Uploaded by ericboyramonal

AP6 Q1 mod6 Ang Kongreso ng Malolos at ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng mga Pilipino version3

advertisement
6
Araling Panlipunan
Kwarter 1- Modyul 4
Mga Pangyayari sa Himagsikan Laban
sa Kolonyalismong Espanyol

Sigaw sa Pugad-Lawin

Tejeros Convention
COVER
ARTS/
ILLUSTRATIONS/
PHOTO
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 - Modyul 4: Mga Pangyayari sa Himagsikan Laban sa
Kolonyalismong Espanyol
Unang Edisyon, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Nailathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6
Manunulat / s: Domixander R. Oanes, Irene L. Tano, Corazon V. Nang
Illustrator at Layout Artist: Edilmero Dangaran,Jr
Proofreader, In-House Nilalaman at Mga Editors ng Wika: Ellen O. De Guzman
Pamamahala ng Pangkat
Tagapangulo:
Mga Co-Chairpersons:
Mga Kasapi:
Regional Evaluator:
Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPS-Aral. Pan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, P I
Antonieta B Epe, P II
Ma. Fe L. Mesias, P I
Ellen O. De Guzman, Ed.D P II
Aida M. Alquilita, P I
Ashlima L. Racmat, M II
May Shiela Justiniane Cabungcal
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lanao.norte@deped.gov.ph
2
6
Araling Panlipunan
Kwarter 1-Modyul 4:
Mga Pangyayari sa Himagsikan
Laban sa Kolonyalismong
Espanyol
Ang module n ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro,
punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang pangpedukasyon ng kagawaran ng edukasyon-sanggay ng Lanao del Norte.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa kagawaran ng
Edukasyon- Sanggay ng Lanao del Norte sa lrmdsldn@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
l
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
lanao pagtuturo na ito ay pinagtulungan at sinuri ng mga guro mula sa
mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
3
mga stakeholder ng edukasyon na i-email
ang kanilang puna, puna, at
mga rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa _______________.
Pinahahalagahan namin ang iyong puna at mga rekomendasyon.
MODYUL 4
Mga Pangyayari sa Himagsikan Laban
sa Kolonyalismong Espanyol
Pangkalahatang-ideya
Maligayang Pagdating sa Modyul 4! Ang modyul na ito ay naglalahad tungkol sa
himagsikan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol; Ito ay nagsesentro: Sigaw sa
Pugad Lawin,Tejeros Convention at Kasunduan sa Biak-na-Bato. Ang kontekstong ito
ay makakatulong sa iyo hindi lamang upang maunawaan ang himagsikan sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol ngunit maiugnay din ang buhay sa sangkatauhan.
Tatalakayin din ng modyul na ito ang ilang oryentasyon ng himagsikan kung saan
inaasahan mong ilalapat ang tiyak na aralin sa buhay sa leksyon sa senaryo ng buhay.
Ang modyul na ito ay may tatlong Aralin:



Aralin 1: Sigaw sa Pugad-Lawin
Aralin 2: Tejeros KIumonvention
Aralin 3: Kasunduan sa Biak-na-Bato
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan mong:
1. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyong
pandaigdigan batay sa lokasyon nito sa mundo. (AP6PMK-Id-6)
2. Nasusuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.
(AP6PMK-Id-6)
Pangkalahatang
Panuto
Bago ka pumunta sa karagdagang gawain, dapat
mong tandaan ang mga sumusunod:
o

Huwag maglagay ng ilang mga marka sa Modyul na ito sapagkat mayroon pang
iba pang mga mag-aaral na gagamit. Gumamit ng isang hiwalay na kwaderno
bilang isang REFLECTIVE JOURNAL upang mapanatili ang iyong sagot sa bawat
aktibidad.
4
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS
Aralin 1- Pugad Sigaw ng Pugad Lawin
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
1
2-3
3
4-5
5
6
7
7
Tayahin
Karagdagang Gawain
7-8
8
Aralin 2 – Tejeros Convention
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
9
10
10-11
11-13
13
14
15
15
Tayahin
Karagdagang Gawain
16
17
Aralin 3 – Kasunduan sa Biak na Bato
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang Gawain
18
19-20
20
20-22
22
22-23
23
23-24
24-25
25-26
5
Aralin
Sigaw ng Pugad Lawin
1
Alamin
Panimula
Maligayang Pagbati!
Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter sa Ikaapat na Linggo, Ito
ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pagaaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang lingo. Ang unang aralin sa modyul na ito ay tungkol sa
Himagsikan laban sa Kolonyalismong Espanyol.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya
at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyong pandaigdig
batay sa lokasyon nito sa mundo.
Tatas : Nasusuri ang mga pangyayari sa Himagsikan laban sa kolonyalismo ng mga Espanyol.
Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1. Natatalakay ang mga pangyayaring naganap sa pagsiklab at paglaganap ng
Himagsikang Pilipino noong 1896.
2. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga maghihimagsik na Filipino
sa panahon ng himagsikan
3. Nakapagsabi ng mga mahahalagang pangyayari sa Himagsikang Filipino.
6
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.
