Uploaded by VALERIE DIZON

Week 5- Day 5- LERLANE T. PASCUAL

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
LESSON EXEMPLAR IN EPP 4 – AGRIKULTURA
PRE-TEST
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga karaniwang basura sa ating
tahanan. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay
maaaring gawing patabang organiko at ekis (x) kung
hindi.
_____1. balat ng saging
_____2. plastic cup
_____3. pinaglinisan ng isda
_____4. tuyong dahon
_____5. damo
_____6. pinagbalatan ng mga gulay
_____7. plastic bottles
_____8. styro cups
_____9. paper bags
_____10. balat ng itlog
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
LESSON EXEMPLAR IN EPP 4 – AGRIKULTURA
Buwan: ______________
Petsa: _______________
Bilang ng araw: 1
Aralin : PAGGAWA NG ORGANIKONG PATABA (Composting)
LAYUNIN:
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing
pagkakakitaan.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa
masistemang pamamaraan.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
1.8 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng
tanim. (EPP4AG-0e-8)
1.81 pagdidilig, pagbubungkal ng lupa, paglalagay
ng abono, paggawa ng abonong organiko
atbp.
Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa paggawa
NILALAMAN:
Paggawa ng Organikong Pataba (Composting)
KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian:
1. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Gabay ng Guro pp.158-160
2. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Kagamitang ng Mag-aaral pp 366-374
3. Compendium of Notes in Agriculture Grade.4- p.11-12
Iba pang Kagamitang Panturo:
TV,Video presentation, laptop, powerpoint presentation,
mga larawan, aktuwal na kagamitan
PAMAMARAAN:
Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:
Natalakay sa nakaraang aralin ang dalawa sa masistemang paraan
ng pangangalaga ng tanim. Ito ay ang pagdidilig at pagbubungkal
ng lupa.
Isa-isahin ang mga kagamitan sa paghahalaman at ang angkop
nilang gamit.
Ano-ano ang masistemang paraan ng pagdidilig ng halaman?
Paghahabi sa layunin ng aralin
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Magpakita ng dalawang halaman. Ilarawan ang dalawang halaman.
Ano kaya ang kulang ng isang halaman?
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aral.
Sa paghahalaman kailangan din ang abono upang maging
mataba at malago ang mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa
likas na yaman. Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o
nabubulok na mga basura tulad ng balat ng prutas/ gulay, dahon ng
halaman at dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono.
Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman dahil ito
ay
nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at
nakapagpapataba ng mga halaman. Kaya mainam na sa ating
paghahalaman tayo ay mayroong kaalaman sa paggawa ng
organikong pataba sa pamamagitan ng paggawa ng compost.
Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1
Organikong Pataba o Composting ay isang uri ng pataba o organic
fertilizer na nagmula sa nabulok na mga halaman, basura, dumi ng
hayop at anumang uri ng orkanikong materyal. Ito ay maganda sa lupa
at halaman. Nagpapadagdag ito ng water holding capacity ng lupa
at nakapagpapataba ng mga halaman.
Ang Compost Pit ay isang hukay kung saan nilalagay ang pinagsamang
mga nabubulok na basura tulad ng dumi ng
hayop, dahon, balat ng prutas o gulay, damo at iba pang nabubulok
na materyal.
Mga Paraan sa Paggawa ng Compost Pit
1. Humanap ng medyo mataas na lugar.
2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang
nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok at
baka.
5. Sabugan ito ng abo at patungan ng lupa.
6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok
na basura, dumi ng hayop, abo at lupa hanggang sa
mapuno ang hukay.
7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang
mga compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang
metal screen na maliliit ang butas.
Ganito ring pamamaraan ang gagawin sa paggawa ng compost
heap. Ang compost heap ay hindi nakabaon sa lupa.
Basket Composting ay pinagsamang mga nabubulok na basura para
maging organikong pataba sa isang sisidlan o lalagyan kung walang
bakanteng lote.
Mga Paraan sa Paggawa ng Basket Composting
1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at
haba na may isang metro ang lalaim.
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong
dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng
mga hayop at lupa hanggang sa mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang
kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi
ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng
sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwa
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2
Ang abono o pataba (fertilizer) ay mahalaga sa pananim.
Pinagyayaman nito ang lupa upang maging sapat ang sustansiyang
taglay ng lupa na kailangan ng mga ugat ng pananim.
