Uploaded by Binoy_zkie Ph

PANAHONG PALEOLITIKO

advertisement
PANAHONG PALEOLITIKO
Kabilang sa Panahong Paleolitiko ang mga taon mula 400,000 hanggang 8500
BCE. Ang salitang “Paleolitiko” ay mula sa mga salitang Greek na palaios, na
nangangahulugang “luma”, at lithos na nangangahulugang “bato”. Samakatuwid
ang Panahong Paleolitiko ay nangangahulugang Old Stone Age o Panahon ng
Lumang bato. Sa panahong ito nagsimulang gumawa ng mga kagamitang gawa sa
bato ang sinaunang tao. Inilalarawn bilang magaspang ang mga kagamitang bato
sa panahong ito sapagkat hindi pa gaanong pulido at maayos ang pagkakagawa
sa mga kasangkapan.
Umaasa sa kalikasan ang mga sinaunang tao sa panahong ito. Pangangaso at
pangangalap ng pagkain ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Ang mga
pangkat ng kalalakihan ay sama-samang nangaso habang ang kababaihan naman
ang nangalap ng pagkain. Lahat ng nakuhang pagkain ay inipon at pinaghatihatian ng mga kasapi ng angkan.
Palipat-lipat din ng tirahan ang mga tao noong Panahong Paleolitiko. Tinatawag
ang paraan ng pamumuhay na ito na nomadic o lagalag, nangangahulugang
walang permanenteng tirahan. Tinawag naman ang mga taong lagalag na nomad.
Noong una, nakagawian ng mga sinaunang tao ang pagkain ng hilaw na karne,
subalit nagbago ito dulot ng pagkakatuklas ng apoy. Itinuturing na
pinakahalagang tuklas sa Panahong Paleolitiko ang paggamit ng apoy. Ayon sa
teorya, natuklasan ang apoy dahil sa pagtama ng kidlat sa isang punongkahoy.
Nagliyab ito at nabuwal sa isang mabangis na hayop. Nang matikman ng mga
sinaunang tao ang lasa ng nalutong karne, nagustuhan nila ito at nagsimulang
gumawa ng apoy mula sa pagkiskis ng bato. Kinalaunan, natuklasan din ng mga
sinaunang tao ang paggawa ng apoy sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkiskis
ng kahoy. Ang kahalagahan ng pagkakatuklas ng apoy ay ang sumusunod.
Ginagawa nila itong panakot o pantaboy sa mababangis na hayop; proteksyon ito
mula sa malamig na panahon; Nagbibigay liwanag sa madilim na yungib; at
Gamit sa pagluluto ng pagkain.
Pinatunayan ng mga nahukay na labi sa Indonesia at China ang pamumuhay ng
mga sinaunang tao sa kontinente. Batay sa mga nahukay na buto at kasangkapan,
masasabing ang Taong Java at Taong Peking ay mahusay na mangangaso at may
kaalaman sa paggamit ng apoy. Bihasa rin sa paggawa ng kagamitang bato.
Download