10 Araling Panlipunan Quarter 1 – Module 1: Kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kontemporaneong Isyu at mga Suliraning Pangkapaligiran Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kontemporaneong Isyu at mga Suliraning Pangkapaligiran Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Regional Director: Gilbert T. Sadsad Assistant Regional Director: Jessie L. Amin Development Team of the Module Manunulat: Donna D. Relova Ulysses A. Valera II Emy L. Yuson Editor: Ulysses A. Valera II Tagasuri: Noel A. Aban Belen M. Jazul Evelyn B. Lee Tagaguhit: Em Jhun A. Fajel Layout Artist: Yrroprem O. Yanson ARALIN 1 Pamagat ng Kagamitan/ Panimula Kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kontemporaneong Isyu at mga Suliraning Pangkapaligiran Sa unang bahagi ng modyul na ito ay tatalakayin ang Kontemporaneong Isyu at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Sa araling ito ay mararanasan mong magbahagi ng iyong mga nalalaman tungkol sa mga napapanahong pangyayari sa bansa at kung paano ito binibigyang pansin ng pamahalaan upang hindi maging balakid sa pag-unlad. Mga Layunin Sa unang bahagi ng modyul na ito, inaasahan sayo na: 1. Naipaliwanag mo ang konsepto ng Kontemporaneong Isyu. 2. Nasuri mo ang iba’t-ibang kontemporanyong isyu tungo sa pagtugon sa mga hamon ng maunlad na bansa. 3. Naisabuhay mo ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaneong isyu at mahahalagang konseptong bumubuo sa lipunan. Talahulugan Sa panimula ng aralin at paksang ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod na salita at mahahalagang konsepto: Basura- ay anumang uri ng bagay na maaaring hindi na kakailanganin at hindi na nararapat gamitin. 1 Illegal na Droga- tawag sa mga gamot na nakapipinsala sa katawan at isipan ng tao kaya’t ipinagbabawal na bilhin at gamitin ng kahit sino. Heavy traffic- daloy ng sasakyan na mabagal ang pag usad at halos hindi na gumagalaw sa isang partikular na lugar Quarantine/Kuwarentina- patakaran kung saan ay kailangang manatili ng tao sa isang distansya, o sa isang naibigay na lugar, nang walang pakikipagsalamuha sa iba, kapag pinaghihinalaang may nakakahawang sakit. Teknolohiya-makinarya o kagamitan na ginagamit upang mapadali ang produksyon. Panimulang Pagsubok Ang ating bansa ay maraming suliraning kinakaharap na kailangang mabigyan ng pansin hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng mamamayan. Pag-aralang mabuti ang sumusunod na larawan at isulat sa patlang kung ano ang ipinapahiwatig nito. Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungang makikita sa ibaba. B A _______________________ _______________________ _______________________ 2 _____________________ _____________________ _____________________ C D _______________________ _______________________ _______________________ _____________________ _____________________ _____________________ E ___________________________ ___________________________ ___________________________ 1. Maliban sa ipinapakita ng mga larawan, ano pa ang ibang mga suliranin na iyong nararanasan? 2. Nagaganap ba ang mga nasabing suliranin sa inyong bayan at sa bansa? Ano ang ginanagawa ng mga mamamayan o pamahalaan upang matugunan ang mga nasabing suliranin? Mga Gawain sa Pagkatuto 3 Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging kabahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang masasagot mo ang tanong na: Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunan? Para sa iyong kaalaman Bukod sa mga naipakita sa larawan, ang mga suliraning kinakaharap ng Plipinas sa kasalukuyan ay maaring mailarawan din sa pamamagitan ng mga sumusunod na datos: 1. 80% lamang ng mga Pilipino ang may malinis na tubig. 2. 86.1% lamang ang may palikuran. 3. 79% lamang ang may elektrisidad. 4. 76% lamang ang nagmamay-ari ng sariling bahay at lupa; 5 milyong tao ang nangangailangan ng permanenteng tirahan; at 3.4 milyon katao ang iskwater sa Metro Manila. 5. 16% ng populasyon ang hindi kumakain sa isang araw. 6. 20-34% ng populasyon ang hindi malusog o kulang sa tamang pagkain (malnourished). 7. 4 na milyong bata ang nagtatrabaho na dapat sana ay nagsisipag-aral. 8. 1.5 milyon ang batang lansangan. 9. Ika-apat ang Pilipinas sa mga bansang bumibili ng bigas sa ibang bansa sa kabila ng pagiging agrikultural ng ating ekonomiya. 10. 2.8 milyon ang hindi marunong bumasa at sumulat. 4 Maaaring mahalaw ang kahulugan ng konseptong kontemporaneong isyu o “contemporary issue” sa pag-uugat mismo sa pinagmulang kahulugan ng dalawang salitang bumubuo nito: ang “kontemporaneo” at ”isyu.” Hango ang salitang kontemporaneo sa salitang Latin na “contemporaries”. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino at UP Diksyonaryong Filipino, kontemporaneo at hindi kontemporaryo ang tamang salin ng “contemporary.” Batay sa pinagmulang salita nito (etymological definition), nangangahulugan ang kontemporaneo bilang “kasabayang panahon” o “living or occurring at the same time.” Maituturing na kasingkahulugan din ang mga terminolohiyang “current affairs” at “current events”. Samantala, ayon sa Oxford Dictionary, ang isyu (issue) ay mahalagang paksa o problema na pinagtatalunan, pinag-uusapan, at pinag-iisipan ng mga tao. Sa Merriam-Webster Dictionary, binibigyang kahulugan nito ang isyu bilang mga bagay o paksa na may di pagkakasundo at pagtutunggali sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido o panig. Sa dalawang nabanggit na kahulugan, kapwa ang mga ito ay naghahayag na nagkakaroon lamang ng isyu kung may pagtatalo ang dalawa o higit pang panig. Para sa iyong kaalaman - Kahirapan ang pinakamatinding suliraning pangkaunlaran ng Pilipinas. - Ang kahirapan ay hindi lamang kakulangan sa pagkain. Ito rin ay kakulangan o kasalatan sa iba’t ibang aspeto ng buhay na dapat tamasahin ng tao tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, hustisya, at iba pa. 5 - Ang mabilis na pagtaas ng antas ng teknolohiya ay nagdudulot din ng mga suliraning lubos na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at kalagayang pangkaunlaran ng bansa. Mga Pagsasanay Pagsasanay 1: IKAHON MO! Nakalista sa ibaba ang iba’t-ibang suliraning ipinakita sa panimulang pagsubok. Ihambing ito sa iyong sagot. Tumpak ba ang mga naisagot mo? Binabati kita! Upang higit na mapalalim ang pag-unawa sa konsepto ng kontemporaneong isyu, magsagawa ng interbyu sa mga miyembro ng pamilya, lolo o lola, tiya o tiyo at nanay o tatay. Itanong sa kanila kung ang mga nabanggit bang suliranin sa ibaba ay naganap sa kanilang kapanahunan Isulat ang buod sa bawat kahon. Nagaganap ba ang mga ganitong suliranin noon sa kanilang kapanahunan? Pagbaha dulot ng bagyo Pananatili sa loob ng bahay (community quarantine)upang maiwasan ang pagkalat ng virus 6 Pandemic Problema sa droga Malalang problema sa basura Pagsasanay 2: PROBLEMA BA? SOLUSYUNAN MO! Mula sa mga sagot sa ginawa mong interbyu, ano ang iyong mahihinuha o ideya kung bakit nagaganap sa kasalukuyan ang mga nabanggit na suliranin? Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang maresolba o makabangon sa mga ganitong pangyayari. DAHILAN SULIRANIN 7 TUGON/ SOLUSYON Pagsasanay 3 Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga nakaraang pagsubok. Ngayon, atin namang alamin ang antas ng iyong pagkatuto ukol sa paksa. Isulat sa loob ng kahon ang iyong pagkakaunawa sa konsepto ng KONTEMPORANEONG ISYU sa pamamagitan ng pagsagot ng hindi bababa sa tatlong pangungusap sa mahalagang tanong na Bakit mahalagang malaman ang mga kontemporaneong isyung kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan? ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ________ ____________________________________ 8 ____________________________________ ____________________________________ ______ Pangwakas na Pagsubok Natutukoy ang tiyak na detalye! Ayusin ang mga ginulong titik upang matukoy ang tamang mga salita na tungkol sa iba’t ibang mahahalagang isyu sa bansa. Gawing batayan sa pagsagot ang mga paliwanag sa kanang bahagi. Isulat ang sagot sa patlang. _______________1. Duming nanggagaling sa usok ng pabrika at mga sasakyan. (NOPLYSUO AS ANHGIN) _______________2. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa bansa. (UPOPSYOALN) _______________3. Hindi tamang nutrisyon bunga ng hindi pagkain ng masustansiyang pagkain. (NOYSIRTUNLAM) _______________4. Pagkalat ng nakahahawang sakit na sa isang malawak na rehiyon, isang lupalop o pandaigdigan. (EDMANPAY) _______________5. Konsepto ng mas malawak na ugnayan ng iba’t- ibang bansa. Ito ay ang pagkalat ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon, at trabaho sa iba’t ibang mga bansa at kultura. (LOLIABGSASNOY) _______________6. Mga taong nananakot o nanggugulo sa pamahalaan O bansa. ( RISTETARO) _______________7. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan para sa pansariling interes. (KOPURNIYOS) _______________8. Pagbebenta ng mga pagmamay-ari ng pamahalaan sa mga pribadong sector. (RITIPBANOYSAS) _______________9. Pagpapatrabaho sa mga batang wala pa sa takdang Gulang. ( DHILC BORLA) 9 _______________10. Isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso sa kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa mga tinamaan nito. (ALKADADIM) Karagdagang Gawain Bahagi ng pagiging isang mapanagutang mamamayang tulad mo ang pagiging mulat sa mga pangyayari sa kanyang lipunan at daigdig. Para sa iyong huling gawain sa Aralin na ito, gumawa ng POSTER na nagpapakita sa kahalagahan ng pagiging mulat o maalam sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig. Maaaring gumamit ng kahit anong panulat o pangkulay upang maging epektibo ang poster na gagawin. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka sa kabilang pahina. POSTER Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nilalaman Ang ginawang poster ay nagpapakita ng tumpak at malalim na pagkakaunawa sa paksa 20 Pagkamalikhain Orihinal ang ideya at gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang nilalaman at konsepto. 15 Kaangkupan sa Tema 10 Angkop sa tema ang ginawang poster 10 Nakuhang Puntos Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng poster KABUUANG PUNTOS 5 50 ARALIN 2 Pamagat ng Kagamitan/ Panimula LIPUNAN; ANG IYONG GINAGAWALAN Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang Kontemporaneong Isyu at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Sa araling ito naman, susuriin mo ang lipunang iyong kinabibilangan. Mahalaga ang iyong mga nakuhang kaalaman tungkol sa mga isyu at hamong panlipunan, natitiyak kong nais mong mapalalim pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa susunod na paksa. Sa bahaging ito ng aralin, inaasahang matutuhan mo ang mga bumubuo sa lipunan at kung paano makakatulong ang kaalamang ito sa pagtugon sa iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan. Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang: 1. Nalaman at naunawaan mo ang kahulugan ng lipunan. 2. Naisa-isa at nailahad mo ang mga katangian ng lipunan. 3. Nasuri mo ang mahahalagang konseptong bumubuo sa lipunan at kung paanong ang mga pagkukulang ng bawat elemento ay makapag-dulot ng isyung panlipunan. 11 Talahulugan Bigyang pansin ang sumusunod na salita: Korapsyon-sistema ng pagkamal ng pera ng isang indibidwal na nasa posisyon Transparency International- ito ay isang international nongovernmental organization na naka base sa Berlin, Germany. Itinatag ito noong 1993 upang gumawa ng pamamaraan upang labanan ang pandaigdigang korapsyon. Panimulang Pagsubok Basahin ang teksto sa ibaba tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas. Pagkatapos ay sagutan mo ang mga katanungan na iyong makikita ng hindi bababa sa tatlong pangungusap. Korapsyon sa Pilipinas nabawasan (Philstar.com) - January 30, 2019 - 3:21pm MANILA, Philippines — Bahagyang gumanda ang lagay ng Pilipinas sa 2018 Corruption Perceptions Index na isinagawa ng global anti-corruption watchdog na Transparency International. Nakakuha ang bansa ng 36 puntos para sa taong 2018, mas mataas kaysa sa 34 noong 2017. Sa CPI, ini-iskoran ng zero ang mga bansang may pinakamatitinding korapsyon habang 100 naman ang ibinibigay sa mga may "pinakamamalinis na pamahalaan." Dahil dito, pang99 na sa listahan ng mga transparent na gobyerno ang Pilipinas mula sa dating ika-111. Gayunpaman, malayo pa ito sa regional average ng AsyaPasipiko na nasa 44 ayon sa grupo. Pinu-pulsuhan ng CPI ang mga eksperto't negosyente sa kung ano sa 180 bansa ang sa tingin nila'y pinakakorap at pinakamatuwid. 12 Pasok sa top 10 "least courrupt" ang Denmark, New Zealand, Finland, Singapore, Sweden, Switzerland, Norway, Netherlands, Canada at Luxembourg. Ayon sa Transparency International, naantala ang pagsusumikap ng karamihan ng bansa na masugpo ang katiwalian. “The continued failure of most countries to significantly control corruption is contributing to a crisis of democracy around the world,” sabi ng grupo. Hinikayat ng Transparency International ang lahat ng pamahalaan na palakasin ang mga institusyon na magpapanatili ng checks and balances ng pampulitikang kapangyarihan upang masukol ang katiwalian na siyang mapagtibay ng demokrasya. Dapat daw ay suportahan ng mga pamahalaan ang civil society organizations, na nakapagpapataas ng pakikilahok sa pulitika. "Pinakakorap" sa listahan ay ang Somalia, Suth Sudan at Syria na nakakuha ng 10 at 13 sa index. Tinataya ng watchdog na nakatatamasa ng "full democracy" ang may mga puntos na 75, "flawed democracy" sa 49, "hybrid regime" (may elemento ng pagiging diktadurya) sa 35, at "autocratic regimes" sa average score na 30. Nanawagan din sila na suportahan ang malaya at nakapagiisang mass media at siguruhin ang kaligtasan ng mga peryodista nang makapagtrabaho sila nang walang pangamba at takot. Mga pamprosesong tanong: 1. Nararanasan ba sa inyong komunidad ang epekto ng korapsyon? Ipaliwanag. 13 2. Ano- ano pang kaugnay na suliranin ang iyong nararanasan na epekto ng korapsyon? 3.Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang korapsyon sa: a. Sarili b. Kapwa c. Pamilya d. Bansa Mga Gawain sa Pagkatuto Para sa iyong kaalaman Binigyang-pansin sa iyong binasa ang isa sa mga isyung nararanasan sa ating bansa – ang korapsyon. Ang korapsyon ay makikita sa mga simpleng serbisyong pampamahalaan tulad ng pagkuha ng permit para sa pagbubukas ng negosyo hanggang sa mga malawakan pagpapagawa ng at malakihang kalsada, tulay, proyekto at tulad mga ng gusaling pampamahalaan. Maraming mamamayan ang nag-aakala na wala itong direktang epekto sa kanila subalit, ang katotohanan lahat tayo ay apektado nito. Ganito rin ang persepsyon ng ibang mamamayan sa iba pang isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa ating bansa tulad ng paglabag sa karapatang pantao, malayang kalakalan, pang-aabuso sa mga kababaihan, at mga suliraning pangkapaligiran na dulot ng maling pangangalaga sa kalikasan. Bunga nito, hinihiwalay ng mga mamamayan ang kanilang sarili sa mga isyu at hamong panlipunan upang matugunan ang mga personal na hamon at 14 pangangailangan. Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa. Paksa: Ang Lipunan Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pagunawa sa bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011) “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman pangangailangan. Sa upang matugunan tunggalian na ang kanilang ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007) “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang 15 kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney, 2011) Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social groups, status (social status), at gampanin (roles). Institusyon Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011) Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan. May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. Halimbawa, ang mataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. Maaari rin namang ito ay dahil sa hindi nagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin na lumikha ng trabaho para sa kaniyang mamamayan. Social Group Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group. Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang primary group at secondary group. (Mooney, 2011). 16 Status Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at achieved status. Gampanin (Roles) May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Mga Pagsasanay Pagsasanay 1: Piliin mo! Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag; at D kung parehong mali ang dalawang pahayag. _______ 1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan. 17 _______ 2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin. B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa Isang lipunan makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamaagitan ng maayos na interaksyon ng mga mamamayan. _______ 3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. _______ 4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group. B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa. _______ 5. A. Ang bawat indibidwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles. B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang social group ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na makakaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo. Pagsasanay 2: SINO ANG NAGKULANG? Ilagay sa kahon sa kaliwa ang isyung panlipunan at sa kahon sa kanan ang paliwanang kung paanong ang pagkukulang ng isang na partikular na elemento ang nagdulot ng isyung panlipunan sa kaliwa. Halimbawa: 1. Unemployment Ang paaralan ay isa sa mga institusyon na maaring may pagkukulang kung kaya’t maraming bilang ng Pilipino ang 18 walang trabaho. Maaring kulang sa kakayahan at kaalaman ang isang tao dahil sa kabiguan ng paaralan na makapagbigay ng de kalidad na edukasyon. Paliwanag kung anong elemento o institusyon ang nagkulang na nagbunsod sa isyung panlipunan Isyung Panlipunan Pagsasanay 3: Ako ay Kabahagi Ako ay Kabahagi Upang mataya ang kaalaman mo sa paksang tinalakay, sagutan mo ang bahaging ito ng modyul. Magsisilbi itong pansariling mong repleksyon sa aralin. Sa bahagi ng modyul na ito, mapapagtanto mo na ikaw ay may bahagi sa ilang mga isyu/hamong panlipunan at mayroon kang bahagi sa pagtugon sa mga isyu/hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan. Isulat sa kahon ang isang halimbawa ng isyu o hamong panlipunan at sagutan ang kasunod na katanungan ng hindi bababa sa tatlong pangugusap. Isyu/Hamong Panlipunan ____________________________________ 19 Pangwakas na Pagsubok Pagtukoy! Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong tinutukoy ng bawat pahayag. ___________ 1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. ___________ 2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na katangian ng nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atin bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. ___________ 3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. ___________ 4. Tumutukoy sa organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. 20 ___________ 5. Isa sa mga halimbawa ng institusyon kung saan unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. ___________ 6. Isa rin itong institusyong panlipunan na nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan. ___________ 7. Dito pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. ___________ 8. Elemento ng lipunan na tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. ___________ 9. Uri ng social group na tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. ___________ 10. Uri ng status na nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap Karagdagang Gawain Photo Essay Sa isang bond paper o oslo paper o anumang uri ng malinis na papel ay gumawa ng Photo Essay na nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong panlipunan na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan. Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine o kumuha ng mga ito sa internet. Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito 21 PHOTO ESSAY Pamantayan Kawastuhan Nilalaman Organisasyon Pagkamalikhain Deskripsiyon Ang mga inilagay na larawan at paliwanag ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto ng isang isyu at hamong panlipunan Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbatayang pagaaral, artikulo, o pagsasaliksik ang ginamit na datos Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng photo essay. Maayos na naipahayag ang konsepto ng isyu at hamong panlipunan gamit ang mga larawan at datos. May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo essay. Gumamit ng mga angkop na disenyo at kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng produkto. KABUUANG PUNTOS 22 Puntos 7 6 4 3 20 Nakuhang Puntos 23 ARALIN 3 Pamagat ng Kagamitan/ Panimula ELEMENTO NG KULTURA Kamusta! Ikaw ay nasa ikatlong aralin na ng modyul na ito. Sa nakaraang aralin nagkaroon ka ng kaalaman tungkol sa mga elemento ng istrukturang panlipunan. Ang iyong kaalaman sa mga bagay na ito ay makakatulong sa pagsusuri at pag-unawa mo sa ilang isyu at hamong panlipunang tatalakayin sa susunod na mga modyul. Kung may mga isyu na dulot ng hindi mabuting ugnayan ng mga Istrukturang panlipunan, mayroon din namang mga isyung may kaugnayan sa kultura. Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang iba’t ibang elemento ng kultura at kaugnayan nito sa mga isyu at hamong panlipunan. Mga Layunin Sa ikatlong bahagi ng modyul na ito inaasahang: 1. Natukoy mo ang uri at elemento ng kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan; 2. Naipahayag mo ang kahalagahan ng kultura bilang bahagi ng pag-aral ng Lipunan at sa pagharap sa mga hamon sa lipunan; 3. Nakasulat ng “Reflection Paper” ukol sa kultura ng pamayanang iyong kinabibilangan at ang impluwensiya nito sa pagharap sa mga isyung panlipunan gaya ng NCOV-19. Talahulugan Habang patuloy tayo sa pag-aaral ng modyul na ito, basahin at alamin natin ang mga nasa talasalitaan. BELIEFS - Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga pinaniniwalaan ng tao na katanggap-tangap sa lipunan na nagiging basehan ng kanilang pagpapahalaga. FOLKWAYS – Ito ang batayan ng kilos ng tao sa isang lipunan. 