Uploaded by JULIE ROSE ESMA

GE 114 MIDTERM WHOLE DISCUSSION 1ST SEM 2023-2024

advertisement
MIDTERM
GE 114
PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN





Bilang ng Kurso:
Pamagat ng Kurso:
Guro:
Akademikong Taon:
Paglalarawan ng Kurso:
GE 114
BALARILANG WIKANG FILIPINO
Donna D. Oliverio, MATF, LPT
Pangalawang Semestre, 2023-2024
Ang Kurso ay sumasaklaw sa makabago ngunit praktikal na mga
kaalaman sa linggwistika: palatunugan, palabaybayan, palabigkasan, palatuldikan, palabuuan at
palaugnayan na naiaangkop sa mga pagbabago sa kakanyahang natural lamang na nagaganap sa
wikang Filipino na patuloy sa mabilis na pag-unlad. Pangkalahatang layunin ng kurso na matugunan
ang mga malulubhang pangangailangan sa paggamit at pagkatuto sa wika. Inilalarawan din ang Filipino
bilang isang natatanging wikang may kakanyahang sarili at iniiba lalo na sa mga wikang banyaga.
TALÂ NG MGA ARALIN PARA SA MIDTERM
I.
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
II.
PALABAYBAYANG FILIPINO, PALAPANTIGAN, AT PALAGITLINGAN
III.
MGA HIRAM NA SALITA
IV.
ANG TRANSKRIPSYON
_____________________________________________________________________________________
ARALIN 1
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
1. ANG BAYBAYIN: Sinaunnag Alpabeto
Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang ating mga ninuno ay may sariling
sistema sa pagsulat gamit ang kanilang alpabeto na tinawag nilang Baybayin. Ito ay
binubuo ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig.
Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay maaaring ugatin mula sa
sinaunang panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong paraan ng pagsulat
na tinatawag na baybáyin. Sa ulat ng mga misyonerong Espanyol, nadatnan niláng
100 porsiyentong letrado ang mga Tagalog at marunong sumulat at bumása sa
baybáyin ang matanda’t kabataan, laláki man o babae. Dahil sa pangyayaring ito,
kailangan niláng ilimbag ang unang aklat sa Filipinas, ang Doctrina Christiana
(1593), nang may bersiyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano sa paraang
baybáyin. Sa gayon, ang libro ay binubuo ng mga tekstong Espanyol at may salin sa
1|P age
MIDTERM
Tagalog,
GE 114
nakalimbag
ang
tekstong Espanyol at Tagalog
sa alpabetong Romano ngunit
inilimbag din ang tekstong
salin
sa
baybáyin.
Nakahudyat na rin sa libro
ang
isinagawang
Romanisasyon
palatitikang
buong
ng
Filipino
panahon
sa
ng
kolonyalismong Espanyol.
2. ANG ABECEDARIO: Romanisadong Alpabeto
Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang baybayin ng alpabetong
Romano. Itinuturing na isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila
ang romanisasyon ng ating alpabeto. Ito ay binubuo ng tatlumpung (30) titik. Ang
mga titik ay tinatawag nang pa-Kastila a t nakilala sa tawag na Abecedario.
Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U ay mahahalatang bunga ng matagal
na panahon ng pagtuturo sa bagay na ito kaugnay ng pag-aaral ng wikang Espanyol.
Sa aklat ni Tomas Pinpin, ang Librong pagaaralan nang manga tagalog nang uicang
Caftilla (1610), masikap niyang ipinaliwanag na kailangang matutuhan ng mga
kababayan niya ang pagkilála sa magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U dahil
may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng ispeling ngunit nagkakaroon ng
magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik. Halimbawa, iba ang pesa
(timbang) sa pisa (dapurakin); iba ang rota (pagkatalo) sa ruta (direksiyon ng
pasada).
Sa kabilâ ng pangyayaring lubhang naimpluwensiyahan ng wikang Espanyol
ang mga wikang katutubo sa Filipinas, hindi isináma sa abakada ang mga letra para
sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. Nanatili ang mga ito sa mga
pangngalang pantangi, gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño,
2|P age
MIDTERM
GE 114
Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga. Ngunit marami sa mga salitang
hiram sa Espanyol at nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga tunog sa
mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na noong paghiram sa mga naging
palasak na salitang Espanyol.
