Uploaded by Angel Yabut

Semi - Detailed Lesson Plan in Filipino (Module 3)

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Dingras District II
DINGRAS WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
SEMI – DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO V
Week 5
I.
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan sa mga mag – aaral na:
a. maibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata, at pinanood na
dokumentaryo/pelikula
b. makapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan
c. mailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula at nabasang teksto
II.
PAKSANG ARALIN
a. Paksa
: Pagbibigay ng Paksa, Layunin o Angkop na Pamagat sa Napakinggang
Kuwento, Usapan o Talata at sa Napanood na Dokumentaryo
b. Sanggunian : Filipino 5: Ikalawang Markahan – Modyul 3
c. Kagamitan
: Modyul, Powerpoint Presentation, Projector/LED TV
d. MELC
: Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata, at
pinanood na dokumentaryo (F5PN-Ic-g-7)
III.
PAMAMARAAN
a. Pangunahing Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati / Pagkuha ng Attendance
3. Pagbabalik – aral
Magsasaliksik ang mga mag – aaral tungkol sa mungkahing pamantayan sa screentime para
sa mga bata gamit ang angkop na sanggunian sa pagsasaliksik.
b. Pagganyak
Itanong ang mga sumusunod na katanungan:
1. Paano mo pinahahalagahan ang ating kalikasan?
2. Kapag may nakita kang tao na hindi tama ang ginagawa, ano ang gagawin mo?
c. Bago ang Pagbasa
Ibigay ang kaukulang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng dayalogo.
d. Pagbabasa
Basahin ang usapan nina David at Jhaziel na ipakikita sa pamamagitan ng Powerpoint
Presentation.
e. Pagkatapos ng Pagbasa
Magtanong ng mga bagay tungkol sa usapang binasa pagkatapos ay sasagutin ng mga mag –
aaral ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang paksa ng binasang usapan?
2. Sino ang dalawang nag-uusap? Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang kilos at
pahayag.
3. Bakit hindi tamang magsunog ng mga basura lalong lalo na ang mga plastik?
4. Sang-ayon ka ba kay David? Kung gayon, ano ang iyong mungkahi para
mapangalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan?
5. Ano ang layunin ng awtor sa pagsulat ng usapan na iyong binasa?
f. Paglalahad
a. Susubukin ang kaalaman ng mga mag – aaral tungkol sa pagbibigay ng angkop na pamagat,
paksa, at layunin ng isang teksto o dokumentaryo sa pamamagitan ng mga halimbawa na
kanilang sasagutin.
b. Itanong sa mga mag – aaral ang sumusunod.
1. Ano – ano ang mga gabay sa pagtukoy ng paksa, layunin, at pamagat ng napakinggan,
nabasa, o napanood na akda o dokumentaryo?
g. Paglalagom/Paglalahat
1. Bakit mahalaga ang kasanayang pagbibigay ng paksa, layunin, at pamagat ng
napakinggan, nabasa, o napanood na akda o dokumentaryo?
2. Paano maibibigay ng mahusay ang pamagat, paksa, at layunin ng isang akda o
dokumentaryo?
h. PAGTATAYA
Sukatin ang natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsasagawa sa pagsubok.
A. Panuto: Panoorin ang dokumentaryong “Sagip Pagkain”. Pagkatapos, punan ang grapiko sa
ibaba ng tamang sagot batay sa iyong napanood.
B. Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.
1. Anong uri ng seleksyon ang binasa
mo?
2. Sino ang Ama ng Wikang
Pambansa?
3. Bakit siya tinawag na Ama ng
Wikang Pambansa?
4. Bakit kaya niya sinabing ang
magagawa ngayon ay hindi na
dapat ipagpabukas pa?
5. Ano ang nararapat na pamagat ng
teksto?
i. TAKDANG ARALIN
Kung ikaw may access sa internet, manood sa youtube ng kahit na anong dokumentaryo tungkol
sa edukasyon. Itatype mo lang sa search bar ng youtube ang Investigative Documentaries tungkol
sa edukasyon. Pagkatapos manood, sagutan ang mga tanong sa ibaba at isulat ito sa kuwaderno.
1. Ano ang pamagat ng pinanood na dokumentaryo?
2. Ano ang paksa nito?
3. Sino ang may-akda ng dokumentaryo?
4. Ano ang layunin ng dokumentaryo?
5. Anong aral ang mapupulot natin sa pinanood na dokumentaryo?
Prepared by:
ANGEL G. YABUT
Teacher I
Checked by:
CATHERINE I. ROMUALDO
Master Teacher 1
Approved:
FRANCIS M. JOSE
School Principal I
Download