____ 1. Sino ang kilalang “Supremo ng Katipunan” ?
A.Marcelo H. del Pilar
C. Jose P. Rizal
B.Andres Bonifacio
D. Emilio Aguinaldo
_____2.Alin sa ibaba ang ibig sabihin ng KKK?
A. Kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunan ng mga anak ng bayan.
B. Kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunero
C. Kataas-taasang Kagalangan Katipunan
D. Kataas-taasang Kagalang-galangan ng Katipunero
_____3. Sino ang tinaguriang “Utak ng Katipunan” ?
A..Andres Bonifacio
C.Emilio Jacinto
B.Gabriela Silang
D.Lope K. Santos
_____4. Anong buwan nagsimula ang himagsikan laban sa Espanyol ?
A. Agosto
B.Marso
C. Pebrero
D.Enero
_____5. Ano ang dahilan kung bakit itinatag ang Katipunan?
A.para magkagulo
C. para magkaroon ng kasarinlan
B.para maghimagsik
D .para magalit
_____6. Sino ang naging kalaban na mananakop ng mga katipunero?
A. Amerikano
B.Hapones C. Intsik
D.Guardiya Sibil
_____7. Ano ang orihinal na tawag sa “Sigaw ng Pugad Lawin” ?
A.Sigaw ng Malolos
C. Sigaw ng Taguig
B.Sigaw ng Malabon
D. Sigaw ng Balintawak
______8.Saang bahagi sa Luzon naghimagsik ang mga Katipunero?
A.Kalookan B.Cavite
C. Malabon D.Quezon
______9 Ano ang tawag sa papel na pinunit ng mga Katipunero?
A. bibliya
B. aklat
C. sedula
D. pahayagan
_____10. Saang Lungsod ng Pilipinas nangyari ang “Sigaw ng Pugad Lawin” ?
A.Lungsod ng Maynila
C. Lungsod ng Quezon
B. Lungsod ng Cavite
D. Lungsod ng Pasay
7
Balikan
•
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa kwaderno ang
tamang sagot.
1. Anu-ano ang mga pangalan ng tatlong paring martir na pinatay?
_________________________________________________
2. Paano pinatay ang tatlong paring martir?
_________________________________________________
3. Saan pinatay ang tatlong paring martir?___________________
4. Kailan nangyari ang pagpatay sa tatlong paring martir?_______
5. Ano ang ibig sabihin ng GOMBURZA?____________________
______________________, _________________________
Sa nakaraang leksiyon napag-aralan natin ang buhay ng tatlong paring martir
para sa ating bansa at magkaroon tayo ng sariling kasarinlan.
Tuklasin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang kasaysayan upang masagot nang
maayos ang mga tanong. Isulat sa inyong kwaderno ang mga
sagot.
Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala rin sa tawag na Sigaw ng Balintawak) ay ipinahayag
ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang
makamit ang kasarinlan.
Sa huling bahagi ng Agosto 1896, ang mga kasapi ng Katipunan (Katipunero) sa
pamumuno ni Andres Bonifacio ay naghimagsik sa isang lugar na tinatawag na Kalookan, na
mas malawak sa kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Kalookan na maaaring
naisanib na ngayon sa kasalukuyang Lungsod ng Quezon.
Orihinal na tumutukoy ang katawagang "Sigaw" sa sagupaan sa pagitan ng mga
Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil. Maari din na tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng
8
sedula (cédulas personales) bilang pagsuway sa batas at kautusan ng Espanya. Ito ay literal
na may kasamang makabayang sigaw.
Dahil sa magkakaibang pahayag at kalabuan ng lugar kung saan nangyari ito, ang tumpak
na petsa at lugar ng sigaw ay pinagtatalunan pa. Mula 1908 hanggang 1963, ang opisyal na
paninindigan ay nangyari ang sigaw noong Agosto 26 sa Balintawak. Noong 1963,
ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nangyari ang sigaw noong Agosto 23 sa Pugad
Lawin, Lungsod Quezon.
Ito ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit
limandaang Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kanikanilang sedula bilang
pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Supremo
ng Katipunan.
Noong Hulyo 5, 1896, natuklasan ng pamahalaang Espanya ang samahang Katipunan.
Isang liham ang ipinadala ni Tenyente Manuel Sityar, isang opisyal ng Pasig, sa Gobernador
Sibil ng Maynila upang ipaabot ang kaniyang kaalaman sa samahang kubling binubuo sa
kabisera. Ang samahan ay buong-tapang na nagsisiwalat ng mga kamalian ng pamahalaan
at ang puwersa nito ay umabot na maging sa kalapit na sakop ng Maynila gaya
ng Mandaluyong at San Juan.
Sinasabihan ni Andres Bonifacio ang mga pinuno ng samahan ng isang pagtitipon sa
Balintawak at dito ay pag-uusapan kung ano ang pinakamainam na hakbangin na kanilang
gagawin. Noong Agosto 19, kasama ang kapatid na si Procopio, at ilang kasapi gaya
nina Emilio Jacinto, Teodoro Plata at Aguedo del Rosario, ay tumulak si Andres
Bonifacio sa Balintawak sa madaling-araw. Natunton ito ng grupo ni Pio Valenzuela.
Kinabukasan muli ay binago ni Bonifacio ang kodigo ng Katipunan matapos mapag-alamang
nababatid na ito ng mga Espanyol. Matapos magtipon ang may limandaang Katipunero, ay
binagtas nila ang Kangkong, Kalookan at dito ay pinaunlakan silang patuluyin at pakainin ni
Apolonio Samson. Hapon ng Agosto 22 ay tinungo naman nila ang Pugadlawin.
Agosto 23, 1896 nang marating nila ang tahanan ni Juan A. Ramos, anak ng kinikilalang “Ina
ng Katipunan” na si Melchora Aquino. Sa kabila ng pilit pagtanggi ng kaniyang bayaw na
si Teodoro Plata ay sumang-ayon naman ang lahat na simulan na ang pakikipaglaban.
1. Ano ang orihinal na tawag sa Sigaw ng Pugad Lawin?
_______________________________________________________
2. Anong taon nagsimulang naghimagsik ang mga katipunero laban sa mga
Espanyol?
_______________________________________________________
3. Sino ang namuno sa mga katipunero upang makipaglaban sa mga
mananakop?
_______________________________________________________
4. Ano ang ibig sabihin ng katawagang “Sigaw”?
_______________________________________________________
5. Sa iyong palagay, bakit kaya pinunit ng mga katipunero ang kanilang sedula?
_______________________________________________________
9
Suriin
Panuto:Muling balikan ang nabasang kasaysayan at unawaing mabuti ang
mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong kwaderno ang tamang sagot.