HIRAM NA
TITIK
SALITANG
BAYBAY
TITIK
TAGALOG
ESPANYOL
TAGALOG
C
K
S
CH
– CALESA
-
TS
CINE
– CHEQUE
KALESA
SINE
TSEKE
S
-
CHNELAS
SINELAS
F
P
-
FIESTA
PISTA
J
H
-
JOTA
HOTA
LL
LY
– BILLAR
BILYAR
Y
-
CABALLO
KABAYO
Ň
NY
-
PANO
BANYO
Q
K
-
QUESO
KESO
RR
R
-
BARRICADA
BARIKADA
V
B
-
VENTANA
BINTANA
X
KS
S
– EXPERIMENTO
-
XILOFONO
EKSPERIMENT
O
SILOPONO
Z
S
-
ZAPATOS
SAPATOS
3. ANG ABAKADA
Noong 1940, nang mapahintulutan ang pagpapalimbag ng diksyunaryong at
aklat sa gramatika ng Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng
Wikang Pambansa ng mga paaralan, binalangkas nib Lope K. Santos ang bagong
alpabeto na nakilala sa tawag na ABAKADA dahil sa tawag sa unang apat na titik
3|P age
MIDTERM
GE 114
niyon. Binubuo ito ng dalawampung (20) titik; labinlimang (15) katinig at limang
(5) patinig, na kumakatawan sa isang makabagong tunog bawat isa.
4. ANG PINAGHIRAP/PINAGYAMANG ALPABETO
Noong 1971, dahil sa madamang di-kasapatan ng dating Abakada sa
malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbaybay ng mga pantanging ngalan,
minungkahing
dagdagan
ng
labing-isang
(11)
titik
ang
dating
Abakada.
Iminungkahing dagdag ang mga sumusunod: C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X aT Z.
Dalawang mungkahi ang ikinusidera sa magiging katawagan ng bawat titik at
ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alpabeto:
UNANG MUNGKAHI
4|P age
MIDTERM
GE 114
PANGALAWANG MUNGKAHI
5. ANG ALPABETONG FILIPINO: BAGONG ALPABETO
Noong 1987, ipinalabas ang Kautusan Pangkagawaran Blg. 81 ng Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas (LWP), na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino. Ang bagong alpabeto ay nagkaroon nang
dalawampu‟t walong (28) titik na tinatawag nang pa-Ingles maliban sa Ñ na
tawag-Kastila, at may pagkakasunod-sunod na ganito:
*************************
5|P age
MIDTERM
GE 114
ARALIN 2
PALABAYBAYING FILIPINO, PALAPANTIGAN, AT
PALAGITLINGAN
A. Ang Palabaybaying Filipino
Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang o
titik na bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyal, simbolong pangagham, at iba pa.
PANTIG
PAGSULAT
PAGBIGKAS
tu
/ti-yu/
pag
/pi-ey-dzi/
kon
/key-o-en/
trans
/ti-ar-ey-en-es/
SALITA
PAGSULAT
PAGBIGKAS
bayan
/bi-ey-way-ey-en/
pag-asa
/pi-ey-dzi kudlit ey-es-ey/
De Leon
/di-i kapital el-i-o-en/
Watawat
/kapital dobol-yu-ey-ti-ey-dobo;-yu-ey-ti/
AKRONIM
PAGSULAT
BOGO
[Buy One, Get One (free)]
PAGBIGKAS
/kapital bi-kapital o-kapital dzi-kapital o/
SCUBA
[Self-contained underwater
breathing apparatus]
6|P age
/kapital es-kapital si-kapital yu-kapital bi-kapital ey/
MIDTERM
GE 114
PIN
[Personal Identification
/capital pi-kapital ay-kapital en/
Number]
CAPTCHA
[Completely Authomated Public
/kapital si-kapital ey-kapital pi-kapital ti-kapital si-
Turning test to tell Computers
kapital eyts-kapital ey/
and Human Apart]
DAGLAT
PAGSULAT
Jr.
[Junior]
Atbp.
[At iba pa]
No.
[Number]
Gng.
