Republic of the Philippines Department of Education Region V – Bicol Schools Division of Sorsogon Province ABUCAY NATIONAL HIGH SCHOOL ABUCAY, PILAR, SORSOGON PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA 2022 Panukalang Gawain PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA 2022 Mga Tagapagtaguyod ng Gawain MARILOU L. MANJARES, T-III Koordineytor sa Filipino MELODY TERESITA L. BANGHON, T-III JOEL L. MUSA, T-III DONNA ROSE M. MESTIOLA, T-III MARIA PILAR M. MIZAL, T-III Tema Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha Lugar Abucay National High School Mga Kalahok sa Gawain Layunin Lahat ng mag-aaral sa JHS at SHS ng Abucay NHS Lahat ng kaguruan Pangkalahatang layunin ng gawaing ito ang ganap na maipapatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 bilang muling pakikiisa sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa matapos ang dalawang taong hindi pagganap dulot ng Covid-19. Ito din ay naglalayong: 1. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito. 2. Mapaigting ang paggamit ng wikang Filipino sa matuwid at mabisang pamamahayag at komunikasyon bilang kasangkapan tungo sa kaunlaran ng pagtuklas at paglikha. 3. Masukat ang mga taglay na kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang makabuluhang kompetisyon sa larangan ng masining na pagpapakita, pagpapahayag, pagguhit at kaalaman sa wikang pambansa. 4. Maiganyak ang bawat mag-aaral na pahalagahan ang wikang pambasa 5. Malinang at mapayabong sa mga mag-aaral ang malalim na pagtitiwala sa sarili hinggil sa kanilang kakayahan at kaalaman. 6. Mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maitanghal ang kanilang angking talino’t galing at mapaunlad ang talento sa mga naturang paligsahan. Rationale Bilang pagpapahalaga sa ating wika, ipinagdiriwang natin ito taontaon mula sa ika-1 hanggang ika-13 ng Agosto alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, ang Buwan ng Wikang Pambasa. Ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang tema ngayong taon na “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”, kung saan ito ay naglalayong ilaan ang buong buwan ng Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika. Ang wika ay isa sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa kung kaya’t napakahalagang ito ay pagkaingatan ng bawat mamamayang naninirahan dito. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, sinisikap ng ating pamahalaan katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon na mapanatiling buhay at maalab ang ating magmamahal sa sarili nating wika – ang wikang Filipino, kung kaya’t taon-taon sa buwan ng Agosto ipinapaalala sa bawat Pilipino ang kahalagahan nito at bilang pagpupugay na rin sa Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon. Sa hangaring makiisa sa taunang pagdiriwang na ito, ang Departamento ng Filipino katuwang ang lahat ng kawani ng Abucay National High School ay magsasagawa ng mga gawain kaugnay ng nasabing pagdiriwang. (Tingnan ang nakalakip na gabay at panuntunan sa karagdagang detalye.) Scheme/ Alituntunin ng Gawain Mga Tiyak na Aktibidad na Isasagawa 1. Humingi ng pag-apruba sa panukalang gawain. 2. Ang pagpapadali sa pagpapatupad ng gawaing ito ay gagawin ng mga guro sa Filipino. 3. Ang mekaniks at alintuntunin ng mga natukoy na gawain ay dapat gawin ng mga committee in-charge at dapat maipabatid sa mga kaguruan at mag-aaral para sa madaling pagsasagawa ng gawain. 4. Ang mga gurong tagapayo at mga guro sa Filipino ay dapat hikayatin ang lahat ng mga mag-aaral na makilahok sa gawain. 5. Magbibigay ng sertipiko’t pagkilala at simpleng tanda ng pakikilahok sa mga kalahok. 6. Magkakaroon ng pampinid na pagdiriwang na gagawin sa Abucay National High School Main Camlus. 