23 KULTURA- Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginawa at ginagawa ng tao sa isang lipunan. MORES - Ito ang mahigpit na batayan ng kilos ng tao sa lipunan na kapag nilabag ay may angkop na kaparusahan. NORMS - Ito ang kilos, gawi, o asal ng tao na nagiging batayan ng aksiyon, paguugali, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang ginagalawan. Pagkumpas/Gesture - Ito ay gawain ng tao upang maiparating ang kanyang mensahe sa isang tao na hindi gumagamit ng salita gaya ng pagmamano at pagkaway. SIMBOLO - Ito ang daan upang maiparating at maunawaan ng tao ang mensaheng nais makuha sa pamamagitan ng pagsalita at pagkumpas o gesture. VALUES - Ito ang nagiging batayan ng tao sa lipunan kung ano ang tama o mali, at kung ano ang katanggap-tanggap at hindi. WIKA- Ito ang ginagamit ng tao sa lipunan upang maiparating ang kanyang mensahe sa ibang kasapi ng lipunan sa pamamagagitan ng pagsasalita. Panimulang Pagsubok Hula Salita! Buuhin ang mga ginulong letra gamit ang pahayag na ibinigay upang mahulaan ang salita. Isulat ang sagot sa patlang. ALYTERMA 1.Ang ________________ ay uri ng kultura na tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan. LIESFEB 2.Ang _____________ ay elemento ng kultura na tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. 24 UESVAL 3. Ang __________ ay batayan ng lipunan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. MSNOR 4. Ang ______________ ay tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. LOOBMIS 5. Ang ___________________ ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng taong gumagamit dito gaya ng wika, at pagkumpas. Mga Gawain sa Pagkatuto Magaling! Natapos mo ang unang gawain. Ngayon naman ihanda mo ang iyong sarili sa susunod pang mga gawain. Upang ikaw ay maging handa, Basahin mo ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay gawin mo ang mga pagsasanay na inihanda para sa iyo. Katuturan ng Kultura Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigaykahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama. Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang 25 konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”. Ayon naman kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-arawaraw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura. May dalawang uri ang kultura. Ito ay ang materyal na kultura at hindi materyal na kultura. DALAWANG URI NG KULTURA MATERYAL HINDI MATERYAL Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakanat gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan. Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011) Mga Elemento ng Kultura Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo. Paniniwala (Beliefs) 26 Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng tao. Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito. Pagpapahalaga (Values) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011). Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan. Kaugalian (Norms) Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at 27 kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan. Simbolo (Symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda. Mga Pagsasanay Kamusta? Naunawaan mo na ba ang ang kahulugan at mahalagang konsepto ng kultura? Ngayon handa ka na bang subukin ang iyong natutunan? Sige simulan mo na. Pagsasanay 1. Tama o Mali! Isulat mo ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Kung ito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat mo ang iyong sagot sa patlang. __________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. __________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan. 28 __________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan. __________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang kaparusahan o sanctions. __________5. Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan. Pagsasanay 2. Buuin Mo! Tukuyin mo kung saan nabibilang ang mga halimbawa ng kulturang makikita sa kahon. Ilagay mo ito sa tamang konsepto na dapat kinabibilangan nito. Isulat ang iyong sagot sa bilog na may naka sulat na konsepto. Maaaring maulit ang ibang sagot sa ibang bilog/konsepto. ASPEKTO NG KULTURA URI NG KULTURA MATERYAL NA KULTURA HINDI-MATERYAL NA KULTURA 1. 2. 1. 3 2. 4. 3 5. 4. 29 6. 5 6. ELEMENTO NG KULTURA PANINIWALA 1. PAGPAPAHALAGA NORMS SIMBOLO 2. 3. 4. 5. Pagsasanay 3. KUMPLETUHIN MO! Kumpletuhin mo ang pahayag sa ibaba gamit ang iyong natutunan mula sa binasa at dalawang pagsasanay na iyong natapos. Ang kultura ay_______________________________________ ___________________________________________________ _______________. Ito ay binubuo ng dalawang uri. Una ay ang _______________ na _________________________________ ___________________________________________________ ___________.Pangalawa ay ang _______________ na _____ ___________________________________________________ ____. Ito ay may apat na elemento ang ___________________, _____________, _____________, at ____________________. Mahalagang ito ay pag-aralan dahil ______________________ __________________________________________________. Mahusay! Natapos mo na ang ang lahat ng pagsasanay. Ngayon ikaw ay handa na upang masukat ang iyong nalalaman sa pangwakas na pagsubok. Tara! Simulan mo na. 30 Pangwakas na Pagsubok I. Tukuyin mo ang ipinahahayag sa bawat bilang. Piliin mo ang tamang salita ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa patlang. A. Kultura B. Simbolo C. Norms D. Beliefs E. Values F. Mores F. Folkways ____1.Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng tao na naglalarawan sa isang lipunan. ____2.Ito ay tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. ____3.Ito ang batayan ng lipunan kung ano ang katanggaptanggap at kung ano ang hindi. ____4.Ito ay tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. ____5.Ito ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng taong gumagamit dito gaya ng wika, at pagkumpas. ____6. Ito ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos kung saan kapag nilabag ay may kaakibat na kaparusahan. II. Ibigay ang sumusunod. 7-8. Dalawang uri ng materyal na kultura. 9-10. Dalawang uri ng hindi materyal na kultura. Magaling! Ako ay lubos na nagagalak sa iyong kagalingan kayat matagumpay mong natapos ang pangwakas na pagsubok. Magpatuloy ka pa. Karagdagang Gawain MAGNILAY TAYO! 31 Kunin mo ang iyong panulat at papel. Pagnilayan mo ang iyogn karanasan o hindi kaya ay naririnig sa balita ukol sa nangyayari sa ating lipunan. Mag tala ka ng ilang kultura o gawain ng inyong lugar na sa tingin mo ay makatutulong sa isa sa mga isyong panlipunan na ating nararanasan ngayon, ang NCOV-19. Maaari mo ring itala ang mga gawain na kailangang baguhin ng inyong komunidad. Pagkatapos, simulant mo na ang pagsulat ng iyong “Reflection Paper” ukol sa kultura ng iyong komunidad at paano ito nakakatulong sa pagharap sa mga hamon sa lipunan gaya ng NCOV-19. Seguraduhing magagamit mo ang iyong natutunan sa modyul na ito, at hindi baba sa 200 salita ang iyong sulatin. Ang takdang gawain mo ay bibigyang marka gamit ang sumusunod na pamantayan: Nilalaman- 8 Organisasyon- 8 Pagpapaliwanag- 8 Gramatika- 6 Kabuuan- 30 32 ARALIN 4 Pamagat ng Kagamitan/ Panimula ALIN NGA BA? Kamusta! Ikaw ay nasa ika-apat na aralin na. Sa nakaraang aralin natutunan mo na ikaw ay bahagi ng lipunan na kinabibilangan ng institusyon, social groups na may status, mga gampaning dapat gawin at magkakaibang paniniwala, pagpapahalaga, norms na sinusunod, at nauunawaang mga simbolo. Dahil sa pagkakaibang ito, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa ating lipunan na maaaring magdulot ng iba’t ibang isyu at hamong panlipunan. Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang isyu? Ang susunod na bahagi ay magbibigay ng kaalaman sa iyo tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Sa bahaging ito rin ay matutukoy mo ang pagkakaiba ng Isyung Panlipunan at Isyung Personal. Mga Layunin Sa ikaapat na bahagi ng modyul na ito inaasahang: 1. Naipaliwanag mo ang isyung personal at isyung panlipunan, maging ang epekto at sanhi nito; 2. Napahalagahan mo ang pag-aaral ng isyung personal at isyung panlipunan; 3. Nakagawa ka ng isang venn diagram ukol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng isyung personal at panlipunan. Talahulugan Habang patuloy tayo sa pag-aaral ng modyul na ito, basahin at alamin natin ang mga nasa talasalitaan. 33 Krisis- tumutukoy sa isang pangyayari sa lipunan kung saan ay taghirap. Institusyong Panlipunan- tumutukoy sa isang oraganisadong samahan sa lipunan na may iisang layunin. Halimbawa nito ay ang pamilya, paaralan, at simbahan. Istatistik- tumutukoy sa isang agham na siyang ginagamit upang ilarawan ang bilang o bahagi ng mga bagay. Isyu- tumutukoy sa mga pinaguusapang hamong kinahaharap ng bawat indibiduwal o grupo sa kapanahonan natin ngayon. Lipunan- tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Sociological Imagination- tumutukoy sa kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Panimulang Pagsubok 4 Larawan 1 Salita! Tukuyin mo ang isyung na sa apat na lawarang makikita sa ibaba. Pagkatapos ay sagutan ang tanong sa bilang ika-lima. 1. 34 _________________________________ 2. ________________________________ 3. ______________________________ 4. 35 ______________________________ 5. Ano ang ipinakita ng mga larawan? Mga Gawain sa Pagkatuto Magaling! Natapos mo ang unang gawain. Ngayon naman ihanda mo ang iyong sarili sa susunod pang mga gawain. Upang ikaw ay maging handa, Basahin mo ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay gawin mo ang mga pagsasanay na inihanda para sa iyo. Isyung Personal at Isyung Panlipunan Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal at isyung panlipunan? Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura. 36 Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na “isyung panlipunan”. Sa malalim na pagtingin, maaaring maging kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dito. Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan. Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Mga Pagsasanay Kamusta? Naunawaan mo na ba ang pagkakaiba ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan? Ang isyung personal na nakakaapekto sa isang tao at malapit sa kanya ay may kaugnayan sa isyung panlipunan na nakakaapekto sa buong kasapi ng komunidad. 37 Ngayon handa ka na bang subukin ang iyong natutunan? Sige simulan mo na. Pagsasanay 1. FACT or BLUFF! Tukuyin mo kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama o mali. Isulat ang Fact kung ito ay Tama at Bluff naman kung ito ay mali. ____1. Ang isyung personal ay nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. ____2. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay na maaaring masulosyunan ng isang tao. ____3. Ang kawalan ng trabaho at makalat na bakuran ay halimbawa ng isyung personal. ____4. Ang digmaan, pagbaha, at kriminalidad ay halimbawa ng isyung panlipunan. ____5. Ang isyung personal ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng isyung panlipunan. Pagsasanay 2. Personal o Panlipunan? Gamit ang Venn diagram ay ibigay mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan. Magbigay ka ng halimbawa nito na maaaring nararanasan sa inyong kumunidad o maging sa bansa. 38 Gamiting gabay ang pamantayan na iyong makikita sa ibaba. Pagsasanay 3. Pangatuwiranan mo! Basahin mo ang mga situwasyon sa unang kolum. Tukuyin alin ang Isyung personal at Isyung Panlipunan. Isulat ito sa ikalawang kolum kasama ang paliwanag mo ukol sa sanhi at epekto ng bawat situwasiyon ng hindi bababa sa tatlong pangungusap. Pagkatapos, punan ng tamang sagot ang kahon ng paglalahat. Situwasyon Paliwanag 1. Ayon sa istatistiks, labing limang milyong Pilipino ang walang trabaho. 39 2. Isang mag-aaral ang nahihirapang gumawa ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan. 3. Dahil sa biglang paglakas ng ulan, malaking bahagi ng komunidad ang bumaha. Paglalahat Kung gayon, masasabi ko na ang Isyung Panlipunan ay____ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ __ ________________________________________________ Magaling! Natapos mo na ang ang lahat ng ________________________________________________ pagsasanay. Ngayon ikaw ay handa na para ________________________________________________ gawin ang pangwakas na pagsubok upang ________________________________________________ ________ ang iyong nalalaman. Halina at masukat Simulan mo na! 40 Pangwakas na Pagsubok Tayo na at Magsulat! Mula sa natutunan mo sa ating ginawa, sumulat ka ng maikling sanaysay na hindi bababa sa limang pangungusap ukol sa sumusunod na tanong: 1. Paano mo masasabi na ang isang isyu ay isyung personal o panlipunan? Bakit mahalaga itong pag-aralan? Magbigay ng halimbawa. Pamantayan sa pagbibigay marka: Magaling! Nilalaman -4 Gramatika -2 Organisasyon ng ideya -3 Teknikalidad -2 Kabuuan -10 Binabati kita sa iyong kahusayan! Dahil matagumpay mong natapos ang pangwakas na pagsubok. Magpatuloy ka pa. Karagdagang Gawain Tukuyin Mo! Gamit ang isyung nakatala sa ibaba, tukuyin kung alin ang isyung personal at panlipunan. Ipaliwanag mo rin ang sanhi at epekto nito sa buhay ng tao. Isulat mo ang iyong sagot gamit ang talahanayan na makikita pagkatapos ng larawan. (Isang puntos bawat sagot). Ilan sa mga Isyu sa Lipunan 1. Pag-aaway ng magulang (Domestic Violence) 41 2. Pangaabuso sa Kababaihan/ Karahasan 3. Kalungkutan/ Pagiisa 4. Political Dynasty 5. Walang load/ Kakapusan sa pera 6. Pagbaha Talahanayan: Isyung Personal: SANHI 1. 2. 3. Isyung Panlipunan: 1. 2. 3. 42 EPEKTO ARALIN 5 Pamagat ng Kagamitan/ Panimula SA MGA ISYU NG LIPUNAN, MAY MAGAGAWA AKO Sa nakaraang aralin naunawaan mo na ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan maging ang ilan sa mga halimbawa nito. Ngayon naman ay sisikapin mong matutunan kung paano haharapin ang mga hamong panlipunan na sumusubok sa katatagan at kagalingan ng isang indibidwal at komunidad (Lipunan) sa aralin na ito. Sa pamamagitan ng huling bahagi ng modyul na ito rin ay matutulungan ka na masuri ang iba’t-ibang mga isyu at maunawaan ang kahalagan ng pagiging mulat sa pagtupad ng ating tungkulin at papel bilang isang mamamayang kabahagi sa pagtataguyod ng isang maayos, mapayapa at maunlad na bansa. Mga Layunin Sa huling bahagi ng modyul na ito inaasahan sayo na: 1. Natukoy ang tungkulin ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan ng bansa; 2. Nailahad ang kahalagahan ng pagiging mulat sa pagtugon sa mga isyung panlipunan ng bansa; 3. Nakapagpakita ng malikhaing presentasyon ng kahalagahan ng pagiging mulat at kabahagi ng bawat isa sa pagtugon ng mga isyung panlipunan ng bansa. Talahulugan Sa panimula ng aralin at paksang ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod na salita at mahahalagang konsepto: Isyung Panlipunan - Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong usapin na nakakaapekto hindi lamang sa iisang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. 