[Ginang]
PAGBIGKAS
/kapital dzey-ar tuldok/
/kapital ey-ti-bi-pi tuldok/
/kapital en-o tuldok/
/kapital dzi-en-dzi tuldok/
INISYAL
PAGSULAT
A. V. H.
[Amado V. Hernandez]
G. E. M.
[Genoveva Edroza Matuti]
D. A. R.
[Deogracias A. Rosario]
P. L.
[Panlapi]
PAGBIGKAS
/kapital ey tuldok-kapital vi tuldok-kapital eyts tuldok/
/capital dzi tuldok-kapital i tuldok-kapital em tuldok/
/kapital di tuldok-kapital ey tuldok-kapital ar tuldok/
/kapital pi tuldok-kapital el tuldok/
MGA SAMAHAN / INSTITUSYON / POOK
PAGSULAT
KKK
[Kataas-taasang Kagalanggalangang Katipunan]
7|P age
PAGBIGKAS
/kapital key – kapital key – kapital key/
MIDTERM
GE 114
BSP
/kapital bi – kapital es – kapital pi/
[Bangko Sentral ng Pilipinas]
KWF
[Komisyon sa Wikang Filipino]
/kapital key – kapital dobolyu – kapital ef/
SIMBOLONG PANG-AGHAM/PANGMATIMATIKA
PAGSULAT
Fe
[Iron]
lb.
[Pound]
Kg.
[Kilogram]
PAGBIGKAS
/kapital ef – i/
/el – bi tuldok/
/kapital key – dyi tuldok/
************************
B. Ang Palapantigan
-
Ang pantig ay binubuo ng salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa
pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa
Filipino ay may patinig na kalimitan ay may kakabit na katinig o mga
katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkaibilaan.
-
Ito itinuturing nay unit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambalpatinig at isa o mahigit pang katinig. Bawat patinig ( /a/ , /e/ , /i/ , /o/ , /u/
) ay isang pantig; samantala, kailangan ng bawat katinig ang isang patinig
upang maging pantig. Dagdag pa, may isa lamang patinig sa bawat pantig
samantalang maaaring mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig.
Kayarian Ng Pantig
Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang pantig ay maaaring binubuo ng isang
patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig at isang
patinig. Sumusunod ang mga kayarian ng pantig sa pasulat na simbolo at
kinakatawan ng P ang panitinig at ng K ang katinig.
8|P age
MIDTERM
GE 114
a. P – pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya’t tinatawag na payak.
Halimbawa: o - o, a-ko, i-kaw
b. KP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya’t
tinatawag na tambal-una. Halimbawa: ba-ba-e, su-ma-yaw, lu-to
c. PK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan, kaya’t
tinatawag na tambal-huli. Halimbawa: ok-ra, is-da, ma-is
d. KPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at
hulihan, kaya’t tinatawag na kabilaan. Halimbawa: su-lat,
bun-dok
e. KKP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan.
Halimbawa: tse-ke, dra-ku-la, blu-sa
f. PKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klister sa hulihan.
Halimbawa: blo-awt, eks-tra
g. KKPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at
katinig sa hulihan. Halimbawa: plan-tsa, trum-pe-ta, trak.
h. KPKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at
kalster sa hulihan. Halimbawa: nars, kard, re-port
i. KKPKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klister sa unahan at
sa hulihan.
Halimbawa: trans-por-ta-syon, tsart
j. KKPKKK – pantig na binubuo ng tambal-katinig sa unahan, isang patinig at
tatlong magkasunod na katinig sa hulihan.
9|P age
MIDTERM
GE 114
Pansinin na ang mga itinanghal na kayarian ng pantig ay nakabatay sa paraan
ng pagsulat sa kasalukuyan at hindi sa posibleng tunog sa isang pantig. Sa gayon,
hindi nito nailalarawan ang pagkakaroon ng kambal-patinig sa pantig dahil sa
kasalukuyang tuntunin sa pagsulat ng pantig na may kambal-patinig. Pansinin din na
ang mga pantig na may dalawa o mahigit pang katinig ay malimit na taglay ng
salitang hiniram mula sa Espanyol o Ingles.
Pagpapantig Ng Salita
Ang pagpapantig ay paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga
pantig na ipinambuo dito. Nakabatay ito sa grafema o nakasulat na mga simbolo.
Narito ang ilang tuntunin:
Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa posisyon
pang-una, panggitna at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig.
Halimbawa:
/ a-ak-yat /
(aakyat)
/ a-la-a-la /
(alaala)
/ to-to-o /
(totoo)
Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una
ay isinasama sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na
pantig.
