Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig, Pang-ukol, at Pangangkop at Paggamit sa Pangungusap ng mga Mag-aaral sa Ikapitong Baitang Princess Mae C. Tenorio Kabanata 1 Panimula ng Pag-aaral Ang unang kabanata ay binubuo ng limang bahagi, ito ay ang mga sumusunod; (1) Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral, (2) Kahalagahan ng Paglalahad ng Pag-aaral, Suliranin (4) at Ipotesis, Pagpapakahulugan sa (3) mga Katawagan, at (5) Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral. Ang Unang Bahagi, Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral, naglalahad ng panimula, nagbibigay katwiran sa mga pangangailangan para sa pagsisiyasat at nagtatalakay sa batayan at suporta sa pagpili ng pag-aaral na ito Ikalawang Bahagi, Paglalahad ng Suliranin at Ipotesis, nagtatalakay sa pangkalahatan gayundin suliranin at ang susubuking ipotesis. sa mga tiyak na 2 Ikatlong Bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagbibigay dahilan kung bakit ang naturang pananaliksik ay ginawa at ang pakinabang nito ay mahalaga ayon sa kinalabasan ng pag-aaral. Ikaapat na Bahagi, Pagpapakahulugan sa mga Mahalagang Katawagan, nagbibigay-linaw sa mga mahalagang terminolohiya at mga pangunahing baryabol na gagamitin sa pag-aaral. Ikalimang Bahagi, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral, nagtatakda ng saklaw at hangganan ng pananaliksik at mga pangunahing baryabol, mga pamamaraan, disenyo na ginamit sa pag-aaral. Ipinaliwanag din ang mga kalahok o populasyon ng pag-aaral, mga kagamitan at mga istadistikang gagamitin sa pag-aaral. Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral Ang bawat wika ay binubuo ng ponema, morpema, sintaks at diskors. Buhat sa mga ito, ang tao ay nakalilikha ng mga salita na kanilang gagamitin sa pagbuo ng isang pahayag sa kanilang pakikipagtalastasan sa araw-araw na pamumuhay. Ito ay may tuntuning sinusunod na tinatawag na gramatika o balarila. Sa linggwistika, ang gramatika ay isang set o hanay ng estruktural na tuntunin na binubuo ng iba’tibang kayarian tulad ng sugnay, parirala, pangungusap, pagbuo ng mga salita at maging ang paggamit ng wastong salita. 3 https://www.studocu.com/ph/document/pangasinan-state university/bsed-filipino/katangian-at-kahalagahan-ng wika/29852894. (12/27/2022) Ayon sa pag-aaral ni Bonilla (2020), dapat na marunong ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa paggamit ng wika sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Samakatuwid, kailangan ang paglinang sa kakayahang panggramatika ng mag-aaral dahil mahalaga ito sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral. Dala ng nagdaang panahon marami nang mga kabataan ang hindi marunong o kulang sa kaalaman sa paggamit ng tamang pang-ugnay sa bawat pangungusap, dahil nga sa patuloy na pagusbong ng henerasyon ay patuloy din ang pag-unlad ng modernong populasyon na nagiging dahilan para malayo ang kabataan sa pag-aaral at patuloy na makalimutan ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay. Ang mga kabataan ay nakatuon sa paggamit ng mga teknolohiya upang mapadali ang mga bagay, tulad na lamang sa komunikasyon, ang pagpapalitan ng mensahe sa cellphone o chat sa Ingles. Marahil totoo, maganda nganaman ang naiidulot nito sa makabagong panahon. Ngunit sa pagmamadali, tila hindi nila nabibigyang pansin ang mga salita nilang ginagamit. Lumilikha sila ng mga barok na salita upang mapadali at 4 mapaiksi ang kanilang pagtipa ng mga salita at letra sa cellphone. Dagdag pa ni Bonilla (2021), nagkaroon ng malaking gap o puwang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng ideya o sa pagsulat ng pangungusap dulot ng pandemya dahil nakatutok sila sa paggamit social media application sa cellphone. Kapansin pansin din ang kahinaan sa pag-uugnay ng mga salita para makapagpaliwanag ng kasagutan sa talakayan. Napakalaking bagay ang pagkakaroon ng kaalaman kung paano wastong paghahanay ng mga salita at kataga dahil ginagamit ito sa komunikasyon, pasalita man o pasulat. Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan. Una ay ang salitang pangnilalaman na binubuo ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, at pang-abay. Pangalawa ay ang salitang pangkayarian na binubuo ng mga Pang-ugnay na Pangatnig, Pang-ugnay na Pang-angkop at Pang-ugnay na Pangukol. Kabilang din ang mga pananda.(Iglesias,2021) 5 Ang mga pang-ugnay o tinatawag na transition words sa wikang ingles ay mga salitang ginagamit upang iugnay ang isang ideyang nais mong iparating o ipahayag sa panibagong kaisipan na nais mong idugtong o ituloy. Mahalaga ito sa ating pagpapahayag sapagkat sa tulong ng mga ito mas nagiging malinaw at kauna-unawa ang kaisipang iyong tinatalakay. Ito rin ang siyang nagsisilbing gabay upang ang pagsasabi ng ideya ay mabanggit ng naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito at ng sa gayon ay maiwasan ang kalituhan. https://www.panitikan.com.ph/kahulugan-ng-pang-ugnay. (01/12/2023) Ayon kay Badayos,na binanggit sa pag-aaral ni Iglesias (2021) , ginagamit ang mga pang-ugnay upang ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon at paglalahat. Hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at ipinapakita ang relasyon ng mga ito. Ito ay kilala rin bilang panghudyat na salita. (a.) Pagkakasunod-sunod o nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag Kinawakasan/kinasapitan-nagsasaad ng impormasyon, ng kinalabasan b.) o kinahinatnan, c.) pagdaragdag, d.) Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay, e.) pagkakaiba, konsesyon, at bahaging pagbabagong lahad, f.) pagpapasidhi o pagtitiyak-walang duda, 6 tunay, sa katunayan, g.) Madalas na pagpapahayag ng kagustuhan. Dagdag pa ni Badayos, ang pang-ugnay ay nagbibigay linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso. Maaaring maghudyat ito ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Ginagamit din ang pang-ugnay sa pagsisimula o pagpapadaloy ng mga pangyayari hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay. Ito ay may tatlong uri: Una ay ang Pangatnig. Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o payak na pangungusap. Mga halimbawa ng pangatnig: at, kapag, ngunit, samakatuwid, dahil, kaya, o, sa madaling salita, bagaman, sapagkat, upang, bagkus, kung, palibhasa, sanhi, bago, habang, pati, sapagkat, dahil sa, maliban sa, sakali, subalit, at samantala. Ang pangatnig ay may siyam na uri, ito ay ang Paninsay, Panlinaw, Pamukod, Panubali, Pantulong Panapos, at Pamanggit, Panimbang. https://www.coursehero.com/file/ (01/12/2023) Ayon pa kay Arrogante (2017), ang mga sugnay, malaya at pantuwang langkapan sa ay mga pangungusap nagkakaroon na tambalan, lamang ng hugnayan pagkakaiba at at pagkakaugnay-ugnay, nagiging buo ang kaisipang isinasaad sa pamamagitan ng mga pangatnig. Ang pangatnig ay bahagi ng 7 pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang. Pantuwang ang pangatnig kung pinag-uugnay ang mga magkasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay ng mga bagay o kaisipan. Ang pangatnig ay maaari ring magbukod, magbigay sanhi at magbigay pagtatapos sa paghahalintulad, magbigay ng isang pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap. https://noypi.com.ph/pangatnig. (01/12/2023) Ikalawa ay ang Pang-ukol. Ito ay kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Ang ginagamit bilang pang-ukol ay ang mga sumusunod: Alinsunod sa/ alinsunod kay, Laban sa/ laban kay, Ayon sa/ ayon kay, Para sa/ para kay, Hinggil sa/ higgil kay, Tungkol sa/ tungkol kay, kay/ kina, at ukol sa/ ukol kay. Ikatlo ay ang Pang-angkop. Ito ay tumutukoy sa tagapagugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan. Ito’y ginagamit upang maging madulas ang pagbigkas ng mga magkakasamang salita. Tatlo ang pang-angkop: na, -ng, at -g. Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng mga pangugnay at kahusayan nito sa paggamit sa pangungusap ay marapat na mabatid ng guro upang makagawa ng interbensyon o mga 8 pamamamaraan sa mabisang pagkatuto sa paaralan. https://www.slideshare.net/FelixZacharyAsilom/ (01/12/2023) Dagdag pa, kung mali ang gamit at pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa mga pangungusap na ginagamit natin kung tayo'y nagsasalita at sumusulat, natural lamang na naging malabo rin ang pahayag. Ang kasanayan sa pagtukoy ng pangatnig ay ang kagalingan sa pagkilala sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag. Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan magbukod, pangungusap. magbigay sanhi Ang pangatnig at magbigay ay maaari ring pagtatapos sa halintulad, magbigay ng isang pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.(https://noypi.com.ph/pangatnig/01/12/2023) Ayon kay Cook (2011), ang mga kasanayan sa pagtukoy ng mga pangatnig ay naghahanda sa mga mambabasa na mahulaan ang mga ideyang kasunod nito. Kaya naman ang angkop na pagtukoy ng mga ito ay isang mahalagang kasanayang na dapat matamo ng mga mag-aaral upang maging mahusay sa pagsulat. Natuklasan din sa pag-aaral ni Tibagcay (2011), na panghuli sa ranggo ang mga naging kamalian ng mga mag-aaral sa pagkilala ng mga pangatnig. Maging sa pag-aaral na isinagawa ni Epistola (2011), sa “Pambalarilang Kamalian sa 9 Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kursong Edukasyon ng Baguio Colleges Foundation”, natuklasan ding nagkakamali sa paggamit ng kamalian sa wastong gamit ng pangatnig, pangukol at pantukoy. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Özışık (2014) na naglalayong alamin kung anong antas ng kakayahan sa pagtukoy ng mga pang-ukol ang mga estudyanteng Turkish. Nagbigay siya ng animnapung (60) aytem na pagsusulit sa tatlumpung (30) mag-aaral sa upper-intermediate level sa isang unibersidad. Sila ay inatasang punan ang mga puwang ng angkop na pang-ukol o lagyan ng (-) kung walang pang-ukol na kailangan. Napagalaman na nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng tamang pang-ukol. Binanggit sa pananaliksik ni Lozada (2016), napag-alaman din na nanguna ang hirap ng mga mag-aaral sa paggamit ng pangangkop sa pangungusap kompara sa pang-abay na isang panuring din.Lubos silang nahirapan sa paghahanap ng mga pang-angkop na gagamitin kalimitang sa kanilang ginagamit pagpapahayag sa lalo na’t pagbuo ng ito ay sang pangungusap.Nagpapatunay ito na hindi lamang pangatnig at pang-ukol ang dapat bigyan ng pansin sa pag-aaral. Saklaw din nito ang pang-angkop na nag-uugnay sa mga panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda ng mga pariralang 10 ginagamitan. Naging wasto ang mga pahayag kapag ang mga pangangkop na ginagamit nito ay angkop sa mga salita o pangungusap. Marahil ang ideya dito ay magkatimbang o dimagkatimbang. Ang pang-angkop ay nagbibigay linaw at nagpapaunlad sa ating kaalaman sa pagbuo ng mga artikulo. http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/2016/01/reaksyontungkol-sa-pang-ukol-pangatnig.html (01/28/2023) Kaugnay din nito, binanggit ni Iglesias (2021), na ang bawat mag-aaral ay mahalagang matutunan ang pagtukoy sa mga pang-ugnay upang maging mahusay sa pagbuo ng mga salita o anumang ideya na nais ilalahad, pasulat man o pasalita para sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung wala ito, hindi mabubuo at maunawaan ang diwa ng mga pangungusap. Bukod pa rito, ang mga pang-ugnay rin ang nagsisilbing tulay para mas maunawaan ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Nabanggit din sa pananaliksik ni Rodriguez (2016), ang isa sa mga kakayahang dapat taglayin ng mga mag-aaral ay ang kahusayan sa pagtukoy ng mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Ang mga kakayahang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat kabataan. Subalit, sa panahong teknolohiya ito, sa kung saan pag-aaral ng malakas mga ang impluwensiya mag-aaral, lumalabas ng na 11 nagkakaroon ng kalituhan sa pagkilala ng mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Kaya maituturing na isang hamon sa bawat guro kung paano matatamo ng mga magaaral ang kaalaman tungkol sa kakayahan sa pagtukoy ng mga ito. Bawat mag-aaral ay nakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba sisimulan ang kanilang pagkatuto lalo na sa pagtukoy ng mga pang-ugnay. Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto pagsulat. at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos,2008). Napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa tama at wastong paggamit ng mga salita, pasulat man o pasalita na paraan ng pagpapahayag. Maaaring maganda ang ibig ipahatid, maaaari rin namang may mabuting layon sa pagpapahayag subalit hindi ito nagiging mabisa kung mali ang pagkakapili ng mga salita at hindi tama ang pagkakaayos o pagkakabuo ng mga salita. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag, ang tamang mga panuring, mga pangugnay, at iba pa para sa kaayusan, kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay sinasaklaw ng balarila. Samakatwid, 12 nagiging maayos, mabisa at epektibo ang pagpapahayag kung may sapat na kaalaman ang tao sa balarila o gramatika. (Bacalia, 2019) Sa pahayag nina Canale at Swain na binanggit ni Javier (2013), kailangang magtaglay ang mga mag-aaral ng kaalaman sa kayarian ng salita at pangungusap upang maipahayag ang kahulugan nito. Dapat nilang maunawaan kung paano nabubuo ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita kasama na ang mga pang-ugnay. Sinasabing panggramatika hindi sa sapat pagkatuto ang ng kahandaan wika ng at kakayahang isang mag-aaral. Masasabing magaling ang isang tao sa paggamit ng isang wika kung siya ay nakabubuo ng mga pangungusap na angkop sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang kakayahan at kasanayan sa pagsasalita at pasusulat ay hindi lamang nakatuon sa kung ano ang kanyang alam at makabuo ng pangungusap bagkus ay magamit ang mga pangungusap na angkop at tinatanggap ng lipunan, (Minimo et al,.2014). Sa kabuuan, kung titingnan ang kakayahan ng mga magaaral sa pagtukoy ng pang-ugnay na nabanggit lalong lalo na sa mga pangatnig, pang-angkop at pang-ukol ay hindi pa lubusang nalinang ang kakayahang panggramatika ng mga magaaral na nagpapahiwatig na dapat pang bigyang diin ang 13 gramatika sa pagtuturo ng wika. Kailangan pa nila ang mga pagsasanay upang maging bihasa sila sa mga tuntunin ng wikang Filipino sa pasalita at pasulat na pagpapahayag. Ang pag-aral na ito ay ibabatay sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget na sinasabing ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang naq-aaral na wika ay palagiang nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailipat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.https://www.scribd.com>mobile>doc.TeoryangKogni tib. (01/28/2023) Batay sa karanasan ng mananaliksik sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang ng Tanque National High School, napuna niya ang mataas na bilang ng mga estudyante na may kahinaan sa pagtukoy ng mga pangatnig,pang-angkop at pang-ukol.Kadalasang mali ang pagbuo ng pangungusap gamit ang tamang pang-ugnay kung kaya’t pagtutuunan ng mananaliksik na alamin ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap. Bilang isang guro, napag-alaman ng mananaliksik na ito ay isang napakahalagang bagay na dapat pag-aralan at pagtuunan ng pansin upang mahasa 14 ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na sisimulan sa pagbuo ng ideya. Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay kakayahan sa pagtukoy ng Pangatnig, Pang-ukol, at Pang-angkop. Samantala, ang di malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang. Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol ay ipapakita sa unang pigura. Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangukol Paggamit nito sa Pagbuo ng Pangungusap Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangangkop Pigura 1. Ipanakita rito ang kakayahan sa pagtukoy ng mga pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit nito sa pagsulat ng pangungusap na naimpluwensyahan ng mga piling baryabol. 15 Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng Tanque High School na nakapagpatala sa Taong Panuruan 2022-2023. Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1.Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig na ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang? 2. Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pang-ukol na ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang? 3. Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pang-angkop na ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang? 4.Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng mga pangatnig, pang-ukol at pang-angkop sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang? 5. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang? 16 Ang sumusunod ay ang susubukang Ipotesis: 1. Walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging mahalaga at kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: Guro. Lubos na makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga gurong nagtuturo ng ESP, Araling Panlipunan at lalong lalo na sa Filipino upang makagagawa ng napakamabisang istratehiya na maaaring gamitin para sa makabuluhang pagkatuto at pagtaas ng lebel ng kakayahan sa pakikipagtalastasan gamit ang mga pagugnay ng mga estudyante sa loob at labas ng silid-aralan. Mag-aaral. Magiging makabuluhan ang kalabasan ng pagaaral na ito para paigtingin ang kanilang pag-unawa na malaki ang kaugnayan ng kanilang kakayahan sa pagtukoy ng mga pangugnay at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap sa kanilang pagkatuto. Ito ang pupukaw sa mga mag-aaral na pataasin ang kompetensi sa gramatika lalo na sa asignaturang Filipino. Magulang. Bilang unang guro, tagagabay at tagapagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga anak, ang pag-aaral na ito ay 17 makatutulong sa kanila upang lubos na maunawaan ang kinakailangan ng kanilang anak sa pagkatuto. Ito rin ay maguudyok sa kanila na palagiang subaybayan ang abilidad sa pakikipagtalastasan ng kanilang anak sa pamamagitan ng pagtatanong. Pinuno ng Paaralan. Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito upang pag-ibayuhin ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga hakbangin at pamamaraan sa pagtuturo upang lalo itong mabisa at makahulugan. Gayundin maaari nitong hikayatin ang kanyang mga guro sa paaralan na mapaunlad ang kanilang pagtuturo sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminars at training workshop. Susunod o Iba pang Mananaliksik. Ang kinalabasan ng pagaaral na ito ay makatutulong sa iba pang mananaliksik na nagnanais na gumawa pa ng pag-aaral para sa ikauunlad ng kasanayan sa pagtukoy ng mga pangatnig,pang-angkop at pangukol ng mga mag-aaral at ng susunod na henerasyon. Ito ay magsisilbing gabay upang higit pang mapaunlad at mapalawak ang gagawing pananaliksik na may kaugnayan sa ganitong pagaaral. 18 Pagpapakahulugan ng mga Katawagan Para sa ikalilinaw at lubusang ikauunawa ng pag-aaral na ito, ang mga terminolohiyang gagamitin sa pag-aaral ay bibigyang katuturang konseptwal at operasyunal. Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig- tumutukoy ito sa kagalingan sa pagkilala sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala at sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag. Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap. https://noypi.com.ph/pangatnig/ (01/28/2023). Sa pag-aaral na ito, ang “Kakayahan sa Pagtukoy ng PangPangatnig” ay tutukuyin nito ang iskor na makukuha ng mga mag-aaral mula sa tatlumpung (30) aytem na pagsusulit tungkol sa kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig. Ito ay personal na gagawin ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Sila ay gagamitan ng iskalang: 24.01 – 30.00 Napakahusay, 18.01 – 24.00 Mahusay, 12.01 – 18.00 Katamtaman, 6.01 – 12.00 Kasiyasiya, 0.00 – 6.00 Kailangang paunlarin. Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-ukol- Tumutukoy ito sa kapabilidad ng isang indibidwal sa pagkilala ng kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita 19 sa pangungusap. https://www.tagaloglang.com/pang-ukol/ (01/28/2023). Sa pag-aaral na ito, ang “Kakayahan sa Pagtukoy ng PangPang-ukol” ay tutukuyin nito ang iskor na makukuha ng mga mag-aaral mula sa tatlumpong (30) aytem na pagsusulit tungkol sa kakayahan sa pagtukoy ng pang-ukol. Ito ay personal na gagawin ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Sila ay gagamitan ng iskalang: 24.01 – 30.00 Napakahusay, 18.01 – 24.00 Mahusay, 12.01 – 18.00 Katamtaman, 6.01 – 12.00 Kasiyasiya, 0.00 – 6.00 Kailangang paunlarin. Kakayahan sa Pagtukoy ng mga Pang-angkop- Tumutukoy ito sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagkilala salitang naguugnay sa panuring at salitang tinuturingan. https://www.tagaloglang.com/pang-angkop/(01/28/2023). Sa pag-aaral na ito, ang “Kakayahan sa Pagtukoy ng PangPang-angkop” -ay tutukuyin nito ang iskor na makukuha ng mga mag-aaral mula sa tatlumpong (30) aytem na pagsusulit tungkol sa kakayahan sa pagtukoy ng pang-angkop. Ito ay personal na ginawa ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Sila ay gagamitan ng iskalang: 24.01 – 30.00 Napakahusay, 18.01 – 20 24.00 Mahusay, 12.01 – 18.00 Katamtaman, 6.01 – 12.00 Kasiyasiya, 0.00 – 6.00 Kailangang paunlarin. Kakayahan sa Paggamit sa Pagbuo ng Pangungusap Tumutukoy ito sa kasanayan ng isang indibidwal na makabuo ng pangungusap na angkop, mabisa at tinatanggap ng lipunan. (Sanchez, 2012). Sa pag-aaral na ito, ang “paggamit sa pagbuo ng pangungusap” ay tutukuyin nito ang markang makukuha ng mga mag-aaral sa pagbuo ng tigtatatlumpong (30) pangungusap na gagamitan ng pangatnig, pang-ukol, at pang-angkop. Para sa pagmamarka, ito ay gagamitan ng sumusunod na iskala: (72.01– 90.00) Napakahusay, (54.01–72.00) Mahusay, (36.01-54.00) Katamtaman, (18.01-36.00) di-gaanong mahusay, (1.01-18.00) Nangangailangan ng tulong. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng survey correlational na pamamaraan. Ito ay naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga pangyayari. Ang pamamaraang ito ay angkop sa gagawing pananaliksik sapagkat mas mapadali ang pangangalap ng mga datos sa mga tagatugon. Ito ay sumasaklaw lamang sa kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit sa 21 pangungusap ng mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang ng Tanque National High School, Tanque Ilawod, Roxas City na nakapagpatala sa Taong Panuruan 2022-2023. Sa kabuuan ay may isandaan at apatnapu’t dalawang (142) mag-aaral sa Ikapitong Baitang subalit ang mananaliksik ay kukuha lamang ng isandaan at limang (105) kalahok gamit ang stratified random sampling sa pamamagitan ag slovin’s formula. Sa STE-A ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) na magaaral subalit labinwalong ang (18) mananaliksik kalahok. Sa ay STE-B kukuha ay lamang binubuo rin ng ng dalawampu’t apat (24) na mag-aaral subalit ang mananaliksik ay kukuha lamang ng labinwalong (18) kalahok. Sa Rizal ay may tatlumpong (30) mag-aaral, ang mananaliksik ay kukuha lamang dalawampu’t dalawa (22). Sa Roxas ay may tatlumpu’t tatlong (33) mag-aaral, dalawampu’t apat ang (24) mananaliksik na kalahok. ay kukuha Sa lamang Bonifacio ay ng may tatlumpu’t isang (31) mag-aaral, ang mananaliksik ay kukuha lamang ng dalawamp’t tatlong (23) kalahok. Ang kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, ang mananaliksik ay gumamit ng tatlumpung (30) aytem na pagsusulit na personal na gagawin ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Gayundin, ang 22 mananaliksik ay gagamit din ng tatlumpung (30) aytem na pagsusulit sa kakayahan sa pagtukoy ng pang-ukol at tatlumpung (30) aytem na pagsusulit sa kakayahan sa pagtukoy ng pang-angkop. Ang mga test aytem na kabilang sa pag-aaral na ito ay idadaan sa content-faced validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga pang-ugnay na nabanggit sa pamamagitan ng pagsalungguhit nito sa loob ng pangungusap. Ang pagsukat naman sa paggamit ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop sa pagbuo ng pangungusap, ang mananaliksik ay magpapagawa ng labinlimang (15) pangungusap gamit ang tinukoy na pangatnig sa unang bahagi ng pagsusulit. Gayundin sa pangukol at pang-angkop. Ang mga kalahok ay bibigyan ng kalayaan na sumulat ng iba’t ibang ideya na nais nilang ilahad. Ang mananaliksik istadistika sa ay pagsusuri gagamit ng ng palarawang kagamitang datos pang- tulad ng frequency count, percentage mean, standard deviation, T-test for independent samples at Pearson’ r.