43 Isyung Personal - ay nagaganap o nangyayari sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Kontemporaneong Isyu – ay mga ideya, opinion, paksa, kaganapan o pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Kultura – paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Ito ay nauuri sa dalawa: materyal at hindi materyal. Pananagutan – ito ay isang responsibilidad o tungkulin na kailangang gawin ng isang tao, grupo o institusyon. Panimulang Pagsubok Ngayon ay subukan mong sagutin ang paunang pagsasanay na ito upang mataya ang iyong kahandaan (readiness) at kaalaman sa mga mahalagang paksang tatalakayin sa araling ito: Ikaw ba ay mahilig sa musika ng OPM (Original Pilipino Music)? Pamilyar ka ba sa awiting pinamagatang Pananagutan? Basahin at suriing mabuti ang mensahe ng awit na ito. Maaaaring madalas mo na itong naririnig at napakikinggan sa radio at telebisyon o nakita sa You tube o maaaring narinig mo na itong inawit sa pagdaraos ng misa tuwing linggo. Pagkatapos mong basahin ang liriko ng awitin, gamit ang sagutang papel sagutan mo ang susunod na mga katanungan tungkol ditto ng hindi bababa sa 20 salita: PANANAGUTAN Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa 44 Tayong lahat ay tinipon ng Diyos Na kapiling Niya Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man Tayo’y nagdadala ng balita ng kaligtasan Mga Katanungan: 1. Ano ang mensahe/tema ng awit? 2. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga pananagutan mo sa iyong kapwa? 3. Bakit kailangan nating maisagawa ang ating mga pananagutan? Mga Gawain sa Pagkatuto Umuusbong ang ibat-ibang isyung panlipunan dahil sa magkakaibang paniniwala, pagpapahalaga, gawi, at opinyon ng mga bumubuo nito. Bilang ikaw ay bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, ikaw ay mayroong bahagi sa pagkakaroon ng mga isyu na nagbibigay ng mga suliranin at hamon sa ating lipunan. Ngunit iyong pakatatandaan na bilang isang responsableng mamamayan ikaw ay mayroon ding magagawa at bahaging dapat gampanan upang magbigay ng solusyon sa iba’t-ibang mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan ng ating komunidad. Kaya naman sa modyul na ito mayroong mga nakahandang gawain at pagsasanay para sayo na dapat mong maunawaan at maisagawa 45 upang maipakita mo ang kahalagahan ng pagiging mulat at bahagi sa mga isyung panlipunan ng ating bansa. Mga Pagsasanay Pagsasanay 1: ISYUNG PERSONAL o ISYUNG PANLIPUNAN? Makikita mo sa ibaba ang ilan sa mga iyung nararanasan ng isang indibiduwal at maging ng buong kasapi ng lipunan. Basahin mo ito at pagkatapos ay sagutan ang katanungang nasa ibaba ng hindi bababa sa 30 pangungusap. Isyung Personal Isyung panlipunan 1. kawalan ng disiplina 1.Kahirapan 2. Kulang sa tiyaga at 2. Korapsyon pagsisikap 3. paglaganap ng sakit 3. Paglabag sa kautusan ng pamahalaan at paaralan 4. Pagsisinungaling 4. Kakulangan sa pagkain 5. pagkasira ng kalikasan 6. kakukangan sa tulong 5. Kawalan ng tiwala sa sarili pinansyal para sa mga 6. Paggamit ng ipinagbabawal magbubukid at mangingisda na gamot 7. karahasan at labanan 8. polusyon 9. Sakuna Tanong: Sa mga hamon na nararanasan sa ating lipunan na iyong mabasa sa talahanayan, masasabi mo bang ikaw ay kabahagi sa pagkakaroon nito? Ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pag sugpo dito? Pagsasanay 2: 46 Magtala ka ng isang Isyung Panlipunan na sa tingin mo ay pangunahing suliranin sa inyong komunidad. Pagkatapos, ipapakita mo ang iyong bahagi sa pagkakaroon ng isyung napili at sa pagtugon dito. Sa pagsasagawa ng gawain, gamiting gabay ang porma na makikita sa ibaba. Isyung Panlipunan: Ano ang iyong bahagi/papel sa Ano ang iyong magiging bahagi at pagkakaroon ng ganitong isyu? magagawa bilang pagtugon sa isyung ito? 1. 1. 2. 2. 3 3. 4 4. 5 5. Maaring dagdagan ang bilang ng mga kasagutan kung ito ang iyong nais. Isyung Panlipunan: Pagsasanay 3 Gamit ang iyong Sociological imagination ipahayag at iparamdam ang iyong pagiging mulat sa reyalidad ng buhay at kaganapan sa iyong lipunan. Sa pamamagitan ng tatlong pangungusap isulat ang iyong sagot para sa mga sumusunod na katanungan: “Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man Tayo’y nagdadala ng balita ng Kaligtasan” 47 1. Base sa talata ng awiting ito, ano ang kahalagahan ng pagmamahalan at paglilingkod ng bawat isa sa atin bilang kabahagi ng lipunan? Ipaliwanag _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ano ang magiging pangkalahatang epekto ng pagtupad ng iyong mga pananagutan at tungkulin para sa iyong komunidad at lipunan? _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 3. Ano ang pinakamahalagang aral na iyong natutunan tungkol sa bagay na ito, na maaaring magpabago sa takbo ng buhay mo bilang isang mag-aaral na mulat sa mga isyung panlipunan ng inyong lugar at ng bansa? _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Pangwakas na Pagsubok Gumawa ng isang sanaysay, tula o awitin (isa lamang ang iyong piliin) na nagpapahayag at nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mulat at kabahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan na kinakaharap ng ating bansa. Isulat mo ang iyong sagot sa bond paper. Ikaw ay bibigyang marka batay sa pamantayang ito: 48 Pag-unawa 8 Nilalaman 8 Pagkamalikhain 8 Teknikalidad 6 Kabuuan Karagdagan g Gawain 30 Ipangalandakan Mo! Kumuha ka ng malaking papel, panulat, at iba pang kagamitang makatutulong sa gawaing ito. Pagkatapos ay gumawa ka ng isang slogan, o poster na maghihikayat sa bawat isa na maging kabahagi sa pagtugon sa mga isyu o hamong panlipunan sa ating bansa gaya ng NCOV-19. Ito ay bibigyang marka gamit ang sumusunod na pamantayan: Pag-unawa- 8 Nilalaman- 8 Pagkamalikhain- 8 Teknikalidad- 6 Kabuuan- 30 49 SUSI SA PAGWAWASTO Aralin 1 Panimulang Pagsubok A. Community Quarantine/quarantine- ginagawa sa isang komunidad o lugar upang maiwasan ang pagkalat ng virus o anumang nakahahawang sakit. Maaari ring sumailalim sa ganitong pamamaraan ang isang taong infected ng virus upang maiwasan na siya ang magkalat ng virus. B. Pagbaha dulot ng malakas na ulan o bagyo- kadalasan nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig kapag malakas ang ulan lalo na kapag hindi nalinis ang mga estero at kanal na nagdudulot ng pagkasira ng kabuhayan. C. Pandemya- isa sa kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng pandemya na tinatawag na Covid 19. Ang pandemya ay nagdudulot ng pagkamatay ng maraming tao. Sa ating kasaysayan, isa sa mga pandemya na naganap ay ang Spanish Flu na kumitil ng milyon milyong tao. D. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot- isa sa mga talamak na suliranin ng ating bansa ang maraming mga Pilipino na nalululong sa ipinagbabawal na gamot kaya naman nang panahon ng kampanya ay isa ito sa mga pinangako ng ating Pangulong Duterte na supilin sa loob lamang ng anim na buwan. E. Tambak na basura/labis na basura- hindi lamang problema ng ating bansa ang labis na basura. Ito ay pandaigdigang problema na kailangan ng agarang solusyon. Iba’t-ibang pamamaraan ang ginagawa ng pamahalaan maging ng mamamayan kung paano masugpo ang problema sa basura. Pagsasanay 1: IKAHON MO! Ang sagot sa gawaing ito ay nakabatay sa mga kasagutan ng mga taong kakapanayamin ng mag-aaral. 