Uploaded by Binoy_zkie Ph

LIKAS NA YAMAN NG HILAGANG ASYA

advertisement
LIKAS NA YAMAN NG HILAGANG ASYA
Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak na
damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagamat dahil sa
tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang
tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan, produktong panluwas ng
rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang
pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay
may tatlong uri ng yamang mineral; ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na
panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing
industriya ng Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at
langis, samantalang isa sa mga nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo ang
Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may produksyon ng
pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley, gayundin ng bulak, gulay,
tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas. Sa pag- aalaga at pagpaparami ng mga hayop
tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.
Sa mga lambak-ilog at mga mababang burol ng mga bundok nagtatanim ang
mga Taga- hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at
mansanas. Ang Uzbekistan ay isa sa
pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa
buong daigdig. Ang produksyon ng pagkaing
butyl ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay,
ay barley. Ang mga hayop tulad ng baka at tupa
ay inaalagaan at pinararami. Mayaman sa coal,
tanso, at pilak. May produksyon ng ginto,
lead,tin, tungsten, at zinc. May natural gas at
langis sa halos lahat ng bansa. Nangunguna sa
produksyon ng trigo, rye, oat, at barley. Cotton
at wheat ang dalawang pangunahing cash crops
ng Tajikistan na inieexport nila. Ang Fertile
Triangle – ito ay ang mga sakahan na
matatagpuan malapit sa Caspian Sea na
kinabibilangan ng Armenia, Azerbaijan,
Georgia, Turkmenistan at Kazakhstan. Ang
Caviar ay ang itlog ng malaking isdang
tinatawag na Sturgeon ang isa sa mga
produktong panluwas na rehiyon. Sa hayop,
makikita dito ay mga, lobo, oso, at bulugan.
Ang
Azerbaijan
ang
pangunahing
mapagkukunan ng langis sa rehiyon, Matatagpuan din dito ang mga puno ng fir at pine.
LIKAS NA YAMAN NG KANLURANG ASYA
Sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo.ang kanlurang Asya.
Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo at natural gas sa buong daigdig ang Saudi Arabia.
Umaabot ito sa 20% ng kabuuang reserba ng langis sa buong daigdig. Ang Iran ay
pangatlong pinakamalaking natural gas production sa buong daigdig. Malaki rin ang
produksyon ng langis ng mga bansang Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman.
Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate, at iba pa. Mayaman ang rehiyon sa iba pang mineral tulad ng iron ore,
tanso, manganese, lead, at zinc
Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley
sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais tabako, at
mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng dates at dalandan, ang Israel.
Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis, sibuyas, melon, trigo, barley, tabako, ubas,
tsaa, mais, hazel nut, at mga prutas. Sa bundok ng Lebanon ang pinakatanyag na puno sa
bansa, ang cedar. Sa Saudi Arabia, ang pinakamalaking lupang binubungkal ay sa oasis sa
silangan kung saan ang itinatanim ay dates. Ang ibang lupain ay ginagamit na pastulan ng
tupa, baka, at kambing.
Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga taong naninirahan
sa mga lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.
.
. Ang mga malalawak na bulubunduking pook at disyerto ay nagsilbing pastulan
naman ng mga hayop katulad ng kambing, tupa, kabayo, kamelyo at buriko
Download