Uploaded by Princess Mae Tenorio

SCRIPT JOURNALISM

advertisement
Journalismo….
Ano kaya ang nais ipahayag ng terminong ito?
Ito ba ay may kaakibat na responsibilidad?
o sadyang libangan
Na sa tingin ko, ako ay mapapaunlad at masisiyahan?
Ito ang unang pumasok sa aking isipan nang nahikayat akong sumali bilang isang journalist sa
aming paaraalan.
Gaya niyo, ako rin ay naguluhan, nadalawang-isip kung anong pipiliing larangan
Na swak sa aking panginorin, personalidad at kagustuhan.
Ngayon, buksan ang inyong puso’t isipan
Talasan ang pandinig at paganahin ang iyong guni-guni at sagimsim.
Halina’t pakinggan ang aking natuklasan.
Ang journalismo ay nagsisilbing plataporma para sa mga mag-aaral
Na maipahayag ang kanilang mga ideya, opinion at mga pangaral
Nakatutulong sa pagpapayaman ng kakayahang mag-isip nang kritikal.
At nagsisilbing daan upang mahasa ang kasanayang natatangi at espesyal!
Kaya naman, ang TANQUE NATIONAL HIGH SCHOOL bilang isang ekswelahan na hitik sa
mga talentadong indibidwal lalong lalo na sa larangan ng pagsulat, pagsasalita, pagguhit at
paglalahathala ay magsasagawa ng DAGDAG-GILAS: A SCHOOL-BASED JOURNALISM
WRITESHOP upang maging kasapi ng pahayagan na magsisilbing mamamahayag tungkol sa
mga kaganapan sa paaralan na dahan-dahang ibubuklat ang kanilang mga pakpak para sa
isang makabuluhang pakikipagtunggali sa hinaharap.
Magandang Magandang Hapon sa inyong lahat! Sa ating butihing punong-guro na si Gng.
Maria Theresa D. Aposin, sa ating maunawain na Head Teacher IV na si Gng. Marlyn G.
Alvarez, sa ating talentado at matatag na Head Teacher III, Dr. Jorge A. Dapulano, sa ating
pinakabago at pinakamasipag na Head Teacher I, Dr. Erwin Salvadico Victoriano, sa mga
kapwa ko guro, mga mag-aaral at magiging journalist na Tanquenians, sa muli,
MAPAGPALANG HAPON SA INYONG LAHAT.
Inaanyayahan ko po kayo na tumayo para sa pag-awit ng ating National Anthem na susundan
naman ng panalangin.
Sabi nga nila, Every journalist has a responsibility. A responsibility to change the ignorance that
covers the world. Ano kaya ang masasabi ng ating punong-guro tungkol sa pahayag na iyan?
Ngayon ay tatawagin ko na ang ating Principal IV, na si Gng. Maria Theresa D. Aposin.
....Sa puntong ito ay tatawagin ko naman ang isang de kalibreng guro sa Tanque NHs, bibong
bibo at inobatibo sa larangan ng pagtuturo, ang school paper adviser sa Filipino na walang iba
kundi si Sir Michael Telesforo Hisanza para sa pag tsek ng attendance at pagpapakilala sa mga
resource speakers at mga tagapamahala sa ating Journalism Writeshop.
Maraming Salamat, Sir Mike!
Sa pagkakataong ito, ay tatawagin ko na ang isa sa mga mahuhusay at dedikadong guro ng
Tanque National High School, kakikitaan din syempre ng natatanging kagandahan, ang school
paper adviser sa Ingles. Lahat, bigyan natin ng isang umaatikabong na palakpakan si Bb.
Shiela Marie F. Duerme upang magbigay ng Oryentasyon.
Oras na para humayo sa tamang landasin... Magsimulang tuklasin ang libro ng karunungang
unti-unting bubuklatin.
Download