Uploaded by John Kevin Azares

FIL8-Q1- WEEK 4 FOR TEACHER - Copy

advertisement
8
Filipino 8
Unang Markahan – Modyul 4:
BIDASARI
Sub-Aralin: Pagkakaugnay ng mga Pangyayari, Layunin,
Sanhi at Bunga ng Akdang Napakinggan.
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: BIDASARI
Sub-Aralin: Pagkakaugnay ng mga Pangyayari, Layunin,
Sanhi at Bunga ng Akdang Napakinggan.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Christine V. Quilario
Editor: Clinton T. Dayot , Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa,
Shem Don C. Fabila, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C.
Fabila, Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Jennie S. Jarabe, Marissa B. Cadorna,
Analiza F. Kadusale, Maria Dina B. Jalisan, Jershon T. Montaǹo, Rustom R. Nonato
Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil, Ayvis A. Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V
Renante A. Juanillo
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D.
Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D
Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE
Elmar L. Cabrera
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address:
Tel #:
E-mail Address:
Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
(035) 225 2376 / 541 1117
negros.oriental@deped.gov.ph
8
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
BIDASARI
Sub-Aralin: Pagkakaugnay ng mga
Pangyayari, Layunin, Sanhi at Bunga ng
Akdang Napakinggan.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang
FILIPINO 8
ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling
BIDASARI: PAGKAKAUGNAY NG MGA
PANGYAYARI, LAYUNIN, SANHI AT BUNGA SA AKDANG NAPAKINGGAN
!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y
naglalaman
ng
mga
paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa
FILIPINO 8
ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa BIDASARI: PAGKAKAUGNAY NG MGA PANGYAYARI, LAYUNIN,
SANHI AT BUNGA SA AKDANG!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito
ay
naglalaman
ng
gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay
na
mga
kompetensi.
Kaya
mo
ito!
v
ALAMIN
BIDASARI
(Epiko ng Malay)
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang:
- layunin ng napakinggan
- maipaliwanag ang pagkaka-ugnay-ugnay ng mga pangyayari ,
- mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F8PN-Ig-h-22
2. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan
ng:
- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa F8PB-Ig-h-24
PANIMULA
Magandang araw! Kumusta? Magaling! Alam kong marami ka ng
natutuhang aralin.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng epikong pinamagatang Bidasari.
Isang kuwentong may kinalaman sa pagkawala ng isang magandang sanggol
sa tabi ng ilog. Kaugnay rito, matitimbang-timbang ninyo ang mga sanhi at
bunga ng mga pangyayari batay sa kilos, gawi, at pananalita ng mga tauhan sa
akda.
Kaya tara! Ating lakbayin ang kagandahan ng epikong Bidasari.
1
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nasusuri at nauunawaan ang nilalaman at layunin ng epikong binasa
at naiuugnay ito sa dating kaalaman.
2. Nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga
batay sa mga pangyayari sa akda.
Nakasusulat ng isang sanaysay batay sa lumulutang na paksa ng
epikong binasa at naihahambing ang katangian ng mga tauhan.
3. Napagtitimbang-timbang ang tama at mali sa mga kilos, gawi, at
pananalita ng mga tauhan.
SUBUKIN
PANIMULANG
PAGTATAYA
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang epikong Bidasari ay orihinal na nasusulat sa _____?
