KABANATA I KALIGIRAN NG PANANALIKSIK 1. Panimula Ang mother tongue ay tumutukoy sa wikang nakamulatan ng bata. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng pitung libo’t at pito (7, 107) na mga isla, hindi na nakapagtataka kung iba’t ibang wika na rin ang ginagamit ng ating mga kababayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang Pilipinas ay may 12 na pangunahing lengwahe at 171 diyalekto. Subalit pagdating sa pagtuturo ng mga aralin sa klase, ano nga ba ang epektibong paraan para mas maintindihan ng mga mag-aaral ang mga paksang itinuturo ng guro? Maaring ang mga paaralan sa ibang lugar ay bihasang bihasa na sa paggamit ng mother tongue subalit ang iba naman ay tila nangangapa pa sa pagbabagong iyon. Mas madaling matutunan ang mga konsepto ng mga aralin kung ang ginagamit ay yong kanilang nakagisnang wika. Bukod sa madaling matututnan ang mga aralin ay mas malayang maipapahayag ng mga batang mag-aaral ang kanilang mga sarili at kaalaman sa klase. 1 2. Paglalahad ng Suliranin Nilalayon ng pananaliksik na ito na masagot (1) higit na mas mapapabilis ba ang pagkakatuto ng mga mag-aaral kung mother tongue ang gamit sa pagtuturo sa pag-aaral. (2) ano ang maaring positibo at negatibong epekto ng pagpapatupad nito at (3) ano ang mga suliranin na hinaharap ng ahensya sangkot sa pagpapatupad ng programang ito. 3. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik at pag-aaral na ito ay may suriin ang mga maaring positibo at negatibong epekto ng pagpapatupad nito. Ang pag-aara na ito ay nagnanais din na malaman ang mga suliranin na hinaharap ng ahensya sangkot sa pagpapatupad ng programang ito. Layunin nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung higit na mas mapapabilis ba gamit ang mother tongue. Nais din ng mananaliksik na magbigay ng kaalaman ang makakabasa ng pananaliksik na ito tungkol sa paggamit ng mother tongue. Gayun din ang mananaliksik upang may matutunan na bagong kaalaman tungkol sa paksa nan a kanyang pag-aaralan. Makatutuklas ng mga bagong kaalaman at malaking kapakinabangan sa kanyang pag-aaral. 2 4. Saklaw at Delimitasyon Pangunahing batayan ng pag-aaral na ito ng mga pagsusuri sa epekto ng paggamit ng mother tongue sa pag kakatuto ng isang mag-aaral. Ang mga datos na nakapaloob sa pagsusuring ito na inihahanda ng mananaliksik ay nakasalig lamang sa mga paksang dapat na talakayin sa epekto ng paggamit ng mother tongue sa pag kakatuto ng isang mag-aaral. Itutuon lamang ang pag-aaral upang mabigyan solusyon ang suliraning tinatalakay na may kaugnay sa pagsusuri ng epekto sa paggamit ng unang wika sa pagkakatuto ng mga magaaral. 5. Kahulugan ng mga Katuturan Mother Tongue- dayalekto o unang wika, ang tinatawag na kinagisnang wika. DepEd- ang departamentong tagapatnubay ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsible sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. FLEMSS- ang pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa kalalagayan n gating populasyon pagdating sa basic at functional literacy. Oral Skills- ay ang natutunang kapasidad o kakayahan na maiipatupad ang mga resultang nauna nang natukoy at kadalasang may mababang paggugol ng panahon,enerhiya o pareho. Bi Lingual Education- ang bilingual na edukasyon ay nangangahulugan na malayang paggamit ng Ingles at/o Pilipino (dati’y Pilipino) sa pagtuturo at pag-aaral ng anumang kurso mula sa unang grado hanggang sakolehiyo at unibersidad sa lahat ng eskwelahang publiko at pribado. 3 6. Metodolohiya Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pananaliksik mula sa isang primaryang basehan sa mga datos at impormasyong nakuha mula sa internet. Ang datos na nakuha ay nalikom, iniayos ayon sa pagkakasunod-sunod gamit ang gabay na talahanayan, at bumuo ng mga may konkretong basehan na resulta. Ang kinalabasan ng pananaliksik ay isinaayos ayon sa kaayusang itinakda ng guro hingil sa tamang pormat ng pagsulat ng isang pananaliksik. 