7. Sa pagsasagawa ng gawaing ito, susundin at ipatutupad pa rin ang safety health standards para sa kaligtasan ng bawat isa. Paglikha ng Islogan Kalahok: Mga mag-aaral ay magmumula sa baitang 7 hanggang Baitang 12. Mekaniks: 1. Ang mga gurong-tagapayo ay pipili ng isang mag-aaral na magiging kalahok ng kanilang pangkat. 2. Ang mga kalahok ay gagawa ng kanilang mensahe sa kanilang kapwa mag-aaral na akma sa tema. 3. Ang mga kalahok ay magdadala ng kanilang sariling materyales (1/2 puting kartolina, panulat, pangkulay at iba pang kagamitan) Pamantayan: Kalinisan at Kaayusan – Nilalaman/Mensahe Pagkamalikhain Epekto ng madla Kabuoan 20% 40% 20% 20% 100% Pagguhit ng Poster Kalahok: Mga mag-aaral ay magmumula sa baitang 7 hanggang Baitang 12. Mekaniks: 1. Ang mga gurong-tagapayo ay pipili ng isang mag-aaral na magiging kalahok ng kanilang pangkat. 2. Ang mga kalahok ay lilikha ng kanilang obra na may kinalaman sa tema. 3. Ang mga kalahok ay magdadala ng kanilang materyales ¼ illustration borad Lapis at pangkulay (Oil Pastel, Crayons, markers, ink, watercolor at iba pang kagamitan) Pamantayan: Theme Interpretation Visual Appeal Kabuoan 50% 50% 100% HistoWikQuiz Kalahok: Mga mag-aaral ay magmumula sa baitang 7 hanggang 12 Mekaniks: 1. Ang mga gurong-tagapayo sa baitang 7 hanggang 12 ay pipili ng limang (5) mag-aaral na kakatawan sa kanilang baitang na ilalaban para sa pakikipagtagisan ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas. 2. Bubuo ng limang pangkat sa mismong araw at oras ng paligsahan kung saan ang grupo ay magkakaroon ng 6 na miyembro (isa miyembro sa bawat baitang upang maging patas ang laban). 3. Gaganapin ang pakikipagtagisan sa harap ng madla. 4. Ang patimpalak ay binubuo ng tatlong antas kung saan ang unang antas (Easy) ay mayroong isang puntos bawat tanong, ikalawang antas (Average) naman ay binubuo ng tatlong puntos bawat tanong at ang ikatlong antas (Difficult) ay may limang puntos bawat tanong. 5. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos na makukuha ang tatanghaling kampeon sa patimpalak. Picto-Sanaysay Ang picto-sanaysay ay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng mayakda ang mga litrato na nagbibigay kulay o kahulugan kaalinsabay ng mga teksto sa mga paglalahad o pagbibigay diskusyon sa usapan o isyu. Kalahok: Mga mag-aaral ay magmumula sa baitang 7 hanggang baitang 12. Mekaniks: 1. Ang bawat baitang ay kinakailangan pumili ng isa o dalawang kinatawan para sa paggawa ng sanaysay. 2. Sa pagsisimula ng patimpalak, ang nakatagalang guro ay magpapaliwanag sa mga pamantayan ng gawain. 3. Ang larawang na gagamitin sa picto-sanaysay ang ihahanda ng gurong nakatalaga. 4. Ang mga kalahok ay bibigyan lamang ng isang oras sa pagsulat ng picto-sanaysay. 5. Ang picto-sanaysay ay hindi dapat lalagpas sa 60 na salita. 6. Tatlong kalahok ang hihiranging panalo sa pagsulat ng sanaysay. 7. Ang desisyon ng hurado ay pinal at hindi na maaaring mabago. Pamantayan Nilalaman (komprehensibo/ma kaugnayan sa larawang) Presentasyon (Maayos ang daloy at malinawa na nailahad ang mensahe ng larawang) Mekaniks (Gumamit ng angkop na salita, tamang baybay, at pinagtibay ng gramatika ang buong gawain) KABUOAN 40% 30% 30% 100% OPM Song “Original Pilipino Music” ay kilalang mga awitin na gawa ng mga Pilipino. Kadalasan ang paksa ng kanta ay ukol sa pag-ibig at ito ay kinakanta ng ilang sikat na mang-aawit at kabilang ng ating mayamang kultura. Kalahok: Unang Kategoraya: Mag-aaral (ika-7 hanggang ika 12) Ikalawang Kategorya: Guro Mekaniks: 1. Unang kategorya: Ang bawat baitang ay pipili ng isa o dalawang kalahok upang umawit ng isang opm song. Ikalawang kategorya: Ang bawat baitang ay pipili ng isang guro na magiging kalahok upang umawit ng isang opm song. 2. Kinakailangang nakahanda na ang awitin bago sumalang sa entablado. 