Uploaded by Princess Mae Tenorio

TENORIO-KABANATA-2-EDITED PROPOSAL

advertisement
Kabanata 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang ikalawang kabanata ay binubuo ng limang bahagi: (1)
Kakayahan sa Pagtukoy Pangatnig (2) Kakayahan sa Pagtukoy ng
Pang-ukol
(3)
Kakayahan
sa
Pagtukoy
ng
Pang-angkop
(4)
Paggamit sa Pangungusap (5) Sintesis.
Ang unang bahagi, kakayahan sa pagtukoy ng mga pangatnig
- paglalahad ng depinisyon, kahalagahan, at katangian.
Ang ikalawang bahagi, kakayahan sa pagtukoy ng pang-ukol
- paglalahad ng depinisyon, kahalagahan, at katangian.
Ang ikatlong bahagi, kakayahan sa pagtukoy ng pangangkop - paglalahad ng depinisyon, kahalagahan, at katangian.
Ang
ikaapat
na
bahagi,
paggamit
nito
sa
pagbuo
ng
pangungusap - paglalahad ng katuturan, kahalagahan at wastong
paraan sa paggamit ng mga pang-ugnay.
Ang
ikalimang
bahagi,
sintesis.
Ito
ay
ang
pangkalahatang nilalaman ng pag-aaral.
Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig
Sa pagtuturo ng wika gaya ng Filipino mula elementarya
hanggang sa kolehiyo, pangunahing layunin nito ang paglinang
sa kahusayan ng mga mag-aaral na makilala, mapagtuunang-
24
pansin, maunawaan at magamit ang wika sa lalong maayos,
masining,
malikhain,
makabuluhan,
mabisa
ang
paraan
ng
pagpapahayag, pasulat man o pasalita. (Maglaya (2013)
Ang
kakayahan
sa
pagtukoy
ng
mga
pangatnig
ay
makatutulong nang malaki upang lubusang mabigyang-halaga ang
mga salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang
yunit sapangungusap. Ang pangatnig ay ang anumang salita na
nag-uugnay, nagdudugtong o nagsasama sa mgasalita, parirala,
sugnay at pangungusap. Gaya na lamang ng pang-angkop, pangukol
at
pangatnig.
https://www.coursehero.com/file/.(01/12/2023)
May sampung (10) mga uri ng pangatnig: ang panlinaw,
panubali, paninsay, pamukod, pananhi, panapos, panimbang,
pamanggit, panulad, at pantulong.
Una ay ang pangatnig na panlinaw ay ginagamit upang
ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.
Halimbawa: Nag-usap na kami sa baranggay kung kaya ang ang
kasong ito ay tapos na.
Ikalawa ay ang Pangatnig na Panubali. Ito ay nagsasabi
ng
pag-aalinlangan.
Maaari
itong
gamitan
ng
mga
salitang kung, sakali, disin sana, kapag, o pag. Halimbawa:
Sakaling hindi ako makapunta bukas, sabihin mo na lang sa
akin ang mapag-uusapan sa pulong.
25
Ikatlo ay ang Pangatnig na Paninsay. Ito ay ginagamit
kapag
sinasalungat
ng
unang
bahagi
ng
pangungusap
ang
pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan ng mga salitang
ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, o
kahit. Halimbawa: Yumaman si Arriane kahit galing siya sa
hirap.Ikaapat ay Pangatnig na Pamukod. Ginagamit ito upang
ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga salitang o, ni, maging, at man.
Halimbawa: Mahal kita maging sino ka man.Ikalima ay ang
Pangatnig na Pananhi. Ito ay ginagamit upang magbigay ng
dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong
gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi sa, sapagkat, o
mangyari. Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo
dahil sa bagyo.Ikaanim ay ang Pangatnig na Panapos. Ito ay
nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Maaari
itong gamitan ng mga salitang sa lahat ng ito, sa di-kawasa,
sa wakas, o sa bagay na ito. Halimbawa: Sa wakas ay makakauwi
na rin tayo.
