Uploaded by genalynsumanga

4th quarter AP reviewer

advertisement
Pangalan: __________________________________________________
Araling Panlipunan 6 Quarter 4
Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.
1. Paano ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang pananabik sa pagbabalik ni Benigno
Aquino Jr. sa bansa?
a. paglalagay ng anunsyo sa mga diyaryo
b. pagsasabit ng dilaw na laso
c. pagdaraos ng masayang pagtitipon
2. Bakit naging sunod-sunod ang mga rali at demostrasyon sa bansa pagkatapos mamamatay
ni Benigno Aquino Jr.?
a. kakaunti ang bilang ng mga Pilipinong naiipadala sa ibang bansa
b. humihingi ng katarungan sa kanyang pagkamatay ang mga tao
c. walang ginagawang aksiyon ang pamahalaan sa problema ukol sa paghina ng
produksyon
3. Alin ang isa sa naging suliranin ni Pangulong Aquino sa panahon ng kanyang
pamamahala?
a. paglaki ng utang ng pamahalaan sa mga bangko at mayayamang Pilipino
b. pagdami ng mga komunistang nais pabagsakin ang pamahalaang demokratiko
c. pagkakaroon ng maraming bansa na tumatanggap sa mga Pilipino upang magtrabaho
subalit walang nagnanais na tumugon sa paanyaya
4. Paano napabuti ni Pangulong Aquino ang kalagayan ng mga beterano at retiradong
sundalo?
a. pinataas ang kanilang mga sahod at pensiyong natatanggap
b. binigyan sila ng mga proyektong libreng pabahay
c. dinagdagan ang kanilang mga pagmamay - aring ari – arian
5. Ano nakatulong sa mga mamamayang nagrerebelde sa pamahalaan ang proyekto ni
Pangulong Aquino na National Reconciliation and Development Program (NRDP)?
a. mabigyan sila ng alternatibong paraan upang magkaroon ng tahimik na pamumuhay
b. magkaroon sila ng maaayos na hanapbuhay at kumita ng mas malaki
c. mapagaan ang parusang ibibigay sa kanila
6. Bakit nagsagawa ng isang snap election si Pangulong Marcos?
a. mapatunayang may tiwala pa sa kanyang pamamahala ang mga taong bayan
b. magkaroon siya ng mas malawak na kapangyarihan
c. mapalitan ang kanyang mga gabinete at ilang pinuno sa kawanihan ng pamahalaan
7. Paano ipinakita nina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ang kanilang paninindigang
ipaglaban ang katotohanan ukol sa katiwalian sa pamahalaan ni Marcos?
a. hindi pagsunod sa mga ipinag - uutos ni Pangulong Marcos
b. pagbibitiw sa kanilang tungkulin sa pamahalaan ni Marcos
c. hindi pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa kanilang tungkulin
8. Paano muling nananig ang kapangyarihan ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng People
Power II Revolution?
a. nagsama - samang muli ang mga mamayan sa EDSA upang muling ipaglaban ang
katotohanan at katarungan laban sa mga tiwaling pinuno
b. naipakita ng mga mamamayan ang kanilang tapang at pagbubuwis ng sariling buhay sa
pagpapatanggal ng tiwaling pinuno
c. nagkaisa ang mga mamamayan upang muling makilala ang Pilipinas sa buong mundo sa
pagkakaroon ng isang rebolusyon
9. Paano pinagbuti ni Pangulong Estrada ang pakikipag - ugnayang panlabas ng Pilipinas sa
panahon ng kanyang pamamahala?
a. Dumalo siya sa mga pagpupulong ng APEC upang makahikayat ng mga dayuhang
mamumuhunan sa bansa.
b. Itinaguyod niya ang programang Philippines 2000.
c. Hinigpitan niya ang seguridad ng bansa upang maraming dayuhan ang pumunta sa
Pilipinas.
