Uploaded by lrmds region8

ESP 9 DLP Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. (EsP9PL-Ie-3.1)

advertisement
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan
Banghay Aralin – Lipunang
Pang-Ekonomiya
DO_Q1_EsP9_LP
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-siyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1: Banghay Aralin - Lipunang Pang-Ekonomiya
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng Banghay-Aralin
Manunulat:
Edwin V. Salar
Gurong Tagapagdaloy:
William T. Rebaldo
Editor:
Edwin V. Salar and Jessica V. Tan
Tagasuri:
Jessica V. Tan, Lovely Estela M. Roa
Dennis R. Lacerna, Arjie Mae S. Maraon
Tagalapat:
Ian Jade T. Carin, Earl Bennette A. Roz
Tagapamahala:
Josilyn S. Solana, Ed.D., CESO V – SDS
Rosemary S. Achacoso – CID Chief
Jessica V. Tan – EPSVR, EsP
Mario R. Orais – EPSVR/ LR Manager
Department of Education – SDO Maasin City
Office Address:
Government Center, Combado, Maasin City
Telefax:
053 – 570 – 8066
E-mail Address:
maasin.city@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan
Banghay Aralin - Lipunang
Pang-Ekonomiya
1
DO_Q1_EsP9_LP
Paunang Salita
Ang Kontekswalisadong Banghay Aralin na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng
iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang banghay aralin na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na pagtataya upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. May kalakip din itong
rubriks na gagamiting gabay ng guro sa pagwawasto at pagsukat o pagbibigay
ng puntos ng gawaing natapos ng mag-aaral.
Sa pamamagitan ng banghay aralin na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
2
DO_Q1_EsP9_LP
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
lipunang pang-ekonomiya
Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pangB. Pamantayang ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at
Pagganap
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o
photo/video journal (hal. YouScoop)
C. Mga
Nakikilala ang mga katangian ng mabuting
Kasanayan sa ekonomiya. (EsP9PL-Ie-3.1)
Pagkatuto
(Isulat
Ang
Code Ng Bawat
Kasanayan)
1. Natutukoy ang isang maganda at mabuting
ekonomiya;
2. Nakapagninilay-nilay sa mga epekto ng
pagkakaroon ng isang maganda at mabuting
D. Partikular na
ekonomiya; at
Layunin
3. Nakapagsasagawa ng isang dokumentaryo gamit
ang Bidyo, Vlog o Tiktok tungkol sa matalinong
mga desisyon sa pananalapi bilang isang
pamamaraan para makamit ang mabuting
ekonomiya.
Lipunang Pang-Ekonomiya
II. NILALAMAN
● Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya
III. KAGAMITANG
PANTURO
✔ Sanggunian
1. Mga Pahina sa
MELC p. 111, EsP 9 Teaching Guide p. 21-28
Gabay ng guro
2. Mga Pahina sa
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9. 2013, LM
Teksbuk
p. 36-49
3. Additional
Materials
EsP 9 SLM, Araling Panlipunan 9 Q1 SLM, Money
from
Matters: Why It Pays To Be Financially Responsible
Learning
Module, LAS
Resource
(LR) portal
IV. PAMAMARAAN
Gawain 1: My Understanding Chart
Panuto: Tingnan ang tsart na nasa ibaba. Bigyan
ng kahulugan ang mga salitang nasa loob ng tsart.
A. Balik-aral
3
DO_Q1_EsP9_LP
POLITIKA
LIPUNAN
KULTURA
Hal. Tumutukoy
sa mga taong
samasamang
naninirahan sa
isang
organisadong
komunidad na
may iisang
batas, tradisyon
at
pagpapahalaga.
Gawain 2: Sabi, Survey!
Pangkatin sa pito ang buong klase para sa gagawing
panayam. Bawat pangkat ay may lider, taga-ulat, at
tagasulat ng mga sagot sa pangkat. Ibigay ang mga
sumusunod na panuto sa pagsasagawa ng
panayam:
1. Magsagawa ng survey sa miyembro ng inyong
pangkat tungkol sa baon ninyong pera arawaraw, at isulat ang mga nakuhang datos sa
talahanayan sa ibaba.
A. Pagganyak
Baon sa Isang Araw
P10-15
P16-20
P21-50
P50 pataas
Ilan sa Mag-aaral
2. Pagkatapos makuha ang mga datos, tanungin
ang kapwa mag-aaral sa mga sumusunod at
isulat ang mga sagot sa meta strips at idikit sa
pisara.
a. Ano-ano ang pinagkakagastusan sa inyong
baon?
b. Sapat ba o hindi ang natatanggap na baon?
c. Ano ang naidudulot ng kakulangan ng baon?
d. Kung hindi sapat ang natanggap na baon,
paano mo ito bigyang solusyon ang kakulangan?
3. Pagkatapos ng sampung minuto, iulat sa klase
ang mga sagot ng bawat pangkat.
Gawain 3: Draw Lots!
B. Pagsusuri
(Kapag tapos na ang lahat sa pag-uulat, ang bawat
lider ng pangkat ay kukuha ng isang pirasong papel
4
DO_Q1_EsP9_LP
mula sa lagayan nito at sagutin ang pamprosesong
tanong.)
Mga Pamprosesong Tanong:
a. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan
ang sinasalamin sa gawain? Ipaliwanag.
b. Sapat ba ang inyong kakayahan sa
pagbubudget ng baong perang hawak ninyo?