Halimbawa:
/ak-lat/
(aklat)
/es-pe-syal/
(espesyal)
/pan-sit/
(pansit)
Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita,
ang unang dalawa ay sumasama sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo
ay napupunta sa kasunod na pantig.
10 | P a g e
MIDTERM
GE 114
Halimbawa:
/eks-per-to/
(eksperto)
/trans-fer/
(transfer)
Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N at ang
kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, AT TR, ang unang katinig (M/N) ay
isinasama sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta
sa kasunod na pantig.
Halimbawa:
/a-sam-ble-a/
(asamblea)
/tim-bre/
(timbre)
Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita,
isinasama ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasama
ang huling dalawang katinig sa kasunod na pantig.
Halimbawa:
/eks-plo-si-bo/
(eksplosibo)
/trans-plant/
(transplant)
Pantig Na Inuulit
UNA. Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lamang ang
inuulit. Halimbawa:
/a-ak-yat /
(aakyat)
/ i-i-big /
(iibig)
Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salita.
Halimbawa:
/ ma-a-ak-yat /
11 | P a g e
(maaakyat)
MIDTERM
GE 114
/u-mi-i-big/
(umiibig)
/u-mu-u-bo/
(umuubo)
PANGALAWA. Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang
pantig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
/la-la-kad/
(lalakad)
/ba-ba-lik/
(babalik)
Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat.
Halimbawa:
/mag-la-la-kad/
(maglalakad)
/pag-ba-ba-lik/
(pagbabalik)
PANGATLO. Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpolkatinig (consonant cluster), ang unang katinig at patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
/i-pa-pla-no/
(ipaplano)
/mag-ta-trans-port/(magtatransport)
/pi-pri-tu-hin/
(piprituhin)
Nagaganap ito kahit sa kaso ng hindi pa nakareispel na salitang banyaga.
Halimbawa:
/mag-be-blessing/
/i-pa-ko-close/
/i-se-share/
Gayunman, maaaring ituring na variant ang pag-uulit ng dalawang katinig at
patinig, gaya sa /i-pla-pla-no/, /mag-ble-blessing/. ************
12 | P a g e
MIDTERM
GE 114
C. Palagitlingan
Bukod sa pangkaraniwang gamit ng gitling sa paghahati ng salita sa
magkasunod na taludtod, mayroon pang ilang sadyang gamit ito sa palabaybayang
Filipino, tulad ng mga sumusunod:
a. Kapag ang salita ay inuulit.
Halimbawa:
gabi-gabi
paa-paano
matamis-tamis
malayung-malayo
dala-dalawa
babaing-babae
Sa dalawang huling halimbawa, mapapansing ang /o/ ng malayung-malayo ay
nagging /u/ nang ulitin at ang /e/ naman ay naging /i/. Ito’y isang tuntuning
sinusunod mula pa nang sulatin ang Matandang Balarila na kapag ang huling patinig
ng salitang inuulit o hinuhulapian ay /o/ o kaya’y /e/, ang /o/ ay nagiging /u/ at ang
/e/ ay nagiging /i/.
Tandaan din na ang mga salitang alaala, paruparo, gunamgunam ay hindi
ginitlingan sapagkat ang ala, paro at gunan ay hindi mga salitang morpema.
b. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na
nilalapian ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa:
mag-alis
pang-ulo
mang-una
pang-ako
may-ari
pang-aral
Gaya ng nabanggit na, mag-iiba ng kahulugan kung hindi lalagyan ng gitling
ang mga halimbawang salita: magalis, pangako, manguna, pangulo, mayari,
pangaral. Kung minsan naman, ang paggamit ng gitling sa ganitong pagkakataon ay
nagiging opsyunal o di sapilitan, kung ang salita ay hindi naman nag-iiba ng
kahulugan, gitlingan man o hindi. Halimbawa:
pag-ibig o pagibig
basag-ulo o basagulo
13 | P a g e
pag-asa
o pagasa
tag-ulan o tagulan
MIDTERM
GE 114
c. Kapag may katagang nawala sa sa pagitan ng dalawang salitang
pinagsasama.
Halimbawa:
bahay na kubo = bahay-kubo
bulaklak sa parang = bulaklak-parang
kahoy sa bundok = kahoy-bundok
mingas na kugon = ningas-kugon
d. Kapag ang isang panlapi ay inilapi sa unahan ng isang ngalang
pantangi.