10. Paano napaalis sa puwesto bilang pangulo si Joseph Estrada?
a. nakasuhan siya sa kasong nasasangkot sa sugal na jueteng
b. napagbintangan siya na lumabag sa Saligang Batas ng Pilipinas
c. pinagbinatangan siyang ng pandaraya noong nagdaang eleksiyon
11. Paano isinagawa ni Pangulong Ramos na maging isang Newly Industrialized Country o NIC
ang ating bansa?
a. hinikayat niya ang mga dayuhang mamuhunan sa bansa
b. pagdalo niya sa pagpupulong sa Asia Pacific Economic Cooperation – APEC
c. pagpapatupad ng pangongolekta ng buwis
12. Paano nakatulong ang Asset Privatization Trust sa pagdaragdag ng kita o pondo ng
pamahalaan?
a. pagtitipid ng paggasta ng pamahalaan sa pangangailangan ng bansa
b. pag - aalis ng kontrol at malaking buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga
produktong ipinapasok sa bansa
c. ipinagbibili ang mga kompanyang nasa pamamalakad ng gobyerno sa mga pribadong
mangangalakal
13. Bakit hindi nakapagsagawa ng People Power Revolution ang mga kalaban ni Pangulong
Arroyo upang mapaalis siya sa puwesto?
A. hindi nila nakuha ang suporta ng maraming sektor ng taong - bayan
B. mas maraming kaso ang pinagtuunan ng pansin ng Korte Suprema
C. hindi nasasaad sa Saligang Batas ang kasong ibinibintang sa kanya
14. Bakit marami ang nagduda kung si Pangulong Arroyo ang nanalo sa eleksyon?
A. pinaparusahan ng kamatayan ang mga nahuhuling nagpoprotesta
B. ipinatapon sa malayong lugar ang mga nagpoprotesta laban sa pamahalaan
C. hindi niya pinayagang buksan ang mga election returns ng kahina - hinalang certificates
of canvass
15. Alin ang isa sa mga naging layunin ni Pangulong Duterte sa panahon ng kanyang
pamamahala?
A. pagsugpo sa mga kriminalidad sa lansangan at paglaganap ng ilegal na droga
B. pagpapagawa n tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad
C. computerization ng halalan/eleksiyon
16. Paano nabigyang lunas ni pangulong Duterte ang suliranin sa paglaban sa mga terorista sa
Mindanao?
A. pagpapataw ng mahigpit na parusa laban sa mga mahuhuling rebelde
B. pagsang - ayon ng pamahalaan sa lahat ng kagustuhan ng mga rebelde
C. paglalagay sa Mindanao sa ilalim ng Martial Law
17. Bakit itinatag ang Truth Commission sa panahon ni Pangulong Aquino?
A. upang magbibigay - linaw sa mga kahina - hinalang isyu
B. maipakulong ang mga mayayamang negosyante na lumalabag sa batas
C. mapatunayan sa mga tao na pantay - pantay sa batas
18. Paano pinagbuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng
pamamahala ni Pangulong Benigno Aquino?
A. pagpapatayo ng pampublikong ospital para sa lahat
B. pagbibigay ng serbisyong kalusugan tulad ng Philhealth para sa lahat
C. pagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga mahihirap
19. Alin ang pahayag na naglalarawan sa open trade?
A. malayang pakikipagkalakalan ng isang bansa
B. isa sa pinakamatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig
C. malaya at malawak na pakikipag – ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa gawaing pang
– ekonomiya
20. Paano nakatutulong ang mga OFW sa ating bansa?
A. nagiging kilala ang ating bansa bilang pinakamaraming bilangng OFW sa iba’t ibang
panig ng mundo
B. nakapagpapadala sila ng malaking halaga tungo sa kaunlaran ng bansa
C. nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na pakinabangan at magamit ang
kanilang mga natutunan sa ibang bansa
21. Alin ang masamang naidudulot ng paggamit ng droga?
A. nakapagpapalakas ng resistensiya at sistema ng katawan
B. nagkakaroon sila ng magandang kinabukasan dahil sa pagiging mapangahas at lakas ng
loob
C. maaaring mamatay dahil sa pag – abuso ng paggamit nito
B. Basahin ang mga pahayag at isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad at Mali kung
hindi wasto.
