MAKRONG KASANAYANG PANONOOD KAHULUGAN AT KALIKASAN Ang panonood, bilang kasanayang napadagdag sa komunikasyon, ay isang penomenang di maitatatwang lundayan ng modernong paraan ng pag-aaral ng mga imopormasyon. Mula sa pagkabata, marunong nang manood. Isa itong kakayahang pangkomunikasyon ! na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa kapaligiran ng isang tao. Ang mga imaheng ito ay ang anomang bagay na binubuo ng kulay, salita, may animasyon at hugis. Pagtuklas din ito sa mga natatagong kaalaman na makikita sa tema ng produksyon o sa pinapanood sa pamamagitan ng pag iinterpreta sa kilos, ekspresyon ng mukha, sa imahe, sa plot o at sa daloy ng programa na nais iwanan ng mga taong nagsasabuhay o nagsisiganap dito. Kahalagahan ng Panonood • Mapaunlad ang kakayahang mag-interpreta at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pagunawa. • Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay. • Mataya ang iba’t ibang elemento ng isang produskyon (pangyayari, suliranin, kagamitan, at iba pa.) • Maging mulat sa katotohanan ng buhay. • Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari sa paligid. • Magising ang kamalayan ng indibidwal. Maaaring maging inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama. Hadlang Sa Epektibong Panonood INTRINSIK EKSTRINSIK Karamdaman Kaliwanagan- mas madilim, mas malabo ang mensahe Maling pag-unawa sa nakita Kasuotan ng ispiker Kapansanan sa mata Di malinaw na tsanel (LCD) Uri ng Manonood at Panoorin • Kaswal- ginagawa lamang na pampalipas oras o libangan ang panonood. • Impormal- Nanood lamang dahil sa pangangailangan; hindi inuunawang mabuti ang pinapanood. • Kritikal- Sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood na presentasyon o pelikula. Karaniwan itong gumagawa ng komentaryo o rating sa pinapanood. Mabuting Epekto ng Panonood • Nae-expose sa maraming bagay kung saan maraming matututuhan at malalaman. • Nakakapaghatid ng mga bagong balita. • Nagiging updated kung ano ang nangyayari sa loob at labas ng bansa. • Mas magandang libangan ang panonood ng TV kaysa lumabas. • Nagiging paraan ng komunikasyon. 6. Nakaka-relax at nakakatanggal ng stress at pagod pagkatapos ng isang mahabang araw na puro trabaho at pag-aaral. 7. Mas magandang bonding time din ng boung pamilya. PAMANTAYAN NG MPP (Manunuri ng Pelikulang Pilipino) • • • • • • • • • • • Nilalaman Pamamaraan Pinakamahusay na Pelikula Direksyon Dulang Pampelikula Pagganap Sinematograpiya Disenyong Pamproduksyon Editing Tunog Musika