A. Tagalog
B. Malay
C. Bisaya
D. Ingles
2. Ito ang Ibong nanalot sa kaharian ng Kembayat.
A. Baboy-aso B. Ibong Garuda
C. Ahas
D. Higante
3. Siya ang mangangalakal na nakakuha kay Bidasari sa tabing-ilog.
A. Jahara
B. Diyuhara
C. Maria
D. Flora
4. Sino ang babaeng nagkaroon ng matinding pagka-inggit kay Bidasari?
Lila Sari
B. Diyuhara
C. Indarapatra
D. Sara
2
5. Ito ang bagay na nagdadala sa buhay ni Bidasari.
A. Singsing
B. Gintong Kwentas C. Espada D. Isdang Ginto
6. Bakit ipinahanap ni Lila Sari ang pinakamagandang babae sa kanilang lugar?
A. Dahil sa selos B. Dahil sa inggit C. Di pagtitiwala D. kasamaan
7. Ano ang ginawa ni Lila Sari kay Bidasari?
A. Ginawang dama
C. Pina-upo sa trono
B. Inalipin at sinaktan
D. Pinaampon
8. Sino ang napakasal kay Bidasari?
A. Sultan Kudarat B. Sultan Mogindra
C. Dato Puti
D. Juan
9. Ano ang nangyayari kapag isinuot ni Lila Sari ang gintong isda?
A. Gumaganda siya
C. Napapaibig niya ang sultan
B. Namamatay si Bidasari
D. Humahaba ang kanyang buhok
10. Bakit nalaman ni Sinapati na mayroon syang kapatid?
A. Sinabi ng kaniyang ina
C. Napanaginipan niya
B. Nakita niya ito sa Indrapura
D. nakausap niya
11. Bakit nawalay ang anak ng Sultana ng Kembayat sa kanila?
A. Dahil pinaampon niya ito
C. Pangit ito
B. Dahil sa takot na makuha ng ibong salot D. Sa pagtakas
12. Ilang taon ng kasal sina Lila Sari at Sultan Mogindra?
A. Isa
B. Dalawa
C. Tatlo
D. Apat
13. Ano ang dahilan kung bakit natakot si Lila Sari sa sinabi ng kaniyang asawa?
A. Baka palitan siya nito
C. Dahil papatayin siya
B. Hihiwalayan siya
D. Dahil mag-aasawa ito ulit
14. Ito ay isang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng tao, at supernatural
na kapangyarihan.
A. Alamat
B. Epiko
C. Tula
D. Maikling kwento
15. Bakit nalaman ng Sultan ang nangyari kay Bidasari?
A. Sinabi ng kaniyang asawa
C. Nagmanman siya sa gubat
B. Pinagtapat ito ni Bidasari
D. Nagpahula siya
3
Magaling!
Nasubukan
mong
gawin ang Panimulang Pagtataya.
Ngayon ay magsisimula na tayo sa ating
paggalugad ng bagong kaalaman…
Maghanda ng Diksyunaryo na
makatutulong sa pagsagot sa gawain sa
ibaba.
TUKLASIN
GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
A. Tingnan ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan hinggil sa
larawan. (5 puntos bawat sagot)
https://dlpng.com/png/6979363
https://www.wolfandheron.com/blog/2018/10/23/stopstressing-about-your-lack-of-confidence
Mga tanong:
1. Ilarawan ang mga babae sa larawan.
2. Bakit kaya ganoon ang reaksyon ng babaeng nasa ikalawang larawan?
4
A. Unawain ang bawat pangungusap. Hanapin sa Hanay
kasingkahulugan ng mga salitang nakakilig na nasa Hanay A.
Hanay A
B
ang
Hanay B
1. Naging salot ang ibon
2. Tulad ng peylon na hindi
maabot.
3. Kaniyang mukhang kasing
ganda ng jasmine.
4. Gagawing dama sa kaharian
5. Hinuli siya ng mga batyaw.
6. Ang sultan ay nakasapit sa
palasyo.
7. Nakaburol sa yungib ang babae
8. Kasing-ganda ng nimpa ang
kaniyang mukha
9. Ang agila ay namuksa sa bayan
10. Hindi naglaon ay nabunyag ang
sekreto.
A.
B.
C.
D.
E.
F.
G.
H.
I.
J.
K.
namulabog
peste
tore
sampaguita
kawal
mataas na uri ng babae
tagal
nakarating
nakalagay ang isang patay
diwata
yungib
SURIIN
PAGSUSURI
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat lamang sa iyong kwaderno ang
nabuong sagot. (2 puntos bawat tamang sagot)
1. Ano ang kahalagan ng gawain B para sa pag-unawa sa akda?
2. Ano-ano ba ang dapat taglayin ng isang babae?
3. May itinatagong lihim kaya ang mga babaeng nasa larawan sa
gawain A?
4. Sa iyong palagay, nakaaapekto ba sa ugali ang pisikal na kaanyuhan
ng isang babae? Ipaliwanag.
5
PAGYAMANIN
PAGLALAHAD
Bidasari
(Epiko ng Malay)
Ang Bidasari ay maromansang epiko ng mga Malay. Ito ay tungkol sa
matandang paniniwalang ang buhay ay napatatagal kung ang kaluluwa ng isang
tao ay ipaloloob o paiingatan sa isang hayop, isda, punong-kahoy, o bato. Ang
Bidasari ay laganap sa pook ng mga Muslim subalit ito ay hindi kathang Muslim
kundi hiram lamang dahil ang orihinal na katha nito ay nasusulat sa Malay.
