Uploaded by Princess Mae Tenorio

TENORIO-KABANATA-1-EDITED-PROPOSAL

advertisement
Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig, Pang-ukol, at Pangangkop at Paggamit sa Pangungusap ng mga
Mag-aaral sa Ikapitong Baitang
Princess Mae C. Tenorio
Kabanata 1
Panimula ng Pag-aaral
Ang unang kabanata ay binubuo ng limang bahagi, ito ay
ang mga sumusunod; (1) Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng
Pag-aaral,
(2)
Kahalagahan
ng
Paglalahad
ng
Pag-aaral,
Suliranin
(4)
at
Ipotesis,
Pagpapakahulugan
sa
(3)
mga
Katawagan, at (5) Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral.
Ang Unang Bahagi, Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng
Pag-aaral, naglalahad ng panimula, nagbibigay katwiran sa mga
pangangailangan
para
sa
pagsisiyasat
at
nagtatalakay
sa
batayan at suporta sa pagpili ng pag-aaral na ito
Ikalawang Bahagi, Paglalahad ng Suliranin at Ipotesis,
nagtatalakay
sa
pangkalahatan
gayundin
suliranin at ang susubuking ipotesis.
sa
mga
tiyak
na
2
Ikatlong Bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagbibigay
dahilan kung bakit ang naturang pananaliksik ay ginawa at ang
pakinabang nito ay mahalaga ayon sa kinalabasan ng pag-aaral.
Ikaapat na Bahagi, Pagpapakahulugan sa mga Mahalagang
Katawagan, nagbibigay-linaw sa mga mahalagang terminolohiya
at mga pangunahing baryabol na gagamitin sa pag-aaral.
Ikalimang Bahagi, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral,
nagtatakda ng saklaw at hangganan ng pananaliksik at mga
pangunahing baryabol, mga pamamaraan, disenyo na ginamit sa
pag-aaral. Ipinaliwanag din ang mga kalahok o populasyon ng
pag-aaral, mga kagamitan at mga istadistikang gagamitin sa
pag-aaral.
Kaligiran at Balangkas Teoritikal ng Pag-aaral
Ang bawat wika ay binubuo ng ponema, morpema, sintaks at
diskors. Buhat sa mga ito, ang tao ay nakalilikha ng mga
salita na kanilang gagamitin sa pagbuo ng isang pahayag sa
kanilang pakikipagtalastasan sa araw-araw na pamumuhay. Ito
ay
may
tuntuning
sinusunod
na
tinatawag
na
gramatika
o
balarila. Sa linggwistika, ang gramatika ay isang set o hanay
ng estruktural na tuntunin na binubuo ng iba’tibang kayarian
tulad ng sugnay, parirala, pangungusap, pagbuo ng mga salita
at
maging
ang
paggamit
ng
wastong
salita.
3
https://www.studocu.com/ph/document/pangasinan-state
university/bsed-filipino/katangian-at-kahalagahan-ng
wika/29852894. (12/27/2022)
Ayon sa pag-aaral ni Bonilla (2020), dapat na marunong
ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa paggamit ng wika sa
pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Samakatuwid, kailangan
ang paglinang sa kakayahang panggramatika ng mag-aaral dahil
mahalaga ito sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ng
mag-aaral.
Dala ng nagdaang panahon marami nang mga kabataan ang
hindi marunong o kulang sa kaalaman sa paggamit ng tamang
pang-ugnay sa bawat pangungusap, dahil nga sa patuloy na pagusbong ng henerasyon ay patuloy din ang pag-unlad ng modernong
populasyon na nagiging dahilan para malayo ang kabataan sa
pag-aaral at patuloy na makalimutan ang wastong paggamit ng
mga pang-ugnay. Ang mga kabataan ay nakatuon sa paggamit ng
mga teknolohiya upang mapadali ang mga bagay, tulad na lamang
sa komunikasyon, ang pagpapalitan ng mensahe sa cellphone o
chat sa Ingles. Marahil totoo, maganda nganaman ang naiidulot
nito sa makabagong panahon. Ngunit sa pagmamadali, tila hindi
nila nabibigyang pansin ang mga salita nilang ginagamit.
Lumilikha sila ng mga barok na salita upang mapadali at
4
mapaiksi ang kanilang pagtipa ng mga salita at letra sa
cellphone.
