Bata pa lamang ako ng minulat ako ng aking magulang na kahit anong mangyari may award man o wala, ang mahalaga ay marangal kang nakapagtapos ng pagaaral, ngunit para sakin, dapat may matanggap ako. Dito nagsimula ang aking pagiging maalalahanin sa aking mga grado na kung saan ay pinepressure ko ang aking sarili na dapat na may matanggap akong kahit anong award sa bawat pagtatapos ng acadmic/school year. Taong 2009 nang una kong matanggap ang parangal na 3rd Honor nung ako ay nasa Pre-School pa lamang. Napaka sarap sa pakiramdam na makita ang iyong mga magulang na maging masaya sa mga natatanggap mong achievements sa buhay. Taong 2010, unang taon ko sa elementarya, nang matamo akong ikalawang pinakamataas na karangalan (2nd Honor). Sobrang saya ko ng mga panahon na tila sana maging ganto ang kasiyahan ko o so I thought. Taong 2011 ay narasan ko ang pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay na hindi ko inakalang mangyayari, Nagtapos ako ng may medalyang nakasabit sakin, ngunit hindi ako masaya. Sa taong yon ay nagkahiwalay ang aking magulang. Halos gumuho ang aking mundo dahil sa mura kong edad, ay pasan pasan ko na ang trabaho bilang isang “haligi ng tahanan. Mula taong 2012 hang 2015 ay nagging consistent ako sa honor roll ngunit hindi na kasing taas gaya nung ako ay nasa grade 1. Taong 2016 nang magsimula ang aking buhay bilang isang High School student. Hindi ko sukat akalain na sa unang pagkakataon, ako ay nagtapos sa Grade 7 bilang Rank 1. Kaya naman mula sa Section D, ay napalipat ako sa Section A nung Grade 8. Dito nagsimula ang pagpupursigi ko sa pagaaral, though wala nang kompetisyon dahil wala nang rangko. Mula Baitang 8 hanggang 10 ay nagging consistent ako at laging nasa with honors, minsan ay umabot pa sa with high honors. Nagtapos ako ng Junior High School ng with Honors at Student Writer of the Year. Ngunit pagpasok ko ng Senior High School, ay sumiklab ang pandemya, bukod pa ditto ay nasaksihan ko rin ang pagsabog ng bulking taal. Dito ko naranasan ang hirap ng pagaaral. Kung saan hindi nako halos makakumpleto ng tulog sa dami ng gawain na tila nasa kolehiyo na. Ganto pala talaga ang aral sa Rogationist College, hindi biro. Ngunit nakayan ko may natanggap man akong mga sertipiko ng with honors, hindi ito naging sapat upang mabigyan ako ng award sa pagtatapos ng taon. Kaya naman pinangako sa aking sarili na babawi ako sa Grade 12. At nangyari nga iyon. Nagtapos ako ng Senior High School ng with Honors, bukod don ay nanalo din ako sa mga competitions na kung saan lahat ng schools sa cavite ang kalaban. Tanong 2019 ng manalo ako ng 7th Place sa Division Schools Press Conference sa Sports Writing English. Isa iyon sa pinaka malaking achievement ko sa buhay. Sa dinami dami ba naman ng mga paaralan sa Cavite, publiko man o pribado, nagawa ko iyon. Taong 2020 at 2021 naman ng manalo din ako ng 5th Place sa Sports Writing din, pero sa pagkakataong ito ay English (2020) at Filipino (2021) ako nanalo. Ngunit pano ko ba nakamit ang lahat ng ito sa kabila ng matinding pagsubok na aking pinagdaan. Ang mga medalaya at mga sertipikong aking natanggap ay alay ko sa taong umalalay sa akin, aking ina. Lahat ay kanyang ginawa para sa akin at sa aking mga kapatid. Kaya naman kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko maa-achive ang lahat ng iyon. Siya ang aking role model, kaibigan at Karamay sa lahat kaya ang mga medalya at sertipikong ito ang saksi sa lahat ng nangyari.