AP REVIEWER - PART 3 I. MGA SINAUNANG PANINIWALANG ASYANO A. SINAUNANG PILOSOPIYA ● Ang pilosopiya ay mula sa salitang Griyego na “philosophia” na nangangahulugang “pagmamahal sa karunungan.” 1. Confucianismo a. Si K’ung-fu-tzu (Master Kung) o Kong Qiu, na mas kilala sa tawag na Confucius, ay isang Tsinong iskolar na nagmula sa isang mahirap na pamilya. b. Mga birtud na dapat taglayin ng bawat mamamayan: i. Jen - Kagandahang-loob ii. Li - Kagandahang asal iii. Yi - Pagkamakatuwiran iv. Xiao - Paggalang sa Magulang c. Shi - iskolar; mabuting lalaki d. Mencius - estudyante ni Mencius e. Five Classics - dito nakapaloob ang lahat ng mahahalagang aral ni Confucius 2. Taoismo (Daoismo) a. Ang pilosopiyang ito ay nangangahulugang “tamang daan.” b. Lao Tzu - nagtatag ng Taoismo c. May akda ng Tao Te Ching d. Wu Wei - “hindi pagkilos” e. Ipinahahayag ng paniniwalang ito na hindi dapat hadlangan ang natural na ayos ng mga bagay. f. Yin at Yang - sumasalamin sa balanse ng kalikasan ng daigdig 3. Legalismo a. Ang Legalismo ay pilosopiyang naglalayong higit na mapatatag at maipagtanggol ang estado. b. Itinatag ito nina Shang Yang at Han Feizi. c. Mga Aral i. Bigyang tuon ang paglilingkod ng bawat mamamayan sa estado. ii. Itinuturing na karangalan ang makapaglingkod sa pamahalaan bilang sundalo at magsasaka. B. SINAUNANG RELIHIYON 1. Judaismo a. Relihiyon ng mga Hudyo (Jews) o Israelita b. Ang mga aral at salita mula kay YHWH ay nakasaad sa Torah. c. Pangunahing Aral - 10 Commandments 2. Budismo a. Itinatag ito ni Buddha. b. Si Siddharta Gautama Buddha, mas kilala bilang Buddha ay nagmula sa isang maharlikang pamilya. c. “Buddha” - nangangahulugang Ang Naliwanagan o The Enlightened One. d. Mahalagang Paniniwala i. Four Noble Truths ii. Eightfold Path - nagsisilbing gabay ng mga tao upang matamo ang nirvana AP REVIEWER - PART 3 3. 4. 5. 6. 7. e. Nirvana - tumutukoy sa paraiso o kaluwalhatian kung saan ang mga tao ay malaya na mula sa mga pagdurusa at kamalayang pansarili, gayundin mula sa siklo ng reinkarnasyon f. Dalawang Sangay ng Budismo i. Mahayana - Itinuturing si Buddha bilang diyos ii. Theravada - Itinuturing si Buddha bilang diyos Hinduismo a. Itinuturing na isa sa pinakamatatandang relihiyon sa buong mundo. b. Malaki rin ang naging kaugnayan ng relihiyong ito sa sistemang caste. c. Ang koleksiyon ng mga aral ng Hinduismo ay nakasulat sa Vedas. d. Isa itong politeistikong relihiyon. e. May kinikilala at sinasambang pangunahing mga Diyos ang mga Hindu: si Brahma (ang manlilikha ng lahat); si Vishnu (ang tagapangalaga); at si Shiva (ang tagawasak). f. Karma - Nagmula sa salitang Hindi na Kar (pagkilos) at Ma (paggawa o paglikha). Kapag pinagsama ito ay nangangahulugang “bagay na nilikha o bunga ng gawi ng isang tao.” g. Reinkarnasyon - Sang ayon dito, kapag namatay ang alinmang maybuhay, ang kaniyang kaluluwa ay muling mabubuhay. Subalit sa kung anong anyo o antas nito sa susunod na buhay ay nakasalalay sa kaniyang karma nang siya ay nabubuhay pa. h. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkamatay at pagkabuhay ng kaluluwa, inaasahang makakamit ang moksha o paglaya sa siklo ng reinkarnasyon. Islam a. Ang Islam ay nangangahulugang “kapayapaang madarama kapag isinuko ang sarili sa diyos na si Allah.” b. Ang mahahalagang aral at balita ng relihiyong ito ay nakasaad sa Qur’an, ang kanilang banal na aklat. c. Si Muhammad ang propetang nagturo at nagpalaganap ng Islam. d. Pangunahing Doktrina - Ang Limang Haligi Jainismo a. Kasabay ng paglaganap ng Buddhismo ay ang pagkilala naman ng mga aral ni Mahavira na kilala rin bilang Vardhamana na nabuhay rin noong panahon ni Buddha. b. Mahavira - nangangahulugang dakilang bayani c. Ahimsa - Ito ay nagmula sa salitang Sanskrit na nangangahulugang “hindi makapanakit.” d. Tatlong Hiyas i. Wastong pananampalataya ii. Wastong kaalaman iii. Wastong kaasalan Shintoismo a. Ang Shintoismo ay relihiyong lumaganap sa bansang Hapon. b. Ito ang ginamit ng mga Hapones bilang gabay sa kanilang pamumuhay. c. Ang Shinto ay nangangahulugang kami no mitchi o way of the gods. d. Pinaniniwalaan dito na may mga diyos o kami sa kalikasan na nagbabantay at patuloy na gumagabay. Sikhismo AP REVIEWER - PART 3 a. Ang Sikhismo ay itinatag ni Baba Nanak na higit na kilala bilang Guru Nanak at Guru Grant Sahib b. Pinaniniwalaan din dito na ang pangunahing layunin ng tao ay sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at tuluyan nang makiisa sa Diyos. 8. Zoroastrianismo a. Ito ay itinatag ni Zarathustra (mas kilala bilang Zoroaster). b. Ahura Mazda - ang pinaniniwalaang tagapaglikha at tagapagtaguyod ng buong daigdig c. Ito ang relihiyon na nagpapaliwanag na ang buhay ay patuloy na labanan sa pagitan ng mabuti at masama