Uploaded by Kent Anthony Mantalino

Q4 EsP 9 Module 4 025448

advertisement
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Tungo sa Kabutihang Panlahat
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-siyam na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay Tungo sa
Kabutihang Panlahat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jerlyn P. Pablo
Editor:
Tagasuri: Robert C. Doria, Jeannie Pearl Y. Niñonuevo
Tagaguhit:
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero
Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldiguer
Alma C. Cifra,
Analiza C. Almazan
Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada
Lydia V. Ampo
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Davao City Division
Office Address
: DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax
: (082) 224 0100
E-mail Address
: info@deped-davaocity.ph
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay Tungo sa Kabutihang
Panlahat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na
gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag
mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nagiisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pagunawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!
1
Alamin Natin
Sa nakaraang aralin, natukoy natin ang kahalagahan ng Pahayag ng Personal
na Misyon sa Buhay. Napag-aralan din natin ang mga hakbang sa pagbuo nito. Ayon
kay Stephen Covey, sa pagbuo ng PPMB, magsimula sa pagtukoy sa sentro ng iyong
buhay – Diyos, pamilya, kaibigan at pamayanan.
Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang misyon sa buhay na dapat tuparin. Ang
iba sa atin ay hindi pa tukoy kung ano ito. Ang iba naman ay napagtanto lamang nila
sa paglipas ng panahon. Mas naintindihan lamang nila ito sa pamamagitan ng
kanilang mga karanasan.
Ang ating personal na pahayag ng misyon sa buhay ay nagsasaad ng ating
mga pinapahalagahan at kung paano natin binibigyang kahulugan ang tagumpay. Ito
ay nagbibigay ng gabay sa pagpapasiya at tumutulong upang mas tutok tayo sa ating
pangmatagalang mithiin o misyon sa buhay.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nahihinuha na ang kaniyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
dapat na nagsasalamin ng kaniyang pagiging natatanging nilalang na
nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.
(EsP9PK-IVd-14.3)
2. Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. (EsP9PKIVd-14.4)
2
Subukin Natin
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik gamit ang sagutang papel.
1. Sa paggawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay, ano ang unang
gagawin?
a. Kopyahin ang gawa ng iba dahil iyon ay mas magandang pakinggan
b. Kilalanin ang sarili at tingnan kung ano ang iyong ugali at mga katangian na
makatutulong upang makabuo ng PPMB
c. Tanungin ang mga magulang kung ano ang gusto nila para sa iyo
d. Gawin kung ano ang ginagawa ng nakararami dahil ito ay mabuti
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tiyak (specific) na kraytirya ng paggawa ng
PPMB?
a. “Gusto kong gamitin ang aking kakayahan sa pagsulat upang maging
inspirasyon at upang maturuan ang iba at makagawa ng mabuting
pagbabago sa mundong ating ginagalawan.”
b. “Gusto kong mapaunlad ang pamumuhay ng iba.”
c. “Gagamitin ko ang aking mga kakayahan para makapagbigay ng inspirasyon
sa iba”
d. “Ang aking misyon ay iligtas ang mga naaapi”
3. Sa pagbuo ng iyong pahayag ng personal na misyon sa buhay, nangangailangan
ito ng sapat na panahon.
a. Mali. Kailangang makabuo agad ng PPMB para mas maaga mong
masisimulan ang mga gawain
b. Mali. Mas madaling kopyahin ang PPMB ng iba.
c. Tama. Hindi madali ang pagbuo ng PPMB dahil nangangailangan ito ng sapat
na panahon para pagnilayan upang mas maging makabuluhan.
d. Tama. Kung may sapat na panahon, mas marami akong maisusulat na mga
gusto kong gawin baling araw.
3
4. Ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay dapat na nagsasalamin ng
kaniyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasiya at kumikilos nang
mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.
a. Sa pamamagitan ng pagkilala sa sarili, natutukoy ang mga katangiang
natatangi sa ibang nilalang at mas mauunawaan ang halaga ng pag-iral natin
sa mundo bilang tao. Ito ang magiging daan upang makabuo ng ating misyon
tungo sa kabutihang panlahat.
b. Ang pagiging natatanging nilalang ay mahalaga upang malaman ang gusto
natin sa buhay.
c. Mas madali ang pagpaplano kung mas kilala natin ang ating sarili.
d. Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa ating misyon sa buhay.