Ikapito ay ang Pangatnig na Panimbang. Ito ay ginagamit
sa paghahayag ng karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaari
itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati, kaya, o anupa’t.
Halimbawa:
Ikaw at ako ay mahilig kumain.
26
Ikawalo ay ang Pangatnig na Pamanggit. Ito ay nagsasabi o
gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Maaari itong gamitan ng
mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo, o di umano.
Halimbawa: Ako raw ang dahilan ng kanyang kasiyahan.
Ikasiyam ay ang Pangatnig na Panulad. Ito ay tumutulad
ng mga pangyayari, kilos o gawa. Maaari itong gamitan ng mga
salitang kung sino, siyang, kung ano, siya rin, o kung gaano,
at siya rin. Halimbawa: Kung sino ang may sala, siyang dapat
managot.Panghuli ay Pangatnig na Pantulong. Nag-uugnay ito ng
nakapag-iisa at hindi nakapag-iisang mga salita, parirala o
sugnay. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung, kapag,
upang,
para,
nang,
sapagkat,
o
dahil
sa.
Halimbawa:
Ginagalingan niya sa klase para mataas ang gradong makuha
niya. (Iglesias,2021)
Ayon kay Heino (2010), ang mga pangatnig ay mahalagang
elemento sa paglikha ng organiasadong teksto; ang kanilang
presensya samakatuwid ay lumilikha ng kaisahan at mag-ambag
sa kalidad ng teksto.ng pangatnig ay gumagana upang magkaroon
ng lohikal na relasyon sa isang teksto, tulungan ang mambabasa
na ikonekta ang iba't ibang mga yunit ng talata, at magkaroon
ng kahulugan ang teksto.
Dagdag pa ni Cook (2011), ang mga pangatnig ay naghahanda
sa mga mambabasa na mahulaan ang mga ideyang kasunod nito.
Kaya naman ang angkop na paggamit ng mga pangatnig ay isang
27
mahalagang kasanayang na dapat matamo ng mga mag-aaral upang
maging mahusay sa pagsulat.
Ang kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig ay ang kagalingan
sa pagkilala sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay
sa dalawang salita, parirala sugnay upang mabuo ang diwa o
kaisipan ng isang pahayaq. Karaniwan itong makikita sa simula
o
kalagitnaan
ng
pangungusap.
https://noypi.com.ph/pangatnig.(01/12/2023)
Binanggit sa pag-aaral na isinagawa ni Epistola (2011),
sa “Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa
Unang
Taon
ng
Kursong
Edukasyon
ng
Baguio
Colleges
Foundation” natuklasang palaging nagkakamali ang mga magaaral sa aspekto ng pandiwa, sumunod ang kailanan ng pandiwa.
Sa sintaks ay sa wastong gamit ng salita, pagkakaltas ng
pangatnig partikular sa paggamit ng nang at ng.
Natuklasan
din
sa
pag-aaral
ni
Tibagcay
(2011),
na
panghuli sa ranggo hanay ng mga kamalian ng mga mag-aaral sa
pagkilala ng mga pangatnig. Naniniwala rin si Propesor Renato
Constantino
sa
kanyang
akdang
The
Language
Problem,
ang
pinakaugat sa kahirapan sa pagkatuto sa anumang asignaturang
itinuturo sa wikang Filipino ay sa kadahilanang ang mga
Pilipino mismo ay hindi marunong magbigay halaga sa ating
sariling wika. Aniya, tumatak na sa isip ng mga tao na ang
28
edukasyon ay nakasandig sa English Proficiency dahil ang mga
Pilipino ay naniniwalang hindi nila kayang kumalas sa Amerika
at ang kagalingan sa pagbigkas ng wikang Ingles ay nagiging
batayan na ng kakayahang intelektwal ng isang indibidwal.
Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-ukol
Pagdating sa Filipino bilang asignatura, isa sa mga
topiko na itinatalakay sa elementarya ay ang mga bahagi ng
pananalita. May walong (8) bahagi ng pananalita. Kabilang na
dito ang pang-ukol.