Dagdag pa ni Bonilla (2021), nagkaroon ng malaking gap
o puwang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng ideya o
sa pagsulat ng pangungusap dulot ng pandemya dahil nakatutok
sila
sa
paggamit
social
media
application
sa
cellphone.
Kapansin pansin din ang kahinaan sa pag-uugnay ng mga salita
para makapagpaliwanag ng kasagutan sa talakayan. Napakalaking
bagay
ang
pagkakaroon
ng
kaalaman
kung
paano
wastong
paghahanay ng mga salita at kataga dahil ginagamit ito sa
komunikasyon, pasalita man o pasulat.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng
wikang
pambansa
ay
maraming
aklat
ang
nalimbag
na
nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito
ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso
O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat
ang sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan. Una
ay
ang
salitang
pangnilalaman
na
binubuo
ng
pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri, at pang-abay. Pangalawa ay ang
salitang
pangkayarian
na
binubuo
ng
mga
Pang-ugnay
na
Pangatnig, Pang-ugnay na Pang-angkop at Pang-ugnay na Pangukol. Kabilang din ang mga pananda.(Iglesias,2021)
5
Ang mga pang-ugnay o tinatawag na transition words sa
wikang ingles ay mga salitang ginagamit upang iugnay ang isang
ideyang nais mong iparating o ipahayag sa panibagong kaisipan
na
nais
mong
idugtong
o
ituloy. Mahalaga
ito
sa
ating
pagpapahayag sapagkat sa tulong ng mga ito mas nagiging
malinaw at kauna-unawa ang kaisipang iyong tinatalakay. Ito
rin ang siyang nagsisilbing gabay upang ang pagsasabi ng ideya
ay mabanggit ng naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito at
ng
sa
gayon
ay
maiwasan
ang
kalituhan.
https://www.panitikan.com.ph/kahulugan-ng-pang-ugnay.
(01/12/2023)
Ayon kay Badayos,na binanggit sa pag-aaral ni Iglesias
(2021) , ginagamit ang mga pang-ugnay upang ipakita ang
pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon
at paglalahat. Hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at
ipinapakita ang relasyon ng mga ito. Ito ay kilala rin bilang
panghudyat na salita. (a.) Pagkakasunod-sunod o nagsasaad ng
pagpupuno
o
pagdaragdag
Kinawakasan/kinasapitan-nagsasaad
ng
impormasyon,
ng
kinalabasan
b.)
o
kinahinatnan, c.) pagdaragdag, d.) Nagsasaad ng pagbubukod o
paghihiwalay,
e.)
pagkakaiba,
konsesyon,
at
bahaging
pagbabagong lahad, f.) pagpapasidhi o pagtitiyak-walang duda,
6
tunay,
sa
katunayan,
g.)
Madalas
na
pagpapahayag
ng
kagustuhan.
Dagdag pa ni Badayos, ang pang-ugnay ay nagbibigay linaw
at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o
diskurso. Maaaring maghudyat ito ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Ginagamit din
ang
pang-ugnay
sa
pagsisimula
o
pagpapadaloy
ng
mga
pangyayari hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay. Ito ay
may tatlong uri: Una ay ang Pangatnig. Mga kataga, salita, o
pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o
payak na pangungusap. Mga halimbawa ng pangatnig: at, kapag,
ngunit, samakatuwid, dahil, kaya, o, sa madaling salita,
bagaman, sapagkat, upang, bagkus, kung, palibhasa, sanhi,
bago, habang, pati, sapagkat, dahil sa, maliban sa, sakali,
subalit, at samantala. Ang pangatnig ay may siyam na uri, ito
ay
ang
Paninsay,
Panlinaw,
Pamukod,
Panubali,
Pantulong
Panapos,
at
Pamanggit,
Panimbang.
https://www.coursehero.com/file/ (01/12/2023)
Ayon pa kay Arrogante (2017), ang mga sugnay, malaya at
pantuwang
langkapan
sa
ay
mga
pangungusap
nagkakaroon
na
tambalan,
lamang
ng
hugnayan
pagkakaiba
at
at
pagkakaugnay-ugnay, nagiging buo ang kaisipang isinasaad sa
pamamagitan ng mga pangatnig. Ang pangatnig ay bahagi ng
7
pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o ng isang
kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o
pantuwang. Pantuwang ang pangatnig kung pinag-uugnay ang mga
magkasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay ng mga
bagay o kaisipan. Ang pangatnig ay maaari ring magbukod,
magbigay sanhi at magbigay pagtatapos sa paghahalintulad,
magbigay ng isang pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.
https://noypi.com.ph/pangatnig. (01/12/2023)
Ikalawa ay ang Pang-ukol. Ito ay kataga, salita, o
pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap. Ang ginagamit bilang pang-ukol ay ang mga
sumusunod: Alinsunod sa/ alinsunod kay, Laban sa/ laban kay,
Ayon sa/ ayon kay, Para sa/ para kay, Hinggil sa/ higgil kay,
Tungkol sa/ tungkol kay, kay/ kina, at ukol sa/ ukol kay.
