bahagi ng tagumpay ay makamtan Barena, brace, electric drill at pait lang ang kailangan. Malalaking bahagi minsay kailangang paliitin Mga materyales na pamutol ay iyong bigyang pansin Nandiyan si lagari na may ibat-ibang uri Subok na, na ang gawai’y maging madali. Sa paggamit ng mga kagamitan laging tandaan Pulidong gawa ay makamtan Sa tulong nitong kagamitan at kasangkapan Maituturing na katuwang at kaibigan. Sa pagbubuo ng proyekto walang problema Tagumpay sa paggawa ay maisasagawa Kaya angkop na kagamitan, gamitin sa paggawa Upang kaligtasan ng gagawa ay matatamasa. Mga Tanong: 1. Ano-ano ang mga kasangkapan o kagamitang binanggit sa tula? 2. Sa anong gawaing- pang industriya ang mga kagamitan ay kabilang? 3. Ano ang kahalagahan ng mga kagamitang nabanggit sa mga manggagawa at sa paggawa ng produkto. C. Paglalahad (Pagpakita ng aktuwal na kagamitan at kasangkapan sa paggawa) Tingnan ninyo ang mga ito. Ano ang masasabi ninyo tungkol dito? Saan ito ginagamit? Mayroon ba kayo nito sa bahay? Sino ang kadalasang gumagamit nito? Bakit mahalaga na matutuhan natin ang gamit nito? Kaya, ngayon ito ang ating pag-aralan: Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa. Ituon ang mata sa TV. Isaisahin natin ang mga ito. D. Pagtatalakay Mga Panukat 1. Ruler-ito ay karaniwang ginagamit na panukat sa mga bagay na hindi lalagpas ng isang talampakan o 1 foot. 2. Zigzag rule- ginagamit ito sa pagsukat ng taas,lapad, at kapal ng materyales tulad ng kahoy. 3. Metro- kadalasang ginagamit na kasangkapang panukat sa paggawa ng mga gawaing pang industriya. 4. Iskwala- ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya,pagtiyak sa lapad at kapal ng tabling makitid at kung nais tandaan kung iskwalado ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy. Mga Pamukpok 1. Martilyo-ginagamit ito na pambaluktok,pampukpok ng materyal, at pambaon sap ait at pako.Ang ulo nito ay yari sa bakal. 2. Malyete-kagamitang mukhang martilyo ngunit ang ulo ay yari sa kahoy na may goma,ginagamit sa pambaon sap ait at yari sa kahoy o anumang kasangkapan na masisira ng bakal na martilyo. Mga Pambutas 1. Barena-ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hindi hihigit sa kalahating sentimetro.Ang talim nito ay tinatawag na drill bit. Electric drill- barenang dekuryente na mainam gamiting pambutas sa matitigas na bagay tulad ng semento at bakal 2. Brace- ginagamit sa paggawa ng malalaking butas. Ang talim nito ay tinatawag na auger bit. Magagamit itong pambutas sa kahoy at sa ibang uri ng metal. 3. Pait – ginagamit sa pagkorte, pagbawas at paggawa nang butas sa kahoy. Mga Pamutol 1. Lagari- ginagamit sa pagputol ng kahoy table o metal. E. Pangkatang Gawain Mga Gawain: 1. Hatiin ang klase sa apat. 2. Bigyan ng task card at kagamitan na gagamitin ng bawat grupo. 3. Ipaulat ang natapos na gawain a. Unang Pangkat: Ilagay ang mga pangalan ng mga kagamitan sa angkop na gawaing pang-industriya. b. Ikalawang Pangkat: Kulayan ang mga kagamitan at kasangkapan sa paggawa. Sundin ang code sa pagkulay: Pamukpok- abo o gray Pamutol- kayumanggi o brown Panukat - bughaw Pambutas- pula c. Ikatatlong Pangkat: Gumuhit ng isang kagamitan o kasangkpan sa paggawa ayon sa uri nito. Pamukpok Pambutas Pamutol Panukat d. Ikaapat na Pangkat: ( Cross Word Puzzle) Alamin ang mga salitang tinutukoy sa bawat pangungusap. Hanapin at bilugan ang mga sagot sa puzzle. W E T Y L U O P I M R U B R A C E W S A E B I S G B M N K R T A O P A I T L W T Y R P E R D A K A I U E K T I E N K L L I N L O G R I O A Y M A L Y E T E P B O _______1.Ginagamit sa paggawa ng maliit na butas na hindi hihigit sa kalahating sentimetro. _______2. Ginagamit ito na pambaluktot, pampukpok ng metal at pambaon sa paet at pako. ______3. Ginagamit sa pagsukat ng maikling distansya,pagtiyak sa lapad, kapal ng tablang makitid. _______4. Ginagamit sa paggawa ng malaking butas. _______5. Mukhang martilyo ngunit ang ulo ay yari sa goma o kahoy. _______6. Ginagamit sa pagputol ng tabla, kahoy o metal. _______7. Ginagamit sa pagkorte, at paggawa ng butas sa kahoy kasama ang martilyo. E. Paglalapat Laro: Sabihin Ko, Gawin Mo Sasabihin ng guro ang mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa. Ipapakita ng mga bata sa pamamagitan ng pagsagawa ng kilos kung paano ito gagamitin at anong uri ito naayon. Halimbawa: Sabihin ng guro: martilyo –(popokpok ang mga bata) Lagari Eskwala Barena Malyete Brace F. Paglalahat Tanong: 1. Anu-ano ang ibat-ibang uri ng kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng mga bagay ang natutuhan ninyo? 2. Paano ang paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan? TANDAAN: Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung gagamitin ang angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa. Kailangan tayong maging maingat sa paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa upang maiwasan ang sakunang maaring mangyari. V. Pagtataya Tukuyin ang mga sumusunod kung anong uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, kawayan, metal at iba. Isulat ang titik lamang ng tamang sagot. 1.Ginagamit sa paggawa ng maliit na butas na hindi hihigit sa kalahating sentimetro. a. Brace b. martilyo c. ruler 2. Ginagamit ito na pambaluktot, pampukpok ng metal at pambaon sa paet at pako a. Lagari b. malyete c. pait 3. Ginagamit sa pagsukat ng maikling distansya,pagtiyak sa lapad, kapal ng tablang makitid a.Ruler b. zigzag rule c. maso 4.Ginagamit sa paggawa ng malaking butas. b. Barena b. lagari c. martilyo 5.Mukhang martilyo ngunit ang ulo ay yari sa goma o kahoy. c. Malyete b. metrong tiklupin c. electric drill VI. Takdang aralin 1. Gumawa ng album ng mga kagamitan at kasangkapan sa paggawa ayon sa uri nito0 o gawaing pang-industriya. 2. Isaulo ang rap. Prepared by: JAZIEL D. SILLONAR Teacher II OBSERVED BY: RENE D. AGUIRRE Principal II APRIL JANE S. ESOY Master Teacher I SILVEN P. AGNES Master Teacher I