Uploaded by pilar mizal

G7-LAS-7

advertisement
SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 7
(Learning Activity Sheets)
Sanayang Papel Blg. 7
Kwarter 3
Pangalan ng Mag-aaral:_____________________________________________________
Baitang: _________________Pangkat/Taon : ________________Petsa: _____________
L
I.MGA KAKAYAHANG
I. LEARNING
SKILLS
PAMPAGKATUTO
Most Essential Learning Competency (MELC)
Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood
na dulang pantelebisyon.
II. PANIMULANG CONCEPT
KONSEPTO
II. INTRODUCTORY
DULANG PANTELEBISYON
Sa paksang ito ay aalamin ang ibig sabihin ng dulang pantelebisyon at mga
nilalaman nito. Hindi matatawarang isa ang telebisyon sa may napakalaking
impluwensiya sa kasalukuyan pagdating sa pag-eendorso ng mga produkto at ibaibang negosyo. Bawat produkto ng mga nagisisilbing isponsor ng isang palabas sa
telebisyon ay nagbabayad nang malaki sa network upang magkaroon ng plugging
sa isang tiyak na oras o programa.
Isa ang DULANG PANTELEBISYON sa umaakit nang kawilihan sa madla,
sapagkat makikita rito ang mga palabas na animo’y pelikulang hinati-hati o serye,
kung kaya’t nabibitin ang mga manonood na subaybayan ito araw-araw o gabigabi, depende sa time slot nito.
Ang DULANG PANTELEBISYON - ay tumutukoy sa mga programa palabas sa
telebisyon o mga produksyong medya. Ito ay isinilang sa taong 1926 sa bansang
Britanya at 1927 sa Amerika. Nakarating ito sa sa bansang Japan noong 1928. Ang
kauna-unahang kompanya ng mga telebisyon sa bansang Pilipinas ay ang Bolinao
Electronics Company.
Mga Palabas Sa Telebisyon
 Dulang Seryeng-Pantelebisyon – ito ay mula sa konsepto o istorya na nakabatay sa
iskrip at kadalasang pinapalabas gabi-gabi o linggo-linggo.
 Telenovela – isang uri ng seryeng-pantelebisyon na kung saan umiikot ang kwento sa
buhay ng pangunahing tauhan.
1
 Pulis at Imbestigasyon – ito ay ukol sa pagresolba ng mga pulis at imbestigador sa
mga nangyayaring krimen.
 Anime o Cartoon – ito ay mga ginawa ng industriyang pang-animasyon. Ang anime
ay mula sa Asya samantalang ang cartoons ay mula sa Amerika.
 Programang Semi-Iskripted – isang interaktibong programa at nagbabago-bago ang
daloy ng palabas na ito.
 Talk Show o Palabas na Usapan – ito naman ay may host na nag-uusap sa mga sikat
na tao.
 Komedi-Serye – ito naman ay nakapokus sa katatawanan.
 Medikal Drama – ito naman ay hango sa kwento ng mga tauhan sa hospital
 Legal Drama – tumutukoy sa pinagdadaanan ng tao.
 Fantaserye – kadalasang may elemento ng pantasya, mahika, ekstraordinaryong
pangyayari o mga kamangha-manghang abilidad.
 Tele-Pambata – ito naman ang serye na ang pokus ay puro bata.
 Sci-Fi o Science Fiction – mga serye na may elemento ng teknolohiya at kadalasan
ang kwento ay mga pangyayari sa hinaharap.
 Sitcom – katulad ng komedi-serye, ito ay nakakatawa pero gaya ng talk show, ito ay
nasa studio set.
 Game Show – ito ay mga palabas na may mga laro at may papremyo.
 Reality TV Show – ito naman ay mga palabas na susubok sa katatagan, prinsipyo at
disiplina ng mga kalahok.
 Balita at Serbisyo-Publiko
 Primetime Balita – ito ay mga balita sa buong araw at pinalabas bago ang primetime
sa gabi.
 Flash Report – ito naman ay ipinapakita agad-agad sa mga manonood
 Dokumentaryo – Ito naman ay nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan at ang
buhay ng mga tao sa lipunan.
 TV News Magazine – ito naman ay napapanahong isyu sa lipunan at matalimang
sinusuri ng mga broadkaster sa TV.
2
ELEMENTO NG DULANG PANTELEBISYON
1. Nilalaman/Kuwento - Dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas;
- makatotohanang paglalahad ng kalagayan ng mga tauhan
at mga pangyayari sa kanilang buhay.
2. Diyalogo - Sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap;
- Linyang binibitawan ng bawat karakter.
3. Mga Tauhan - Ang mga nagsisiganap sa palabas;
- Sila ang nagbibigkas ng diyalogo;
- Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
4. Disenyong Pamproduksyon - Tumutukoy sa pook o tagpuan, make-up, kasuotan, at
iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.
5. Tunog/Musika – Ang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat mahahalagang tagpo
o damdamin;
- Pinatitingkad nito ang atmospera at damdamin.
