Bionote Alejandro D. Antonio Justine Paul O. Abejero John Paul A. Alincomot Matthew Dhale Asuncion Byron Ray N. Balasta Michelle Grace Azares Aubrey Bacani Anna Camela Betio Janine R. Demetrial Sheila T. Dela Pena Bionote Kahulugan Layunin at gamit Uri at Nilalaman Katangian Mga halimbawa 2 Ano ba ang kahulugan ng bionote? 3 “ Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. 4 “ Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay, pag-aaral,pagsasanay ng may akda. 5 Layunin at Gamit Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya. 6 Layunin at Gamit Ayon kay Levy (2005), may apat na maaaring paggamitan ng bionote: Aplikasyon sa trabaho, paglilimbag ng mga artikulo aklat blog,pagsasalita sa mga pagtitipon, pagpapalawak ng network propesyonal 7 “ Uri ng Bionote 1.Maikling tala ng may-akda • Ginagamit para sa journal at antolohiya • Maikli ngunit siksik sa impormasyon 8 “ Nilalaman nito ay ang mga sumusunod: • Pangalan ng may-akda • Pangunahing Trabaho • Edukasyong natanggap • Akademikong parangal • Dagdag na Trabaho • Organisasyon na kinabibilangan • Tungkulin sa Komunidad 9 “ • Mga proyekto na iyong ginagawa • Pamagat ng mga nasulat • Listahan ng parangal • Edukasyong Natamo • Pagsasanay na sinalihan • Karanasan sa propisyon o trabaho • Gawain sa pamayanan • Gawain sa organisasyon 10 “ 2. Mahabang tala ng may-akda • Mahabang prosa ng isang Curriculum vitae • Karaniwan ito ay naka dobleng espasyo 11 “ Ginagamit ito sa mga sumusunod: • Ginagamit sa encylopedia • Curriculum Vitae • Aklat • Tala sa aklat ng pangunahing Manunulat • Tala sa hurado ng mga lifetime awards • Tala sa administrador ng paaralan • Nilalaman ng isang mahabang tala ng may akda 12 “ • Kasalukuyang posisyon • Pamagat ng mga nasulat • Listahan ng parangal • Edukasyong Natamo • Pagsasanay na sinalihan • Karanasan sa propisyon o trabaho • Gawain sa pamayanan • Gawain sa organisasyon 13 Maikli ang nilalaman Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang. 14 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Halimbawa: “Si John Jim Brent Russel S. Dipaapi ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.” 15 Kinikilala ang mambabasa Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila. Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat. 16 Gumagamit ng baligtad na tatsulok Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan impormasyon. 17 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangaian Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote. IWASAN ito: “Si Russel ay guro/ manunulat/ mangigisda/ environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef. 18 Binabanggit ang degree kung kailangan Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito. 19 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon Walang masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag magiimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito. 20 Mga dapat tandaan MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE • Balangkas sa pagsulat • Haba ng bionote • micro-bionote • maikling bionote • mahabang bionote • Kaangkupan ng nilalaman • Antas ng pormalidad ng mga sulatin 21 ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount Carmel College-Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa nagtapos ng Junior High School at Senior High School Science and Technology, Engineering and Mathematics Strand sa Aurora National Science High School. Nagtapos siya ng May Karangalan noong siaya ay nasa Senior High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary Medicine sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The Nucleus bilang tagapagsulat ng balita. 22 Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian” ang opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng balita sa kategoyag Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd placer. Noong siya ay nasa ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The Nucleus”. Kabilang siya sa Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino. Nasungkit nila ang 1st place sa DSPC’15, samantalang napasama sila sa Top 10 sa RSPC’15. Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik na may pamagat na BIODEGRADABLE PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia esculenta) CORMS bilang Best Research sa kanilang paaralan. 23 ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre noong taong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay nakapagtapos ng ika-labindalawang baitang sa sekondarya ng Aurora National Science High School. At nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa Paaralang Sentral ng Dipaculao na kung saan siya ay nakatanggap ng Ikalawang Karangalan bilang isang estudyante ng ikaanim na baitang. Isa rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok bilang represebtatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math Contest noong siya ay nasa ikaanim na baitang. 24 Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee noong siya’y nasa ikaapat na baitang at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Siya ay isa ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang ikaanim na baitang na kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay nasa ikaapat at ikalimang baitang, at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na baitang na lahat ay Division Level. Kasalukuyang nag-aaral ng ika-labindalawang baitang sa Aurora National Science High School at naghahandang kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines. 25 “ SALAMAT SA PAKIKINIG 26