1. Ano ang sanhi ng pagsiklab ng Himagsikang Filipino ng 1896?
________________________________________________
2. Paano lumaganap ang Himagsikan?
________________________________________________
3. Ano ang epekto ng Himagsikan sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahong iyon?
________________________________________________
Pagyamanin
Ang larawan na iyong makikita ay bahagi ng himagsikan kung saan ipinakita ng mga
Pilipino ang kanilang katapangan laban sa mga Espanyol. Subukin ninyong palawigin ang
iyong imahinasyon gamit ang mga sumusunod na tanong upang maunawaang mabuti ang
ating leksiyon at isulat sa kwaderno ang sagot.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang bahaging ginampanan ng nasa larawan sa panahon ng himagsikan?
_____________________________________________________________
2. Anong katangian ang taglay ng mga manghihimagsik noong panahong iyon?
_____________________________________________________________
3. Bilang Pilipino, sa paanong paraan ninyo maipakikita ang pagmamahal sa kalayaan?
_____________________________________________________________
10
Isaisip
Tandaan!
Ang himagsikang ___________ ay nagpapakita ng __________ at __________ ng
mga manghihimagsik sa kalayaan na nararapat na tularan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Isagawa
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.
Hanay A
Hanay B
______1. pinuno ng mga katipunero
A. sedula
______2.papel na pinunit ng mga tao
B. sigaw
______3.nangyari ang himagsikan
C. Andres Bonifacio
______4.sagupaan
D. Agosto, 1896
______5 Pugad Lawin
E. Cavite
F. Lungsod ng Quezon
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento sagutin ang
tanong. Isulat ang tamang titik ng sagot sa iyong kuwaderno.
1.Ilan lahat na katipunero ang sumapi sa pagpunit ng kanilang sedula?
A.isang libo B. dalawang libo C.mahigit limang daan D. sampung daan
mga
2.Kailan naganap ang tuluyang pagtiwalag ng mga katipunero sa pamumuno ng
Espanyol?
A. Agosto 24, 1896
C. Agosto 23, 1986
B. Agosto 23,1896
D. Agosto 25, 1896
3.Kailan natuklasan ng pamahalaan ng Espanya ang samahang katipunan?
A. Hulyo 5, 1896
B Hulyo 8, 1896 C.Hulyo 2, 1896 D. Hulyo 3, 1896
11
4. Sino ang nagpaabot ng liham sa Gobernador Sibil ng Maynila?
A. Tenyente Manuel Sityar
C. Tenyente Manuel Roxas
B. Tenyente Manuel Villar
D. Tenyente Manuel Quezon
5. Saan nagtipon ang mga katipunero upang mapag-usapan ang tamang hakbang sa pag
aklas?
A. Mandaluyong B. San Juan
C. Cavite
D. Balintawak
6. Ano ang pangalan ng kapatid ni Andres Bonifacio na sumapi sa katipunan?
A. Procopio
B. Protacio
C. Miguel
D. Pedro
7. Sino ang tinatawag na “Ina ng Katipunan” ?
A. Melchora Aquino
C. Michaela Aaquino
B. Melchora Jacento
D. Michelle Aquino
8. Sino ang tinaguriang anak ng ina ng katipunan?
A. Julio Ramos
B. Juan Ramos
C. Julian Ramos
D. Joel Ramos
9. Ano ang binago ni Andres Bonifacio sa Katipunan matapos nabatid ito ng mga Espanyol?
A. kodigo
B. kasulatan
C. kasunduan
D. kagamitan
10 .Kailan naganap ang unang yugto ng himagsikan?
A..Agosto 27
B. Agosto 28
C. Agosto 29
D. Agosto 30
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng sanaysay sa kabayanihan ng mga Pilipino sa panahon ng
Himagsikan noong 1896.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
12
Aralin
2
Ang Kumbensyon sa Tejeros
Alamin
Panimula
Maligayang Pagbati!
Ito ang pangalawang aralin sa mudyol na ito. Ito ay tungkol sa mga pangyayari sa
Kumbensyon sa Tejeros. Sa panahon ng kunbensyon ay may di pagkakaunawan sa pagitan
ng dalawang pangkat ang Magdiwang at ang Magdalo. Dapat ninyo itong malaman kung ano
talaga ang tunay na nangyayari sa panahong iyon.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyong pandaigdig
batay sa lokasyon nito sa mundo.
Tatas : Nasusuri ang mga pangyayari sa Himagsikan laban sa kolonyalismo ng mga espanyol.
Kasanayang Pampagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;
a. Nailalarawan ang mga kaganapan sa Tejeros Convention noong Marso 22, 1897.
b. Natatalakay ang kahalagahan ng posisyon ng mga opisyal at kinatawan sa naganap
na halalan.
c. Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga posisyon sa Katipunan.
d. Napahahalagahan ang naging epekto at naiuugnay sa tunay na buhay.
13
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.
_____ 1. Siya ang tinaguriang “Supremo” ng Katipunan”?.
A. Jose P.Rizal
C. Marcelo H. Del Pilar
B. Emilio Aguinaldo
D. Andres Bonifacio
_____ 2. Hinati sa dalawang grupo ang katipunan ano ang tawag nito?
A. Cofradia de San Jose at San Pedro
C.Magdiwang at Magdalo
B. El Filibusterismo at Noli Me Tangere
D. Supremo at Disipulo
_____ 3. Ang Magdiwang ay pinangunahan ni Mariano Alvarez ,Sino ang pinuno ng
Magdalo? .
