Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita o isyu. Nagagamit nang wasto ang mga pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. Balik-Aral Paano mo mailalarawan ang ikinikilos ng isang tauhan? Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga larawang isinasakilos ng mga tauhan sa isang kuwento? Pagganyak •Nanood o nakinig ba kayo ng balita kagabi? •Ano ang pinakabagong balita o isyu natin ngayon sa bansa? •Ano ang inyong reaksyon sa pagtaas ng mga bilihin natin ngayon? •Malaki ba ang epekto nito sa ating pamumuhay? Paglalahad Basahin ang isang bahagi ng liham. Bigyang-pansin ang mga salitang nakasalungguhit. Paglalahad Nakiusap ang namumuno sa DTI na huwag munang magtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga may-ari ng iba’t ibang produkto. Sila ay pumayag na huwag munang gawin ang kanilang balak sa pagtaas ng presyo ng kanilang produkto. Paglalahad Ngunit sa ngayon hindi na mapigilan ng mga may-ari ng produkto na itaas ang presyo ng kanilang mga produkto. Dahil na rin ito sa pagtaas ng dolyar kontra piso. Paglalahad Sinabi ng DTI representative na di maaaring pigilan ito dahil nakaraang dalawang taon pa dapat sila nagtaas. Ang DTI ay sumangayon na rin sa pasya ng mga mayari ng produkto. Sila ay nakikiusap na pagbigyan na sila sa kanilang kahilingan Paglalahad •Ano-ano ang mga salitang nakasalungguhit? •Pansinin ang gamit ng simuno. Ito ba ay gumanap o tumanggap ng kilos ng pandiwa? Paglalahad •Ano ang tawag sa pandiwang sinusundan ng mga salitang gumaganap at tumatanggap ng kilos? •Mayroon mga pangungusap na nakapaskil sa powerpoint. Pagaralan natin ang dalawang pangkat na ito. Paglalahad Paglalahad •Sa mga pangungusap sa pangkat A, alin-aling bahagi ng pangungusap ang gumanap sa kilos na isinasaad ng pandiwa? •Ano kayang tinig ng pandiwa ito? •Sa pangkat B, alin-aling bahagi ng pangungusap ang naging tagaganap ng kilos? Ano naman ang tawag sa ganitong pandiwa? Paglalahat Tinig ng Pandiwa - Nagsasabi kung ang simuno ay gumaganap o tumatanggap ng salitang kilos. Paglalahat Tukuyan (active voice) -ang simuno ag tagaganap ng pandiwa. Halimbawa: Nagsulat si Maria ng liham. Paglalahat Balintiyak (passive voice) -ang simuno ag tagatanggap ng pandiwa. Halimbawa: Si Gina ay pinadalhan ng sulat. Gawin Natin 1 Tatawag ang guro bata para sagutin ang pagsasanay sa pisara. Gawin Natin 1 Panuto: Tukuyin ang pandiwa at isulat sa pisara ang simunong tagaganap o tagatanggap nito. Isulat din sa pisara ang tinig ng pandiwa nito, A kung Tukuyan at B kung Balintiyak. Gawin Natin 1 1. Nagpakatay ng tatlong baboy si Tandang Sora upang ipakain sa mga Katipunero. 2. Nagtago sila sa bahay ni Tandang Sora. 3. Ang mga pinuno ay nagkubli roon. Gawin Natin 1 4. Sa ikatlong kalye nagpulong ang pamunuan ng samahan. 