Itinuturing itong kawili-wiling tula sa buong panitikang Malay.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagkawalay ng anak ng Sultana ng Kembayat?
2. Ano-ano ang mga katangian ni Bidasari?
3. Sino ang nakapulot sa sanggol?
4. Bakit nagawa ni Lila Sari na saktan si Bidasari?
5. Paano itinuring ni Diyuhara na anak si Bidasari?
Sa iyong palagay, matatagpuan kaya ni Bidasari ang kaniyang tunay na
magulang?
Buod:
Awit I.
Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay
nagdadalangtao at siya’y maligaya. Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay
lumusob sa kanyang kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay
napilitang umalis at nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama
ang Sultana at ang Sultan at sa kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang
Sultana sa tabi ng ilog. Sa malaking takot sa Ibong Garuda, iniwan nila ang sanggol
sa isang bangkang nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago.
Bagama’t halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.
6
Awit II.
Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura
na si Diyuhara ay namamasyal sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa,
nakarinig siya ng iyak ng isang sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing
pagkaganda-ganda, dinala nila agad ito sa bahay at binigyan ng apat na tagapagalaga at higaang may kalupkop ng tunay na ginto. Bidasari ang kanilang ibinigay na
pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda.
Basahin ang isang awit na hango sa Bidasari:
Pakinggan ang isang awit ko para sa isang hari.
Na nagkaanak ng isang babae, tulad ng isang bulaklak,
Higit ang ganda sa isang istatwang ginto.
Kamukha siya ni Mindondari at pinangalanang Bidasari.
Habang ang magandang Bidasari ay lumalaki,
ang maganda niyang mukha’y lalong gumaganda.
Ang kanyang malasutlang kutis ay maputi at
madilaw at siya ang pinakamaganda.
Ang kanyang hikaw at pulseras ay nagbigay
sa kanya ng pambihirang yamang nakatago sa isang salamin.
Walang katulad ang kanyang ganda, at ang
kanyang mukha’y tulad ng isang nimpang makalangit.
Ang kanyang damit ay lubhang marami, kasindami
ng prinsesa ng Java. Walang pangalawang Bidasari
sa ibabaw ng lupa.
Prinsesa siyang higit na maputi kaysa araw,
Tulad ng anghel kaysa sa isang makasalanan,
Walang babaing nasa lupa ang makatutulad niya.
Ang buhok niya’y kulot, tulad ng bukang bulaklak,
Ang kilay niya’y tulad ng buwang isang araw ang gulang,
Siya ay anaki isang singsing na gawa sa Peylon.
Wika ng mga lalaki: ang mga mata ni Bidasari ay malamlam.
Matamis ang ngiti, ang kutis ay tila luntiang Tjempaka
at ang magandang anyo’y tulad ng isang ginawang mahal na estatwa.
Ang mga pisngi niya’y tulad ng mga tuka ng isang ibon.
Nais naming malasin ang kanyang leeg. Ang ilong niya’y
tulad ng bukong Jasmine. Ang maganda niyang mukha
ay tulad ng pula ng itlog. Ang diwa niya’y kasimputi ng kristal.
Ang buhok niya’y nakalugay.
Ang kanyang labi’y tulad ng isang kininis na kahon.
Ang suot niyang bulaklak ay nagpapaaliwalas sa kanyang anyo.
Ah, ang puso niya’y tulad ng kanyang mukha…
Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari
ngunit natatakot ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay mahal
na mahal at hindi nya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot si Lila
Sari na ang kanyang asawa ay makakita ng isang higit na maganda kaysa sa kanya
7
at siya ay iwanan. ‘’Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin,
malimutan mo kaya ako?’’ At pabirong isinagot ng Sultan, “kung may lalong
maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!’’ Kaya,
kinabukasan, ang Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang
alamin kung may makikitang higit na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga
batyaw si Bidasari.
Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa
palasyo at ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan nito
sa tuwing aalis ang Sultan at doon ay pinapalo, sinasampal at minumura hanggang
sa hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari, “kung ibig ninyo akong mamatay,
kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito’y kwintasin
ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa tubig, sa gayo’y hindi maglalaon at ako ay
mamamatay.’’ Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at pinahintulutang makabalik si
Bidasari sa kanyang mga magulang.
Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa araw, kapag ikinukwintas ng Sultana
ang isda, si Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at sa gabi lamang nabubuhay
siyang muli. Sa takot ni Diyuhara na baka tuluyang patayin ng Sultana si Bidasari,
nagpatayo siya ng isang magandang palasyo sa isang gubat na malayo sa
Indrapura at doon itinirang mag-isa si Bidasari. Laging sarado ang palasyo.