50 Pagsasanay 2: PROBLEMA BA? SOLUSYUNAN MO! DAHILAN SULIRANIN TUGON Pagkalat ng Virus Community Ginagawa ang community quarantine upang Quarantine maiwasan ang taong mahawa sa virus. Kung walang lalabas ng bahay, mas malaki ang posibilidad na hindi mahawa. Kung sakali man may mahalagang gawain at hindi maiwasan ang paglabas ay gumamit/magsuot ng surgical mask, sundin ang social distancing at pag uwi sa bahay ay maghugas ng kamay at huwag ipasok sa bahay ang mga kasuotang ginamit sa paglabas. Malakas na ulan/ Pagbaha baradong kanal Hindi na bago ang suliranin sa pagbaha. Tuwing uulan ng malakas ay nagaganap ang pagbaha. Ilan lamang sa mga solusyon dito ay ang hindi pagputol ng mga puno sa kabundukan na siyang sumisipsip ng tubig. Gayundin din ang paglilinis ng mga estero na siyang nakabara sa daluyan ng tubig. Kumakalat na virus Pandemya na nagdudulot ng Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nadidiskubreng gamot maging bakuna ng Covid- nakaha-hawang 19. subalit gumagawa ng pamamaraan ang sakit pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat/pagkahawa sa sakit sa pamamagitan ng community quarantine, mass testing, tracing, social distancing at marami pa. Iba-iba ang Paggamit ng Akala ng nakararami ay solusyon ang bawal na tinuturong dahilan ipinagbaba ng paggamit gamot sa mga mproblema. Hindi nila alam mas ng 51 ipinagbabawal na wal na nagdudulot ito ng mas maraming problema. War gamot. Ang iba ay gamut on drugs ang sina -sabi ng Pangulong Duterte na upang makibagay “in” sa barkada mga solusyon sa problemang ito. Subalit bigo pa rin para ang pamaha-laan sa laban nito sa droga lalo na makatakas sa at hindi nahuhuli ang mga sindikato sa likod ng problema magrebelde at pagbebenta ng bawal na gamot. mag eksperimento Kawalan disiplina ng Tambak na Bawat tahanan ay matutong mag segregate ng ang basura basura upang hindi mahirapan ang garbage tinuturong dahilan ng problema sa basura. collector sa kanilang trabaho. Hindi lamang segregation ang dapat na ginagawa kundi ang pag reduce, reuse, recycle Pagsasanay 3 1. Mahalagang pag-aralan at malaman ko ang mga kontemporaneong isyu n gating bansa dahil sa kasalukuyan upang ako ay maging mulat sa mga ito. Sa pagigimung mulat ko rin ay maaaring magampanan ko ang aking tungkulin sa pagtulong sa bansa upang mabigyan ng solusyon ang mga isyung ating kinahaharap. Natutukoy ang tiyak na detalye 1. Polusyon sa hangin 7. Korapsyon 2. Populasyon 8. Pribatisasyon 3. Malnutrisyon 9. Child Labor 4. Pandemya 10.Kalamidad 5. Globalisasyon 6. Terorista 52 ARALIN 2 Panimulang Pagsubok (Ang mga kasagutan ay nakabatay sa karanasan ng mga mag-aaral maaaring positibo o negatibo ang kasagutan). 1. Hindi ko po alam sa iba, pero ako ay personal na nakaranas ng epekto ng korapsyon ng sinamahan ko ang tatay ko ng mag renew ng drivers’ license sa LTO. May lumapit na empleyado at nagsabing siya ang mag-aasikaso para mapadali ang proseso at makukuha agad ng araw na yon para hindi na bumalik sa susunod na araw. Nagbayad kami ng malaki para hindi na gumastos sa pamasahe dahil sa malayong bayan pa kami nakatira. (Kapag negatibo ang sagot maaaring sabihin ng guro na nangyayari lamang ang katiwalian kung papayagan natin, walang korapsyon kung hindi kayo sumang-ayon na magbigay ng pera kapalit ng serbisyo, kahit pa malayo ang lugar kung natutuo tayong mag-antay walang katiwalian. 2. Pagbaha ang isa sa mga kaugnay na suliranin na epekto ng korapsyon. Kung hindi maayos na naipagawa ang kalsada at walang maayos na estero dahil sa tinipid ang materyales upang makalikom ng pera kaugnay ng pagpapagawa ng kalsada, magdudulot ito ng mas malaki at sanga sangang problema pagdating ng tag-ulan o kaya ay kapag may bagyong dumating sa lugar. 3. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang korapsyon sa: a. Sarili- maraming mga suliranin ang mag-sasanga sanga dulot ng korapsyon. Maaring mawalan ng tiwala sa pamahalaan na maaaring magdulot ng hindi pag suporta sa iba pang serbisyo ng pamahalaan. b. Kapwa- maaring ganun din ang mangyari katulad ng persepsyon ng indibidwal kapag nakaranas ng korapsyon. c. Pamilya- maraming pamilya ang mas lalong maghihirap, marami ang nawawalan ng trabaho na dulot ng korapsyon sa bansa. d. Bansa- maaaring mabaon sa utang ang bansa sa iba’t ibang institusyong nagpapautang lalo na kapag hindi nagagawang maipatupad ang iba’t ibang proyekto dahil sa inuna ang personal na interes kaysa sa bayan. 53 Pagsasanay 1: Piliin mo 1. A 2. C 3. A 4. D 5. A Pagsasanay 2: SINO ANG NAGKULANG? • Anga kasagutan ay batay sa kung ano ang tinukoy na isyung panlipunan katulad ng ipinakitang halimbawa. Pagsasanay 3: Ako ay Kabahagi (Halimbawa ng maaaring Kasagutan) *Covid 19 Health Crisis -Ang aking bahagi sa pagkakaroon ng ganitong suliranin ay mas lalala ang krisis na ito kung hindi ako susunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan. Pag ako ay labas ng labas ng bahay ako ang magdadala ng virus at marami ang mahahawa at mamamatay. -Ang aking bahagi sa pagtugon sa isyung panlipunan ay bilang mag-aaral ay iiwasan ko ang lumabas ng bahay kaya kahit nakakabagot na walang ginagawa sa bahay ay susunod muna ako. Sa ganitong paraan marami ang maliligtas na buhay. Pangwakas na Pagsubok 1. Lipunan 4. Institusyon 7. Ekonomiya 2. Social Group 5. Pamilya 8. Gampanin (Roles) 3. Status 6. Paaralan 9. Primary Group 10.Achieved Status 54 ARALIN 3 Panimulang Pagsubok 1. 2. 3. 4. 5. Materyal Beliefs Values Norms Simbolo Pagsasanay 1. FACT or BLUFF! 1. 2. 3. 4. 5. Tama Norms Tama Mores Tama Pagsasanay 2. BUUIN MO! MATERYAL NA KULTURA HINDI-MATERYAL NA KULTURA 1. KASUOTAN 2. KASANGKAPAN 3. TAHANAN 4. PAGKAIN 5. AKLAT 6. SINING PANINIWALA 1. RELIHIYON 1. RELEHIYON 2. WIKA 3. GAWI 4. BATAS 5 KAUGALIAN 6. EDUKASYON PAGPAPAHALAGA 2. KAUGALIAN NORMS 3. BATAS SIMBOLO 4. WIKA 5. GAWI Pagsasanay 3. Pangatuwiranan mo! Ang kultura ay tumutukoy sa sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng dalawang uri. Una ay ang Materyal na Kultura na kadalasang nakikita at nahahawakan ng tao gaya ng aklat, gusali, kasuotan at iba pa. Pangalawa ay ang Hindi Materyal na Kultura na kalimitan ay nararanasan at nararamdaman ng tao gaya halimbawa ng edukasyon, relihiyon, pagdiriwang ng kapistahan at iba pa. Ito ay 55 may apat na elemento ang pagpapahalaga/values, paniniwala/beliefs, norms, at simbolo. Mahalagang ito ay pag-aralan dahil ito ay bahagi ng ating buhay na may malaking parte sa kung ano ang nararapat gawin sa ating lipunan. Sa pag-aaral nito, mas mauunawaan natin ang pagkakaroon ng isyung panlipunan, at mas magiging madali para sa atin kung paano makakahanap ng solusyon sa mga hamong ito. Pangwakas na Pagsubok! 1. Kultura 2. Beliefs 3. Values 4. Norms 5. Simbolo 6. Mores 7. Aklat 8. Kasuotan 9. Batas 10. Paniniwala 56 ARALIN 4 Panimulang Pagsubok 1. Kahirapan 2. Domestic Violence 3. Kawalan ng Trabaho 4. Polusyon 5. Isyung panlipunan Pagsasanay 1. FACT or BLUFF! 1. Fact 2. Bluff 3. Fact 4. Fact 5. Fact Pagsasanay 2. Personal o Panlipunan? Ito ay hamon sa buhay na nararanasan ng isang indibiduwal o ng iilang tao. Kadalasan ang pagbigay ng solusyon nito ay sa pribadong pamamaraan. Halimbawa nito ay depression, kawalan ng trabaho, domestic violence at iba pa. Pareho sila tumutukoy sa mga problemang kinahaharap o nararasanan ng bawat miyembro ng lipunan. Sila ay magkaugnay sa kadahilanan na ang isang isyung personal ay maaaring lumawak at maging isang isyung panlipunan, at ang isang indibiduwal ay may magagawa upang masolosyunan ang mga isyung nararanasan. 57 Ito ay mga suliranin na nakakaapekto sa lipunan bilang kabuuan. Kinakailangan ng pagkakaisa ng bawat miyembro ng lipunan upang ito ay masolusyonan. Halimbawa nito ay epedemya, digmaan, pagkasira nang kalikasan, at iba pa. Pagsasany 3. Pangatuwiranan mo! Situwasyon 1. Ayon sa istatistiks, labing limang milyong Pilipino ang walang trabaho. 