22. Sa isang pamahalaang demokratiko, ang nakararami sa mga mamamayan ang inaasahang
nasusunod at sila ay may mga karapatan at kalayaan.
23. Dahil sa pagpapalawak ng mga itinatayong suddibisyon, golf courses at mga condominium
bumaba ang agrikultura ng bansa dahil sa paggamit sa mga lupang pansakahan.
24. Sa pagdami ng mga nagaganap na katiwalian sa pamahalaan ay naging dahilan ito upang
tumaas ang tiwala ng mga mamamayan gayundin ng mga negosyanteng dayuhan sa
pamahalaan.
25. Ang pagdaraos ng People Power II Revolution ay isa sa nagbigay daan sa mga Pilipino upang
muling buhayin ang demokrasya at katarungan sa pamahalaan laban sa mga tiwaling pinuno.
26. Dahil sa pakakaroon ng mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at
pinuno ng mga Muslim ay nagkaroon ng mapayapang eleksiyon sa ARMM sa panahon ni
pangulong Ramos.
27. Ang pagkakaroon ng pambansa at lokal na eleksiyon ng pamahalaan ay tanda ng
pagkakaroon ng muling tiwala ng mamamayan sa pamahalaan at mapipiling mga pinuno nito.
28. Layunin ng NCEE o National College Entrance Examination na maibalik ang tinatawag na
back - to - the - basic program.
29. May mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya sa ating bansa na maaaring makatulong
sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
30. Ang pagbibigay ng mga programang makatutulong sa mga kababaihan at mga bata ni
Pangulong Aquino ay tanda ng pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa
bansa.
31. Ang mga mamamayan ay nakikinabang sa mga buwis na ibinabayad sa pamamagitan ng mga
tulong at serbisyo na ibinibigay ng pamahalaan.
32. Maisusulong natin ang pag – unlad ng bansa sa pamamagitan ng mga kakayahan na naayon
sa taglay na katalinuhan at kasanayan ng bawat indibidwal.
33. Ang pagtitipid sa paggamit ng enerhiya ay isang mabisang paraan upang makatulong sa pag –
unlad ng bansa.
34. Magiging madali ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko kung nagtutulungan at
nagkakaisa ang mga mamamayan sa sa paglutas ng mga suliranin.
35. Madaling magamit ang iba’t ibang uri ng enerhiya sapagkat dumadaan ang mga ito sa
prosesong hindi magastos at madaling isagawa.
36. Isa sa pinakamalalang suliranin sa kapaligiran ng mga bansang Asyano ay ang polusyon sa
lupa.
37. Ang pagkakaroon ng kakayahang gumamit ng makabagong teknolohiya ay magiging daan
upang maging produktibo at maayos na hanapbuhay.
C. Lagyan ng tsek (/) kung nagpapakita ng indikasyon o patunay ng pambansang kaunlaran
at ekis (X) kung hindi.
38. Patuloy ang pagdami ng mga tao na nagtatrabaho sa ibang bansa.
39. May sapat na trabaho at kita ang bawat mamamayan.
40. Maraming mga tao ang patuloy na gumagawa ng krimen at lumalabag sa batas
41. Ang mga tao ay patuloy sa pagabuso at pagsira sa mga likas na yaman.
42. May kapayapaan at kaayusan ang bansa.
43. Nabibigyan ng tamang serbisyo ang mga mamamayan lalo na ang mga matatanda at mga
bata.
44. Tapat na naglilingkod ang mga pinuno ng bansa.
45. Umaaasa lamang ang mga mamamayan sa tulong at ayuda ng pamahalaan
Download