7. Hipotesis Maaaring hindi mapabilis ang pagkakatuto ng mga mag-aaral kung mother tongue ang gamit sapagturo dahil ang mga mag-aaral ay nasanay na sa tradisyong pamamaraan ng pagkatuto at pag-aaral na kung saan ay midyum na wikang Filipino at Ingles lamang ang gamit sa pag-aaral. Mas magiging Malaya ang guro sa pagbabahagi ng kaalaman sa bawat mag-aaral dahil sa kasanayang sa diyalekto na syang mother tongue sa kanilang lugar gayun din ang mga mag-aaral na ang bawar isa ay may kakayahan ng ibahagi ang kaalaman sa klase ng walang pag aalinlangan kung tama ba o mali ang ginamit na salita. At ang negatibong epekto nito ay ang pagkakaroon ng walang kasanayan sa wikang Ingles at Filipino na syang magiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Ang suliranin ng Departamento ng Edukasyon sa pagpapatupad ng paggamit ng mother tongue ay ang pondo na syang kakailanganin sa pag-iimprinta ng mga aklat na gagamitin at ang kakulangan ng mga guro sa bawat lugar na syang magsasalin ng mga libro mula sa wikang Ingles at Filipino patungo sa kanilang mga diyalekto. 4 KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa resulta ng Functional Literacy ang Mass Media Survey (FLEMSS), tinatayang 46 bahagdan ng mga Pilipino ng walang pang-unawa at hindi makabasa ng maayos. Milyong-milyong Pilipin rin ang hindi pa rin marunong magsulat. Ang nakakalungkot ng resultang ito ang nag-udyok sa Kagawaran ng Edukasyon na pagtibayin ang paggamit ng mother tongue o ang wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isang lugar bilang wikang panturo. Ayon sa sinasaad na DepEd Order No. 74. Sa utos ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) Order 74 noong 2009 upang maipanukala ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo. Sinasabing sa pamamagitan nito, mas mapapaunlad at maiaangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Kapag maitaas ang kalidad ng edukasyon, mas magiging produktibo rin ang mga mag-aaral at ang mga mamamayan sa kinabukasan. Dagdag pa rito, inaasahang sa pamamagitan ng hakbang na ito ay mas mapapaunlad din ang tila pasangawang resulta ng FLEMMS. Mahigit pitong dekada na ang lumipas ng tayo ay magkaroon ng wikang pambansa, ngunit magpahanggang ngayon hindi pa rin natin masasabing lubos nga ang pagpapahalagang ibinigay natin ditto. Sa katunayan, usapin pa rin ang pagpapahanggang 5 ngayon kung may kakayahan nga ba ang wikang Filipino na makipagsabayan saa iba pang global na wika ng mundo. Hanggang sa umusbong nanaman ang panibagong programa na ipinanukala ng Departamento ng Edukasyon. Ang paggamit ng mother tongue sa pag-aaral. Ang mother tongue ay ang salita o lenggwahe na ginagamit sa partikular na lugar na hindi naiintindihan ng ibang lugar dahil sila ay mayroon din sariling mother tongue o diyalekto dahil ang ibang mag-aaral maging ang mga guro ay nasanay na sa tradisyong paraan ng pagtuturo at pag-aaral mas mapapabilis ba ang pagkakatuto ng mga mag-aaral? Naniniwala ang kagawaran na sa pamamagitan nito ay mas tataas ang kalidad ng edukasyon. Anila, ay Ingles at Tagalog lang ang ginagamit sa pagtuturo kaya mas hirap ang batang umintindi. Ayon kay DepEd Assistant Secretary Armin Luistro, “Mas madaling matutunan ‘yong konsepto ng mga aralin ‘pag ginagamit ay ‘yong kanilang nakagisnang wika.” Kaya naman mula sa pamamagitan ng bilingual education sa lumang curriculum, sinimulang ipinatupad ang paggamit ng mother tongue –based multilingual education noong 2012 bilang bahagi ng pagsusulong ng K-12 curriculum. Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisino Umali “Sa kinagisnang lengwahe, mas madaling maiintindihan ang mga konsepto at mas ma-a-abosorb ng bata,” Isang halimbawa ng paggamit ng mother tongue ay sa pagtukoy ng uri ng hayop ay ‘ido’ sa wikang Hiligaynon, ‘aso’ sa tagalog at ‘dog’ sa Ingles. Sa ngayon nga ay mother tongue o kinagisnang wika na ang gagamitin sa pagtuturo mula kinder hanggang sa baiting tatlo (3), maliban nalang sa asignatura na 6 Ingles at Filipino. Subalit pagdating ng baiting apat (4) hanggang baiting labing dalwa (12), Ingles na ang gagamitin sa karamihan ng mga asignatura. Sa kasalukuyan, labing siyam (19) na wika ang aprubado ng DepEd para gamitin ng mga guro bilang midyum na pagtuturo sa paaralan. Kabilang sa labing siyam (19) na napiling dayalekto ng DepEd para sa bagong paanuntunang ito ang Tagalog, Kapangpangan, Pangasinense, Ilokos, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at Chabacano. Tiwala ang ahensya na sa pamamagitan ng mother tounge-based multilingual education mas malayang maipapahayag ng mga batang mag-aaral ang kanilang mga sarili at kaalaman sa klase. (PTV News) Sa paggamit ng mother tounge, hindi mapapaunlad ang communication skills ng mga mag-aaral, bagkus mas mapababa pa. Dagdag pa rito, tila hindi na rin natin nabibigyan ng halaga ang tinaguriang wika ng mundo, maging ang wikang sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Sec. Bro. Armin A. Luistro, Undersecretaries Rozalino D. Rivera, Francisco M. Varela, Alberto T. Muyot at Yolanda S. Quijano at iba pang opisyal, na ang paggamit ng mother tounge ay ang pinakaepekyibong pagkintalng karunungan na kung saan ay maibibilang natin sa mga positibong epekto. Ayon sa paggamit ng katutubong wika sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ay nakapagdudulot ng mas mahusay at mas mabilis na mga mag-aaral na madaling matuto ng pangalawa (Filipino) at pangatlong wika (English). Lalo ring huhusay ang oral skills ng mga bata sa bias ng wikang katutubo. 7 Kinakailangan ng malaking pondo sa pagsasagawa ng programang ito. Unang una, kailangang maglaan ng sapat na pondo para sa pagsasagawa ng mga pagpupulong, seminar at pagdaraos ng mga training para sa paghahanda. Hindi rin natin maikakaila na isa pa sa mga suliraning kinakaharap ng Sektor ng Edukasyon ay kakulangan sa mga guro ditto sa Pilipinas. Kung iisipin natin mas lalo pang magkukulang ang mga guro kung mother tounge ang gagamitin dahil hindi lahat ng guro ay bihasa sa pagsasalita ng kanilang dayalekto. 8 KABANATA III PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS, LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon: Ang mga sumusunod ay implikasyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung mother toung ang gamit sa pagtuturo sa pag-aaral: Mas madaling matutunan ‘yong konsepto ng mga aralin ‘pag ginagamit ay ‘yong kanilang nakagisnang wika. DepEd Secretary Armin Luistro Ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung mother tounge ang gamit sa pagtuturo sa Sa kinagisnang lengwahe, mas madaling pag-aaral. maintindihan ang mga konsepto at mas maa-absorba ng bata. DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali 9 Ipinakikita sa pag-aaral na sa paggamit ng katutubong wika sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ay nakapagdudulot ng mas mahusay at mas mabilis na mga mag-aaralna madaling matuto ng pangalwa (Filipino) at pangatlong wika (English). Lalo ring huhusay ang oral skills ng mga bata sa bisa ng wikang katutubo. Ito ay ang mga positibo at negatibong epekto ng pagpapatupad ng paggamit ng mother tongue sa pag-aaral. Epekto Positibong Epekto Negatibong Epekto Iplikasyon Ang paggamit ng mother Sa paggamit ng mother tongue ay ang tongue,hindi pinakaepektibong paraan ng mapapaunladang pagkintal ng karunungan. communication skills ng Sec. Bro. Armin A. mga Luistro, mas mag-aaral, bagkus mapapababapa. Undersecretaries Rizalino Dagdag pa rito, tila hindi Paggamit ng mother D. Rivera, Francisco M. na rin natin nabibigyan ng tongue sa pag-aaral. Varela, Alberto T. Muyot at halaga ang tinaguriang Yolanda S. Quijano at iba wika ng mundo, maging pang opisyal. ang wikang sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. 