Ilan sa mga depinisyon ng pang-ukol ay ang mga sumusunod:
Batay kay Diaz na binanggit sa pag-aaral ni Iglesias (2021),
ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng pangngalan o
panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Ito ay nagpapahayag
ng kinauukulan ng isang kilos o gawa o kaya ay pinangyarihan
ng isang gawa rin o kilos.Ito ang salitang ginagamit upang
matukoy ang paksa o pinagbatayan ng impormasyon.
Tahasang sinabi ni Alejandro (2017) na nililimitahan ng
mga depinisyon na ito ang mga pang-ukol sa ilang kahulugan –
beneficiary, o purpose, location, at reference – samantalang
mayroon pang maaaring tuklasin.
Sa katunayan, limitadong
pagsusuri ang lumalabas sa mga gramar ng Tagalog o Filipino.
Halimbawa:
29
“There are only a few Tagalog prepositions. They are
tungkol
sa
persons),
(with
hinggil
things),
sa
tungkol
(with
kay
things),
(with
hinggil
particular
kay
(with
particular persons), sa (depending on the verb with which it
goes, this preposition may mean on, in, from, with, to.)”
Ang
kakayahan
sa
pagtukoy
ng
mga
pang-ukol
ay
may
mahalagang kontribusyon tungo sa wastong paggamit ng mga ito
bilang mga konektor, na nag-uugnay ng isang salita sa isa pa
sa loob ng isang pangungusap. Pinapayagan nito ang isang
tagapagsalita o manunulat na ipahayag ang link sa pagitan ng
magkahiwalay na mga aytem. Ang mga pang-ukol ay maaaring
maghatid
ng
direksyon
o
impormasyon
magbigay
tungkol
ng
mga
sa
lokasyon,
detalye. Binabago
oras,
ng
o
mga
pariralang pang-ukol ang mga pangngalan at pandiwa habang
nagsasaad ng iba't ibang ugnayan sa pagitan ng mga paksa at
pandiwa. Ginagamit ang mga ito upang kulayan at ipaalam ang
mga
pangungusap
sa
makapangyarihang
paraan.
https://lwvworc.org/tl/why-prepositional-phrases-areimportant. (01/28/2023)
May dalawang pangkat ng Pang-ukol. Una ay ang pang-ukol
na ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga
pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o
balana.
Halimbawa:
Ang
tema
ng
talakayan
ay
ukol
sa
kahalagahan ng edukasyon. Pangalawa, Ginagamit na pantukoy sa
30
ngalan ng tanging tao - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos
o ari ay para sa tanging ngalan ng tao. Halimbawa: Ang librong
kanyang
binabasa
ay
ukol
kay
Imelda
Marcos.
https://filipinotutorial.blogspot.com/2011/09/bahagi-ngpananalita-ang-pang-ukol.html. (01/28/2023)
Sa
pag-aaral
na
isinagawa
ni
Epistola
(2011),
sa
“Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Unang
Taon ng Kursong Edukasyon ng Baguio Colleges Foundation”,
natuklasan
ding
nagkakamali
sa
paggamit
ng
kamalian
sa
wastong gamit ng pang-ukol at pantukoy.
Pahayag pa nina Loke at Anthony (2013) sa pag-aaral
tungkol sa kamalian sa paggamit ng pang-ukol sa bansang
Turkish,
ang
paggamit
ng
pang-ukol
ay
isa
sa
pinaka
mapaghamong aspeto ng balarila sa Ingles para makabisado nang
mahusay ng mga mag-aaral. Iginiit din ni Swan (1988) na hindi
madaling gawain ang matutong gumamit ng mga pang-ukol nang
tama.
Sinang-ayunan din ito ni Özışık (2014) na naglalayong
alamin kung anong antas ng kakayahan sa paggamit ng mga pangukol
ang
mga
estudyanteng
Turkish.
Nagbigay
siya
ng
animnapung (60) aytem na pagsusulit sa tatlumpung (30) magaaral sa upper-intermediate level sa isang unibersidad. Sila
ay inatasang punan ang mga puwang ng angkop na pang-ukol o
lagyan ng (-) kung walang pang-ukol na kailangan. Ang resulta
31
ng pagsusulit ay nagpakita na kahit na sa antas na ito,
nahihirapan ang mga mag-aaral sa paghahanap ng tamang pangukol.