6. Sinematograpiya -Tumutukoy sa pag- iilaw, komposisyon,galaw at iba pang teknik
na may kaugnayan sa kamera;
- Ito ang masining na pagpoposisyon ng anggulo at mga
puwesto ng larawan na mapapanood sa isang pelikula
7. Direksiyon - Dito pinapakita kung paano pinagsasanib ng director ang lahat ng
sangkap ng dulang pampelikula
_____________________________
Sa isang panonood sa dulang pantelebisyon, katulad ng pelikula ay
mahalagang may kaunting alam ang manonood sa mga elemento ng palabas
upang siya mismo ay magkaroon ng pagsusuri kung gaano kaakma ang
pagkakabuo ng produksiyon. Anupa’t mahalagang maunawaan ang kahulugan ng
mga salita sa itaas bilang gabay sa kung paano hahanapin ang mga ito sa
pinanoood na palabas.
III.
GAWAIN
III.MGA
ACTIVITIES
A. PAGSASANAY
Pagsasanay Blg. 1
Panuto: Suriin ang mga palabas sa telebisyon sa ibaba na nasa talahanayan batay sa
katangian ng bawat isa kung saan ito napapabilang.
3
PALABAS SA TELEBISYON
1. Wow Wow Win
2. FPG’s Ang Probinsiyano
3. Ang Iyo ay Akin
4. Pepito Manaloto
5. Daddy’s Girl
6. Eat Bulaga
7. Kapuso Mo Jessica Sojo
8. Ipaglaban Mo
9. Imbestigador
10. Pinoy Big Brother
KAURIAN
Unawain ang isang halimbawa ng pagsususuri sa pelikula sa ibaba. Ang mga sangkap o
elementong pinagtuunan ng pansin ng sumuri ay pareho din ng dapat pagtuunan ng
pansin sa pagsususri sa dulang pantelebisyon.
Halimbawa ng isang pagsusuri
I.
Pamagat:
II.
Tauhan:
3 IDIOTS
(Isang pelikula)
a.
Aamir Khan bilang si Ranchoddas "Rancho" Shamaldas Chanchad / Phunsukh Wangdu –
gumanap na bida at siya ang pinakamatalino sa lahat
b. Kareena Kapoor bliang si Pia Sahastrabuddhe- anak ni Virus na kasintahan ni Rancho
c. R. Madhavan bilang si Farhan Qureshi- kaibigan ni Rancho na mahilig sa larawan
d. Sharman Joshi bilang si Raju Rastogi- kaibigan ni Rancho na relihiyoso at mahirap
e. Boman Irani bilang si Viru Sahastrabuddhe (Virus)- terror na professor at director sa eskwelahan
f. Omi Vaidya bilang si Chatur Ramalingam (Silencer)- sipsip na estudyante at si Rancho ang
mahigpit na kalaban niya
g. Rahul Kumar bilang si Manmohan "MM" aka Millimeter- isang boy sa eskwelahan nagging
kaibigan niya rin sila Rancho
III.
Kwento:
Ang pelikulang “3 Idiots” ay gawa sa bansang India. Ito ay kwento ng buhay kolehiyo ng
tatlong magkakaibigan na ang kurso ay mechanical engineering na nag-aaral sa Imperial College of
Engineering.
Ang pinakapinuno ng kanilang barkada na si Rancho ay napakatalino at positibo ang
pananaw. Si Raju ang relihiyoso sa kanilang tatlo. Ang pamilya ni Raju ay mahirap lamang at ang
tatay niya ay may sakit ngunit sa kabila nito, nandun pa rin yung determinasyong makapagtapos ng
pag-aaral at makatulong sa kanilang pamilya. Si Farhan ay pinilit lamang ng kanyang ama na
kumuha ng kursong mechanical engineering ngunit photography ang hilig niya.
Para kila Raju at Farhan, napakahirap ng buhay nila bilang isang kolehiyo sapagkat nariyan
ang kanilang director na binansagan nilang “Virus” na pumipiga sa kanila at ginagawang
masalimuot ang buhay kolehiyo lalo na sa kanilang kurso. Ngunit salamat kay Rancho sapagat lagi
siyang nariyan upang tulungan ang kanyang kaibigan. Gayon na lamang ang pasasalamat nila kay
Rancho sapagkat sa bandang huli ay nakamit nila ang kanilang nais.
IV.
Banghay ng Pangyayari:
4
Si Rancho ay isang alipin lamang ngunit dahil sa kanyang katalinuhan, pinag-aral siya ng
kanyang amo kapalit ng kanyang degreeng natapos o katibayan na nakapagtapos sa magandang
paaralan. Pagkapasok pa lamag ni Rancho sa ICE , halos lahat na ng bagay sa kanya ay madali
sapagkat kapag may dumarating na problema,nasasambit niya ang katagang “All Is Well”. Nakilala
niya ang kanyang mga kaibigang sina Raju at Farhan dahil pareho sila ng kwartong tinutulugan.
Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng grupo nila Rancho at ng kanilang professor na si Virus
sapagkat tutol sila sa pamamalakad nito. Nguit sa isang kasiyahan ay nakilala ni Rancho ang anak ni
Virus na si Pia na kanya naman itong inibig. Nang malapit na sila makapagtapos, nagkaroon sila ng
kasunduan ang tatlong magkakaibigan na sundin nila kung ano ang tinitibok ng kanilang puso o
gawin ang kung anong ibig nila. Kaya’t sinikap ni Raju na mag-aral at makapagtapos , at siya’y
nakahanap ng trabaho. Si Farhan naman ay nakiusap sa kanyang ama na suportahan na lamang
siya sa nais nitong trabaho at nagtagumpay siyang kumbinsihin ang kanyang ama na maging isa na
lamang siyang wildlife photographer.
At kay Rancho… wala ng balita. Ngunit nang hinanap nila ito, nalaman nila ang tunay na
pagkatao ni Rancho na ang tunay na pangalan ay “Punsukh Wangdu” na isa ng sikat na scientist.
V. Paksa/ Tema:
Ang pag-iisip ng positibo ay isang magandang ugali ng tao. Ito ang ugali na makikita sa ating
bida na si Rancho. Kahit na maraming problema ang dumarating, naroon pa rin yung pananaw niya
na masosolusyunan ang lahat. Kagaya ng isang estudyante na maraming pressure sa pag-aaral,
kailangan nandun pa rin yung pagiging positibo sa lahat ng bagay. Ika nga “ All Is Well”.
VI. Sinematograpiya:
Napakahusay ng pagkakagawa sa “3 Idiots.” Sinuman ang makakapanood nito ay hinding
hindi ito malilimutan sapagkat hindi lang ito maganda kundi kapana panabik din. Hindi man ganoon
kaayos ang pagkakasunod-sunod sapagkat ito ay flashback lamang ngunit madali naming intindihin.
Angkop sa lahat sapagkat wala naming masamang eksena , ito ay magandang panuorin lalo na sa
mga estudyante. Maganda na nilapatan nila ng musika sapagkat napapasabay ang mga
manonood.
VII. Mensahe:
Huwag ispin lamang ang problema, isipn mo agad kung paano itomareresolba. Kung hindi
man maresolba, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ang lahat ay magiging maayos rin.
VIII. Sosyo –Historikal
Ang kuwento ay isang rebelasyon sa bansang India na maraming mga mag-aaral sa
engineering course ang nagpapakamatay bunga ng mahigpit na pamamamalakad ng mga
propesor sa ilang asignatura. Ang pagabsagsak nila sa mga subjects ay ang nagiging sanhi ng
mental depression upang mauwi sa mga suicide cases.
Sa nakapalap na datos mula 2005 – 2009, umabot sa 30,064 ang kaso ng pagpapakamatay
na naitala sa India. At ang pelikulang 3 Idiots ay ginawa sa pagitan ng mga taong ito kung saan ay
ipnalabas noong 2009.
(Sanggunian:
https://timesofindia.indiatimes.com/home/education/news/one-every-hour-at-10335last-year-saw-most-student-suicides-in-25-years/articleshow/77969096.cms
5
B.PAGTATAYA
Panuto: Pumili ng isang episode sa “Maalala Mo Kaya”
ng Kapamilya Channel sa youtube. Gamit ang gabay
na mga tanong sa ibaba ay bumuo ng isang simpleng
pagsusuri sa dulang pantelebisyon.
GABAY NA TANONG
PAGSUSURI
1. Pamagat ng episode:
2. Mga artistang gumanap at papel nila:
3. Tungkol saan ang paksa ng kuwento?
4. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari?
5. Makatotohanan ba ang pagkakaganap ng mga
tauhan sa episode?
6. Maayos ba ang sinematograpiya?
7. Angkop ba ang musika o tunog?
8. Ano ang mensaheng nais iparating?
9. Ano ang sosyo-historikal na inilalahad sa
kuwento?
Tandaan! Ang sosyo-historikal – ay aspektong pag-uugnay ng pinanood sa panlipunang
isyu at kasaysayan o tunay na kaganapan na sinusuportahan ng datos at mga patunay.
IV.RUBRIC
RUBRICSA
FOR
SCORING
IV.
PAGMAMARKA
Pagkakabuo ng ideya ng Pagsusuri
Balarila at istruktura
Sosyo-historikal na Pagsusuri at Pagkalap ng datos
KABUOAN
– 5 puntos
– 5 puntos
– 5 puntos
– 15 puntos
V. SUGGESTED SUPPLEMENTAL
V.
MGA SANGGUNIAN
LEARNING RESOURCE MATERIALS




https://princess-alive.blogspot.com/2012/01/3-idiots-suring-pelikula.html
https://www.bing.com/search?q=what+is+socialhistorical%3F&form=PRPHEN&pc=UP41&ocid=UP41DHP&httpsmsn=1&msnews=1&refi
g=24531ec95eba44b3ac9cee68ca2dd7de
https://www.bing.com/search?q=isang+pagsusuri+sa+isang+episode+ng+Malaala
+mo+Kaya&form
https://timesofindia.indiatimes.com/home/education/news/one-every-hour-at10335-last-year-saw-most-student-suicides-in-25-years/articleshow/77969096.cms
Sinulat at Tiniyak ang kalidad ni:
LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.
Pandibisyong Superbisor sa Filipino
6
Download