Halimbawa:
maka-Quezon
taga-Nueva Ecija
pang-Mahal na Araw
mag-Aba Ginoong Maria
Ngunit pansinin na hindi ginagamit ang gitling kapag ang mga
halimbawang panlapi sa itaas ay inilalapi sa mga pangalang pambalana.
Halimbawa:
makabayan
tagabukid
pangkasal
magbale
pang-ako
nag-alis
Ngunit –
dahil sa tuntunin b.
e. Kapag ang panlaping ma- ay iniuuna sa mga pang-uri, lalo na sa mga
nagsisimula sa m at nagbibigay ng kahulugang maging.
Halimbawa:
ma-mayaman
ma-malaki
14 | P a g e
ma-mahirap
ma-maliit
MIDTERM
GE 114
f. Kapag ang panlaping ika- ay inuunlapi sa mga tambilang.
Halimbawa:
ika-10
mag-iika-5
Ngunit hindi na gingamit ang gitling kapag isinatitik ang bilang:
Ikasampu
mag-iikalima
Ikawalo
Ikasiyam
g. Kapag isinusulat nang patitik ang yunit ng praksyon.
Halimbawa:
isang-katlo (1/3)
tatlo at dalawang-kalima (3-2/5)
tatlong-kapat (3/4)
walo at dalawang-katlo (8-2/3)
h. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal.
Halimbawa:
tawang-aso
dalagang-bukid (babae)
barong-Intsik
punung-kahoy
Kapag nawawala na ang likas na kahulugan ng dalawang salitang
pinagtatambal at nagkakaroon na ng ikatlong kahulugan, isinusulat na nang walang
gitling ang salita.
Halimbawa:
hampaslupa
kapitbahay
hanapbuhay
dalagangbukid (isda)
i. Sa kasunod ng “De”, ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping
de- mula sa Espanyol na nangangahulugang “sa pamamagitan ng” o
“ginawa o ginagamit sa paraang”.
Halimbawa:
15 | P a g e
MIDTERM
j. Sa
GE 114
de -kolor
de-mano
de-kahon
de-lata
kasunod
ng
“Di”,
na
ginagamit
ang
gitling
ang
salitang
pinangngungunahan ng „di (pinaikling hindi) at nagkakaroon ng
kahulugang idyomatiko, tila kasabihan, malimit na kasalungat ng
orihinal nito, at malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na himig.
Halimbawa:
di-mahipo
di-mahugot-hugot
di-kagandahan
di-maliparang-uwak
k. Sa apelyido, ginagamit ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nagasawa upang ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.
Halimbawa:
Carmen L. Guerrero-Nakpil
Maria S. Legaspi-Aquino
Genoveva Edroza-Matute
Kapag ginagamit ang anyong ito sa lalaki, gaya sa kaso ni Graciano LopezJaena, ang apelyido pagkatapos ng gitling ang apelyido sa ina. Kung iwawasto
alinsunod sa praktikang Espanyol, ang dapat sanang anyo ng pangalan ng
dakilang Propagandista ay Graciano Lopez y Jaena.
l. Sa pagsaklaw ng panahon, ginagamit ng gatlang en (en dash) ang
panahong sakop o saklaw ng dalawang petsa.
Halimbawa:
1882-1903 (Panahon ng Patinding Nasyonalismo)
23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903 (Apolinario Mabini)
16 | P a g e
MIDTERM
GE 114
Gatlang en din ang ginagamit kapag nawawala ang pangwakas na petsa ng
isang panahunan, gaya sa:
1870 – ( hindi tiyak ang petsa ng kamatayan )
Ang mas mahaba, ang gitling em (em dash), sa halip na gitling, ang dapat
gamitin kapag ibinitin ang daloy ng pangungusap at may idinadagdag na
impormasyon sa loob ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Napalingon ako
at nanlaki ang mata
nang makita siya.
Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong pagkain, damit, higaan, malinis
na palikuran, tubig, atbp.
Ang Kudlit
Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang letra o mga letra sa dalawang
salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
ako at ikaw
=
ako’t ikaw
iba at iba
=
iba’t iba
mayaman at mahirap
=
mayama’t mahirap
bayan at lunsod
=
baya’t lunsod
May mga salita, kung sabagay, na sa katagalan ng panahon ay maituturing
nang “patay” sapagkat hindi na ginagamit nang hindi kakabit ang dinaglat na at.
