Uploaded by Restili Taypin

Banghay-Aralin-sa-aralin-panlipunan-8

advertisement
Southeastern College of Padada, Inc.
Padada, Davao del Sur
Banghay Aralin
sa
Araling Panlipunan 8
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
Naipamamalas ang pag- unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga
pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay:
Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Ang mga mag-aaral ay:
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.
I.
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natatalakay ang mga pisikal na katangian ng daigdig;
2. Naiuulat ang limang tema ng Heograpiya; at
3. Nakakapagmungkahi ng sariling opinion pa tungkol sa kung gaano
kahalagang pag-aralan natin ang limang tema ng heograpiya.
II.
NILALAMAN
a. Paksa: Limang Tema ng Heograpiya.
b. Sanggunian: Aralaling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng daigdig), kabanata 1,
Pahina 23-25.
c. Kagamitan: Pandikit, mga larawan, aklat, at iba pa.
III.
PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Panalangin

Pagbati

Pagtala ng Liban

Paalala

Pagsasanay/Ehersisyo
B. Panlinang na Gawain

Balik-Aral
1. Ano ang mga ibat-ibang likas na yaman sa ating mundo?
Magbigay ng kahit dalawa nito.
2. Paano natin mapapanatili ang mga likas na yaman ng
mundo?

Pagganyak
“Pagpapakita ng larawan”
C. Gawain
Panuto: Ayusin ang mga nakabaliktad na letra sa tamang salita.
1. saloknoy
2. garul
3. inter-yonkasi
4. pagsolik
5. hireyon
D. Pagsusuri
1. Ano-ano ang limang tema heograpiya?
2. Ano ang epekto nito sa ating heograpiya?
3. Paano ito nakakatulong sa mga tao lalong lalo na sa mga
mananaliksik?
E. Paglalahat sa Aralin
1. Bakit mahalagang pag aralan natin ang limang tema ng
heograpiya?
2. Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng isang indibidwal?
3. Gaano kahalaga ang naging kontribusyon ng limang tema ng
heograpiya batay sa lokasyon, lugar, inter-aksiyon, pagkilos at
sa rehiyon ng mga tao.
F. Paglalapat/Pagsasabuhay Gawain
Panuto: Gumawa ng sariling video sa pag-uulat pa tungkol sa limang
tema ng heograpiya. Mayroon lamang kayung limang minuto sa paguulat
Batay sa sarili mong opinion, bilang isang mag-aaral, gaano kahalagang pag-aralan
natin ang limang tema ng hiograpiya.
IV.
PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat katanungan.
____1. Ito ang nagtatakda kung saan matatagpuan ang isang lugar.
____2. Inilalarawan ng _____ ang mga katangiang pisikal at pantao ng isang loksyon.
____3. Ito ang naglalarawan at nag susuri kung paano nakikibagay ang tao sa
kanyang kapaligiran at kung paano ang ganitong pakikibagay ay humahantong sa
pagbabago ng kapaligiran.
____4. Ito ang nagbibigay-paliwanag kung paano ang tao, mga ediya, at mga hayop
ay nakakalipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
____5. Ang konsepto ng _____ ay nagmula sa pagpapangkt-pangkat ng mga lugar
batay sa pagkakatulad ng kanilang katangian.
Tamang Sagot:
1. Lokasyon
2. Lugar
3. Inter-aksiyon ng tao at kapligiran
4. Pagkilos
5. Rehiyon
V.
TAKDANG ARALIN
Panuto: Bumuo ng maikling MAPANGHIMOK NA SANAYSAY (PERSUASIVE
ESSAY). Hingil sa kahalagahan sa pag-aaral sa limang tema ng heograpiya.
PAMANTAYAN
Nilalaman
15
Pagkamalikhain
10
Kalinisan
5
Kabuuan
30
Download