Ikatlo ay ang Pang-angkop. Ito ay tumutukoy sa tagapagugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang
tinuturingan.
Ito’y
ginagamit
upang
maging
madulas
ang
pagbigkas ng mga magkakasamang salita. Tatlo ang pang-angkop:
na, -ng, at -g.
Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng mga pangugnay at kahusayan nito sa paggamit sa pangungusap ay marapat
na mabatid ng guro upang makagawa ng interbensyon o mga
8
pamamamaraan
sa
mabisang
pagkatuto
sa
paaralan.
https://www.slideshare.net/FelixZacharyAsilom/ (01/12/2023)
Dagdag pa, kung mali ang gamit at pagkakaugnay-ugnay ng
mga salita sa mga pangungusap na ginagamit natin kung tayo'y
nagsasalita at sumusulat, natural lamang na naging malabo rin
ang pahayag.
Ang kasanayan sa pagtukoy ng pangatnig ay ang kagalingan
sa pagkilala sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay
sa dalawang salita, parirala sugnay upang mabuo ang diwa o
kaisipan ng isang pahayag. Karaniwan itong makikita sa simula
o
kalagitnaan
magbukod,
pangungusap.
magbigay
sanhi
Ang
pangatnig
at
magbigay
ay
maaari
ring
pagtatapos
sa
halintulad, magbigay ng isang pagtatapos sa isang kaisipan o
pangungusap.(https://noypi.com.ph/pangatnig/01/12/2023)
Ayon kay Cook (2011), ang mga kasanayan sa pagtukoy ng
mga pangatnig ay naghahanda sa mga mambabasa na mahulaan ang
mga ideyang kasunod nito. Kaya naman ang angkop na pagtukoy
ng mga ito ay isang mahalagang kasanayang na dapat matamo ng
mga mag-aaral upang maging mahusay sa pagsulat.
Natuklasan
din
sa
pag-aaral
ni
Tibagcay
(2011),
na
panghuli sa ranggo ang mga naging kamalian ng mga mag-aaral
sa
pagkilala
ng
mga
pangatnig.
Maging
sa
pag-aaral
na
isinagawa ni Epistola (2011), sa “Pambalarilang Kamalian sa
9
Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kursong Edukasyon
ng Baguio Colleges Foundation”, natuklasan ding nagkakamali
sa paggamit ng kamalian sa wastong gamit ng pangatnig, pangukol at pantukoy.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Özışık (2014) na
naglalayong alamin kung anong antas ng kakayahan sa pagtukoy
ng mga pang-ukol ang mga estudyanteng Turkish. Nagbigay siya
ng animnapung (60) aytem na pagsusulit sa tatlumpung (30)
mag-aaral sa upper-intermediate level sa isang unibersidad.
Sila ay inatasang punan ang mga puwang ng angkop na pang-ukol
o lagyan ng (-) kung walang pang-ukol na kailangan. Napagalaman na nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng tamang
pang-ukol.
Binanggit sa pananaliksik ni Lozada (2016), napag-alaman
din na nanguna ang hirap ng mga mag-aaral sa paggamit ng pangangkop sa pangungusap kompara sa pang-abay na isang panuring
din.Lubos silang nahirapan sa paghahanap ng mga pang-angkop
na
gagamitin
kalimitang
sa
kanilang
ginagamit
pagpapahayag
sa
lalo
na’t
pagbuo
ng
ito
ay
sang
pangungusap.Nagpapatunay ito na hindi lamang pangatnig at
pang-ukol ang dapat bigyan ng pansin sa pag-aaral. Saklaw din
nito ang pang-angkop na nag-uugnay sa mga panuring at salitang
tinuturingan.