2. Isang mag-aaral ang nahihirapang gumawa ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan. 3. Dahil sa biglang paglakas ng ulan, malaking bahagi ng komunidad ang bumaha. Paliwanag Ito ay isang uri ng Isyung Panlipunan dahil higit sa isa ang nakakaranas ng kawalan ng trabaho. At ang kawalan ng trabaho ay sumasalamin sa mahinang ekonomiya ng bansa. Kung saan ang nakakarami ay apektado nito. Maaaring nakakaranas ang ating bansa nito dahil sa kakulangan ng pondo sa gobyerno. Maaari rin ang mga walang trabaho ng bansa ay yung mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral o hindi kaya ay piniling maging tambay. Kung ito ay magpapatuloy, hihina ang ekonomiya ng bansa at marami ang makakaranas ng kahirapan. Ito ay isang uri ng Isyung Personal dahil iisa lamang ang nakakaranas ng suliranin na maaaring masolusyonan ng mismong taong nakakaranas nito. Sa tingin ko ang dahilan kung bakit siya nahihirapan gumawa ng takdang-aralin ay dahil sa kawalan ng sapat na kita ng kanilang pamilya, limitado ang mga kagamitan at paraan niya upang magawa ang takdang gawain. Maaari ring pag-uwi niya, imbes na gumawa siya ng takdang aralin ay kailangan niyang tumulong sa paghanapbuhay. Kung ito ay magpatuloy, maaari siyang makatanggap ng mababa marka sa asignaturang nabanggit. Ito ay Isyung Panlipunan dahil ang pinagmulan ng baha ay ang mga baradong kanal, at pagkaubos ng mga punong kahoy na kagagawan ng tao. Ang buong lipunan din ay apektado ng pagbaha na makasisira ng tirahan, hanap-buhay, at maaraing kumitil ng buhay ng tao. Kaya ang pagkakaisa ng lahat ng institusyon ng lipunan ay kinakailangan. Paglalahat Kung gayon, masasabi ko na ang Isyung Panlipunan ay mga hamon o problemang kinahaharap ng lahat ng tao na kabahagi sa lipunan. Ito ay maaaring resulta ng paglala ng isang isyung personal na kadalasan ay nararananasan at nakakaapekto lamang sa isang tao ngunit kung hindi agarang mabigyan ng solusyon, ito ay lalawak at ang buong bahagi ng lipunan ay maaaring maapektuhan na siyang magiging isyung panlipunan. Sa kadahilanan na ito ay nakakapekto sa lahat ng uri ng institusyon ng lipunanan, ang lahat ng mamamayan ay kinakailangang magtulungan upang ito ay masolusyonan. 58 Tayo na at Magsulat! Sagot: Masasabi ko na ang isyu ay personal kung ito ay nararanasan ng isang tao at ng malapit sa kanya. Ito rin ay mabibigyang solusyon ng taong nakakaranas nito. Samantala ang isyung panlipunan ay mga hamon kung saan ang lahat ng kasapi ng lipunan ay apektado. Ito rin ay nangangailangan ng malawakang pagbibigay ng solusyon na kinakailangan ng pagkakaisa ng bawat institusyon ng lipunan. Mahalagang pag-aralan ito dahil kabahagi tayo sa mga isyung mayroon ang ating komunidad maging ng bansa. Mainam rin na alam natin ito dahil bilang mamamayan ng bansa, may tungkulin tayong makibahagi sa pagtukoy. pagtalakay, at pagsugpo sa mga hamon na ating hinaharap. Mas magiging mulat ako sa nangyayari sa ating bansa kung ito ay aking pag-aaralan. Tukuyin Mo! Isyung Personal: 1. Pag-aaway ng SANHI Hindi EPEKTO pagkakaunawaan, Magulong pamilya, ang mga magulang selos, pangangaliwa, bisyo, anak ay maaaring ma trauma (Domestic o hindi kaya ay kahirapan. o gayahin ang ginagawa ng Violence) magulang, at maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng magulang at pag-aaral ng mga bata. 2. Kalungkutan/ Pagiisa 3. Walang load/ Kakapusan sa Kawalan ng suporta ng Maaari siyang makaranas ng pamilya at kaibigan. depresyon at magpakamatay. Kawalan ng hanap buhay Hindi niya makakausap ang kayat walang sapat na pera. pera taong kinakailangan niyang makontak. Isyung Panlipunan: 59 1. Pagbaha Baradong daluyan ng tubig Masisira ang tirahan, hanap sanhi ng mga basura, at buhay, at maaari rin itong pagputol ng puno. 2. Pangaabuso sa Mababang kumitil ng buhay. pagtingin ng Pagluluksa ng pamilya at Kababaihan/ kalalakihan sa mga babae. paghihiganti sa gumawa ng Karahasan Maaari ring ang gumagawa karahasan na magdudulot ng nito ay nasa ilalim ng panibagong suliranin. Ito rin impluwensiya ng alak at iba ay magdudulot ng takot para pang uri ng droga. 3. Political Dynasty Ang mga sa kababihan. politikong Ang pamumuno gumagawa nito ay mayroong magiging na pera, magiging kapangyarihan, at nagiging sapat impluwensya buong pamilya sa balance. “one hindi Ito ay sided” na dahilan ng upang pangungurakot, at iba pang uri ipagpatuloy ang pamumuno ng ng ay miyembro isang maging sa bansa. pang-aabuso ng kapangyarihan na kadalasan lugar, nagdudulot ng takot sa tao kaya patuloy ang ganitong uri ng gawain. 60 sa ARALIN 5 Panimulang Pagsubok 1. Lahat ng nilalang ng Poong Maykapal ay mayroong mahalagang papel at pananagutan na dapat gampanan sapagkat higit nating kailangan ang bawat is. 2. Mahalin at igalang ang karapatan ng kapwa tao Pangalagaan ang lahat ng may buhay pati ang mga bagay na kaloob ng Diyos. Sundin at gawin ang mga bagay na tama at karapat dapat. Tumulong sa paglinis at pangangalaga n gating kapaligiran. Sumunos sa mga patakaran o pinag uutos ng pamahalaan. 3. Upang tayo ay maging mas responsible, disiplinado at magkaroon ng tamang kamalayan nang tayo ay makatulong sa pag-unlad ng bansa at makatugon sa mga suliranin ng lipunan. Pagsasanay 1 Sagot: Opo! Dahil ako ay parte ng lipunan na aking ginagalawan kung saan ako ay may nagagawang hindi mainam na maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng isyung panlipunan. Sa kadahilan na ito, ako rin ay mayroong magagawa upang masolusyunan ang mga isyung nararanasan sa ating lipunana. Gaya halimbawa ng sa korapsyon, upang maiwasan ito gagamitin ko ng wasto ang aking karapatang bomoto upang mailoklok ang nararapat na lider ng atin bansa. Sa polusyon naman, maaari akong tumulong sa paglinis, pagtanim, at paggawa ng iba pang paraan upang mabawasan ang plousyon sa aming lipunan ng sag anon hindi masira ang ating kalikasan. Pagsasanay 2 1. Kawalan ng didplina Tumulong sa pagprotekta sa ating inang kalikasan 2. Pagtapon ng mga basura at plastic sa Dagat Panatilihing malinis ang ating paligid upang magkaroon ng masigla at malusog na pamayanan 3. Pagsusunog ng mga basura Ilagay ang mga basura sa tamang lalagyan, iwasang magsunog dahil naapektuhan nito ang ating ozone layer 4. Pagputol ng mga punongkahoy Magtanim ng maraming puno 61 5. Pagtapon ng mga kemikal na basura Magkaroon ng tamang pagtapon ng basura Pagsasanay 3 A. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa tao ay nagbubunga ng higit na pagkakaunawaan at pagkakaisa na magiging daan upang tayong lahat ay mamuhay ng maayos at mapayapa. B. Kung ang bawat tao ay maging mapanagutan sa pagsasagawa ng kani kanilang mga tungkulin itoy ay magdudulot ng kabutihan, kapayapaan para sa lahat, at kaunlaran sa buong bansa. C. Ang pagiging responsable at mapanagutan ng isang tao sa lahat ng bagay ang siyan nagtuturo sa kanya na maging mag mabuting tao, makabayan, makakalikasan at maka Diyos. 62 PINAGKUNAN NG MGA LARAWAN AT TEKSTO Aralin 1 • • https://www.rappler.com/thought-leaders/255685-analysis-fighting-covid-19how-philippines-will-heal-as-one https://www.abc.net.au/news/2020-05-16/typhoon-vongfong-hits-philippinesamid-coronavirus/12255608 • https://www.cnn.ph/news/2020/3/18/Live-updates-coronavirus-COVID-19Philippines.html • https://www.theguardian.com/society/2012/jun/26/global-drug-users-rise-un • http://tnt.abante.com.ph/problema-sa-basura-personal-para-kay-isko-moreno2/ • AP 10 OPHS Module. Pahina 6 Aralin 2 • https://www.philstar.com/pilipino-star ngayon/bansa/2019/01/30/1889426/korapsyon-sa-pilipinas-nabawasanwatchdog • AP10 Learners Material; Pahina 13-19. Aralin 3 • AP10 Learners Material; Pahina 22-25. Aralin 4 • AP 10 Learners Material; Pahina 27-30. Aralin 5 • AP10 Learners Material; pahina 25-33. 63 For inquiries or comments, please contact: 64