Ang mga salitang ito ay hindi na dapat kudlitan.
Halimbawa:
Subalit
Datapwat
Ngunit
Sapagkat
(subali at)
(datapwa at)
(nguni at)
(sapagka at)
Noong araw ay buhay sa ating mga ninuno ang mga salita subali, datapwa,
ngunit, sapagka. Ngunit ngayon ay iila-ilang matanda na lang ang mariringgan ng
mga ito. ****
17 | P a g e
MIDTERM
GE 114
ARALIN 3
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
“Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y
mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag iyon ay
may kalabuan datapwa’t hindi lumalayo kailanman sa
kahulugan.”
Paciano Mercado Rizal (1886)
Panimula
Mga paraan ng panghihiram ang kailangang sundin sa pag-asimila sa mga
salitang buhat sa Ingles. Sa ngayon ay tatlong paraan ng pag-asimila ng mga
salitang hinihiram sa Ingles ang maaaring imungkahi.
PARAAN 1 - Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hinihiram sa salitang Ingles at
pagbaybay
dito
nang
ayon
sa
palabaybayang
Filipino.
Ito
ang
pinakakaraniwang paraan ng panghihiram ng mga salita sa Ingles na
sinusunod sa ngayon.
Halimbawa:
Kung ibig hiramin ang salitang Ingles na electricity, kunin ang katumbas nito
sa Kastila – electricidad. Pagkatapos ay baybayin ito nang ayon sa palabaybayang
Filipino – elektrisidad.
18 | P a g e
MIDTERM
GE 114
INGLES
KASTILA
FILIPINO
population
populacion
populasyon
liquid
liquido
likido
delegate
delegado
delegado
biology
biologia
Biyolohiya/byolohya
mathematics
matematica
matematika
barricade
barricada
barikada
ceromony
ceremonia
seremonya
PARAAN 2 - Paghiram sa salitang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa
palabaybayang Filipino. Karaniwang isinasagawa ang paraang ito kung –
1. hindi maaari ang Paraan 1.
2. walang katutubong salita na maaaring magamit bilang salin o
katumbas ng salitang Ingles.
Tingnan ang sumusunod na ilang halimbawa:
Ingles
Christmas Tree
Filipino
Krismas Tri
Pansinin na mayroon tayong Pasko bilang panumbas sa Christmas ngunit
wala sa Christmas Tree.
19 | P a g e
MIDTERM
GE 114
Ang katumbas ng bicycle ay bisikleta na ang ginagamit ay Paraan 1. Subalit
ang tricycle ay hindi trisikleta.
Ingles
Tricycle
Filipino
Traysikel
PARAAN 3 - Paghiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa baybay.
Ginagamit lamang ang paraang ito kapag hindi praktikal na gamitin ang mga
Paraan 1 at 2. Pansinin pa rin na dito lamang sa paraang ito nagagamit ang
mga letrang wala sa 20 letra ng Abakada.
Narito ang ilang halimbawa: Manila Zoo, chess, golf, coke, visa, Quezon
City, Juan de la Cruz, Villa Caridad, atb.Kung gagamitin ang letrang c, f, j, ñ, q,
v, x, z, ch, ll, rr, sa mga karaniwang salita, ang palabaybayang Filipino ay
magugulo sapagkat maraming mga salita ang magkakaroon ng iba’t ibang
baybay. Ang coffee, gaya ng nabanggit na sa una, ay tinutumbasan natin sa
Filipino ng kape. Subalit kung hindi magkakaroon ng control sa paggamit ng c
at f, maaaring tanggapin ang sumusunod na baybay: cape-kape, café-kafe.
Maaari pa ring idagdag dito ang sumusunod na mga anyo: kopi, kofi, copi, cofi.
Samakatwid, sapgakat ang palabaybayang Filipino ay konsistent, hangga’t
maaari ay dapat manatili ang isa-sa-isang pagtutumbasan ng ponema o
makahulugang tunog at ng letra o titik. Ang mga simbolong c, f, j, q, v, x, z, gayndin
ang mga digrapong ch, ll, rr, at ang mga kilay na ñ ay hindi dapat mapasama sa
pagbaybay ng mga karaniwang salita sapagkat sa ngayon ay hindi pa
nagrereprisinta ang alinman sa mga ito ng makabuluhang tunog sa Filipino. *******
20 | P a g e
MIDTERM
GE 114
ARALIN 4
ANG TRANSKRIPSYON
Ang
transkripsyon
ay
tulad
din
ng
palatuldikan.