Samakatuwid, hindi lang pangatnig ang dapat bigyan ng
pansin sa pag-aaral. Layunin ng pang-ukol ang paghahambing ng
mga ideya, pagkokonekta sa mga pangyayari.
Sa paggamit nito,
ang mga ideya ay magiging ispesipik ang iyong nais iparating
o sinasabi. Dito, makikita ang kahusayan o kawastuan sa mga
pahayag
na
ginagamitan
ng
mga
pang-ukol.
http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/2016/01/-pangukol-pangatnig.html. (01/28/2023)
Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-angkop
Ang pang-angkop ay mga katagang idinudugtong sa pagitan
ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng
mga
ito
at
magkaroon
ng
ugnayang
panggramatika.
Ito
ay
maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang
mga pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g. Ang /na/ ay
ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang
salita ay nagtatapos sa katinig o consonant maliban sa titik
na /n/. Ito rin ang ginagamit sa mga salitang Ingles na
inuulit. Halimbawa, ang malalim-bangin ay nagiging malalim na
bangin.
Samantala,
ang
pang-angkop
na
/-ng/
naman
ay
ginagamit kung ang unang salita ay iuugnay nagtatapos sa
32
patinig
o
vowel.
Halimbawa,
ang
malaya-tao
ay
nagiging
malayang tao. Sa /-g/ ay iuugnay na unang salita na sinusundan
nito ay nagtatapos sa katinig na /n/. Halimbawa, ang aliwanpambata
ay
nagiging
aliwang
pambata.
https://filipinotutorial.blogspot.com/2011/09/ang-pangangkop-ligatures.html. (01/18/2023)
Ayon kay Bulaong na binanggit ni Pagayon (2018), ang
tao ay maaaring magtataglay ng isang mabisa at maayos na
paraan ng pagpapahayag na nararapat kung pauunlarin niya ang
mga kasanayang pangwika kagaya ng tamang paggamit ng mga pangugnay tulad ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Ang mga
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng
isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais
niyang ipaabot.
Ayon sa pananaliksik ni Lozada (2016), napag-alaman na
nanguna ang hirap ng mga mag-aaral sa paggamit ng pang-angkop
sa pangungusap. Kompara sa pang-abay na isang panuring din,
lubos silang nahirapan sa paghahanap ng mga angkop na pangugnay na gagamitin sa kanilang pagpapahayag lalo na’t ito ay
kalimitang ginagamit sa pagbuo ng sang pangungusap.
Kung gayon, hindi lamang pangatnig at pang-ukol ang
dapat bigyan ng pansin sa pag-aaral. Saklaw din nito ang pangangkop
na
tunituringan.
nag-uugnay
Ito
ay
sa
mga
panuring
nagpapaganda
ng
at
mga
salitang
pariralang
33
ginagamitan. Naging wasto ang mga pahayag kapag ang mga pangangkop
na
ginagamit
nito
ay
angkop
sa
mga
salita
o
pangungusap. Marahil ang ideya dito ay magkatimbang o dimagkatimbang.
Ang
pang
angkop
ay
nagbibigay
linaw
at
nagpapaunlad sa ating kaalaman sa pagbuo ng mga artikulo.
http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/html. (01/28/2023)
Paggamit ng Pang-ugnay sa Pagbuo ng Pangungusap
Ayon kay Rubin, et. al. na binanggit ni Bayadog (2016),
ang gramatika ay pag-aaral ng mga uri ng mga salita at ng
kanilang tamang gamit at pagkakaugnay-ugnay kung ginagamit sa
pagpapahayag ng isang kaisipan. Samakatwid, sa mga kaalamang
panggramatika nakasalalay ang kawastuhan at kalinangan ng
ating pagsasalita at pagsusulat.
Napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa tama
at wastong paggamit ng mga salita, pasulat man o pasalita na
paraan ng pagpapahayag. Maaaring maganda ang ibig ipahatid,
maaari rin namang may mabuting layon sa pagpapahayag subalit
hindi ito nagiging mabisa kung mali ang pagkakapili ng mga
salita at hindi tama ang pagkakaayos o pagkakabuo ng mga
salita. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga parirala, sugnay
at pangungusap ng pahayag, ang tamang mga panuring, mga pangugnay, at iba pa para sa kaayusan, kaisahan at kakipilan ng
34
mga
pangungusap
ay
sinasaklaw
ng
balarila.
Samakatwid,
nagiging maayos, mabisa at epektibo ang pagpapahayag kung may
sapat na kaalaman ang tao sa balarila o gramatika. (Bacalia,
2019)
Ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa paggamit ng mga pangugnay na pangatnig, pang-ukol at pang-angkop kahit sa mga
payak na pangungusap. Mga simpleng salita lamang sa Filipino
ang naituro sa kanila at isinasalin pa ang mga ito sa Ingles.
Sa kanilang pagpapahayag din sa pasenyas sa wika, hindi
gaanong nabibigyang diin ang iba-ibang pang-ugnay tulad ng
pang-angkop,
pang-ukol
at
pangatnig.
Iisa
lamang
ang
palatandaan na kumakatawan sa mga ito kaya limitado lamang
ang kanilang bokabularyo pagdating sa pang-ugnay (Lozada,
2009).
Sa pahayag nina Canale at Swain na binanggit ni Javier
(2013), kailangang magtaglay ang mga mag-aaral ng kaalaman sa
kayarian
ng
salita
at
pangungusap
upang
maipahayag
ang
kahulugan nito. Dapat nilang maunawaan kung paano nabubuo ang
pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita.
Ayon kay Santiago (2013), ang kakayahan ng mga mag-aaral
na magamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng isang
sanaysay ay makatutulong nang malaki sa kanilang pang-arawaraw
na
kaisipan.
pakikipagtalastasan
at
pagpapahayag
ng
kanilang
35
Sa
pag-aaral
na
isinagawa
ni
Gerot
at
Wignell
na
binanggit sa pag-aaral ni Iglesias (2021) natuklasan nilang
maraming kabataan ang nahihirapan sa paggamit ng mga pangugnay sa pangungusap upang makabuo ng isang sanaysay. Ang iba
naman
ay
hindi
pangungusap
na
tama
ang
nagpapabago
paggamit
sa
ng
gusto
mga
pang-ugnay
nilang
iparating
sa
o
ipahayag na mensahe.
Dagdag pa nina Lartec at Perry (2011), madalas gamitin
ang pang-ugnay sa pagpapahayag lalo na sa pagsulat ng isang
sanaysay kaya dapat ay nasasanay ang mga mag-aaral sa paggamit
nito. Kapag nasasanay na ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga
pang-ugnay, nadaragdagan ang kanilang kaalaman tungkol dito
at upang masuri rin ang pagkagamit nito sa pasulat na anyo.
Gayunpaman, sa pananaliksik ni Lozada (2016), napagalaman na nanguna ang hirap ng mga mag-aaral sa paggamit ng
pang-angkop sa pangungusap. Kompara sa pang-abay na isang
panuring din, lubos silang nahirapan sa paghahanap ng mga
angkop na pang-ugnay na gagamitin sa kanilang pagpapahayag
lalo na’t ito ay kalimitang ginagamit sa pagbuo ng sang
pangungusap. Sa pagbuo ng pangungusap sa Filipino, ang mga
pang-ugnay na tulad ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig ay
ay ginagamit upang lalong mapalawak ang pangungusap. Sa mga
mag-aaral sa Grado 8, hindi pa sila sanay sa paggamit ng pang-
36
ugnay dahil mga payak na pangungusap pa lamang ang kanilang
alam at kadalasan ay hindi sila nakapagpapahayag sa Filipino.