10 Sa pamamagitan ng mother Sa pamamagitan ng mother tongue-based education multilingual tongue, hindi na mbibigyan mas maipapahayag malayang ng kaukulang pansin ang ng batang mag-aaral kanilang mga sarili mga mga wikang Ingles at ang Filipino na siyang gagamitin at ng kaalaman sa klase (PTV News) mag-aaral sekondarya mula sa hanggang sa kolehiyo. Nararapat lamang namaging Sa pamamagitan nito ay mas paggamit bihasa ng sila sa Ingles at lalo pang tataas ang kalidad Filipino sa murang gulang ng edukasyon upang magsilbi Kagawaran ng Edukasyon matibay na pondasyon. itong Hinde natin maikakaila na malaki ang positibong epekto ng wikang panturo sa pag-aaral ng mga estudyante, batay na rin ito sa mga pananaliksik ng mga eksperto. Ngunit sa kabila nito, hindi rin natin maaring isantabi na may masama rin epekto. 11 Mga suliranin nakinakaharap ng ahensya ng sangkot sa pagpapapatupad ng progmang ito. Kakulangan sa Pondo Kakulangan sa mga Guro Kailangan maglaan ng sapat Hindi maikakaila na isa pa sa na pondo pagpapaimprinta para sa mga suliraninng kinakaharap ng mga ng Sektor ng Edukasyon ay libro na siyang gagamitin sa kakulangan sa mga guro dito pag-aaral at pagtuturo ng sa Pilipinas. Kung iisipin mother tongue lalo na at natin mas lalo pang makakapal na ang mga libro magkukulang ang mga guro Suliranin ng hinaharap ng dahil sa pagsasalin ng wikang kung mother tongue ang ahensyang pagpapatupad programang ito. sangkotsa Filipino at Ingles sa mother gagamitin dahil hindi lahat ng tongue. ng guro Kinakailangan rin na maglaan pagsasalita ng pondo pagsasadawa pagpupulong, para ng seminar ay ng bihasa sa kanilang sa diyalekto. mga at pagdaraos ng mga training para sa pag hahanda Mahalagang mamulat tayo sa kaganapang ito dahil tayo ay kabahagi ng lipunang ito na maaaring maapektohan rin ng programang paggamit ng mother tongue. 12 Sa kabuuan tayo ay maging kabahagi ng paglutas ng mga suliraning ito bilang kaagapay ng Sektor ng Edukasyon. Sa huli matututunan rin nating yakapin ang mga pagbabagong ito. 2. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na malaman ang epekto sa pagsusuri ng panggamit ng mother tongue sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Sa paraang palarawang pananaliksik, ang mananaliksik ay nanguha ng mga impormasyon na may kinalaman sa pag-aaral hingil sa pagsusuri sa epekto ng paggamit ng mother tongue sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Ang mga nakalap na impormasyon ay nagmula sa limang (5) mapagkakatiwalaan ng sayt sa internet. Ang lahat na ito ay isinayos at inilahad ng mananaliksik kalakip ng mga interpretasyon sa mga datos na nakuha. Mula sa mga datos ay naipakita na ang mother tongue ay malaking epekto ng wikang panturo sa pag-aaral ng mga studyante , batay na rin ito sa mga pananaliksik ng mga eksperto. 3. Konklusyon Sa pagsusuri ng epekto ng paggamit ng mother tongue sa pagkatuto ng isang magaaral lumabas sa resulta ng pag-aaral na ito na mas madaling matutunan ang konsepto ng mga aralin ‘ pag ginagamit ay ‘yong kanilang nakagisinang wika at kinagisnang lengwahe, mas madaling maintindihan ang mga konsepto at mas ma-a-abosorb ng bata. Bukod ditto 13 mas malayang maipapahayag ng mga batang mag-aaral ang kanilang mga sarili at kaalaman sa klase. Sa paggamit ng katutubong wika sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ay nakapagdudulot ng mas mahusay at mas mabilis na mga mag-aaral na madaling matuto ng pangalawang (Filipino) at pangatlong wika (English). Lalo ring huhusay ang oral skills ng mga bata sa bisa ng wikang katutubo. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi natin maikakaila na malaki ang epekto ng wikang panturo sa pag-aaral ng mga estudyante, batay na rin ito sa pananaliksik ng mga eksperto. Lumabas rin sa pag-aaral na may masamang epekto ang paggamit ng mother tongue sa pagkatututo ng isang mag-aara. Ito ay ang mga sumusunod. a. Sa pamamagitan ng mother tongue, hindi na mabibigyan ng kaukulang pansin ang mga wikang Ingles at Filipino na siyang gagamitin ng mga mag-aaral mula sa sekundarya hanggang sa kolehiyo. b. Sa paggamit ng mother tongue, hindi mapapaunlad ang communication skills ng mga mag-aaral,bagkus mas mapapababa pa. Dagdag pa rito,tila hindi na rin natin nabibigyan ng halaga ang tinaguriang wika ng mundo,maging ang wikang sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Sa pag-aaral ng mananaliksik ayon sa pagsususri ng epekto ng paggamit ng mother tongue sa pagkatuto ng isang mag-aaral ay may mga suliraning hinaharap ang Sektor ng Edukasyon. Ito ay ang mga sumusunod. a. Kinakailangan ng malaking pondo sa pagsasagawa ng programang ito. Unang una, kailangan maglaan ng sapat na pondo para sa pagpapaimprinta ng mga libro na syang gagamitin sa pag-aaral at pagtuturo ng mother tongue lalo na at 14 makakapal na ang mga libro dahil sa pagsasalin ng wikang Filipino at Ingles sa mother tongue. b. Kinakailangang rin na maglaan ng pondo para sa pagsasagawa ng mga paagpupulong,seminar at pagdaraos ng mga pagsasanay para sa paghahanda. c. Hindi rin natin maikakaila na isa pa sa mga suliraning kinakaharap na Sektor ng Edukasyon ay kakulungan sa mga guro ditto sa Pilipinas. Kung isipin natin mas lalo pang magkukulang ang mga guro kung mother tongue ang gagamitin hindi lahat ng guro ay bihasa sa pagsasalita ng kanilang diyalekto. 4. Rekomendasyon Kaugnay sa mga nagging resulta ng pananaliksik, ilang rekomendasyon ang nais ipahayag ng mananaliksik hinggil sa pagsusuri sa epekto ng mother tongue sa pagkatuto ng isang mag-aaral. a. Dapat isaalang-alang ng Sektor ng Edukasyon ang kalalagayan ng bawat pamilyang Pilipino kung may kakayahang makisbay sa pagbabagong ito. b. Bago magpatupad ng mga programa tulad nito kailangan magsagawa muna ng malamang pag-aaral na ang prayoridad ay para sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino. c. Kinakailangan isaalang-alang o status ng bawat pamilyang Pilipino particular na sa pinasyal na aspeto,dahil ang programang ito ay lubos na magastos dahil sa mga kakailanganing devices sa pag-aaral. d. Dapat ay maging bukas ang ating isipan sa mga pagbabagong ito upang mabilis na maka adapt sa anumang pagbabago sa taing lipunan. 15 e. Maging flexible sa paggamit ng wika, kung kinakailangang gumamit ng unang wika (diyalekto) dapat may kakayahang gamitin ito,gayundin sa paggamit ng pangalawa (Tagalog),at pangatlong wika (Ingles). 16 TALAAN NG SANGGUNIAN “Ang suliranin at Pag-aagkop ng mga Gurong Pampribadong Paaralan sa Pagtuturo Gamit ang Di-kinagisnang Wika sa Programang MTB MLE.” SAINT LOUIS UNIVERSITY. Hinango sa internetnoong 23 Pebrero 2016 mula sa hhtp:/udr.slu.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/448. “Paggamit ng mother tongue sa pagtuturo ng mga aralin, ipinatupad ng DepED.” PTV NEWS. Hinango sa internet noon 20 Pebrero 2016 mula sa http://www.ptvnews.ph/ bottom-ptvnews/34149-paggamit-ng-mother-tongue-sa-pagtuturo-ng-mga-aralinipinatupad-ng-DepEd Rafallo, Son “Bilingguwalismo”. Prezi. Hinango sa internet noong 03 Marso 2016 https://prezi.com/2bascln2q33o/bilinggwalismo/ Report from Castaneda Jing, ABS-CBN News “ MotherTongue, gagamiting Lenggwahe sa pagtuturo ng Kinder- grade 3 simula ngayong pasukan”. ABS-CBN DZMM.COM.PH. Hinango sa internet noong 20 Pebrero 2016 mula sa http://dzmm.abscbnnews.com/news/National/Mother_tongue,gagamitinglenggwahesapa gtuturongkinder-grade_3 simula ngayong pasukan_html. “Tungo bas a kaunlaran?”. The Varsitarian, The Official Publication of the University of Sto. Tomas. Hinango sa internet noong 03 Marso 2016 “http://varsitarian.net/filipino/20120410/tungo_ba_sa_kaunlaran. 17