A. Andres Bonifacio
C.Emilio Aguinaldo
B. Baldomero Aguinaldo
D. Santiago Alvarez
_____ 4. Saan ginanap ang unang asembleya ng Magdiwang at Magdalo?
A.Tejeros
B. Maynila
C. Imus,Cavite D. Malabon,Cavite
_____ 5.Kaano-ano ni Andres Bonifacio si Procopio?.
A. pinsan
B. kaibigan
C. kapatid
D. kalaban
_____ 6. Ano ang nakuhang posisyon ni Andres Bonifacio sa naganap na halalan?
A.pangulo
B. Vice Presidente C.Director del Interior
D.wala
_____ 7.Sa anong pangkat napabilang ang karamihan sa mga nahalal?
A.Magdalo B.Magdiwang
C. Caviteno
D.rebolusyonaryo
_____ 8.Saan nakipagdigmaan si Emilio Aguinaldo habang naganap ang halalan sa Tejeros?
A. Pasong Tirad B. Pasong Santol
C. Cavite
D.Laguna
_____ 9. Ano ang dahilan kung bakit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagka direktor panloob ni
Andres Bonifacio?
A. duwag
C. hambog
B traydor
D. walang katibayan ng pinag-aralan
_____ 10 Saan naganap ang ikalawang pagpupulong noong ika-22 ng Marso 1897?
A. Barrio
C.Pasong Tirad
B.Cavite Tejeros
D.Casa Hacienda
Balikan
Panuto:Basahin at saguting mabuti ang mga tanong sa bawat bilang.Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.
1. Sino ang tinaguriang ama ng Katipunan?
_______________________________________________________
2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit itinatag ang Katipunan?
_______________________________________________________
14
3. Saang lugar sa Pilipinas naghimagsik ang mga katipunero?
_______________________________________________________
4. Ano ang tawag sa papel na pinunit ng mga Katipunero?
_______________________________________________________
5. Kailan naganap ang unang sigaw sa Pugad Lawin?
_______________________________________________________
Sa nakaraang leksyon, napag-aralan mo ang mga pangyayari at dahilan ng Sigaw sa
Pugad Lawin.
Tuklasin
Panuto: Basahin ang Kumbensyon sa Tejeros at unawaing mabuti ang bawat detalye
upang masagot mo ang mga sumusunod na tanong.
Tejeros Kumbensyon
Ang Tejeros Kumbensyon (kahaliling pangalan kasama ang Tejeros Assembly
atTejeros Congress) ay ang pulong na ginanap noong Marso 22, 1897 sa pagitan ng mga
paksyon ng Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa San Francisco de Malabon, Cavite
(ngayon General Trias, ngunit ang site ngayon ay nasa Rosario, Cavite).
Ito ang unang pampanguluhan at bise-presidente na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas,
bagaman ang mga Katipunero lamang ang nakibahagi at hindi ang pangkalahatang
populasyon.
Layunin
Ang kumbensyon ay tinawag upang talakayin ang pagtatanggol ng Cavite laban sa
mga Kastila sa panahon ng Rebolusyong Pilipino. Ang kontemporaryong Gobernador
Heneral, Camilo de Polavieja, ay nakuha muli ang Cavite mismo. Sa halip, ang kumbensyon
ay naging isang halalan upang magpasya ang mga pinuno ng rebolusyonaryong kilusan sa
pamamagitan ng pagtawid sa Korte Suprema.
Ang mga rebolusyonaryong pinuno ay gumanap ng isang mahalagang pagpupulong sa
isang paninirahan ng prayle sa Tejeros upang ipagpatuloy ang kanilang mga talakayan
hinggil sa tumitinding alitan sa pagitan ng mga puwersang Magdalo at Magdiwang, at para
ayusin ang lahat ng isyu ng pamamahala sa loob ng Katipunan sa pamamagitan ng isang
halalan. Sa gitna ng mga ispikulasyon kung ang Katipunan ay dapat na maitatag bilang
isang monarkiya o bilang isang republika, ipinagtanggol ni Andres Bonifacio na dapat itong
mapanatili bilang isang republika. Ang lahat ng mga miyembro nito ay dapat maglingkod sa
ilalim ng prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran, kung saan itinatag ang
republikano. Sa kabila ng pag-aalala ni Andres Bonifacio sa kakulangan ng mga opisyal at
kinatawan mula sa iba pang mga lalawigan, obligado ang Magdalo na magpatuloy sa
halalan.
15
Ang mga resulta ng halalan:
Posisyon
Pangalan
Paksyon
Pangulo
Emilio Aguinaldo
Magdalo
Bise-Presidente
Mariano Trias
Magdiwang
Kapitan-Heneral
Artemio Ricarte
Magdiwang
Direktor ng Digmaan Emiliano Riego de Dios Magdiwang
Direktor ng Panloob
Andres Bonifacio
Magdiwang
Tinanggap ni Andres Bonifacio ang pasya. Ang mga tagasuporta tulad ng Severino
de las Alas ay gumawa ng mga abortive na pagsisikap upang matulungan si Bonifacio na
maging bise-presidente. Tinutulan ito ni Daniel Tirona dahil ito ay walang diploma sa
pagkaabogado. Iminungkahi niya na si Jose del Rosario ay kwalipikado para sa angkop na
posisyon. Nainsulto si Andres Bonifacio, at hiniling na iurong ni Tirona ang pahayag. Nang
umalis si Daniel Tirona, sa halip, tinutukan ito ng baril ni Andres Bonifacio at ng malapit na
itong pumutok, sinubukan siyang pigilan ni
Artemio Ricarte. Pagkatapos ay ipinataw ni Bonifacio ang kombensyon bilang Supremo ng
Katipunan.
Ang ilang mga pinuno ng Magdiwang, na pinangunahan nina Pio del Pilar at
Mariano Llanera, ay tumanggi sa kanilang nakaraang iginiit na ang resulta ng kombensyo ay
walang bisa at sa gayon kinikilala ang pagiging totoo ng mga nahalal na pinuno. Kalaunan
ay sinakop ang limang bakanteng posisyon nang mahirang mula kay Emilio Aguinaldo. Ang
mga bagong hinirang na opisyal ay nanumpa ng tanggapan noong Abril 24, 1897. Si
Emilio Aguinaldo, sa parehong araw, ay nagtipon ng unang sesyon ng gabinete at naglabas
ng isang opisyal na pabilog na nagpapaalam sa mga pangulo ng bayan at lahat na
munisipyo na siya ay napili nang maayos ng kumbensyon at ipinapalagay na ang kanyang
posisyon bilang pangulo.