Ganoon din ang natuklasan nina Mintz at Gleitman (2012),
ang
pagkatuto
ng
mga
bata
ng
mga
pang-ugnay
ay
isang
palaisipan. Ayon sa pag-aaral ng pagkatuto at pagkakaunawa ng
mga bata sa mga pang-ugnay, nakita na mas mabagal at maraming
pagkakamali ang nagagawa ng mga ito kung ihahambing sa mabilis
nilang pagkatuto ng pangalan ng mga bagay-bagay. Ang mga pagaaral tungkol sa kakayahan ng mga bata na matuto ng mga pangugnay ay nagsasabi na ikinokonekta ng mga ito ang mga pangugnay na ginamit sa kahulugan o kung paano nila nauunawaan
ang isang pangungusap.
Dagdag pa nila, ang pagbibigay atensyon ng mga bata sa mga
pangalan ng mga bagay-bagay ay maaaring maging hadlang upang
matuto silang gumamit ng mga pang-ugnay. Mas mahihirapan ang
mga bata na matuto ng mga pang-ugnay kung palagi silang
nakapokus sa pag-alam ng mga pangalan ng mga nakikita.
Sa pag-aaral ni Nelson na binanggit sa pag-aaral ni
Iglesias (2021) , mas mababa o wala pa sa 7% sa limampung
(50) salitang binanggit ng mga kalahok ay mga pang-ugnay.
Napag-alaman
din
sa
pag-aaral
nina
Golden-Meadow,
Seligman, and Gelman (2013), na ang mga batang 1-2 taon ay
nakauunawa
at
nakapagsasalita
ng
mga
pangngalan,
ngunit
37
kakaunti ang mga pandiwa at wala ni isa mang pang-ugnay. Ang
obserbasyong ito ay kinumpirma rin ng iba pang mananaliksik.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na napakalawak at
napakarami ng mga salitang pang-ugnay na pwedeng magamit at
mapagpilian ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapahayag ng mga
bagay-bagay sa paligid. Ang tamang paggamit ng mga pang-ugnay
na ito sa pagbuo ng isang pangungusap na nagiging sanaysay ay
sinasabing napakahalaga upang maipahayag nang lubusan ng
isang tao ang kanyang saloobin o iniisip sa iba’t ibang
sitwasyon at panahon, sa pasalita man o pasulat na paraan.
(Borjesson, 2014.)
Sa kabilang banda, batay sa pag-aaral ni Patilan (2014),
marami sa mga kalahok ay nakakuha ng gradong 85 bahagdan sa
ikatlong markahan. Mababa ang antas ng kakayahan ng mga magaaral sa paggamit ng pandiwa samantalang mataas naman ang
kakayahan nila sa paggamit ng mga pang-ugnay. Sa pagsusuri ng
null
hypothesis,
paboritong
pelikula,
markahan
ang
babasahing
paboritong
ay
may
wika/wikaing
ginagamit
Filipino,
paboritong
asignatura,
makabuluhang
at
grado
kaugnayan
sa
sa
sa
bahay,
panooring
ikatlong
kakayahan
ng
paggamit ng pandiwa samantalang ang paboritong leksyon sa
Filipino ay walang kaugnayan sa paggamit ng pandiwa. Ang lahat
ng salik na nabanggit ay may malaking kaugnayan sa paggamit
ng mga pang-ugnay. Inirekomenda ng pag-aaral ang malimit na
38
pagbibigay ng guro ng pagsasanay sa pagsulat ng komposisyon
o sanaysay. Makatutulong din sa mga mag-aaral ang pagbabasa
ng diyaryo at iba pang uri ng babasahing Filipino at ang
panonood ng mga programang tagalog o Filipino at pelikulang
Filipino.
Ayon sa aklat na may pamagat na “Facilitating Learning:
A Metacognitive Process” nina Maria Rita D. Lucas at Benda D.