Ginagamit
ang
transkripsyon at palatuldikan bilang giya o patnubay kung papaanong bibigkasin
nang wasto ang mga salita sa isang wika at unang nabuo kaysa palatuldikan. Una ito
nang maraming-maraming taon ng mga dalubwika sa Europa. Ito ay nilikha upang
maitala nila nang maayos ang mga salita o pangungusap na kanilang naririnig sa
mga impormante mula sa mga wikang kanilang pinag-aaralan. Hindi nila magagamit
ang ortograpiya o sistema ng pagsulat na ginagamit sa isang particular na wikang
kanilang sinusuri sapagkat bukod sa iba’t ibang Sistema ng pagsulat ang ginagamit,
karaniwang nang ang ispeling ng isang salita, kung sistemang Romano ang
ginagamit, ay hindi matapat na naglalarawan ng aktwal na bigkas nito.
Dalawang uri ng transpkripsyon na karaniwang ginagamit ng mga dalubwika:
transkripsyong ponetiko at transkripsyong ponemiko.
1. Transkripsyong ponetiko – tumutukoy sa lahat ng tunog na itinuturing na
“hilaw” o hindi makahulugan tunog. Ito ay ginagamitan ng braket [ ] upang
magsilbing pangulong salita.
2. Transkripsyong ponemiko – pinag-aaralan dito ang mga makahulugang
tunog na itinuturing na “set” ng mga ponemang bumubuo sa wikang
sinusuri. Sa pagtatala ng mga ponema ng isang wika, ginagamit ang mga
pahilis na guhit / / o virgules.
Kapag ang isang linggwista, halimbawa, ay nagsusuri ng isang partikular na
wika, ang una niyang ginagawa ay kumukuha siya ng mga impormante o ng mga
taong likas na nagsasalita ng nasabing wika. Itinatala niya ang mga salita o
pangungusap na binibigkas ng mga impormante sa pamamagitan ng transkripsyong
ponetiko. Sa transkripsyong ponemiko, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring
21 | P a g e
MIDTERM
GE 114
linggwist, makahulugan man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa
transkripsyong ponetiko, hindi lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng
isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.
Halimbawa:
SALITA
TRANSKRIPSYON
DIIN
TULDIK
AT
SIMBOLO
NG
TULDIK
1. abàla (istorbo)
abalá
/aba.lah/
malumay
Paiwa ( ` )
/abalah/
mabilis
Pahilis ( ´ )
/akoh/
mabilis
Pahilis ( ´ )
/a.ko /
maragsa
Pakupya ( ^ )
/babaʔ/
maragsa
Pakupya ( ^ )
/ba..baʔ/
malumi
Paiwa ( ` )
/ba.lot/
malumi
Paiwa ( ` )
/balot/
mabilis
Pahilis ( ´ )
/ba.sah/
malumay
Paiwa ( ` )
maragsa
Pakupya ( ^ )
(maraming
ginagawa)
2. akó
(pantukoy
sa sarili)
ʔ
akô (angkinin)
3. babâ
(pumanaog)
babà
(bahagi
ng mukha)
4. bàlot (balat)
balót (pagkain)
5. bàsa (read)
basâ (wet)
ʔ
/basa /
Ang halimbawa nito ay nagpapakita ng paraan kung papaano gingamit ang
transkripsyon. Kapag naibukod o naialis na ng nagsusuring linggwista ang mga
“hilaw” o di makahulugang mga tunog, ang matitira na makahulugang tunog siya
niyang itinuturing na set ng mga ponemang bumubuo sa wikang kanyang sinusuri.
22 | P a g e
MIDTERM
GE 114
Sa pagtatala ng mga ponema ng isang wika, ang ginagamit ay transkripsyong
ponemiko.
Sa ibang dako, transkripsyong ponetiko, ang ginagamit na pangulong sa mga
salita ay mga braket [
], samantalang sa transkripsyong ponemiko, ang ginagamit
naman ay mga pahilis na guhit / / o virgules. ******
________________________________________________________________________________
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114 –
BALARILA NG WIKANG FILIPINO. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa
asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Garcia, Lydia G. 2000. Makabagong Gramar ng Filipino-Binagong Edisyon. Rex Book Store: Quezon City.
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.
23 | P a g e
Download