16
Suriin
Panuto: Balikan ang mga kaganapan sa Tejeros Convention
1. Ano ang dahilan kung bakit inayawan si Andres Bonifacio bilang pangulo ng
Katipunan?_________________________________________________
2. Sino ang nagpakalat ng balita na si Bonifacio ang pinuno ng Magdiwang at hindi si
Alvarez?___________________________________________________
3. Sino ang kumuha ng baril upang barilin si Daniel Tirona?
______________________________________________________
4. Sino ang nahalal bilang pangalawang pangulo?
______________________________________________________
5. Ano ang naging hatol kay Bonifacio?
______________________________________________________
Pagyamanin
Ang Kumbensiyon sa Tejeros ay ang pagpupulong ng dalawang paksyong
manghihimagsik ng Himagsikang Pilipino na ginanap sa Casa Hacienda ng Tejeros sa
bayan ng San Francisco de Malabon (ngayo'y General Trias), Cavite noong ika-22 ng Marso
1897. Ang naturang paksiyon ng Katipunan na nagpulong dito ay ang Magdiwang na
pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Emilio
Aguinaldo.
Ang hinala ni Andres Bonifacio na ang mga balota ipinamahagi ay sinulatan na at
ang pagboto ay hindi ginawa mismo ng mga manghahalal.
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama o Mali sa iyong kwaderno kung
ito ay naganap sa Tejeros Kumbensyon.
______1. Si Emilio Aguinaldo ay nahalal na “El Presidente” habang siya nakikipaglaban sa
Pasong Santol.
______2. Ayon kay Daniel Tirona, “Ang pagiging matapang ang dahilan kung bakit
hindi dapat maging Director del Interior si Andres Bonifacio.”
______3. Sa bundok ng Maragondon hinatulan ng kamatayan ang magkapatid na
17
sina Andres at Procopio Bonifacio.
______4. Si Severino de las Alas ay ang nanalong Director Del Commercio sa
naganap na halalan.
______5. Bago naganap ang halalan sa Tejeros ay nagkalat na ng mga balita si
Daniel Tirona laban kay Andres Bonifacio.
Tandaan!
Ang naganap sa __________ noong ika-22 ng________,1897 na isinagawa sa
Casa Hacienda sa Tejeros,isang barrio ng San Francisco de Malabon,________
na teritoryo ng Madiwang ay para sa pagkakasundo at pagkakaisa ng
Magdiwang at Magdalo subalit ito’y nauwi sa walang balak at pinag -uusapang
Isagawa
halalan.
Isaisip
Panuto: Lagyan ng tsek(/) ang mga pahayag na nagsasaad ng dahilan ng pagkatalo ni
Bonifacio sa naganap na halalan sa Tejeros.Lagyan ng ekis (x) kung hindi. Isulat ang
sagot iyong sa kwaderno.
____1.Ipinagkalat ni Emilio Aguinaldo na si Andres Bonifacio ay ang pinuno ng Magdiwang at
si Hen Mariano Alvarez ay kanang kamay lamang.
____2.Walang katibayan ng pinag aralan ang dahilan kung bakit hindi nahalal si Andres
Bonifacio.
____3.Ikinalat ni Hen. Artemio Ricarte na ang Supremo Andres Bonifacio ay isang
mason,espiya ng mga Aleman at hindi naniniwala sa Diyos.
____4. Pinalalabas ng Pangulong-Supremo na siya ay "Hari ng Bayan" at hindi ang
nagsasaad sa mga papeles ng Katipunan na "Pangulo ng Haring Bayan" ("President of
the Sovereign Nation").
____5.Pinamumunuan ni Andres Bonifacio ang Magdiwang.
18
Tayahin
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Sino ang nagtraydor kay Supremo Andres Bonifacio?
A. Daniel Tirona
C.Pascual Alvarez
B. Artemio Ricarte
D.Baldomero Aguinaldo
2. Kaano-ano ni Andres Bonifacio si Heneral Mariano Alvarez?
A. pinsan
B.. kamag-anak sa kasal
C. kapatid
D. kaibigan
3. Ano ang naganap sa Tejeros noong Marso 22,1987?
A. digmaan
B. halalan
C. pagpupulong
D. pag-aalsa
4. Ilang taon si Emilio Aguinaldo nang siya’y nakipaglaban sa Pasong Santol?
A. 25
B. 26
C. 27
D. 28
5. Karamihan sa mga miyembro ng Magdalo ay mula sa_______.
A. Tarlac
B. Bataan
C. Cavite
D. Pampanga
6. Sino ang nagwagi sa halalan bilang Capitan-General?
A. Pascual Alvarez
C. Artemio Ricarte
B. Severino De Las Alas
D. Mariano Trias
7. Siya ang nagsabi “Mga kapatid ang tungkuling Director del Interior ay malaki at
maselan at hindi maaring hawakan ng hindi abogado”
A. Jose del Rosario
C. Daniel Terona
B. Mariano Alvarez.
D. Antonio Montenegro
8. Anong kaganapan ang ipinipilit ni Severino de las Alas.?
A. hapunan
B. digmaan
C. bayanihan
D.halalan
9. Sino ang nagsabi na “Kahit anong tawag sa pamahalaan na mapagkasunduan,
ang mahalaga rito’y pagkakaisa”.?
A.Heneral Santiago Alvarez
C.Severino de las Alas
B.Antonio Montenegro
D. Emilio Aguinaldo
10. Anong posisyon ang nakuha ni Andres Bonifacio sa naganap na halalan na
inayawan ni Tirona?
A .Pangulo
C. Director de Interior
B.Pangalawang pangulo
D. Director del Justicia
Karagdagang Gawain
Panuto: Ipaliwanag ang naging epekto ng di inaasahang halalang naganap sa Tejeros
Ipaliwanag:
Mabuting naidudulot
Di –Mabuting naidudulot
19
Aralin
3
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Alamin
Panimula
Mabuhay!
