Uploaded by April Mae Diolata

ang aninipot

advertisement
Pag – Aaral
By: Jarrah Jade Parcia
Mas importante ang pag – aaral
Unahin ito kaysa pamamasyal
Mga leksyon sana ay pag – aralan
Edukasyon iyong kailangan
Mahirap gumising ng maaga
Sadyang malamig ang klima
Madami ang mga asignatura
Pagtiyagaan mo na lang muna
Kapag ang guro ay napagalitan ka
‘Wag magalit yan ay disiplina
Unahin ang iyong pag –aaral
Kaysa minimithing pagmamahal
Magpasalamat ka sa mga magulang mo
Mag – aral lang upang ika’y matuto
Mahalaga talaga ang paaralan
Matutulungan ka sa kinabukasan
Romemar Jaco denomina ang 800 m Final
Sa bilis na 28.36 denomina ni Romemar Jaco ang 800 meter run (panlalaki) final sa idinadaos na
Palarong Pambayan na idinaos sa Lemery Municipal Plaza ,Setyembre 15,2016
Kampeon si Jaco sa naturang paligsahan matapos payukuin ang walong kalaban at tuluyang iniwan sa
track oval.
Samantala , nakuha naman nina Jon Del Pagdato ng Muyco Elementary School at Jerald Bores ng Jose
Almiňana Memorial Elementary School ang pangalawa at pangatlong puwesto sa bilis na 28.39 at 29.3.
Nakapuwesto si Jaco sa ikaanim na linya,naipakita niya ang magandang simula at napanatili ang bilis
hanggang umabot sa finish line.
“Masaya ako at nanalo ako sa larong ito hindi ko inaakala na mangyayari ito , basta ginalingan ko
lang’’sabi ni Jaco ng mapanayam ito.
‘’ Wala akong masabi kundi salamat at proud ako sa kanya’’sambit ni Juneven Sobrevega, coach ni Jaco.
Inuwi ni Jaco ang panalo at maglalaro sa CDSA Meet na gaganapin sa Estancia, Iloilo sa Oktobre 1821,2016.
Arian Jade Delos Reyes Kampeon 800 m ‘’Tibay lang ng sikmura ang puhunan ko para manalo’’
Sambit ni Delos Reyes Pambato ng Pontoc matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban sa 800
meter run final Pambabae sa idinadaos na Palarong Pambayan 2016 na idinaos sa Lemery Municipal
Plaza,Setyembre 15.
Nakaposisyon sa ikaanim na linya, tuluyang iniwan ni Delos Reyes ang mga kalaban at kinamkam ang
kampeonato sa naturang paligsahan.
Samantala,sinungkit nina Glory Ann Aseral at Trixia Leysa ng Jose Almiňana Memorial Elementary
School ang pangalawa at pangatlong puwesto.
‘’Practice ng practice lang ang ginawa ko para manalo ‘’sambit ni Delos Reyes nang mapanayam ito.
“Tama ang sinabi niya hindi talaga iya tumitigil sa pagpractice kaya siya nanalo” sabi ni Geraldin
Nesesario.
Inuwi ni De los Reyes ang gintong medalya at maglalaro sa CDSA MEET nagaganapin sa Estacia, Iloilo sa
Oktubre 18-21,2016
Download