Awit III.
Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay.
Nguni’t isang araw, nang walang maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong
mangaso sa gubat. Sa paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa palasyo ni
Bidasari. Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok
ito. Natagpuan niyang walang katau-tao. Pinasok nya ang lahat ng silid at sa wakas
ay nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni Bidasari. Nagtaka siya. Ngunit hindi
niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya’t naghintay hanggang
sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan ng Sultan ang
kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit ang Sultan.
Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi niya
samantalang si Lila Sari ay natirang nag-iisa sa kanyang palasyo.
Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari.
Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa
palang tunay na prinsesa.
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-bidasari-epikongmindanao_606.html/page/0/1
8
Mga Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang mga sagot sa kwaderno.
A. Ilahad ang mga epektong naidulot sa mga sitwasyon na nasa loob ng kahon
batay sa akdang nabasa. (5 puntos bawat tamang sagot)
Epekto
Epekto
Epekto
Epekto
Epekto
Epekto
Pagseselos ni
Lila Sari
Pagiging
mabuti ni
Bidasari
https://www.nationalgeographic.org/media/cause-and-effect-diagram/
B. Paghambingin ang mga katangian ng mga tauhan gamit ang venn diagram sa
ibaba. Isulat sa kwaderno ang sagot (5 puntos bawat bilang)
1. Lila Sari
Pagkakaiba
Bidasari
Pagkakatulad
9
Pagkakaiba
ISAISIP
Mamuhay tayo ng masaya at mapayapa.
Iwasan natin ang mga negatibong bagay na
maaaring makasira sa ating buhay. Huwag
nating ikompara ang ating mga sarili sa iba.
Matuto tayong makontento. Magpasalamat at
manalig sa Diyos.
ISAGAWA
PAGLALAPAT
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng mga katangian, kilos, gawi na dapat
taglayin ng isang babae/lalaki upang maging huwaran sa lipunan.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan
Nilalaman
Organisasyon
ng mga ideya
Napakahusay
5-4
Mahusay at
makabuluhan ang
lahat ng mga
impormasyon hinggil
sa paksa.
Lohikal na
pagkakasunod-sunod
sa paglalahad ng mga
impormasyon.
Mahusay
3-2
Makabuluhan ang
iilang mga
impormasyon.
Pahusayin pa
2-1
Walang kabuluhan
ang mga
impormasyon.
Maayos-ayos ang
paglalahad ng mga
impormasyon.
Ang mga
impormasyon ay
walang kaisahan.
10
Gramatika
Napakahusay ang
pagkakasulat na may
tamang baybay,
bantas at istrukturang
gramatika.
Mahusay ang
pagkakasulat ngunit
may iilang mali sa
istrukturang
gramatika.
Hindi tama ang
pagkakagamit ng
mga salita, bantas
at iba pang
istrukturang panggramatika.
KARAGDAGANG
GAWAIN
PAGPAPAYAMAN
A. Panuto: Magtala ng mga katangian ng tauhan sa akda. Uriin kung ito ba ay positibo
o negatibo. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba.
Positibo
Negatibo
1.
2.
3.
4.
5.
B. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Alin sa mga tauhan ang may kaaya-ayang katangian? Ipaliwanag.
Sagot:
2. Magbigay ng mga pangyayari sa akda na nangyayari rin sa tunay na buhay.
Ilahad.
3. Kung ikaw si Lila Sari, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawang mali kay
Bidasari para lamang sa iyong sariling kapakanan?
Sagot:
11
REFLEKSIYON
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat tamang
sagot)
1. Sa iyong palagay, nararapat ba tayong gumawa nang masama para sa ating
sariling kapakanan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba ang ginawa ng sultan sa kaniyang
asawa na pinalitan niya kaagad ito dahil lamang sa isang pagkakamali?
Panindigan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Paano mo maiiwasan ang magkaroon ng inggit sa iyong kapwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
12
TAYAHIN
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin
at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang tunay na magulang ni Bidasari?
A. Diyuhara
B. Sultana ng Kembayat
C. Lila Sari
D. Maria
2. Siya ang Sultan na nakakita kay Bidasari sa gubat.
A. Sultan Mogindra
B. Simoun
C. Sinapati
D. Sulayman
3. ‘’Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin, malimutan mo kaya
ako?’Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalita?