Ito
ay
nagpapaganda
ng
mga
pariralang
10
ginagamitan. Naging wasto ang mga pahayag kapag ang mga pangangkop
na
ginagamit
nito
ay
angkop
sa
mga
salita
o
pangungusap. Marahil ang ideya dito ay magkatimbang o dimagkatimbang.
Ang
pang-angkop
ay
nagbibigay
linaw
at
nagpapaunlad sa ating kaalaman sa pagbuo ng mga artikulo.
http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/2016/01/reaksyontungkol-sa-pang-ukol-pangatnig.html (01/28/2023)
Kaugnay din nito, binanggit ni Iglesias (2021), na ang
bawat mag-aaral ay mahalagang matutunan ang pagtukoy sa mga
pang-ugnay upang maging mahusay sa pagbuo ng mga salita o
anumang ideya na nais ilalahad, pasulat man o pasalita para
sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Kung wala ito,
hindi mabubuo at maunawaan ang diwa ng mga pangungusap. Bukod
pa rito, ang mga pang-ugnay rin ang nagsisilbing tulay para
mas maunawaan ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Nabanggit din sa pananaliksik ni Rodriguez (2016), ang
isa sa mga kakayahang dapat taglayin ng mga mag-aaral ay ang
kahusayan sa pagtukoy ng mga pang-ugnay tulad ng pangatnig,
pang-angkop at pang-ukol. Ang mga kakayahang ito ang huhubog
ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pakikipagtalastasan na
lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat kabataan. Subalit,
sa
panahong
teknolohiya
ito,
sa
kung
saan
pag-aaral
ng
malakas
mga
ang
impluwensiya
mag-aaral,
lumalabas
ng
na
11
nagkakaroon ng kalituhan sa pagkilala ng mga pang-ugnay tulad
ng pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Kaya maituturing na
isang hamon sa bawat guro kung paano matatamo ng mga magaaral ang kaalaman tungkol sa kakayahan sa pagtukoy ng mga
ito. Bawat mag-aaral ay nakararanas ng matinding alalahanin
kung paano nga ba sisimulan ang kanilang pagkatuto lalo na sa
pagtukoy ng mga pang-ugnay.
Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng
pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan
ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng
maling
konsepto
pagsulat.
at
mahinang
estratehiya
sa
pagtuturo
ng
Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos,2008).
Napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa tama
at wastong paggamit ng mga salita, pasulat man o pasalita na
paraan ng pagpapahayag. Maaaring maganda ang ibig ipahatid,
maaaari rin namang may mabuting layon sa pagpapahayag subalit
hindi ito nagiging mabisa kung mali ang pagkakapili ng mga
salita at hindi tama ang pagkakaayos o pagkakabuo ng mga
salita. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga parirala, sugnay
at pangungusap ng pahayag, ang tamang mga panuring, mga pangugnay, at iba pa para sa kaayusan, kaisahan at kakipilan ng
mga
pangungusap
ay
sinasaklaw
ng
balarila.
Samakatwid,
12
nagiging maayos, mabisa at epektibo ang pagpapahayag kung may
sapat na kaalaman ang tao sa balarila o gramatika. (Bacalia,
2019)
Sa pahayag nina Canale at Swain na binanggit ni Javier
(2013), kailangang magtaglay ang mga mag-aaral ng kaalaman sa
kayarian
ng
salita
at
pangungusap
upang
maipahayag
ang
kahulugan nito. Dapat nilang maunawaan kung paano nabubuo ang
pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita
kasama na ang mga pang-ugnay.
Sinasabing
panggramatika
hindi
sa
sapat
pagkatuto
ang
ng
kahandaan
wika
ng
at
kakayahang
isang
mag-aaral.
Masasabing magaling ang isang tao sa paggamit ng isang wika
kung siya ay nakabubuo ng mga pangungusap na
angkop sa
lipunang kanyang ginagalawan. Ang kakayahan at kasanayan sa
pagsasalita at pasusulat ay hindi lamang nakatuon sa kung ano
ang kanyang alam at makabuo ng pangungusap bagkus ay magamit
ang mga pangungusap na angkop at tinatanggap ng lipunan,
(Minimo et al,.2014).