Dalawang Uri ng Abono o Pataba (Fertilizer)
1. Organikong Abono o Pataba (Organic Fertilizer) na gawa sa mga
nabubulok na materyal, ligtas itong gamitin at mura ang halaga
2. Di-organikong Abono o Pataba (Inorganic Fertilizer) na may halong kemikal
at nabibili sa mga tindahan o palengke.
Ang organikong pataba ay mga pataba na katulad ng
compost na galing sa mga duming binulok na dahon ng mga halaman
at iba pang mga bagay na maaaring matunaw.
Samantalang ang di-organikong pataba tulad ng urea (46-01) at complete fertilizer (14-14-14) ay inihanda sa prosesong kemikal at
mekanikal, subalit iminumungkahi na huwag masyadong gamitin
sapagkat ito ay nakasisira at hindi ligtas para sa tao.
Paglinang sa Kabihasaan
Pagpapakitang turo ng guro sa wastong paggawa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
ng organikong pataba sa pamamagitan ng basket composting.
Magbigay ng mga pagkalusugan at pangkaligtasang gawi sa
paggawa ng organikong pataba upang makaiwas sa
anumang sakit.
Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Ipabasa ang sitwasyon at sagutin ang katanungan.
Isang araw, nakita ni Mang Lito ang kanyang mga halamang
ornamental na naninilaw ang mga dahon at hindi namumulaklak. Kung
ikaw ang anak ni Mang Lito, ano ang sasabihin mo sa kanya? Bakit?
Paglalahat ng Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga masistemang pamamaraan sa pagaalaga ng halaman?
2. Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng organikong
pataba sa pamamagitan ng compost pit at compost heap.
3. Ano ang kabutihang naidudulot sa atin at sa ating
kapaligiran ang paggamit ng organikong pataba.
Tandaan na sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa
o mga nabubulok na mga basura tulad ng balat ng prutas at gulay,
mga tuyong dahon, damo at dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing
abono. Ito ay tinatawag na organikong abono na nakakaganda sa
kalidad o uri ng lupang pagtataniman.
Pagtataya ng Aralin
Isasagawa ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan ukol sa
paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan ng basket
composting. Narito ang pamantayan.
Pamantayan
1. Ginamit nang wasto ang mga
kagamitan sa paggawa.
2. Naisagawa ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa paggawa ng
compost.
3. Nasunod ng wasto ang mga
kaukulang pangkaligtasan at
pangkalusugang
gawi
sa
paggawa.
5
3
1
Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Gumawa ng sariling compost pit/ compost heap sa inyong tahanan.
Magpakuha ng larawan o video habang ginagawa ito at ipadala ito sa
guro.
Mga Tala
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Pagninilay
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Kabuuang Bilang: _____
Nakakuha:______
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
Kabuuang Bilang: _____
Hindi Nakakuha: _____
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
_____________________________________________________________________
_____________________________________________
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
Kabuuang Bilang: ______
Nakakuha:______
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
________________________________________________________
Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
_________________________________________________________
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
_________________________________________________________
POST-TEST
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters para matukoy ang tamang
salita na inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. NAOBO– kailangan ito ng mga halaman upang maging mataba at
malago ang mga pananim._________________________
2. NGITSOPOCM- sa pamamagitan nito, ang mga sariwa o mga
nabubulok na mga basura tulad ng mga balat ng prutas/gulay
dahon ng halaman at mga dumi ng mga hayop ay puwedeng
gawing abono.__________________
3. NGOAGROKIN ANOBO – uri ng abono na galing sa mga nabubulok
na bagay._____________________
4. TOSCOMP TIP- ito ay isang hukay kung saan nilalagay ang mga
nabubulok na bagay upang maging pataba. ____________
5. TEKABS MOPOCSNGIT- ito’y isang sisidlan kung saan nilalagay ang
mga nabubulok na bagay upang maging pataba.
B. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at M naman kung ito ay mali.
_______1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at diorganikong
abono.
_______2. Ang di-organikong pataba ay galing sa nabulok na prutas,
dumi ng hayop, mga nabubulok at iba pa.
_______3. Ang halaman ay kailangang bungkalin isa o dalawang beses
isang linggo.
_______4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para
madaling makita ng mga tao.
_______5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura,
dumi, ng mga hayop, apog, o abo, at lupa ang tamang
paglalagay sa compost heap/pit.
Prepared by:
VALERIE Y. DIZON
Adviser
Noted:
NOLITO C. PINEDA, Ed.D
Principal II
Download