A. Galit
B. Paniniguro
C. Pagseselos
D. Pagkayamot
4. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng paninibugho ni
Lila Sari sa sinabi ng kaniyang asawa?
A. Pinahuli niya si Bidasari at pinahirapan
B. Naglihim siya sa kaniyang asawa na may alahas siya
C. Pumunta siya sa palasyo upang saktan si Mogindra
D. Pinapatay niya ang pinakamagandang babae
5. Bakit iniwan ni Sultan Mogindra si Lila Sari?
A. Dahil pangit ito
B. Nakahanap na siya ng iba
C. Dahil sa galit na naramdaman sa ginawa ng asawa
D. Natagpuan niya ang pinakamagandang babae sa lugar.
13
6. Paano nakaligtas si Bidasari sa pagkakabihag kay Lila Sari?
A. Nagsumbong siya sa kaniyang ina
B. Natagpuan siya ng Sultan habang ito’y nangangaso.
C. Pinahanap siya ng kaniyang ina
D. Tumakas siya sa kaniyang kulungan
7. Karapat-dapat ba ang ginawa ni Sultan Mogindra na iwan ang kaniyang
asawa dahil sa kasalanan nito?
A. Oo, para matuto siya
B. Oo, dahil masama siyang babae
C. Hindi. Nararapat na tulungan niya itong ituwid ang kasalanan ng
babae.
D. Hindi. Dahil bilang mag-asawa dapat na hinaharap ninyo ang
problema nang magkasama.
8. Anong suliraning panlipunan ang naglalarawan sa Ibong Garuda?
A. Pamumuksa sa hindi pag-aari
C. Naninira sa kapwa
B. Pangangamkam ng kayamanan ng iba
D. Lahat ay tama
9. Ano ang katangian ni Bidasari basi sa paglalarawan ng kahon sa ibaba.
Walang katulad ang kanyang ganda, at ang
kanyang mukha’y tulad ng isang nimpang makalangit.
A.
B.
C.
D.
Masungit
Pinakamaganda
Masama ang ugali
Madaldal
10. Bilang isang lalake, ano ang dapat mong gawin sa iyong asawa?
A. Suportahan sa kaniyang mga masamang gawain
B. Pagbawalan na lumabas ng bahay
C. Maging katuwang sa hirap at ginhawa
D. Magwalang-bahala lang
11. ‘’Kung ibig ninyo akong mamatay, kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng
aking ama. Ano ang sinisimbolo ng isdang ginto?
A. Buhay
B. Kamatayan
C. Kagandahan
D. Kalikasan
14
12. Ano ang mga katangian ng isang huwarang babae?
A. Maganda, maarte, mapanlait
B. Bukas-palad, mabait, mapagmahal
C. Mapagmataas, maawain, masinop
D. Mapanghusga, maramot, mahinhin
13. Alin sa mga sumusunod ang positibong pangyayaring ipinakita sa akda?
A. Pang-aalipusta kay Bidasari
B. Pagtulong ng sultan kay Bidasari
C. Pag-iwan sa isang bata
D. Pag-iwan sa asawa
14. Anong katangian mayroon si Diyuhara batay sa akda?
A. Mapagmataas B. Maramot C. Mapagmahal
D. Mainggitin
15. Ito ang nagbibigay buhay sa isang kuwento.
A. Tagpuan
B. Tauhan
C. Banghay
D. Saknong
15
16
Panimulang Pagtataya
1. B
2. B
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. B
9. B
10. B
11. B
12. B
13. A
14. B
15. C
Gawain 1 (B)
1. B
2. C
3. D
4. F
5. E
6. H
7. I
8. J
9. A
10. g
Pangwakas na Pagtataya
1. B
2. A
3. B
4. A
5. C
6. B
7. D
8. D
9. B
10. C
11. A
12. B
13. B
14. B
15. B
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN
Website
Victorino, “Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG
Codes/Suggested LRs”. Last modified June 9, 2020. http://www.depedclick.com
17
CHRISTINE V. QUILARIO, 26, mula sa Tanjay City,
Negros Oriental. Nagtapos ng kursong Bachelor of
Secondary Education major in Filipino sa pribadong
paaralan ng Villaflores College. Kasalukuyang nagtuturo
sa Benedicto P. Tirambulo Memorial National High
School, Paniabonan, Mabinay, Negros Oriental.
Nagpapatuloy ng Master of Arts in Education sa CTU,
Moalboal Campus.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net
19
Download