Sa kabuuan, kung titingnan ang kakayahan ng mga magaaral sa pagtukoy ng pang-ugnay na nabanggit lalong lalo na
sa
mga
pangatnig,
pang-angkop
at
pang-ukol
ay
hindi
pa
lubusang nalinang ang kakayahang panggramatika ng mga magaaral
na
nagpapahiwatig
na
dapat
pang
bigyang
diin
ang
13
gramatika sa pagtuturo ng wika. Kailangan pa nila ang mga
pagsasanay upang maging bihasa sila sa mga tuntunin ng wikang
Filipino sa pasalita at pasulat na pagpapahayag.
Ang pag-aral na ito ay ibabatay sa Teoryang Kognitib ni
Jean Piaget na sinasabing ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong
dinamiko
kung
saan
ang
naq-aaral
na
wika
ay
palagiang nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang
bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na
tuntunin at mailipat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na
pangungusap.https://www.scribd.com>mobile>doc.TeoryangKogni
tib. (01/28/2023)
Batay
sa
karanasan
ng
mananaliksik
sa
pagtuturo
ng
asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na nasa Ikapitong
Baitang ng Tanque National High School, napuna niya ang mataas
na bilang ng mga estudyante na may kahinaan sa pagtukoy ng
mga pangatnig,pang-angkop at pang-ukol.Kadalasang mali ang
pagbuo ng pangungusap gamit ang tamang pang-ugnay kung kaya’t
pagtutuunan ng mananaliksik na alamin ang antas ng kakayahan
sa
pagtukoy
ng
pangatnig,
pang-ukol
at
pang-angkop
at
paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap. Bilang isang guro,
napag-alaman ng mananaliksik na ito ay isang napakahalagang
bagay na dapat pag-aralan at pagtuunan ng pansin upang mahasa
14
ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na sisimulan sa
pagbuo ng ideya.
Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay kakayahan
sa
pagtukoy
ng
Pangatnig,
Pang-ukol,
at
Pang-angkop.
Samantala, ang di malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay
ang paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral
sa Ikapitong Baitang.
Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol ay ipapakita sa
unang pigura.
Malayang Baryabol
Di-Malayang Baryabol
Kakayahan sa
Pagtukoy ng
Pangatnig
Kakayahan sa
Pagtukoy ng Pangukol
Paggamit nito sa
Pagbuo ng
Pangungusap
Kakayahan sa
Pagtukoy ng Pangangkop
Pigura 1. Ipanakita rito ang kakayahan sa pagtukoy ng mga
pangatnig, pang-ukol at pang-angkop at paggamit nito sa
pagsulat ng pangungusap na naimpluwensyahan ng mga piling
baryabol.
15
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kakayahan
sa
pagtukoy
ng
pangatnig,
pang-ukol
at
pang-angkop
at
paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral sa
Ikapitong Baitang ng Tanque High School na nakapagpatala sa
Taong Panuruan 2022-2023.
Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod
na katanungan:
1.Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig na
ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang?
2. Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pang-ukol
na ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang?
3. Ano ang antas ng kakayahan sa pagtukoy ng pang-angkop
na ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang?
4.Ano
ang
antas
ng
kakayahan
sa
pagtukoy
ng
mga
pangatnig, pang-ukol at pang-angkop sa pagbuo ng pangungusap
ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang?
5. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng
kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, pang-ukol at pang-angkop
at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral na
nasa Ikapitong Baitang?
16
Ang sumusunod ay ang susubukang Ipotesis:
1. Walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kakayahan
sa
pagtukoy
ng
pangatnig,
pang-ukol
at
pang-angkop
at
paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap ng mga mag-aaral na
nasa Ikapitong Baitang.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging mahalaga at
kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Guro. Lubos na makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga
gurong nagtuturo ng ESP, Araling Panlipunan at lalong lalo na
sa Filipino upang makagagawa ng napakamabisang istratehiya na
maaaring gamitin para sa makabuluhang pagkatuto at pagtaas ng
lebel ng kakayahan sa pakikipagtalastasan gamit ang mga pagugnay ng mga estudyante sa loob at labas ng silid-aralan.
Mag-aaral. Magiging makabuluhan ang kalabasan ng pagaaral na ito para paigtingin ang kanilang pag-unawa na malaki
ang kaugnayan ng kanilang kakayahan sa pagtukoy ng mga pangugnay at paggamit nito sa pagbuo ng pangungusap sa kanilang
pagkatuto. Ito ang pupukaw sa mga mag-aaral na pataasin ang
kompetensi sa gramatika lalo na sa asignaturang Filipino.
