Uploaded by Czernie

FIL-SA-PILING-LARANGAN-2 (1)

advertisement
FILIPINO SA PILING
LARANGAN
Presented By : Group 2
Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda
at Pananaliksik ng Akademikong Pagsulat
1. Katangian ng Mananalilsik/Manunulat
2. Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik o
manunulat
3. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa
akademikong
PAGSULAT NG
SINTESIS O BUOD
Ano ang sintesis at buod?
SINTESIS- malaman at pinaikling bersiyon ng
pinagsama-samang
mga
ideya
na
may
magkakatulad at magkakaibang punto-de-bista
mula sa iba't ibang sanggunian upang makabuo ng
panibagong ideya. 
BUOD- pinaikling bersyon ng isang teksto na
naglalahad lamang ng mahahalagang punto ng
nabasa.
BAKIT MAHALAGA ANG SINTESIS AT BUOD
Mahalaga ang pagsulat ng sintesis at buod upang higit na
maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o
sulatin. Sa pamamagitan ng pag sintesis o pagbubuod, higit na
magiging organisado ang pagkakaunawa sa isang sulatin. Kung
hindi kayan ibuod ang isang akda, nangangahulugang hindi
naunawaan ang binasa. Isang paraan ito upang makatiyak ang
mga akademikong institusyon na nagbasa at naunawaan ng mga
mag-aaral ang kanilang binasa.. Kapag may buod o sintesis, higit
na madali ang pagrerebyu dahil binibigyang-diin ditto ang
mahalagang punto ng mga binsang akda.
Layunin ng Sintesis o Buod
Ang Layunin nito ay makakuha ng mahalaga ngunit
maikling sulatin na kumakatawan sa kabuuan ng
takstong ibinuod.Taglay nito ang sagot sa mga
mahahalagang tanong katulad ng SINO, ANO,
PAANO, SAAN, AT KAILAN.
magbigay ng pinaiksing bersyon ng orihinal na teksto.
magbigay ng malinaw na pagpapakaintindi ng paksa.
Katangian ng Buod o Sintesis
1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o
impormasyong wala sa orihinal na teksto
4. Gumamit ng mga susing salita
5. Gumamit ng sariling salita.
Dalawang Anyo ng Sintesis
1. EXPLANATORY SINTESIS
-isang sulating naglalayong tulungan ang
mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga
bagay na tinalakay
2. ARGUMENTATIVE SYNTHESIS
-Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng
sumusulat nito.
TANDAAN:
Magkatulad na naglalagom ang buod at sintesis. 
Magkaiba ang buod at sintesis sa usapin ng mga ideyang nilalagom.
Sa buod, naglalagom ng isang akda na may pinupuntong iisang ideya.
Sa teknikal na kahulugan ng sintesis, tinatangka nitong tasahin ang
iba’t ibang ideya mula sa iba’t ibang batis ngkaalaman at binibigyan ng
integrasyon ang magkaibang mga ideya.
 May sariling opinion na makikita sa sintesis. Sa buod, kung may
kahingian ang guro na magsulat ng sariling opinyon, saka lamang ito
dapat gawin. Kung walang kahingian, isulat lamang ang pinakaideya o
lagom nito nang walang ibinibigay na opinyon.
Download