3. Tatlo ang kukuning panalo mula sa patimpalak, (tatlo sa unang kategorya, tatlo naman sa ikalawang kategorya) 4. Ang desisyon ng hurado ay pinal at hindi na maaring mabago. Pamantayan: Timbre Tiyempo Interpretasyon at ekspresyon Kalinawan Pagtatanghal Kabuoan 30% 25% 20% 15% 10% 100% Pagbigkas ng Spoken Poetry Kalahok: Bukas sa lahat ng mag-aaral mula sa ika-7 hanggang ika-12 baitang. Mekaniks: 1. Ang bawat baitang ay pipili ng isang magiging kahalok para sa pagbigkas ng spoken poetry. 2. Ang piyesa ng spoken poetry na itatanghal ay ihahanda ng gurong nakatalaga sa patimpalak na ito. 3. Bibigkasin ang piyesa mula 3 hanggang 5 minuto lamang. 4. Isa lamang ang hihiranging panalo sa patimpalak na ito. 5. Ang desisyon ng hurado ay pinal at hindi na maaring mabago. Pamantayan: Kakayahang Pangtanghalan Interpretasyon/Ekspresyon Tinig Bigkas Dating sa madla Kabuoan 25% 25% 25% 15% 10% 100% Pagsasaling-Awit sa Filipino Kalahok: Bukas sa lahat ng mag-aaral mula ika-7 hanggang ika -12 baitang. Mekaniks: 1. Ang bawat baitang ay pipili ng isang kalahok na upang magsalin ng kanta at magtanghal nito. 2. Ang piyesa ng spoken poetry na itatanghal ay ihahanda ng gurong nakatalaga sa patimpalak na ito. 3. Hindi dapat magbago ang orihinal na mensahe at tono ng kantang isasalin, 4. Ang piyesa ng isinaling kanta kasama ang original ay ibibigay sa gurong nakatalaga sa mismong araw ng patimpalak sa pagsasalin. 5. Ang isinaling kanta ay kinakailangang magkaroon ng presentasyon sa pamamagitan ng pag-awit ng bawat kalahok sa kanilang isinaling kanta, maaaring gumamit ng kahit anong instrumento. 6. Tatlo ang hihiranging panalo sa patimpalak na ito. 7. Ang desisyon ng hurado ay pinal at hindi na maaring mabago. Pamantayan sa Paghuhusga sa isinaling Awit Original na pagsasalin – 40% Istilo sa pagsasalin 30% Kaangkupan ng salita 30% Kabuoan 100% Pamantayan sa Paghuhusga sa Presentasyon ng Isinaling Awit: Kaangkupan ng tono 30% Kaayusan ng Pag-awit 30% Pagpapahalaga sa isinaling awit 30% Dating sa mga Manononod 10% Kabuoan 100% Masining na Pagkukwento Ang masining na pagkukuwento ay isang paraan ng pagkukuwento ng pangyayari o kawil-kawil na mga pangyayaring bunga ng imahinasyon o guni-guni. Kalahok: Ang mga kalahok ay magmumula sa baitang 9 hanggang baitang 12. Mekaniks: 1. Ang bawat baitang ay kinakailangan pumili ng isang kinatawan para sa masining na pagkukwento. 2. Sa pagsisimula ng patimpalak, tatalakayin ng gurong nakatalaga ang mga pamantayan sa paligsahan. 3. Tatlong kalahok lamang ang mananalo. 4. Ang desisyon ng hurado ay pinal at hind na maaaring mabago. Pamantayan: Pagpili ng kuwento Pagsasalita (Tindig, Pagbigkas at balarila) Pagbibigay kahulugan/Interpretasyon Personalidad o Kakayahan sa Pagkukuwento Reaksyon ng tagapakinig Kabuoan Pangangailangan sa Badyet 10% 15% 50% 10% 15% 100% Tarpaulin Materyales/Sertipiko para sa mga mag-aaral Gantimpla/Papremyo/Token Total Ang Departamento ng Filipino ay hihingi ng tulong mula sa MOOE para sa suportang pinansyal, Lahat ng mga gastos sa gawaing ito ay sasailalim sa tuntunin at regulasyon sa accounting at auditing. APPROVAL SHEET Pangalan at Posisyon MARILOU L. MANJARES Teacher III, Filipino Group Head Coordinator MELODY TERESITA L. BANGHONT Teacher III, Filipino Department Prepared by JOEL L. MUSA, T-III Teacher III, Filipino Department DONNA ROSE M. MESTIOLA Teacher III, Filipino Department MARIA PILAR M. MIZAL Teacher III, Filipino Department Reviewed by: Verified for the availability and release of funds Noted for Authority to Conduct ELENOR M. OBLIGAR Secondary School Principal II LOWIE N. VILLA Senior Bookkeeper VICENTE N. NOCOS JR, EdD Public Schools District Supervisor Recommending Approval BERNIE C. DESPABILADERO, EdD Assistant Schools Division Superintendent Approved JOSE L. DONCILLO, CESO V Schools Division Superintendent SIGNATURE PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA 2022 PROGRAMA NG GAWAIN Petsa Oras Agosto 22, 