Magulang. Bilang unang guro, tagagabay at tagapagbigay
ng inspirasyon sa kanilang mga anak, ang pag-aaral na ito ay
17
makatutulong
sa
kanila
upang
lubos
na
maunawaan
ang
kinakailangan ng kanilang anak sa pagkatuto. Ito rin ay maguudyok sa kanila na palagiang subaybayan ang abilidad sa
pakikipagtalastasan
ng
kanilang
anak
sa
pamamagitan
ng
pagtatanong.
Pinuno ng Paaralan. Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na
ito upang pag-ibayuhin ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga
hakbangin at pamamaraan sa pagtuturo upang lalo itong mabisa
at makahulugan. Gayundin maaari nitong hikayatin ang kanyang
mga guro sa paaralan na mapaunlad ang kanilang pagtuturo sa
pamamagitan ng pagdalo sa mga seminars at training workshop.
Susunod o Iba pang Mananaliksik. Ang kinalabasan ng pagaaral na ito ay makatutulong sa iba pang mananaliksik na
nagnanais na gumawa pa ng pag-aaral para sa ikauunlad ng
kasanayan sa pagtukoy ng mga pangatnig,pang-angkop at pangukol ng mga mag-aaral at ng susunod na henerasyon. Ito ay
magsisilbing gabay upang higit pang mapaunlad at mapalawak
ang gagawing pananaliksik na may kaugnayan sa ganitong pagaaral.
18
Pagpapakahulugan ng mga Katawagan
Para sa ikalilinaw at lubusang ikauunawa ng pag-aaral na
ito,
ang
mga
terminolohiyang
gagamitin
sa
pag-aaral
ay
bibigyang katuturang konseptwal at operasyunal.
Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig- tumutukoy ito sa
kagalingan sa pagkilala sa mga kataga o lipon ng mga salitang
nag-uugnay sa dalawang salita, parirala at sugnay upang mabuo
ang diwa o kaisipan ng isang pahayag. Karaniwan itong makikita
sa
simula
o
kalagitnaan
ng
pangungusap.
https://noypi.com.ph/pangatnig/ (01/28/2023).
Sa pag-aaral na ito, ang “Kakayahan sa Pagtukoy ng PangPangatnig” ay tutukuyin nito ang iskor na makukuha ng mga
mag-aaral mula sa tatlumpung (30) aytem na pagsusulit tungkol
sa kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig. Ito ay personal na
gagawin ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced
validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Sila ay
gagamitan ng iskalang: 24.01 – 30.00 Napakahusay, 18.01 –
24.00 Mahusay, 12.01 – 18.00 Katamtaman, 6.01 – 12.00 Kasiyasiya, 0.00 – 6.00 Kailangang paunlarin.
Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-ukol- Tumutukoy ito sa
kapabilidad ng isang indibidwal sa pagkilala ng kataga o
salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita
19
sa
pangungusap.
https://www.tagaloglang.com/pang-ukol/
(01/28/2023).
Sa pag-aaral na ito, ang “Kakayahan sa Pagtukoy ng PangPang-ukol” ay tutukuyin nito ang iskor na makukuha ng mga
mag-aaral mula sa tatlumpong (30) aytem na pagsusulit tungkol
sa kakayahan sa pagtukoy ng pang-ukol. Ito ay personal na
gagawin ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced
validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Sila ay
gagamitan ng iskalang: 24.01 – 30.00 Napakahusay, 18.01 –
24.00 Mahusay, 12.01 – 18.00 Katamtaman, 6.01 – 12.00 Kasiyasiya, 0.00 – 6.00 Kailangang paunlarin.
Kakayahan sa Pagtukoy ng mga Pang-angkop- Tumutukoy ito
sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagkilala salitang naguugnay
sa
panuring
at
salitang
tinuturingan.
https://www.tagaloglang.com/pang-angkop/(01/28/2023).
Sa pag-aaral na ito, ang “Kakayahan sa Pagtukoy ng PangPang-angkop” -ay tutukuyin nito ang iskor na makukuha ng mga
mag-aaral mula sa tatlumpong (30) aytem na pagsusulit tungkol
sa kakayahan sa pagtukoy ng pang-angkop. Ito ay personal na
ginawa ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced
validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Sila ay
gagamitan ng iskalang: 24.01 – 30.00 Napakahusay, 18.01 –
20
24.00 Mahusay, 12.01 – 18.00 Katamtaman, 6.01 – 12.00 Kasiyasiya, 0.00 – 6.00 Kailangang paunlarin.
Kakayahan sa Paggamit sa Pagbuo ng Pangungusap Tumutukoy ito sa kasanayan ng isang indibidwal na makabuo ng
pangungusap na angkop, mabisa at tinatanggap ng lipunan.