Corpuz.(2010), may ibat-ibang teorya tungkol sa proseso ng
pagkatuto at mga salik na nakaaapekto dito pati na rin mga
pamamaraan sa pagtuturo. Una rito ay ang likas na proseso ng
pagkatuto,
dito
mas
epektibo
ang
pagkatuto
kung
ito
ay
intensyonal na proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa
impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng
pagkatuto, ang tagumpay ng pagkatuto ay nakasalalay sa maayos
na representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman,
ang
matagumpay
na
mag-aaral
ay
naipag-uugnay
ang
bagong
impormasyon sa dating alam sa mas makabuluhang pamamaraan.
Pang-apat, pag-iisip na may istratehiya, ang matagumpay na
mag-aaral ay nakabubuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng
pag-iisip upang makamtam ang pagkatuto. Panlima, ay ang pagiisip kung ano ang iniisip, mataas na antas ng estratehiya sa
pagpili at pagmomonitor ng mental na operasyon. Pang-anim,
pagkatuto mula sa mga konteksto, sinasabi na ang pagkatuto ng
isang mag-aaral naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na
39
ang kultura, teknolohiya, at mga paniniwalang instruksiyonal.
Sumunod
dito
ay
ang
motibasyon
at
ang
emosyonal
na
impluwensiya sa pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang
isang mag-aaral sa pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang
motibasyon
ng
isang
mag-aaral
naiimpluwensiyahan
ng
indibidwal na emosyon, paniniwala, interes, at kaugalian sa
pag-iisip.
Ayon kay Bangon (2014), ang mga kagamitan o resources ay
isinaalang-alang ang kahandaan at kasapatan ng mga ito sa
pagtuturo. May mga bagay at aktibidades na ibinibigay ang mga
guro upang sa gayon ay hindi mabagal ang kanilang pagkatuto
lalo na sa paggamit ng mga pang-ugnay at hindi mawalan ng
interes sa pag-aaral ang mga ito.
Ayon naman kay Haiyang (2014) na binanggit sa pag-aaral
ni Iglesias 2021, walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng
kahusayan ng mga mag-aaral sa pagkilala ng pang-ugnay at
paggamit
ng
pananaliksik
mga
ito
na
ito,
sa
pagbuo
ng
sanaysay.
Ayon
sa
karamihan
sa
mga
mag-aaral
ay
nakakikilala ng mga pang-ugnay sa isang babasahin o teksto
subalit nahihirapan sila sa paggamit ng mga ito sa pagbuo ng
sanaysay. Ang mga batang bihasa sa pagkilala ng mga pangugnay ay hindi masasabing bihasa rin sa paggamit ng mga ito
nang tama sa isang sanaysay.
40
Sintesis
Dala ng modernong panahon at dalawang taon na karanasan
sa distance learning, nasasangkot sa maraming suliranin sa
pag-aaral ang mga mag-aaral. Isa na dito ang pagbuo ng wastong
pangungusap gamit ang pang-ugnay na pangatnig, pang-ukol at
pang-angkop. Marapat na magabayan, gumawa ng interbensyon at
mabisang estratehiya upang mahasa ang kanilang kasanayan sa
gramatika lalong lalo na ang tamang paggamit ng nabanggit na
mga pang-ugnay. Ito ang nagsisilbing gabay upang ang pagbubuo
ng mga ideya ay maayos, makahulugan at kronolohikal.
Ang
kasanayan sa pagkilala ng mga pag-ugnay ay dapat matutunan ng
bawat mag-aaral upang magkaroon nang lubusang pag-unawa sa
tekstong babasahin dahil sa maling paggamit lamang ng isang
salita ay maaaring iba ang nais ipakahulugan nito. Sa oras na
magtaglay ng kahusayan ang mga mag-aaral sa paggamit nito,
sila ay magiging mabisang tagapaghatid at tagatanggap ng
mensahe, pasulat man o pasalita. Gayundin, magtataglay ng
kagandahan at kaisahan ang kanilang isusulat na pangungusap,
teksto at kahit sanaysay sapagkat marunong silang bumuo ng
pahayag na isinaalang-alang ang istruktura ng pangungusap.
Samakatuwid, ang tunay na diwa ng pangungusap ay mauunawaan
nang epektibo dahil sa pagdaragdag ng angkop na pang-ugnay.
Download