2022 PATIMPALAK/AKTIBIDAD LUGAR GURONG NAKATALAGA Pagbubukas ng Pagdiriwang ANHS Main Campus Lahat ng Guro sa Filipino ANHS School Library Maria Pilar M. Mizal Agosto 30, 2022 8:00 n.u Paggawa ng Islogan Agosto 30, 2022 8:00 n.u Pagguhit ng Poster Agosto 30, 2022 8:00 n.h Picto-Sanaysay ANHS Main Campus Room No. 9 ANHS Main Campus Room No. 15 Joel L. Musa Marilou L. Manjares Agosto 30, 2022 OPM Song ANHS Main Campus Wheny C. Astillero Agosto 31, 2022 Pagbigkas ng Spoken Poetry ANHS Main Campus Donna Rose M. Mestiola Agosto 31, 2022 Pagsasaling-awit sa Filipino ANHS Main Campus Jhan Mark O. Logenio Agosto 31, 2022 Masining na Pagkukuwento ANHS Main Campus Marilou L. Manjares HistoWikQuiz ANHS Quadrangle Melody Teresita L. Banghon Donna Rose M. Mestiola Joel L. Musa Maria Pilar M. Mizal Awarding Ceremony ANHS Main Campus Lahat ng Guro sa na nagtuturo ng Filipino Agosto 30, 2022 Agosto 31, 2022 1:00 n. h 3:00 n.h 3:00 n.h Republic of the Philippines Department of Education Region V – Bicol Schools Division of Sorsogon Province ABUCAY NATIONAL HIGH SCHOOL ABUCAY, PILAR, SORSOGON Agosto 22, 2022 MEMORANDUM ATC – FA – 2021 - _________ FOR: JOSE L. DONCILLO, CESO V Schools Division Superintendent 4THRU: Approved/Disapproved: Recommending Approval: BERNIE C. DESPABILADERO, EdD Assistant Schools Division Superintendent NOTED: Signature: VICENTE N. NUCOS JR, EdD Public Schools District Supervisor FROM: PROPONENT/S: ELENOR M. OBLIGAR Secondary School Principal II MARILOU L. MANJARES, T-III Koordineytor sa Filipino MELODY TERESITA L. BANGHON, T-III Filipino Department JOEL L. MUSA, T-III Filipino Department DONNA ROSE M. MESTIOLA, T-III Filipino Department MARIA PILAR M. MIZAL, T-III Filipino Department SUBJECT: NAME OF PROJECT: OBJECTIVES Signature: Signature: Signature: Signature: Signature: Signature: AUTHORITY TO CONDUCT AND ACTIVITY REQUEST PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA 2022 Pangkalahatang layunin ng gawaing ito ang ganap na maipapatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 bilang muling pakikiisa sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa matapos ang dalawang taong hindi pagganap dulot ng Covid-19. Ito din ay naglalayong: 1. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito. 2. Mapaigting ang paggamit ng wikang Filipino sa matuwid at mabisang pamamahayag at komunikasyon bilang kasangkapan tungo sa kaunlaran ng pagtuklas at paglikha. 3. Masukat ang mga taglay na kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang makabuluhang kompetisyon sa larangan ng masining na pagpapakita, pagpapahayag, pagguhit at kaalaman sa wikang pambansa. 4. Maiganyak ang bawat mag-aaral na pahalagahan ang wikang pambasa 5. Malinang at mapayabong sa mga mag-aaral ang malalim na pagtitiwala sa sarili hinggil sa kanilang kakayahan at kaalaman 6. Mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maitanghal ang kanilang angking talino’t galing at mapaunlad ang talento sa mga naturang paligsahan EXPECTED OUTPUTS AMOUNT BEING REQUESTED (for initial of BO & A) SOURCE OF FUNDS Sa pagtatapos ng gawain/proyektong ito, inaasahang makakamit ang mga sumusunod: Mapahalagahan ang wikang pambansa. Ang mga mag-aaral maging ang guro ng Abucay National High School ay masiglang makikilahok sa bawat patimpalak na gaganapin sa ika – 30 at 31 ng Agosto taong kasalukuyan, Bawat kalahok ay matagumpay na maipapakita ang kanilang taglay na kakayahan sa larangan ng masining na pagpapakita, pagpapahayag, pagguhit at kaalaman sa wikang Pambansa. Ang bawat mananalo ay makatatanggap ng mga pabuya tulad ng mga kagamitan sa paaralan at sertipiko. Ang Departamento ng Filipino ay hihingi ng tulong mula sa MOOE para sa suportang pinansyal. Magsasagawa din ng solicitation para sa iba pang gastusin sa gawaing ito. MOOE/ Ang mga donasyon ay lubos na pahahalagahan.