KOMBINASYONG WIKA: IBA’T IBANG URI NG BIKOL NA DAYALEKTO SA BUCIT Konseptong Papel sa Fil 21. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KomFil) ANGELO LEGSON MANCERA QUIANA MARIE PALMONES MASAGCA ALTHEA CROCILLO OLAYRES Disyembre 2022 ANG SULIRANIN Rasyunal Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa komunikasyon na ginagamit natin upang ipahayag ang ating mga iniisip, damdamin, at saloobin. Ito ay maaaring ipahayag sa iba't ibang paraan, kabilang ang sa pamamagitan ng pagsulat o pananalita, mga galaw ng kamay, o sign language. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon na ginagamit araw-araw. Mayroong sa pagitan ng 6,000 at 7,000 na mga wika sa mundo, depende sa kung gaano katumpak ang kahulugan ng "wika", o kung paano nakikilala ang mga wika at diyalekto. Ang pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika. Ang komunikasyon ay ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng verbal o nonverbal na nangangahulugang kabilang ang pagsasalita o pakikipag-usap sa bibig, pagsusulat o nakasulat na komunikasyon, mga palatandaan , signal, at pag-uugali. Mas simple, ang komunikasyon ay sinasabing "ang paglikha at pagpapalitan ng kahulugan ." Sa iba't ibang wika na ating ginagamit, iba-iba na rin ang daloy ng komunikasyon. Ngunit dahil sa rin sa iba't ibang wika ay marami tayong napag aaralin na mga salita. Maging maingat lamang tayo sa pag gamit ng ating iba't ibang wika. Ilahad ng maayos ang bawat salita. At nagkakaroon ang tayo ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba. Sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon ay nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Napili ng mga tagapagasaliksik ang paksang ito sa kadahilanang ang mga studyante na nag-aaral o pumapasok sa Bicol University College of Industrial Technology (BUCIT) ay nag mula sa ibat ibang parte ng ka Bicolan. Dahil dito ang mga studyante sa paaralang ito ay may mag kakaibang bicol na dayalekto depende kung saang distrito o pulo nag mula ang mga ito na minsan ay nag dudulot ng hindi pagkakaintindihan. Isa sa pinaka importanteng bagay sa pagtuklas at pagkatuto ang pakikipag komunikasyon. Mahalaga na malaman o maihayag ang mga dayalektong ginagamit ng mga studyante sa Bicol University College of Industrial Technology (BUCIT) at kung ano ang mga pamamaraan ang ginagawa ng mga guro at studyante upang magkaintindihan sa kabila ng pagkakaiba ng gamit na bicol na dayalekto at maihayag ang kahalagahan ng pagkakaunawaan sa kabila ng pagkakaiba ng wika o dayalektong ginagamit sa pakikipag komunikasyon. Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kahalagahan ng kombinasyong wika sa Unibersidad ng Bikol. Ito ay ang paghahalo ng iba’t ibang uri ng Bikol na dayalekto sa Paaralan ng Bicol University College of Industrial Technology (BUCIT). Upang maisakatuparan ang layuning ito, kinakailangang mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano-anong uri ng bikol na dayalekto ang ginagamit ng mga mag-aaral sa pakikapag-komunikasyon pormal man o di pormal; 2. Ano-anong mga bagay ang nakakahadlang upang hindi magkaintindihan ang mga mag-aaral sa BUCIT sa pakikipagkomunikasyon; 3. Anong mga pamamaran ang ginagamit ng mga mag-aaral upang malutas ang suliranin sa hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba-iba ng dayalektong ginagamit; at 4. Ano ang kahalagahan ng kombinasyong wika sa pagkakaisa ng bawat magaaral sa BUCIT? Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Kombinasyong Wika: Iba’t ibang Uri ng Bikol na Dayalekto sa BUCIT” ay layuning maihayag ang kahalagahan ng pagkakunawaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika o dayalektong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-komunikasyon at maging sa ating pamumuhay. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mailalahad nito ang iba’t ibang uri ng Bikol na dayalekto, ang pagkakaiba-iba at ang lugar na pinanggalingan ng mga ito. Layunin din ng pag-aaral na ito na maihayag ang mga pamamaraan ng mga mag-aaral upang matugunan ang hindi pagkakaunawaan ng bawat mag-aaral na may magkaibang dayalektong ginagamit sa pakikipag-komunikasyon. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay kwantitatibo na kung saan ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang kahalagahan ng kombinasyong wika sa Unibersidad ng Bikol. Ito ay ang paghahalo ng iba’t ibang uri ng Bikol na dayalekto sa Paaralan ng Bicol University College of Industrial Technology (BUCIT). Mga Respondent Inaasahan na ang makukuhang mga pagtugon batay sa kasalukuyang pananaliksik na ito ay magmumula lamang sa mga mag-aaral ng Bicol University College of Industrial Technology (BUCIT). Sa pamamagitan ng random sampling, ang pananaliksik na ito ay kukuha ng mga tugon sa lahat ng kurso ng BUCIT. Instrumento Upang malaman ang ang kahalagahan ng kombinasyong wika sa Unibersidad ng Bikol, ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan para sa mga respondent. Pamamaraan ng Pananaliksik Upang mabigyang linaw at matukoy ang ang kahalagahan ng kombinasyong wika sa Unibersidad ng Bikol, ang paghahalo ng iba’t ibang uri ng Bikol na dayalekto sa Paaralan ng BUCIT, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng mga sumusunod: Pagtukoy ng kabuuang bilang ng mga respondent. Upang matukoy ang eksaktong bilang ng respondent sa pamamgitan ng random na pagpili, ang mga mananaliksik ay gumamit ng random sampling method sa tulong ng pormula ni 𝑁 Pagoso. 𝑛 = 1+𝑁𝑒 2 n = bilang ng mga respondent N = kabuuang bilang ng populasyong sakop ng pananaliksik e = posibilidad ng makukuhang maling datos mula sa napiling respondent. Pananaliksik sa silid-aklatan. Sa pag-aaral na ito, mainam lamang na kumalap ng impormasyon sa mga silid-aklatan partikular na sa mga silid-aklatan ng Unibersidad ng Bikol. Ito ay makakatulong upang mapatibay ang kasalukuyang pananaliksik na ito. Pananaliksik gamit ang internet. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng mga impormasyon mula sa internet sa kadahilanang kulang upang mas mapatibay pa ang pag-aaral na ito. Paghingi ng pahintulot. Ang mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa mga panelist, punong guro at mga respondent na makakapanayam upang makapagkalap ng datos para sa pag-aaral. INAASAHANG BUNGA NG PAG-AARAL Inaasahan sa pag-aaral na ito na pinamagatang “Kombinasyong Wika: Iba’t ibang Uri ng Bikol na Dyalekto sa BUCIT” ay ang kapakinabangan nito sa mga mag-aaral at guro sa mga paaralan. Na kung saan, makakatulong ito upang maihayag ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating wikang ginagamit sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Marapat lamang na bigyan ng pagkilala ang bawat isa sa pagpapanatili ng sariling wika o dayalekto sa pamamagitan ng pagtangkilik o paggamit nito. Inaasahan din sap ag-aaral na ito ang pagpapakita at pagpapatunay ng mayamang kultura na mayroon ang ating lugar, ang Bicol.