Pangatuwiran.
c. Kailan natin masasabi na ang perang kinikita
ay napapangasiwaan nang maayos? Magbigay
ng mga halimbawa.
d. Paano makakaapekto sa buhay ng mga tao,
kung ang perang kinikita ay hindi
mapangasiwaan nang maayos?
e. Kapag ang isang pamilya o pamayanan ay
may kakulangan sa pera, ano kaya ang
maging kalagayan ng bawat kasapi nito?
f. Bakit mahalagang matutunan ng lahat ang
tamang pamamahala sa perang kinikita?
g. Paano natin mailalarawan ang isang
pamayanan o bansa na may mabuting
ekonomiya? Ipaliwanag.
Pagtatalakay sa Konsepto ng Ekonomiya at mga
Katangian ng Maganda at Mabuting Ekonomiya
● Ang “ekonomiya” ay mula sa salitang Griyego na
“oikonomia” na nagmula naman sa dalawang
salita: ang “oikos” na nangangahulugang bahay
at “nomos” na nangangahulugang pamamahala
(Viloria, 2000). Ito ay ang pagkakaroon ng sapat
na budget ng isang lugar o bansa na
nangangailangang
pagkasyahin
sa
mga
pangunahing
pangangailangan
ng
mga
nasasakupan
upang
makapamuhay
nang
maayos, mahusay, at mapayapa.
C. Paglalahad
Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya
✔ Maunlad na bansa
✔ Pantay-pantay sa paggamit ng likas na yaman
✔ Maraming oportunidad at trabaho para sa
mamamayan
✔ Nasusuportahan at natutugunan ang mga
pangangailangan ng mamamayan
✔ Pantay-pantay na karapatan at prebilihiyo
para sa lahat
✔ Balanseng populasyon at pinagkukunangyaman
5
DO_Q1_EsP9_LP
✔ Mabilis ang pag-transport ng mga produkto sa
iba’t ibang lugar
✔ Mabilis ang takbo o daloy ng komunikasyon
✔ Malago ang industriya
✔ May pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat
ng mamamayan
(Pagkatapos maitalakay ng guro ang mga katangian
ng mabuting ekonomiya, itatalakay naman ang
“MAHALAGA ANG PERA: BAKIT SULIT ANG
MAGING RESPONSABLE SA PANANALAPI”. Ito ay
patungkol sa wastong pamamahala ng pera o
financial literacy)
Gabay na tanong: Ano ang ibig sabihin ng pagiging
responsable sa pananalapi?
D. Paglalahat
Ang wasto at responsableng pamamahala ng pera
ay isa sa mga mahahalagang bagay upang tayo ay
makatulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
Valuing: Pagiging matipid, pagpili ng mura ngunit
masustansiyang pagkain, at iba pa.
Panuto: Basahin at sagutin ang sitwasyon. Isulat
ang sagot sa meta strips at idikit ito sa pisara.
E. Paglalapat
Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa
pagkamit ng mabuting ekonomiya sa ating bansa?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pahayag. Iguhit ang smiley face (☺) kung ang
pahayag ay tumutukoy sa ikabubuti ng ekonomiya,
at sad face (🙁) naman kung hindi.
F. Pagtataya
1. Mahalaga ang pagtupad at pagganap sa ating
mga
tungkulin
sa
bansang
ating
kinabibilangan sapagkat sa ating kamay
nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya.
Sagot ☺
2. Karamihan sa pagbabago ay nakabatay sa
mga aksiyon ng gobyerno at malalaking
kumpanya, ngunit may ilang mga bagay na
maaari mong gawin upang mapabuti ang
ating ekonomiya. Sagot ☺
3. Ang palatandaan ng bansang may mabuting
ekonomiya ay ang mga nagsisitaasang mga
6
DO_Q1_EsP9_LP
gusali, lumalago ang industriya, maraming
oportunidad at trabaho para sa mamamayan
kahit hindi natutugunan at nasusuportahan
ang pangangailangan ng mamamayan.
Sagot 🙁
4. Ang paggagasta at pagbibili ng mga bagay na
lubos na kinakailangan sa pang-araw-araw
ay makatutulong para sa paglago ng
ekonomiya. Sagot ☺
5. Nakatutulong si Mang Juan sa pagpapabuti
ng ekonomiya sa ating bansa dahil itinago
niya sa kanyang bahay ang malaking
halagang perang kanyang naipon mula sa
kanyang pagnenegosyo. Sagot 🙁
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat
ayon sa kanilang hilig o talento.
Panuto: Ilarawan ang “maganda at mabuting
ekonomiya” ng inyong barangay at lapatan ito ng
kaangkupang elemento ng mga sumusunod:
(pumuli lamang ng isa ayon sa gusto ng pangkat):
1. Bidyo
2. Tiktok
3. Vlog
G. Takdang
Aralin
Rubrics:
10 na
puntos
Buong
husay na
nasasagot
at
naipaliliwa
nag ang
tamang
sagot.
9 na
puntos
May
kaunting
kakulanga
n sa
nilalaman
a
pagpapali
wanag ng
tamang
sagot.
8 na
puntos
Maraming
kakulanga
n sa
nilalaman
at hindi
naipaliliwa
nag ang
tamang
sagot.
7 na
puntos
Maraming
kakulanga
n sa
nilalaman
at
kakaunti
lamang
ang
naipaliliwa
nag na
tamang
sagot.
6 na
puntos
Kulang
ang
nilalaman
at hindi
naipaliliw
anag ang
tamang
sagot
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
7
DO_Q1_EsP9_LP
B. Bilang ng
mga-aaral na
nangangailang
an ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba
ang
remediation?
Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano
ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking
naranasan na
nasolusyunan
sa tulong ng
aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitan ang
aking
nadibuho na
nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko
guro?
8
DO_Q1_EsP9_LP
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Maasin City
Office Address: Government Center, Combado, Maasin City
Telefax: 053-570-8066
Email Address: maasin.city@deped.gov.ph
9
DO_Q1_EsP9_LP
Download