Uploaded by eljay gomez

Mga-Halamang-Ornamental

advertisement
Naomi Jade T. Valderama
4-Hyacinth
Mga Halamang Ornamental
Ang kakawate o madre kakaw ay isang puno na
karaniwan sa mga lugar sa Southern Tagalog Region. Ito ay
kadalasang nakatanim bilang ornamental dahil sa bulaklak
nito na kulay mapusyaw na rosas (pink). Ang bunga nito
kahalintulad ng bataw o pods na lumilikha ng tunog kung
sakaling matutuyo
sa araw.
Ang malatungaw ay isang halaman na may
katamtamang laki na maaaring tumubo sa taas na 2 metro.
Ang mga dahon ay bahagyang malapad na may patalim na
dulo. bahagya rin itong nababalot ng maliliit na mga buhok.
Ang bulaklak naman ay kulay lila at may dilaw na gitna.
Karaniwan itong tumutubo sa mabababang lugar sa Luzon,
Mindoro at Negros
Fortune plant ito ay isang uri nga halaman na pwedeng
itanim sa mga garden o sa bakuran ng inyong bahay. Ito ay
kulay lila na may
halong berde at pula.
Tumutubo ito sa Pilipinas.
Ang mickey mouse plant ay isang maliit lamang na
halaman na may matitigas at makahoy na sanga at
bahagyang nababalot ng maliliit na tinik at buhok. Mas
kilala ito bilang halamang ornamental dahil sa bunga nito
na may kakaibang hugis. Ang bulaklak ay bahagyang kulay lila na may
pagka asul. Makikitang pananim sa mga gilid ng kalsada at bakanteng
lote sa isla ng Mindanao, Sulu, at Leyte.
Ang mirasol, o mas kilala sa pangalang sunflower, ay isang
namumulaklak na halaman na kilalang-kilala ng halos lahat. Ito ay
tumutubo na patayo, at bibihirang may sanga, at kalimitang may iisang
bulaklak sa dulo. Ang dilaw na bulaklak ay mistulang araw kung kaya’t
tinatwag ito na sunflower. Ang mga dahon ay may balahibo malapad at
may tusok-tusok na gilid. Sa ibang lugar, ang sunflower ay tinatanim at
inaani para sa mga buto nito na maaaring kainin
Download