5. Aling salitang Latin ang pinaghanguan ng salitang bokasyon?
a. “vocatios”
c. “vocaios”
b. “vocation”
d. “vocatio”
Aralin Natin
Gawain 1
Basahin ang mga situwasyon sa ibaba at lagyan ng tsek kung ito ay naglalahad
ng makabuluhan at tunay na Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay at ekis naman
kung hindi.
____1. “Gusto kong maging doktor para makatulong sa mga mahihirap na may sakit.”
____2. “Gusto kong yumaman para mabili ko ang lahat ng aking luho”
____3. “Gusto kong maging inspirasyon ng ibang mga kabataan upang mas mapabuti
ang kanilang buhay.”
____4. “Gusto kong maging isang mahusay na guro para maturuan ang mga batang
mahihirap.”
____5. “Gusto kong magkaroon ng trabaho na mataas ang sahod na hindi mahirap
ang mga gawain.”
4
Gawin Natin
Gawain 2
Gumawa ng listahan ng mga katangian na naglalarawan kung ano ang
pagkakakilala mo sa iyong sarili at ang tingin ng iba sa iyo.
Paano mo mailalarawan ang iyong
sarili?
1.
Ano ang tingin ng ibang tao sa iyo?
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.
1.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba:
1. Magkapareho ba ang iyong sagot sa iba? Kung oo, ano ang pagkakatulad?
2. Ano naman ang pagkakaiba sa iyong sagot sa kanila?
3. Sang-ayon ka ba sa kanilang sagot?
4. Nakakatulong ba ang gawain na ito upang mas makilala ang sarili?
Pagpapalalim
Bawat isa sa atin ay natatanging nilalang na may kakayahan na pumili ng
landas na tatahakin. Hindi madali ang pagpapasiya na gagawin dahil kinabukasan
natin ang nakataya. Maraming boses ang ating naririnig sa ating paligid na minsan
hindi na natin alam kung ito ba ay ang gusto natin o ang gusto nila.
Sa pagsulat ng iyong Pahayag na Personal na Misyon sa Buhay (PPMB), isa
sa mahalagang isaalang-alang ay ang pagkakaroon ng pansariling pagtataya o
personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay.
1. Kilalanin mo ang iyong sarili.
a. Suriin mo ang iyong ugali at katangian. Isa-isahin ang iyong ugali at mga
katangian na makakatulong sa pagsasakatuparan ng iyong misyon.
b. “Ano ang mahalagang rason kung bakit ako nabubuhay sa mundo?” Ito ang
magbibigay linaw kung ano ang misyon mo para sa sarili, sa pamilya, sa
Diyos at ibang tao. Ano ang kailangan mong gawin para sa kanila?
c. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Saan ba nakatuon ang iyong lakas,
oras, at panahon? Maaring naglalaan ka ng oras para sa iyong pamilya, pagaaral at pagpapaunlad ng iyong mga kakayahan.
5
2. Ang mga hakbang na gagawin.
a. Kung tukoy mo na kung sino ka at ang misyon mo sa buhay, ang susunod na
hakbang ay kung ano ang gagawin. Paano mo magagamit ang iyong mga
kakayahan, karanasan tungo sa makabuluhang misyon sa buhay?
b. Paano ko ito gagawin? Tipunin ang mga impormasyon na kakailanganin sa
paggawa ng iyong PPMB. At kung ano ang magagawa nito sa kabuuan ng
iyong pagkatao.
Hindi madali ang pagbuo ng PPMB sapagkat nangangailangan ito ng sapat na
panahon upang pagnilayan. Ang PPMB ay magsisilbing saligan ng iyong buhay. Ito
ay makakatulong sa iyo upang mas mapagtibay mo ang tiwala sa sarili na
kakailanganin mo upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay.
Ayon kay Will Smith, isang sikat na aktor, ang konsepto ng pagpapaunlad ng
pamumuhay ay siyang nagiging sentro ng kaniyang layunin sa kaniyang mga
ginagawa.