5. Ni piso ay hindi tumanggap ng bayad ang mabait na babae. Gawin Natin 2 Maglaro tayo! Papangkatin ko kayo sa apat. Kailangan ninyo ng show-meboard para dun ninyo isusulat ang sagot. Nakapanood na ba kayo ng quiz bee? Katulad din ito ng quiz bee. Babasahin ko ang pangungusap ng dalawang beses. Kapag sinabi kong “GO” dun palang kayo magsisimulang isulat ang sagot. Ang makakakuha ng maraming puntos ang siyang panalo. Gawin Natin 2 Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing pangungusap ng guro. Kunin ang pandiwa sa pangungusap at isulat kung ang tinig ng pandiwa ay Tukuyan o Balintiyak. 1. Ang musika ay nagbibigkis sa mga Pilipino. Sagot: Pandiwa: Nagbibigkis Tinig: Tukuyan 2. Ang kundiman ay iniambag ni Nicanor Abelardo sa ating kalinangan. Sagot: Pandiwa: Iniambag Tinig: Balintiyak 3. Umawit nang buong puso ang mga mag-aaral. Sagot: Pandiwa: Umawit Tinig: Tukuyan 4. Sa kabila ng paglaganap ng modernong musika, pinapanatili ng mga Pilipino ang tradisyunal na musika ng bayan. Sagot: Pandiwa: Pinapanatili Tinig: Balintiyak 5. Ang mahusay na kompositor ay lumikha ng magandang awitin. Sagot: Pandiwa: Lumikha Tinig: Tukuyan 6. Pasiglahin natin ang musikang Pilipino. Sagot: Pandiwa: Pasiglahin Tinig: Balintiyak 7. Pinapakinggan nila ang harana ni Lolo Pepe. Sagot: Pandiwa: Pinapakinggan Tinig: Balintiyak 8. Ang mga bata ay nagsaliksik ng iba’t ibang awitin sa mga rehiyon. Sagot: Pandiwa: Nagsaliksik Tinig: Tukuyan 9. Ang guro ay nagpahayag na ang musika ay natatanging yaman ng bansa. Sagot: Pandiwa: Nagpahayag Tinig: Tukuyan 10. Tinalakay ni G. Abelardo ang kahalagahan ng musika sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng tao. Sagot: Pandiwa: Tinalakay Tinig: Balintiyak Gawin Ninyo 1 Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at pentel pen. Bigyan sila ng limang minuto na maisagawa ang gawain. Gawin Ninyo 1 Panuto: Bumuo ng pangungusap na nasa tukuyan at balintiyak na tinig ng pandiwa ayon sa mga sitwasyong binigay. Gawin Ninyo 1 Pangkat I- Bibili ng cell phone ang iyong kapatid. Pangkat II- Mamamasyal kayong magkakaibigan sa tabi ng gulod. Pangkat III- Sasama ka sa pamilihan upang makita ang bago at malaking gusali. Pangkat IV- Kinuha ng iyong kaklase ang aklat ng hindi nagpapaalam. Paglalapat Panuto: Isulat ang kung tama ang pahayag at X kung mali ito. 1. May 3 tinig ang pandiwa, ang tukuyan, balintiyak at tahasan. 2. Dapat matutunan ang paggamit ng mga tinig ng pandiwa. 3. Magagamit din natin ang tinig ng pandiwa sa pang-araw-araw, dahil malimit tayong nagamit ng pandiwa sa pangungusap alam ninyo na ngayon kung ano ang gamit nito. 4. Masaya kung ang bawat pangkat ay nagkakaisa. 5. Nagawa ng bawat pangkat ang kanilang mga gawain nang maayos. Pagtataya Panuto: Tukuyin ang mga pandiwang ginamit. Isulat sa sagutang papel ang pandiwang tinukoy at kung ito ay nasa tinig na tukuyan o balintiyak. 1. Umihip nang napakalakas ang hangin. 2. Hinigpitan ng lalaki ang hawak niya sa suot niyang pangginaw. 3. Sumikat naman nang matindi ang araw. 4. Hinubad ng lalaki ang kanyang dyaket. 5. Natuto ng leksyon ng hangin mula sa nangyari. Takdang Aralin Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa mga impormasyong natutuhan mo sa liham na binasa. Gumamit ng paglalarawan gamit ng tinig ng pandiwa.