Banghay-Aralin sa Filipino 8 I. Layunin: 1. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga malalalalim na salitang ginamit sa pangungusap. 2. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood na sarsuwela. 3. Maisalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan; 4. Masuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuela sa pagpapataas ng kamalayang Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa. II. Paksa: Ang Sarsuwela at Ang mga Uri ng Dula Ayon sa Anyo, Sanggunian: Kagamitan: Powerpoint Presentation III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtatala ng liban sa klase B. Paglalahad 1. Pagganyak ● Pagbibigay ng pagganyak na tanong o Naranasan mo na bang makapanood ng mga pagtatanghal sa entablado? o Ano ang kadalasang ginagawa ng mga aktor at aktres sa pagtatanghal? Nakapanood na ba kayo ng dula online, lalo na noong kasagsagan ng pandemya, na libreng ipinalalabas sa mga social media ang maraming dulang Pilipino. Magpakwento tungkol sa kanilang napanood. ● Ang guro ay may inihandang gawain na “HANAP SALITA”. Tatlong salita lamang ang hahanapin ng mga mag-aaral. ● Pagbibigay muli ng karagdagang katanungan na may kaugnayan sa mga salitang ipinahanap. 2. Pagtatalakay ● Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin. ● Tatalakayin at sasagutan ang talasalitaan. TALASALITAAN: Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang sagot sa kahon nasa ibaba. 1. Huwag mo na akong tuyain , pangit nga ang mga daliri ko. (KUTYAIN) 2. Ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginagawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang. (NAUNAWAAN) 3. Ang mga dayuhan ay walang awa kung aglahiin ang mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop. (APIHIN) 4. Matinding pagkasiphayo ang naramdaman ni Julia at Tenyong nang malaman na sila ay magkakalayo. (PAGKABIGO) 5. Pag-ibig na dalisay ang alay ko sa aking mga magulang. (WAGAS) ● Ilalahad ng guro ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Sarsuwela at ang iba’t ibang Uri ng Dula ayon sa Anyo. ● Tatalakayin ang “Walang Sugat” at ang mga kulturang Pilipinong nabanggit sa dula. Hatiin sa maliliit na grupo ang klase.Bigyan ang bawat grupo ng kiarakter na kanilang babasahin. Atasan silang basahin ang dula nang madamdamin at may angkop na tono. Maaari ding tumigil sa bawat tagpo at hingan ng hinuha ang mga estudyante.Pag-usapan kung ano sa palagay nila ang susunod na mangyayari. ● Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa dulang nabasa at kung paano pinahalagahan ni Severino Reyes ang Kuluturang Pilipino sa kanyang dula na “Walang Sugat”? IV. Pagtataya Magtala ng mga isyung panlipunan noong panahon ng mga Espanyol na natalakay sa dulang Walang Sugat. 1. 2. 3. 4. 5. Ang mga mag-aaral ay magtatala ng mga pangyayari sa dula kung saan pinakita rito ang pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino. o Pagmamahal at Paggalang sa Magulang o Pagmamahal sa Inang Bayan. 1. 2. 3. V. Takdang Aralin: Ano ang berbal at di- berbal na komunikasyon? Magbigay ng halimbawa nito.