Ito ang pangatlong Aralin ng modyul sa Unang Kwarter sa Ika apat na Linggo, Ang
Araling ito ay tungkol sa Republika ng Baik-na-Bato. May mga kasunduan dito ang mga
Espanyol at ang namumuno sa mga Pilipino na di natupad at ito ay dapat ninyong malaman
kung bakit sila di nagkasundo.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa likasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyong pandaigdig
batay sa lokasyon nito sa mundo.
Tatas : Nasusuri ang mga pangyayari sa Himagsikan laban sa kolonyalismo ng mga espanyol.
Kasanayang Pampagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;
 Naipapaliwanag ang pagkakatatag ng Republika ng Biak-na Bato at mga probisyon ng
kasunduan sa Biak-na Bato.
 Naibabahagi ang saloobin sa pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa mga Espanyol.
 Naitatala sa tsart tang mahahalagang probisyon ng Kasunduan sa Biak-na Bato.
 Nakakasulat ng sanaysay tungkol sa probisyon ng Kasunduan sa Biak –na Bato.
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng modyul na
ito.
20
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
_____ 1. Ang dahilan kung bakit lumubha ang kalagayan ng mga katipunero..
A. pagkakapatay kay Bonifacio
B. paghina ng mga Katipunero
C. nagwagi ang mga Espanyol sa labanan
D. A at B na sagot
_____ 2. Ang mananakop sa Pilipinas na tumugis nina Aguinaldo.
A. Hapon
B. Americano
C. Espanyol
D. Intsik
_____ 3. Ang tinangkang dakpin ng mga Espanyol ngunit siya ay nakatakas.
A Andres Bonifacio
C. Jose Rizal
B. Emilio Aguinaldo
D. Manuel Quezon
_____ 4. Ang Pilipinong mag-aaral sa Spain na lumapit sa Gobernador Heneral
at nagkusang-loob na mamagitan sa lumalaking hidwaan.
A. Pedro A Paterno
C. Manuel Quezon
B. Andres Bonifacio
D. Ciriaco Bonifacio
_____ 5. Ang Gobernador Heneral na sumang-ayon na isulong ang pagkakasundo
para
sa kapayapaan.
A. Primo de Rivera
C. Premo de Vera
B. Primo de Vega
D.Premode Verga
_____ 6 . Ang kasunduang pangkapayapaan ay nilagdaan noong______
A. Disyembre 14 at 15, 1897
C. Disyembre 15 at 16, 1897
B.Disyembre 15 at 16, 1897
D. Disyembre 17 at 18, 1897
_____ 7. Ang mga ito ay ang mga hininging pagbabago sa kasunduan sa Biak-na-Bato
maliban sa isa, alin dito?
A. sekularisasyon ng mga parokya at pagtatanggol sa mga organisasyon ng
mga paring espanyol
B. pagtatalaga ng mga Pilipinong kinatawan sa pamahalaan
C, pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Esoanyol sa harap ng batas
D. Magbabayad ng P900,000.00 sa mga pamilyang napinsala sa labanan
_____ 8 .Ang bansang pinuntahan nina Aguinaldo at ilang piling kasamahan noong Disyembre
27, 1897.
A. Hongkong
B. Spain
C. America
D. Japan
_____ 9.
Ang ginawa ng mga Espanyol sa mga mamamayang nagsuko ng mga
sandata at ibang pinaghihinalaang rebolusyonaryo ay___
A. pinaghuhuli
B. ikinulong C. pinarusahan
D. pinalayas
_____ 10. Napilitang umurong si Emilio Aguinaldo sa batas at nakiisa kay___
A. Heneral Miguel Malvar C. Gobernador Heneral Primo de Rivera
B. Pedro A. Paterno
D. Heneral Manuel Malvar
21
Balikan
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong ng pakompleto at isulat sa iyong kwaderno
ang mga sagot.
1. Sino ang inanyayahan upang mamagitan sa dalawang pangkat upang malutas ang
kanilang suliranin?_____________________________________________
2. Sinu- sino ang dalawang kapatid ni Andres Bonifacio?._________________,
___________________________
3. Saan nagtungo si Andres Bonifacio kasama ang kanyang asawa at dalawang
kapatid?______________________________________________
4. Bakit tumutol si Daniel Tirona sa pagkakahalal ni Bonifacio bilang direktor na
panloob?_____________________________________________
5. Sino ang namuno sa kumbensiyon?___________________________________
Sa nakaraang leksyon, napag-aralan mo na ang mga kaganapan sa Tejeros sa
panahon ng mga Espanyol.
Tuklasin
Panuto: Basahin ang kasunduan sa Biak-na-Bato at unawaing mabuti ang bawat
detalye upang masagot mo ang mga sumusunod na tanong.
Pagtatag ng Republika ng Biak-na-Bato
Lumubha ang kalagayan ng rebolusyon dahil sa pagkakapatay kay Andres Bonifacio
at paghina ng mga katipunero. Masugid na tinugis ng mga Espanyol sina Emilio Aguinaldo
at mga kasamahan. Nagwagi ang mga Espanyol sa labanan sa Cavite kaya napilitang
umurong si Emilio Aguinaldo sa batas at nakiisa kay Heneral Miguel Malvar.Tinangka ng
mga espanyol na dakipin si Aguinaldo sa Batangas, ngunit siya ay nakatakas patungong
Morong at mula rito ay nagtungo sa Biak-na-Bato.
Kasunduan sa Biak-na-Bato
22
Naging malala ang hidwaan ng mga Pilipino at Espanyol. Si Pedro A. Paterno isang
Pilipinong nag-aaral sa Spain, ay lumapit sa Governador Heneral at nagkusang loob na
mamagitan sa lumalaking hidwaan. Sumang-ayon si Gobernador Heneral Primo de Rivera
na isulong ang pagkakasundo para sa kapayapaan kaya’t nabuo ang kasunduan sa Biak-naBato. Ang kasunduang pangkapayapaan ay nilagdaan nina Heneral Emilio Aguinaldo at
Gobernador Heneral Primo de Rivera noong Disyembre 14 at15, 1897.
Nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato
Panig ng mga Pilipino
Panig ng mga Espanyol
(Emilio Aguinaldo)
(Gobernador-Heneral)
Mga Hininging Pagbabago
Mga Hinihingi at Ibibigay
 Sekularisasyon ng mga parokya at
 Maniniraahan sina Emilio
pagtatanggol sa mga
Aguinaldo at mga kasama nito sa
organisasyon ng mga paring
ibang bansa.
Espanyol
 Babayaran ng halagang
 Pagtatalaga ng mga Pilipinong
P800,000.00 sina Emilio
kinatawan sa pamahalaan
Aguinaldo kapag umalis, isusuko
ang 700 sandata, at uutusan ang
 Pantay na pagtingin sa mga
ibang mga manghihimagsik na
Pilipino at Espanyol sa harap ng
sumuko rin.
batas.
 Magbabayad ng P 900,000.00 sa
 Kalayaan sa pagsasalita,
mga pamilyang na;pinsala ng
pagpapahayag, at pagpupulong.
labanan.
Ang Pagkabigo ng Kasunduan
Bigo ang kasunduan dahil walang tiwala ang dalawang panig sa isa’t isa.
1. Bilang pagtugon sa kasunduan, nagtungo sina Emilio Aguinaldo at ilang piling
kasamahan sa Hongkong bilang exile noong Disyembre 27, 1897 dala nila ang
tsekeng nagkakahalaga ng P400,000.00 bilang kabayaran sa pag-alis nila.
Idineposito nila ang pera sa bangko ng Hongkong. Balak ni Emilio Aguinaldo na
gamitin ang pera sa pagbili ng mga sandata at iba pang mga kagamitan para sa
pakikidigma upang magamit sa pagpapatuloy ng himagsikan.
2. Ang Pamahalaang Espanyol ay hindi tumupad sa pangakong magbayad ng halagang
P 1,700,000.00. ang ibinigay lamang ay P600,000.00 ( P400,000 kay Emilio
Aguinaldo at P200,000.00 sa mga pinunong rebolusyonaryo sa Pilipinas)
3. Hindi binayaran ng mga Espanyol ang mga Pilipinong napinsala ng digmaan.
4. Ang mga mamamayang nagsuko ng mga sandata at ibang pinaghihinalaang
rebolusyonaryo ay pinaghuhuli.
Hindi nagkaroon ng katahimikan sa Pilipinas matapos malagdaan ang kasunduan. Bagkus
lalo pang naging marahas ang mga labanan.
Suriin
1. Balikan ang kasunduan sa Biak-na-Bato, naging makabuluhan ba ang mga ginawang
probisyon sa kasunduan sa Biak-na-Bato? Bakit?
23
2. Bakit nakipagsundo si Emilio Aguinaldo sa mga Espanyol?
3. Anu- ano ang mga probisyon ng naturang kasunduan?
4. Sa iyong palagay mas maging matagumpay kaya kung si Andres Bonifacio ang namuno sa
rebulosyonaryong pamahalaan? Bakit?
5. Sumulat ng isang sanaysay na nakatalakay sa mga probisyon ng kasunduan sa Biak-naBato.
Pagyamanin
Itinatag ang Kasunduan sa Biak-na-Bato sa kadahilanang lumubha ang kalagayan
ng rebolusyon dahil sa pagkakapatay kay Andres Bonifacio at paghina ng mga katipunero.May
mga hinihinging pagbabago sa panig ng mga Pilipino at may mga hinihingi at ibibigay ng mga
Espanyol.
Ang kasunduan sa Biak-na-Bato ay hindi nagtagumpay sa kadahilanang walang
tiwala ang dalawang panig sa isa’t isa. Ito na sana ang inaasahang magtatadhana ng
pagwawakas ng himagsikan.
Hindi tumupad ang mga Espanyol sa napagkasunduan kaya hindi nagkaroon ng
katahimikan sa Pilipinas matapos malagdaan ang kasunduan. Bagkus lalo pa itong lumala
ang karahasan at naging marahas ang mga Espanyol sa mga labanan.
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tama kung ito
ay naganap sa panahon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato at mali kung hindi. Isulat ang
mga sagot sa iyong kwaderno.
______1.Tinangka si Emilio Aguinaldo na dakipin sa Batangas.
______2. Si Emilio Aguinaldo at ang kanyang piling kasamahan ay itinapon sa
Japan.
______3. Ang mga Pilipinong napinsala sa digmaan ay binayaran ng mga Espanyol.
______4. Nagwagi ang mga Espanyol sa labanan sa Cavite.
______5. Bigo ang kasunduan sa Biak-na-Bato.
Isaisip
Tandaan!
Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang kasunduan sa gitna ng mga
Magdiwang at mga Magdalo upang matigil
24 ang Himagsikang Pilipino noong
1896. Sa pamamagitan ni Pedro Paterno, nilagdaan ni Gobernador-Heneral Primo de
Rivera ang Kasunduan sa Barangay Biak-na-Bato, San Miguel, Bulacan.
Isagawa
Panuto: Pumili ng isa o dalawang makabagong lider sa ating lipunan at ikumpara ito
kay Emilio Aguinaldo. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Makabagong Lider:______________
Mga ginawa:
1.___________________
2.___________________
3.___________________
Mga dapat pang gawin:
1.___________________
2.___________________
3.___________________
Emilio Aguinaldo
Mga ginawa:
1._______________________
2._______________________
3._______________________
Mga dapat pang ginawa:
1._______________________
2._______________________
3._______________________
Batayan sa pagbigay ng puntos
5 na puntos kung 3 na puntos may 2 na puntos hindi 1 na puntos walang
mahusay
ang kakulangan
sa nadebelop ang mga napatunayan
pagkapapaliwanag
detalye
detalye
at pagtalakay
Mensahi para sa Guro
Sa pagwawasto ng pagsulat ng isang seleksyon sa Isagawa, kailangang ito
ay may pamantayang sinusunod o rubrics.
