Uploaded by DOT5 - Rommel Natanauan

Paksa-sa-sentisis

advertisement
Person 1: What do you think love is, exactly?
Person 2: When it comes to love, some people would say it is one of the most important human emotions.
Person 1: What do you mean when you say that you love something or that you are in love with someone?
Person 2: It's interesting that you asked.Without even knowing what it is that we are attempting to define, how can we define it?
We appear to be caught in a cycle. Love is something we do not understand, and without understanding it, we cannot learn what
it is.
Person 1: That can't be. All of this time, you have just been searching for love?
Person 2: Yes, that is true.
Person 1: Well my love, you are in luck today. As you more than likely know, I am an art thief. And I love art so affectionately
that I will even steal it. It is clear that love is obtaining whatever makes you happy.
Person 2: I suppose, we accept the love we think we deserve.
love would not only be composed of a description of such feeling, but also argue through
the establishment of several facts the reasons for such consideration.
Thesis:
Antithesis: love and hate are intense emotions, and that indifference is the absence of any
emotional investment.
Sintesis
Paksa: Implikasyon at epekto ng social media sa mga tao ngayong kasalukuyang panahon
Anyo: Explanatory
Uri: Thesis-Driven Synthesis
Pahayag na Tesis: Mga dapat malaman tungkol sa social media at epekto nito sa mga tao
ngayong kasalukuyang panahon.
Pagbubuod:
Ayon sa artikulo ng SanaysayPh (2023) Ang social media ay isang digital na plataporma
na nagbibigay-daan sa mga tao na magbahagi ng mga impormasyon, ideya, at damdamin ng
isang tao sa pamamagitan ng internet. Nagbukas ito ng malalaking oportunidad para sa
konektado at interaktibong komunikasyon sa buong mundo. Sa panahon ngayon, halos hindi na
mawari ng mga tao ang kanilang araw nang wala sa ilalim ng impluwensya ng social media. Ang
social media ay maaaring magkaroon ng positibo o negatibong epekto. Depende ito sa kung
paano mo ito ginagamit. Kaya mahalagang panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon
sa iyong mga kabataan at hikayatin ang balanse sa pagitan ng naaangkop na paggamit ng social
media at tunay na pagkakaibigan.
Paghahalimbawa:
Ayon kay Jolina A. (2020), nagiging mas madali at mas mabilis ang paghahanap ng
impormasyon na makapagpapalawak ng ating kaalaman. Nakakatulong din ito na mapadali ang
komunikasyon sa mga kaibigan at pamilya, lalo na kung magkalayo sa isa't isa. May
pagkakataon rin tayong makilala ang mga taong may iba't ibang kultura at paniniwala, na
tumutulong sa atin na palawakin ang ating mga pananaw at pang-unawa sa iba't ibang aspeto ng
buhay. Ang masama sa social media ay ginagamit ito para sa pananakot na pag-uugali na
tinatawag na “cyberbullying” at panonood ng mga malalaswang video sa Internet. Ang mga
platform ng social media ay nagdudulot ng banta sa privacy at seguridad ng mga tao. Hindi rin
mapipigilan ang pagkalat ng pekeng balita o “ fake news” sa mga social network, maaari itong
magdulot ng pagkaadik at nakakasama sariling kalusugan.
Pagdadahilan:
Ayon kay Kian Fernandez (March 18, 2022) Ang social media ay naging isang
mahalagang bahagi ng ating buhay. Nakatulong ito sa mga estudyanteng kagaya natin sapaggawa
ng mga gawain natin sa paaralan o pananaliksik. Nakapagpalawak ng bokabularyo sa mga
estudyanteng nagmit ng internet. Masasabing isa itong distraksyon sa kanilang social life
gayundin sa kanilang pag-aaral kaso hindi nila pinagtutuonan ng pansin ang mga magagandang
dulot nito sa mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito ngunit na sa ating mga kamay parin
ang kung gagamitin natin ito g maayos ngunit nangangailangan ito ng responsable at maingat na
paggamit upang hindi mabiktima ng masasamang epekto nito.
Sanggunian:

https://fernandezkian4.blogspot.com/2022/03/ano-ano-ang-mga-sanhi-ng-paggamit-ng.html

https://www.sanaysay.ph/ano-ang-social-media/
Sintesis
Pamagat: Social Media
Anyo: Argumentative Sintesis
Uri: Thesis-driven Sintesis
Layunin: Ang layunin ng sintesis na ito ay ang mapatunayan na mayroong iba' t ibang epekto
ang social media sa kasalukuyang panahon.
Thesis Statement: Sa panahon ngayon, halos hindi na natatanto ng mga tao na hindi sila
naiimpluwensyahan ng social media, na lubhang nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na
buhay.
Paghahalimbawa:
Ayon kay Lyra Pascual (2013) pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng
maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang
magamit ang mga ito. Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo
pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng
mga makabagong ideya. Ang social media ay hindi lamang ginagamit para sa personal na
layunin, ngunit ito rin ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa edukasyon at negosyo. Sa
negosyo, ang social media ay isang malaking tulong para sa pag-market at pag-promote ng
produkto at serbisyo. Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng
mahabang oras maaring sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan
upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral. Habang dumarami ang gumagamit ng social
media ay mapapansin na may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa
obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na
14-29. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga
impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.
Paghahambing:
Inulat sa GMA News (2023) lumalabas na sa tagal ng paggamit ng social media,
nagbibigay epekto ito sa pakiramdam at tingin sa sarili; mas mainam na mabawasan ang
exposure rito, ayon sa isang pag-aaral. Naka-aapekto raw sa mental health ang pagbababad sa
social media, batay sa isang pag-aaral. Pero sabi ng mga eksperto, kahit ang maikling break o
detox, malaki ang maitutulong para maayos ang emosyon at pagtingin sa sarili. Ayon kay Shake
Hocson (2019) Dahil sa social media nagkakaroon aniya ng tila "pagmamanhid" ng emosyon ang
labis na paggamit ng social media. Sa sobrang paggamit nito, napapabayaan na rin ang sarili at
minsan ay nakakalimutan na ang mga gawain. Para sa akin tama ang paguulat ng GMA News
dahil ang labis na paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng pagkaadik at pagkasira ng
kalusugan ng isang indibidwal, na maaring magsanhi ng sakit tulad depression o anxiety. Pero
hindi ako sang-ayon na nagkakaroon ng pagkamahid ng damdamin ng dahil sa pagiging
masyadong abala sa social network. May pag-aaral aniya na sumusuporta rito, at kung lumala pa
ang sitwasyon ay maaaring magdulot ito ng pakiramdam na pagiging "out of place" at kaakibat
pa nitong mga mental disorder.
Konsesyon:
Nakasaad sa dyaryong Abante Tonte (2013), ang ay malaking epekto para sa mga
kaisipan ng mga bata. Maaaring positibo at negatiboang pananaw ng mga kabataan dito. Pero
para sa akin, mahalaga ito sa amin araw-araw, lalo na sa mga estudyanteng katulad ko. Ito ay
kapaki-pakinabang hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa pang personal na antas, upang
mapadali at mapalawak ang ating kaalaman. Marami man itong masamang epekto ngunit dahil
dito naiiwasan natin pahirapan ang ating mga sarili at ito pa rin nakadepende sa kung paano natin
ito ginagamit na may posibilidad na maaari itong makaapekto sa atin.
Bibliography:

https://www.scribd.com/document/450414517/Epekto-ng-social-media-sa-mga-kabataan-1-docx

https://internetatsocialmedia.wordpress.com/socialmedia/

https://news.abs-cbn.com/news/08/20/19/labis-na-paggamit-ng-social-media-nakakamanhid-nga-bang-emosyon
Download