"To make people happy", iyan ang sinabi ng isang sikat na prodyuser na si
Walter Elias Disney na tanyag sa kaniyang konstribusyon sa larangan ng animated
cartoons na nagpasikat sa mga karakter ni Mickey Mouse and Minnie Mouse.
Sa paglipas ng panahon, maaring mabago ang iyong misyon sa buhay.
Maaring ito ay mas makabuluhan at mapanagutan upang makapagbahagi sa
pagkamit ng kabutihang panlahat. Sa gitna ng iyong paglalakbay, mas mauunawaan
mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo bilang tao.
Mula sa ating misyon, mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ito ay galing sa
salitang Latin na “vocatio” na ang ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ang bawat tao ay
tinawag ng Diyos upang gampanan ang misyon na ibinigay Niya sa atin. Bilang magaaral, mahalaga ito para sa pagpili ng propesyong akademik, teknikal-bokasyonal,
sining at disenyo, at isports pagkatapos mo ng Senior High School.
Mas nagiging kawili-wili ang paggawa ng propesyon para sa tao kung ito ay
ang bokasyon sa buhay. Ang propesyon ay hindi na magiging isang simpleng trabaho
kundi isang misyon na nagiging isa bokasyon. Nagkakaroon ang tao ng tunay na
pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos para sa
kabutihang panlahat.
Sa paggawa ng PPMB, kailangang isaalang-alang ang kraytiryang SMART,
ibig sabihin, Specific, Measurable, Attainable, Relevant, at Time Bound.
1. Tiyak (Specific) – Kailangan ispisipiko ang pagsulat. Siguraduhin ang iyong
gustong gawin.
2. Nasusukat (Measurable) – Pagnilayan nang mabuti kung ang iyong gustong
gawin ay tumutugma sa iyong kakayahan. Sa pamamagitan nito, malalaman
mo kung ito ay posibleng maisakatuparan.
6
3. Naabot (Attainable) – Maging totoo sa sarili sa pagsulat ng PPMB. Suriin ang
mga gustong gawin kung ito ba ay kayang abutin o gawin.
4. Angkop (Relevant) – Kailangang tukuyin kung ito ba ay angkop para
matugunan ang pangangailangan ng iba. Laging iisipin na ang buhay ay
kailangan na ibahagi sa iba at hindi para sa sarili lamang.
5. Nasusukat ng Panahon (Time Bound) – Ang pagkakaroon ng takdang panahon
o oras kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong isinulat. Dito mo
malalaman kung ang PPMB ay iyong nagawa o hindi. Kailangan mong suriin
kung ito ba ay pangmadalian o pangmatagalan upang maging gabay sa
pagpaplano at mga pagpapasiyang gagawin.
Bilang mag-aaral, may nabuo ka na ba sa iyong isipan kung ano ang misyon
mo sa buhay? Handa ka na ba na tuparin ito? Sapat na ba ang iyong kaalaman at pag
unawa sa iyong sarili? Kung oo, narito ang gabay sa paggawa ng PPMB. Basahin ang
halimbawa sa ibaba.
Ako ay malikhain, matibay ang loob, may takot sa Diyos, mapagmahal sa pamilya
at pursigido sa buhay. Ang misyon ko sa buhay ay maging isang doktor at
makatulong sa mga may sakit lalong lalo na sa mga mahihirap. Gusto ko na ibahagi
sa mga tao ang kabutihan ng Panginoon na siyang nagpapagaling sa may mga
karamdaman sa pisikal o ispirituwal na aspeto ng buhay. Magagawa ko ang lahat
ng ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti, pagsasaliksik, at matibay na
pananampalataya sa Diyos.
Upang maging tiyak ang mga isusulat sa pahayag, gumawa ng matrix o
talahanayan.
Elemento
Pag-aaral
nang
mabuti
Pagsasaliksik
Pananampalataya
sa Diyos
Hakbang sa Gagawin
• Pagbabalik-aral sa mga
aralin
• Paglalaan ng oras para
mag-aral
• Pananaliksik sa mga
problema na nangyayari
sa lipunan
•
•
Pagdarasal araw-araw
Pagbabasa
ng
Bibliya/Koran
Takdang Oras/Panahon
• Isang oras araw-araw
•
Isa o dalawang beses
isang Linggo
•
•
Araw-araw
Isang beses sa isang
araw
Isang beses isang
Linggo
•
•
Pakikilahok
sa
mga
gawain sa simbahan
7
Sanayin Natin
Gawain 3:
Piliinat isulat ang tamang sagot ng bawat pangungusap sa inyong sagutang papel.
1. Nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang
kanyang sarili at kumikilos para sa (kabutihang panlahat, sariling
pangangailangan).
2. Sa pagsulat ng PPMB, kailangang (tiyak o ispisipiko, hindi direkta) kung ano ang
gusto mong gawin.
3. Ang PPMB ay magsisilbing (saligan, balakid) ng iyong buhay.
4. Kailangan mong suriin kung ang iyong (misyon, pangangailangan) sa buhay ay
pangmadalian o pangmatagalan.
5. Isa sa mahalagang isaalang-alang sa pagsulat ng PPMB ay ang pagkakaroon
ng (pansariling pagtataya, kabutihang panlahat) o personal assessment sa iyong
kasalukuyang buhay.
Tandaan Natin
Gawain 4
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
2. Sa pagtataya sa sarili, ano-ano ang mga kraytirya na dapat isaalang-alang?
Magbigay ng halimbawa sa bawat isa.
3. Ano ang kaibahan ng propesyon at bokasyon? Magbigay ng halimbawa.
Suriin Natin
Gawain 5
Bilang mag-aaral sa ika-siyam na baitang, may napili ka na bang karera o
kurso? Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagbuo mo ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa buhay upang maging malinaw sa iyo ang karera o kurso na iyong pipiliin?
Ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
8
Payabungin Natin
Ang pagbuo ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay ay hindi natatapos
ng isang araw lamang. Ito ay nangangailangan ng panahon, malinaw na pag-iisip at
pagninilay. Kailangan mo pang gumawa ng banghay hanggang sa maging pinal ang
iyong PPMB. Maari mo itong idikit kahit saan na madali mong makita at masuri para
mas mapaunlad mo pa ang PPMB.
Handa ka na bang gumawa ng iyong Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay
o PPMB? Sa pagkakataong ito, ihanda ang kakailanganin sa paggawa ng PPMB.
Gawain 6
Gumawa ng checklist at isulat sa talahanayan sa ibaba ang mga kailangan sa
paggawa ng PPMB na ating napag-aralan sa araling ito.
Lagyan ng Tsek (⁄) kung mayroon na at
Ekis (x) kung gagawin pa
Mga kailangan
1. Pansariling
Pagtataya
assessment)
2.
(Self-
3.
4.
5.
Pagnilayan Natin
Isang malaking hamon ang gumawa ng pagpapasiya bilang isang kabataan.
Hindi pa natin minsan lubos na kilala ang ating sarili. Pabago-bago ang gusto natin sa
buhay sa paglipas ng panahon. Ngunit kailangan nating simulan ang pagpaplano hindi
lamang para sa ating sarili kundi para sa mga taong nakapaligid sa atin. Kung paano
natin tutuparin ang misyon natin sa buhay ay nakasalalay sa kung ano ang mga
pagpapasiya na ating ginagawa sa kasalukuyan.
Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay nakakatulong upang
mabigyan ng katuturan ang ating pagiging natatangiang nilalang na nakagagawa ng
pagpapasiya tungo sa kabutihang panlahat.
9
Gawain 7:
Gumawa ng iyong pahayag ng personal na misyon sa buhay. Gamitin ang
template sa ibaba. Pagkatapos mong gumawa ng PPMB, gumawa ng matrix o
talahanayan para tukuyin ang mga elemento, hakbang na gagawin at takdang
oras/panahon.
Ako ay (ang iyong mga ugali o katangian) __________________________
____________________________________________. Ang misyon ko sa buhay
ay maging isang (karera o propesyon at ang misyon sa buhay para sa kabutihang
panlahat)__________________________________________________________
_____________________________________________________.Gusto ko na
ibahagi sa mga tao ang (gagawin para sa iba)____________________________.
Magagawa ko ang lahat ng ito sa pamamagitan ng (mga gagawin o elemento sa
pagtupad ng misyon)________________________________________________.