(Sanchez, 2012).
Sa
pag-aaral
na
ito,
ang
“paggamit
sa
pagbuo
ng
pangungusap” ay tutukuyin nito ang markang makukuha ng mga
mag-aaral sa pagbuo ng tigtatatlumpong (30) pangungusap na
gagamitan ng pangatnig, pang-ukol, at pang-angkop. Para sa
pagmamarka, ito ay gagamitan ng sumusunod na iskala: (72.01–
90.00)
Napakahusay,
(54.01–72.00)
Mahusay,
(36.01-54.00)
Katamtaman, (18.01-36.00) di-gaanong mahusay, (1.01-18.00)
Nangangailangan ng tulong.
Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng survey correlational
na pamamaraan. Ito ay naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa
mga pangyayari. Ang pamamaraang ito ay angkop sa gagawing
pananaliksik sapagkat mas mapadali ang pangangalap ng mga
datos sa mga tagatugon.
Ito ay sumasaklaw lamang sa kakayahan sa pagtukoy ng
pangatnig,
pang-ukol
at
pang-angkop
at
paggamit
sa
21
pangungusap ng mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang ng
Tanque National High School, Tanque Ilawod, Roxas City na
nakapagpatala sa Taong Panuruan 2022-2023.
Sa kabuuan ay may isandaan at apatnapu’t dalawang (142)
mag-aaral sa Ikapitong Baitang subalit ang mananaliksik ay
kukuha lamang ng isandaan at limang (105) kalahok gamit ang
stratified
random
sampling
sa
pamamagitan
ag
slovin’s
formula.
Sa STE-A ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) na magaaral
subalit
labinwalong
ang
(18)
mananaliksik
kalahok.
Sa
ay
STE-B
kukuha
ay
lamang
binubuo
rin
ng
ng
dalawampu’t apat (24) na mag-aaral subalit ang mananaliksik
ay kukuha lamang ng labinwalong (18) kalahok. Sa Rizal ay may
tatlumpong (30) mag-aaral, ang mananaliksik ay kukuha lamang
dalawampu’t dalawa (22). Sa Roxas ay may tatlumpu’t tatlong
(33)
mag-aaral,
dalawampu’t
apat
ang
(24)
mananaliksik
na
kalahok.
ay
kukuha
Sa
lamang
Bonifacio
ay
ng
may
tatlumpu’t isang (31) mag-aaral, ang mananaliksik ay kukuha
lamang ng dalawamp’t tatlong (23) kalahok.
Ang kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig, ang mananaliksik
ay gumamit ng tatlumpung (30) aytem na pagsusulit na personal
na gagawin ng mananaliksik at ito ay idadaan sa content-faced
validity sa tulong ng tatlong guro sa Filipino. Gayundin, ang
22
mananaliksik ay gagamit din ng tatlumpung (30) aytem na
pagsusulit
sa
kakayahan
sa
pagtukoy
ng
pang-ukol
at
tatlumpung (30) aytem na pagsusulit sa kakayahan sa pagtukoy
ng pang-angkop. Ang mga test aytem na kabilang sa pag-aaral
na ito ay idadaan sa content-faced validity sa tulong ng
tatlong guro sa Filipino. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga
pang-ugnay na nabanggit sa pamamagitan ng pagsalungguhit nito
sa loob ng pangungusap.
Ang pagsukat naman sa paggamit ng pangatnig, pang-ukol
at pang-angkop sa pagbuo ng pangungusap, ang mananaliksik ay
magpapagawa ng labinlimang (15) pangungusap gamit ang tinukoy
na pangatnig sa unang bahagi ng pagsusulit. Gayundin sa pangukol at pang-angkop. Ang mga kalahok ay bibigyan ng kalayaan
na sumulat ng iba’t ibang ideya na nais nilang ilahad.
Ang
mananaliksik
istadistika
sa
ay
pagsusuri
gagamit
ng
ng
palarawang
kagamitang
datos
pang-
tulad
ng
frequency count, percentage mean, standard deviation, T-test
for independent samples at Pearson’ r.
Download