i. Ang buhay ng tao ngayon ay mas pinadali dahil sa mga bagong teknolohiya, at tila'y nakakalimutan na natin ang tradisyon ng survival. Pagkain, bahay, at seguridad ay karaniwan na sa ating panahon. Dati sa kasaysayan ng tao, ang buhay ay iba; naghihirap ang mga tao para sa lahat ng bagay. Walang kasaysayan na nagsimula lang sa iisang tao o pangkat ng tao. Ang ating ebolusyon ay nagsimula 6 milyong taon na ang nakakaraan. 2.8 milyong taon na ang nakaraan noong natuklasan ang unang lahi ng Homo genus. Akala natin dati tayo lang ang tao sa mundo, ngunit may anim pang ibang lahi. Nabuhay ang Homo erectus ng dalawang milyong taon. Ang pagkatuklas sa apoy ay malaking kontribusyon sa pag-eevolve ng mga tao noong unang panahon. Nagbigay ito ng init sa mga taglamig na panahon, ilaw sa gabi, at proteksiyon laban sa mapanganib na uro ng hayop. Ginamit din ang apoy sa paghuli ng pagkain. Lumitaw ang modernong tao dalawang daang libong taon na ang nakalilipas. Noong 50,000 BC, nag-improve ang mga gamit at sandata ng mga tao, at natutunan nilang makipag-communicate sa iba. Ang mga natutunan at impormasyon ay ipinasa sa bawat henerasyon. Ang mga tao 50,000 taon na ang nakararaan ay mga survival specialist. Pinagbuti ng kanilang mga pandama ang kanilang mga senses sa panahon ng pangangaso, at ang kanilang mga kasanayan ay hindi mapapantayan ngayon. Hindi rin maikukumpara ang kanilang katawan sa mga atleta dahil sa kanilang pamumuhay noon na nangangaso para sa pagkain. Noong 12,000 taon na ang nakalilipas, umusbong ang agrikultura, at nagbago ang lahat dahil mayroon nang suplay ng pagkain. Nabuo ang sibilisasyon dahil dito, at umunlad ang mga komunidad. Lima raan (500) taon na ang nakalilipas, nabuo ang agham na kaalaman ng tao. Sumunod ang Rebolusyong Industriyal. Ang imbensyon ng computer ang nanguna sa pagbabago ng mundo. Isang daan at dalawampu't limang libong (125,000) henerasyon ang nagmula sa unang lahi ng tao, pitong libo't limang raan (7,500) ang modernong tao, limang raan (500) para sa sibilisasyon, at dalawampu't isa (21) ang sa agham na kaalaman sa siyensya. Ngayon, namumuhay tayo sa pinakamalakas na mundo, at ang teknolohiya ang naghahari. Mayroon tayong napakaraming bagong kaalaman, tulad ng pagsakay sa austronot papunta sa buwan at pagsilip sa ibang mundo. ii. Mula sa mga impormasyong ito, nararamdaman ko ang paglago ng ating kabihasnan at teknolohiya sa loob ng maraming libong taon. Ipinakita nito kung paano tayo naging mas epektibo sa pag-aadapt sa aming kapaligiran, mula sa simpleng pag-aaral ng paggamit ng apoy hanggang sa pag-usbong ng modernong sibilisasyon at siyensya. Napagtanto ko rin na ang mga tao noon ay naging mga espesyalista sa survival, na may mataas na antas ng kasanayan sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Ngayon, sa tulong ng teknolohiya at agham, ang ating pamumuhay ay mas kumportable at mas organized, ngunit ang mga dating mga kasanayan ay hindi na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay. iii. Sa pang-araw-araw na buhay, mahalaga na hindi natin kalimutan ang ating kasaysayan at ang mga aral na natutunan natin mula dito. Bagamat mas pinadali ng teknolohiya ang buhay ngayon, mahalaga pa rin na maunawaan natin ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman sa survival at pagpapahalaga sa mga bagay na hindi kailanman dapat makalimutan. Maaari nating gamitin ang teknolohiya upang mapabuti ang ating pamumuhay, subalit hindi natin dapat isantabi ang kaalaman at kakayahan na natutunan ng mga naunang henerasyon. Mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng tamang balance sa paggamit ng teknolohiya at pagpapahalaga sa mga tradisyon at aral ng ating kasaysayan para sa isang makabuluhang at buhay na may saysay.