Elemento
Hakbang sa Gagawin
10
Takdang Oras/Panahon
Rubrik para sa Gawin Natin: Gawain 2
Mga Kraytirya
3
Nilalaman
Naisa-isa ang mga
katangian o ugali
at ang
pagkakatulad at
pagkakaiba.
2
Hindi lahat
nasagutan ang
pamprosesong
tanong.
Rubrik para sa Tandaan Natin: Gawain 4
Mga Kraytirya
3
2
Nilalaman
Naipahayag ang
Kulang ang sagot
mga konsepto ng
sa mga konsepto
bokasyon, misyon ng bokasyon,
at propesyon.
misyon at
Naipaliwanag ang propesyon. Kulang
mga kraytirya na
ang naibigay na
SMART sa
halimbawa sa
paggawa ng
pagpapaliwanag
PPMB.
ng SMART.
Malinaw at
Malinaw at
Hindi gaanong
maayos ang
maayos ang pagmalinaw at
pagpapaliwanag
uugnay sa mga
maayos ang pagkonsepto sa
uugnay sa mga
tanong
konsepto sa
tanong
Pagkabuo
Angkop at wasto
May iilang salitang
ang mga salitang
ginamit na hindi
ginamit sa
angkop at wasto
pagbubuo
Rubrik para sa Suriin Natin: Gawain 5
Mga Kraytirya
3
Nilalaman
Naipaliwanag ang
mga sagot gamit
ang mga
konseptong
napag-aralan sa
aralin.
2
Kulang ang
pagpapaliwanag
sa mga
konseptong
napag-aralan sa
aralin.
Rubrik para sa Payabungin Natin: Gawain 6
Mga Kraytirya
3
2
Nilalaman
Naisulat ang lahat
Hindi kumpleto
ng kakailanganin
ang checklist
sa paggawa ng
PPMB
11
1
Hindi magkatugma
ang sagot sa
pamprosesong
tanong.
1
Hindi maliwanag
na naipayahag
ang mga
konseptong
nabanggit.
Hindi malinaw at
maayos ang paguugnay sa mga
konsepto sa
tanong
Walang
kaugnayan at hindi
wasto ang mga
salitang ginamit
1
Walang
pagpapaliwanag
sa sagot.
1
Wala o isa lang
ang naisulat sa
checklist
Rubrik para sa Pagnilayan Natin: Gawain 7
Mga Kraytirya
3
2
Nilalaman
Nasunod ang
Nasunod ang
format sa
format sa
paggawa ng
paggawa ng
PPMB. Natukoy ng PPMB ngunit hindi
tama ang mga
natukoy ng tama
elemento,
ang mga
hakbang sa
elemento,
gagawin at
hakbang sa
takdang oras o
gagawin at
panahon.
takdang oras o
panahon.
Malinaw at
Malinaw at
Hindi gaanong
maayos ang
maayos ang pagmalinaw at hindi
pagpapaliwanag
uugnay sa mga
gaanong maayos
konsepto sa
ang pag-uugnay
tanong
sa mga konsepto
sa tanong
Pagkabuo
Angkop at wasto
May iilang salitang
ang mga salitang
ginamit na hindi
ginamit sa
angkop at wasto
pagbubuo
12
1
Hindi nasunod ang
format at kulang
ang mga
elemento,
hakbangsa
gagawin at
takdang oras o
panahon.
Hindi malinaw at
hindi maayos ang
pag-uugnay sa
mga konsepto sa
tanong
Walang
kaugnayan at hindi
wasto ang mga
salitang ginamit
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ika-siyam na Baitang. Modyul para sa Mag-aaral.
Unang Edisyon 2015. FEP Printing Corporation.
13
Subukin Natin:
Answers
1. B
2. A
3. C
4. A
5. D
14
Aralin Natin
Gawain 1 Answers
1. ⁄
2. X
3. ⁄
4. ⁄
5. x
Sanayin Natin
Gawain 3 Answers
1.Kabutihang
Panlahat
2.Tiyak o Ispisipiko
3.saligan
4. misyon
5.pansariling
pagtataya
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education –Region XI
F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph
Download