Uploaded by Jhanniah Pineda

Piling Larang

advertisement
PILING LARANG
Pagsulat
- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o
sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon
ngisang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang
kaisipan
(Sauco et al., 1998).
-
Ito’y isinasagawa upang makatupad
sa isang pangangailangan sa
pag-aaral at itinatakdang gawaing
pasulat sa isang tagpuang
akademiko
Kahulugan at Kalikasan ng
Akademikong Pagsulat
- Ang akademikong pagsulat ay ano
mang akdang tuluyan o prosa na
nasa uringekspositori o argumentatibo
na ginagawa ng mga mag-aaral, guro
o mananaliksik upang magpahayag
ng mga impormasyon tungkol sa
isang paksa.
Kahalagahan ng Pagsulat
Kahalagahang Panterapyutika
Ginagamit ng tao ang pagsulat upang
gumaan ang kanilang pakiramdam at
maibsan ang isang mabigat na dalahin.
Kahalagahang Pansosyal
Ginagamit ng tao ang pagsulat bilang
sandata para maipadama ang kanyang
saloobin tungkol sa mga pangyayari sa
kanyang kapaligiran.
Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat para siya’y
mabuhay. Sa madaling salita, ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay.
Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa
pagpreserba ng kasaysayang
pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga
sumusunod na henerasyon.
Ang Akademikong Pagsulat
-
Ito ay isang masinop at
sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring
maging batayan ng marami pang
pag-aaral na maaaring magamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
-
Layunin ng akademikong pagsulat
ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon.
-
Isinasagawa ito upang makatupad sa
isang pangangailangan sa pag-aaral.
Ang pagsulat na ito ay tumpak,
pormal, impersonal, at obhetibo na
itinatakda sa isang tagpuang
akademiko.
Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
Katotohanan.
Ang manunulat ay nakagagamit
ng kaalaman at metodo ng
disiplinang makatotohanan.
Ebidensiya.
- Ang manunulat ay gumagamit
ng mga mapagkakatiwalaang
ebidensiya upang suportahan
ang katotohang kanilang
inilahad.
Balanse.
Ang manunulat ay gumagamit
ng wikang walang pagkiling,
seryoso,at hindi emosyonal sa
paglalahad ng mga makatuwiran
sa mga nagsasalungatang
pananaw.
Tungkulin o Gamit ng Akademikong
Pagsulat Ang akademikong pagsulat
-
ay lumilinang ng kahusayan sa
wika.
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng mapanuring
pag-iisip.
-
-
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng mga
pagpapahalagang pantao.
Ang akademikong pagsulat ay
isang paghahanda sa
propesyon.
Akademikong Sulatin
- Iba-ibang sulatin na ginagawa
gamit ang intelektwal na isip.
- Layuning mapalawak ang
kaalaman hinggil sa iba-ibang
larangan at paksa.
- Mahalaga ito sapagkat ito ay
magagamit sa trabahong
papasukin sa hinaharap.
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong
Pagsulat\
Layunin at Gamit ng Bionote
Ginagamit para sa personal profile ng
isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon
tungkol sa kanya.
Nilalaman ng Isang Bionote
- Personal na impormasyon
(Pangalan, edad, petsa, at lugar ng
kapanganakan)
- Kaligirang pang-edukasyon
(paaralan, digri, at karangalan kung
kinakailangan)
- Ambag sa larangang kinabibilangan
(kontribusyon at adbokasiya)
- Seminar/Kapulungang dinaluhan
- Dating pinagtrabahuan kung
mayroon man.
Kasalukuyang katungkulan
Katangian sa Pagsulat ng Isang
Mahusay na Bionote
1. Tiyak ang layunin
2. Maikli ang nilalaman
3. Gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw
4. Kinikilala ang mambabasa
5. Inuuna ang mahahalagang
impormasyon
6. Binabanggit ang degree kung
kinakailangan at ang mataas na degree
angunang isinusulat
7. Makatotohanan ang mga
impormasyon
8. Binibigyang-tuon ang mga
mahahalagang tagumpay
Buod at Sintesis
Ang buod o sintesis ay may malaking
papel na ginagampanan sa paghahatid
ng impormasyon sa mas pinaikling
paraan.
Ang buod o sintesis ay ang paglalahad
ng anumang kaisipan at natutunang
impormasyong nakuha mula sa
tekstong binasasa
pagkakasunod-sunod na pangyayari
Buod
Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang
pananalita, ukol sa kanyang mga
narinig o nabasang artikulo, balita,
aklat, panayam, isyu, usap-usapan at
iba pa. Siksik at pinaikling bersiyon ito
ng teksto.
Mga Kinakailangan sa Pagsulat ng
Buod
- Kailangan ang isang buod ay
tumatalakay sa kabuuan ng
orihinal na teksto.
- Kailangang nailalahad ang
sulatin sa pamamaraang nyutral
o walang kinikilingan.
- Kailangan ang sulatin ay
pinaiksing bersyon ng orihinal at
naisulat ito sa sariling pananalita
ng gumawa.
Mga Katangian ng Isang Mahusay na
Buod
- Nagtataglay ng obhetibong
balangkas ng orihinal na teksto
- Hindi nagbibigay ng sariling
ideya at kritisismo
-
Hindi nagsasama ng mga
halimbawa, detalye, o
impormasyong wala sa
orihinal na teksto
- Gumagamit ng mga susing
salita
- Gumagamit ng sariling
pananalita ngunit napapanatili
ang mensahe
- Pumili ng mga naaayong
sanggunian batay sa layunin at
basahin ng mabuti ang mga ito
- Buuin ang tesis ng sulatin
- Bumuo ng plano sa
organisasyon ng sulatin
- Mga 1/3 ng teksto o mas maikli
pa rito ang buod
Sintesis
Ito ang paggawa ng koneksyon sa
pagitan ng dalawa o higit pang mga
akda o sulatin.
Isa itong pagpapaikli ng
mgapangunahing punto, kadalasan
piksyon.
Karaniwang hindi lalampas sa
dalawang pahina.
Mga Anyo ng Sintesis
Explanatory na Sintesis. Isang
sulating naglalayong tulungan ang
mambabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay na
Tinatalakay.
Argumentative na Sintesis. Ito ay may
layuning maglahad ng pananaw ng
sumusulat nito.
Mga Uri ng Sintesis
Background Synthesis.
Nangangailangang pagsama-samahin
ang mga sanligang impormasyon ukol sa
isang paksa.
Thesis-Driven Synthesis. Halos katulad
lamang ito ng background
synthesis ngunit magkaiba lamang sila ng
pagkatuon.
Synthesis for the Literature. Ginagamit
ito sa mga sulating pananaliksik.
Mga Katangian ng Mahusay na
Sintesis
Nag-uulat ng tamang
impormasyon mula sa mga sanggunian at
gumagamit ng iba’t ibang estruktura at
pahayag.
Nagpapakita ng organisasyon ng
teksto na kungsaan madaling makikita
ang mga impormasyong nagmumula sa
iba’t ibang sangguniang ginagamit.
Nagpagtitibay nito ang nilalaman
ng mga pinaghanguang akda at
napapalalim nito ang pag- unawa ng
nagbabasa sa mga akdang
pinagugnay-ugnay.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Sintesis
Download