25
Tayahin
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Alin dito ang hindi kasali sa kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. sekularisasyon ng mga parokya at pagtatanggol sa mga organisasyon ng mga
paring espanyol
B. pagtatalaga ng mga Pilipinong kinatawan sa pamahalaan
C, pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Esoanyol sa harap ng batas
D.nagbabayad ng P900,000.00 sa mga pamilyang napinsala sa labanan
2. Saan pumunta sina Emilio Aguinaldo at ng kanyang ilang piling kasamahan?
A. Hongkong
B. Espanya C. America
D. Japan
3. Ano ang ginawa ng mga Espanyol sa mga mamamayang nagsuko ng mga sandata at ibang
pinaghihinalaang rebolusyonaryo?
A. pinaghuhuli
B. ikinulong C. pinarusahan
D. pinalayas
4. Kanino nakiisa si Emilio Aguinaldo?
A. Heneral Miguel Malvar
C.Gobernador Heneral Primo de Rivera
B. Pedro A. Paterno
D Heneral Manuel Malvar.
5 Bakit lumubha ang kalagayan ng mga katipunero ?
A. pagkakapatay kay Bonifacio
C. nagwagi ang mga Espanyol sa labanan
B. paghina ng mga Katipunero
D. A at B na sagot
6. Sino ang tumugis kina Emilio Aguinaldo at mga kasamahang katipunero?
a. Hapon
B. Americano
C. Espanyol
D. Intsik
7. Sino ang tinangkang dakpin ng mga Espanyol?
A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo C. Jose Rizal D Pedro Paterno
8. Sino ang nagkusang loob na namagitan sa dalawang panig?
A. Pedro A Paterno
C. Manuel Quezon
B. Andres Bonifacio D.Ciriaco Bonifacio
9. Sino ang sumang-ayon na isulong ang pagkakasundo para sa kapayapaan.?
A. Primo de Rivera
C. Premo de Vera
B. Primo de Vega
D.Premode Verga
10. Kailan nilagdaan ang kasunduang pangkapayapaan ?
A. Disyembre 14 at 15, 1897
C. Disyembre 16 at 17, 1897
B. Disyembre 15 at 16, 1897
D. Disyembre 17 at 18, 1897
Karagdagang Gawain
26
Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong
Espanyol.Ipaliwanag: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Bakit nabigo ang kasunduan sa Biak-na- Ano ang iyong naramdaman sa pangyayaring
Bato?
ito? Bakit?
_____________________________________
Batayan sa pagbigay ng puntos
5 na puntos kung 3 na puntos may 2 na puntos hindi 1 na puntos walang
mahusay
ang kakulangan
sa nadebelop ang mga napatunayan
pagkapapaliwanag
detalye
detalye
at pagtalakay
Pangunahing Sagot
Aralin 1
Isagawa
1. C
2. B
3. D
4. B
5. F
Tayahin
1.C
6. A
2.B
7.C
3. A 8.B
4.A
9.A
5. D 10.C
1.B
1. Mariano Gomez
1. Sigaw ng Balintawak (Sariling Opinyon)
2.A
Jose Burgos
2. Andres Bonifacio
3.A
Jacinto ZamOra
3. Bagumbayan
4.A
2. Binitay sapamamagitan ng garote 4. sagupaan
5.C
3. Bagumbayan
5. Bilang pagsuway ng
6.D
4. Pebrero 17, 1872
batas at kautusan ng Espanya
7.C
5. Gomez,Burgos,Zamora
8.A
9.C
10.B
Pagyamanin
(Sariling Opinyon)
Subukin
Balikan
Tuklasin
27
Suriin
Aralin 2
1.D
2.C
3.C
4.C
5.C
6.C
7.B
8.B
9.D
10.D
1.walang pinag-aralan
2.Emilio Aguinaldo
3.Andres Bonifacio
4.Mariano Trias
5. kamatayan
Subukin
Suriin
1.A
2.B
3.C
4.D
5.C
6.C
7.C
8.B
9.D
10.C
1. 
2.
3.X
4. 
5.X
Tayahin
Isagawa
Aralin 3
Mga
1.d
2.c
3.b
4.a
5.a
6.a
7.d
8.a
9.a
10.a
1.Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
Subukin
Pagyamanin
1. D
2. A
3. A
4. A
5. D
6. C
7. B
8. A
9. A
10. A
Isaisip
1.A
2.A
3.A
4.A
5.A
6.C
7.B
8.A
9.A
10.A
(Iba’t-ibang sagot)
Tayahin
Isagawa
Sanggunian
1. ↑ Sichrovsky, Harry. "An Austrian Life for the Philippines:The Cry of Balintawak".
Nakuha noong 2009-08-29.
2. ↑ Jump up to:2.0 2.1 Guerrero, Milagros; Encarnacion, Emmanuel; Villegas, Ramon (1996),
"Balintawak: the Cry for a Nationwide Revolution", Sulyap Kultura, National
Commission for Culture and the Arts, 1 (2): 13–22.
3. ↑ Jump up to:3.0 3.1 3.2 Borromeo-Buehler, Soledad M. (1998), The cry of Balintawak: a
contrived controversy : a textual analysis with appended documents, Ateneo de
Manila University Press, ISBN 978-971-550-278-8.
4. https://historyangphil.wordpress.com/2012/11/11/sigaw-sa-pugad-la
5. http//historyangphil.wodpress.com //tejeros Convention
Palu-ay,Alvenia P.Pilipinas:Bansang Papaunlad 6. pp.183-184
6. Capiῆa,ESterlita B. SD PUBLICATION,INC. Quezon City Phils.(2000)
7. Kayamanan Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan
28
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lanao.norte@deped.gov.ph
29
Download